3. Natukoy ang mga
Nabigyang kahulugan katangian ng isang
ang aktibong aktibong
pagkamamamayan. mamamayan.
1 2
Nagawa ng isang
konkretong
pagpapakita ng
pagiging aktibong
mamamayan.
3
TIYAK NA LAYUNIN
4. Punan Mo!
Panuto: Punan ang mga nawawalang salita
sa patlang upang mabuo ang ideya ng
dalawang uri ng
pagkamamamayan.
7. Panuto:
VIDEO-SURI
edukasy
Sa tulong ng isang pang-
susuriin
on na video panunuurin at
konsepto
ng mga mag-aaral ang
ng bayanihan.
Link: https://youtu.be/DDp1wCNP6DQ
8. BAYANIHAN
Maging kasapi sa iisang
pamayanan
BAYANIHAN
Diwa nang nasabing
pag-uugali natin.
COMMUNITY PANTRY
11. PAGKAMAMAMAYAN
“Ang mabuting mamamayan ay dapat
nakikialam sa mga di-kaayusan at
kaguluhan ng lipunan at mapanaliksik ng
mga kalutasan sa mga problema ng
bayan.
12. PAGKAMAMAMAYAN
Napakarami ng mga di-kaayusan,
kaguluhan at mga problema ng ating
bayan. Trapik, baha, maruming paligid,
droga, prostitusyon, krimen, katiwalian,
kahirapan, pagsira sa kalikasan at iba pa.
13. PAGKAMAMAMAYAN
Ang pakikialam ay ang maalab na hangaring
mapabuti ang lipunan. Ang pagbatid sa
partikular na problema ng bayan at mga
sanhi nito at ang paghanap at paggawa ng
solusyon dito.
14. PAGKAMAMAMAYAN
Ang pakikialam ay maaaring gawin sa
pamamagitan ng paggawa o hindi
paggawa ng mga bagay na makabubuti o
makasasama sa bansa.
15. Lahat ba ng isyung panlipunan ay
maaari nating pakialaman at bigyan
ng kasagutan?
16. PAGKAMAMAMAYAN
May mga di-kaayusan at kaguluhan
sa lipunan na maaaring pakialaman
ng sinuman, sapagka’t ang sanhi at
kalutasan nito ay ang ating sarili,
gaya ng problema sa trapik, baha at
maruming paligid.
17. PAGKAMAMAMAYAN
Halimbawa, dapat nating pakialaman ang
buhol-buhol na trapik sa pamamagitan ng
pagmamando rito (kung marunong kayong
magtrapik) o hindi paglabag sa batas
trapiko, tulad ng hindi pagtigil kahit saang
kanto o hindi pagkuha sa linya ng ibang
nagmamaneho.
18. PAGKAMAMAMAYAN
Ang problema sa baha ay dapat
nating pakialaman sa pamamagitan
ng paglinis ng mga estero o hindi
pagtapon ng basura dito.
20. PAGKAMAMAMAYAN
Samakatuwid, ano mang di-kaayusan at
kaguluhan sa lipunan na tayo ang sanhi
at siyang makapagbibigay kalutasan ay
dapat nating pakialaman, sa
pamamagitan ng paggawa o hindi
paggawa ng mga bagay na alam nating
mabuti o masama.
21. PAGKAMAMAMAYAN
May mgaproblema ng bayanna nangangailanganng partikular
nakaalaman upangmalunasan.
Halimbawa, ang dapat makialam sa pagsabog
ng bulkan ay yaong mga nag-aral tungkol dito.
Ang usapin tungkol sa panlabas na relasyon ng
bansa ay marapat ipagkatiwala sa mga eksperto
rito.
22. PAGKAMAMAMAYAN
Ang hangarin ng mga katutubo na pasiyahan ang
kanilang kabuhayan at kinabukasan ay dapat
ipagkatiwala sa mga nag-aral tungkol rito. Hindi
maaaring ipagkatiwala ang mga ganitong
problema ng bansa sa mga taong ang solusyon ay
haka-haka.
Kanya-kanya ng kaalaman ang tao. Ang talino at
kakayahan ng tao ay hindi sa lahat ng bagay.
23. PAGKAMAMAMAYAN
Samakatuwid, pakialaman lamang natin
yung mga bagay na mayroon tayong
kaalaman. Huwag nating panghimasukan
ang hindi natin nalalaman. Lalong gugulo
ang ating bayan kung lahat ay
magsasabing sila ang makalulutas sa mga
partikular na problema ng bayan.
24. PAGKAMAMAMAYAN
Ipagkatiwala natin sa mga taong
nagsunog ng kilay sa partikular na pag-
aaral ang kalutasan sa mga partikular na
problema ng ating bayan.
25. PAGKAMAMAMAYAN
Marami sa ating mga kababayan ang mga
eksperto at dalubhasa sa iba’t ibang
larangan ng pag-aaral, mga doktor hindi
lamang sa medisina, subali’t sa halos lahat
ng sangay ng katalinuhan, siyensa, enheriya,
araling panlipunan, literatura, pilosopiya at
iba pa.
26. PAGKAMAMAMAYAN
Mas higit na masusulusyunan ang mga
partikular na problema ng bayan kung ang
mga nag-aral tungkol rito ang makikialam
at ating pakikinggan.
27. PAGKAMAMAMAYAN
Higit sa lahat, ang ating mga kababayang
nagsunog ng kilay at nagpakadalubhasa sa
partikular na pag- aaral ang dapat makialam
sa mga partikular na problema ng bayan.
28. PAGKAMAMAMAYAN
Kaugnay nito, ang mga matatalino at
dalubhasa nating kababayan na nangibang-
bansa upang kumita ng mataas na suweldo
ay dapat makialam at manumbalik sa ating
bayan, upang tumulong sa kalutasan ng mga
problema ng bansa.
29. PAGKAMAMAMAYAN
Dapat nilang ibahagi ang kanilang talino at panahon
sa paglutas sa mga higanteng problema ng bayan.
At hindi basta pakikialam ang dapat nilang gawin,
subali’t ang magsaliksik ng mga kalutasan sa mga
suliranin ng bayan. Ang lumikha ng pangmatagalang
solusyon sa mga problema at maaaring maging
problema ng bansa.
31. Gawain 1
:IpaskilMo!
Panuto: Maghanap at gumupit o gumuhit
ng mga larawan na nagpapakita ng
pagiging aktibong mamamayan at idikit sa
loob ng kahon. Gamit ang mga nasabing
larawan bigyan ng kahulugan ang salitang
Aktibong Pagkamamamayan.
32. Gawain 2:Aksiyonko!
Panuto: Panuto: Itala sa loob ng kahon ang
katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan sa panahon ng
pandemic sa inyong barangay.
33. Gawain: Share Ko Lang!
Panuto: Gumawa ng sanaysay na
aktibong
nagpapakita ng pagiging
sa lumalaganap na
sa panahon ng
Pantry”
Isalaysay kong papaano
mamamayan
“Community
pandemic.
ipinapakita ang pagiging aktibong
mamamayan sa bahagi ng mga
tumutanggap at nagbibigay ng tulong.