my short slide for my report in filipino.
the images has animation that's why there are some images in some of my slides that blocks the titles and other definitions .. :)))
3. Ang isang taong kulang ang kasanayan sa
pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng
ibang tao ang kanyang halaga at natatanging
katauhan.
Ang kabiguang maipahayag ang sarili nang
epektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng
pagguho ng mga pangarap.
Marami na ang natanyag at nagtagumpay bunga
ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita
sa paraang kinalulugdan ng mga tagapakinig.
5. Abraham Lincoln
Dating pangulo ng Estados Unidos
Ang kanyang Gettysburg Address at
ikalawang Inaugural Speech ay ang
pinakamahusay na talumpati sa
kasaysayan ng daigdaig.
Frankling Delano Roosevelt
Isang Pangulo ng Amerika
Ipinalagay na pinakamahusay na
mambibigkas sa kanyang panahon
6. John F. Kennedy
Pangulo ng Amerika
Tinalo si Nixon dahil sa kanyang
husay sa serye ng mga debateng
ipinalabas sa mga programang
pantelebisyon.
Demosthenes
Isang dakilang orador
Nagwagi ng laurel ng tagumpay
sa timpalak-pagtatalumpati.
7. DAPAT TAGLAYIN SA PAGSASALITA
Kaalaman.
You cannot say what you do not know. Kailangang alam mo ang
paksa sa isang usapan dahil di kapani-paniwala kung lagi kang
nangangapa sa iyong pagsasalita.
Kasanayan.
Kailangan ng bilis ng pag-iisip upang agad na masabi ng tao
ang kailangan niyang sabihin.
Tiwala sa sarili.
Ang mga walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi.
Madalas silang kabado kaya mahihirapan silang mapaniwala
ang iba at makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.
8. KASANGKAPAN SA
PAGSASALITA
Tinig
Kailangan angkop ang tinig sa partikular na sitwasyon
at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang
nagsasalitang
Bigkas
Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring
magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang
iyon.
9. Tindig
Hindi magiging kapani-paniwala ang isang
mambibigkas kung siya’y parang laging may sakit.
Kumpas
Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding
kahulugan
Kilos
Ang pagkilos ng iba’t ibang parte ng katawan ay
maaaring makatulong o makasira sa isang
pagsasalita
11. Xenophobia o Stage fright
Ay takot sa pagsasalita sa harap ng madla.
Takot na mapagtawanan bunga ng maling
grammar, maling bigkas, masagwang pagtindig,
kakatwang ideya o anyong pisikal.
12. Manipestasyon ng stage fright
Panginginig ng kamay
Pangangatog ng tuhod
Kawalan ng ganang kumain
Pananakit ng tiyan
Di pag-tulog
Pananakit ng ulo
Pagkautal
Pagkalimot sa sasabihin
Paninigas ng pagkakatayo
Kawalan ng panuunan ng paningin
Biglang pagbilis ng pulso
Mataas na presyon ng dugo
13. Paraan para maminimays ang stage
fright
Magkaroon ng positibong atityud
Magtiwala sa iyong sarili
Tanggapin ang iyong sarili
Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging
mahusay na tagapagsalita
Harapin mo ang takot
Magpraktis ka nang magpraktis
Isiping ang mga madlang tagapakinig ay
palakaibigan at hindi mapanghusga
Magbihis nang naaayon sa okasyon
Mag-imbak ng maraming kaalaman
Magdasal
14. PROPAYL NG ISANG EPEKTIBONG
ISPIKER
Dapat responsible ang isang ispiker
Magiliw siyang magsalita
May malawak siyang kaalaman hinggil sa paksang kanyang
tinatalakay
Siya ay palabasa
Siya ay palaisip
Mayroon siyang mayamang koleksyon ng mga ideya at
babasahin
May interes siya sa paksang kanyang tinatalakay
Siya ay obhetibo
Mayroon siyang sense of humor
Gumagamit siya ng angkop na salita
15. Nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang
mga tagapakinig
Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig
Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita
Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos
Hindi siya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng
kanyang mga tagapakinig
Maingat siya sa paggawa ng mga konklusyon,
paratang at batikos
May panauunan siya ng paningin sa kanyang mga
tagapakinig
Pinaniniwalaan at isinasa buhay niya ang ang
kanyang sinasabi
Wala siyang mga nadidistrak na mannerisms