1. Mga Uri ng Pangalan ayon sa Katangian at
Konsepto
2. Pangngalang Pantangi
• Tumutukoy sa tiyak o natatanging ngalan ng tao, lugar, at pangyayari.
• Ito ay galing sa salitang-ugat na “tangi” na ang ibig sabihin ay kakaiba sa
karaniwan.
• Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
3. Mga halimbawa:
1. Ang Bathala ng Karagatan ay gumawa ng mga nilalang na
nabubuhay sa ilalim ng tubig.
2. Sa Karagatang Pasipiko nagmula ang mga bagyo.
3. Si Maria Makiling ang kaisa-isang anak ni Dayang Makiling.
4. Pangngalang Pambalana
• Tumutukoy sa maramihan o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook, lugar, at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliliit na titik.
• Ang pangngalang Pambalana ay nauuri din ayon sa konsepto.
Ito ay ang mga:
- Pangngalang Tahas
- Pangngalang Basal
- Pangngalang Palansak o Lansakan
5. Pangngalang Tahas
• Tinatawag din itong pangngalang konkreto.
• Ito ay uri ng pangngalang na maaring makita, marinig, malasahan,
maamoy, mahipo, at mabilang.
• Maaring ring gamitin ang limang pandama upang matukoy ito.
6. Mga halimbawa:
1. Ang papel kung saan nakalista ang mga gawain ay pinunit.
2. Ang pusit ay nahuling dumating sa pagpupulong.
7. Pangngalang Basal
• Tinatawag din itong pangngalang di-konkreto.
• Ito ay uri ng pangngalang na hindi maaring gamitan ng limang pandama.
• Ito ay tumutukoy sa ideya, damdamin, o kaisipan.
8. Mga Halmbawa:
1. Ang Bathala ay nagalit dahil sa ipinakita ni pusit.
2. Ang tintang nilalabas ng mga pusit ay hindi mawawala
hanggang kamatayan.
9. Pangngalang Panlasak o Lansakan
• Tumutukoy sa pangkat o grupo ng tao, hayop, o bagay.
• Ito ay madalas may katabing ngalang ng tinutukoy.
10. Mga Halimbawa:
1. Ang grupo ng mga hayop ay pinulong ni Bathala.
2. Ang hukbo ng espadang isda ay hinirang ang mga pusit.