SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 11
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 1 Facebook Fan Page: /EmilZosa
(Tinalakay ni Emil Zosa, kandidato ng LP sa pagka-gobernador sa Convener’s Assembly ng
Bag-o Nga Samar Movement, na ginanap noong Oktubre 29, 2015, sa Marju-Krisel Hotel &
Resort, Calbayog City, Western Samar. Tinanggap at inaprubahan ito ng Assembly bilang sariling
programa).
PAMBUNGAD
Mahal natin ang lalawigan ng Samar. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais
nating tunay na pagbabago.
Nagbigkis tayo laban sa kontra-mamamayang kasalukuyang administrasyon sa
kapitolyo, para sa tunay na pagbabago at mabuting pamamahala. Tiyakin na ang
susunod na henerasyon sa ating lalawigan ay makapamuhay sa isang bayan na tunay na
maunlad at may pagmamalasakit sa mamamayan.
Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2016
para putulin at wakasan ang pagha-hariharian ng bulok na administrasyon na ito, na
kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at paatras na istilo ng pamumuno. Nais
natin ang maunlad at payapa na Bagong Samar.
Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang administrasyon ng lalawigan ang nais
natin.
Mas mahalaga ang kinakailangang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang
kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot,
at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 2 Facebook Fan Page: /EmilZosa
pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa mamamayan ng
Samar.
Alinsunod sa prinsipyo at balangkas (framework) ng PULITIKA NG PAGBABAGO,
ipapatupad natin ang tunay na paglilingkod sa mamamayan ng Samar:
➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay nagtataguyod ng tunay na paglilingkod at
pananagutan sa mamamayan. Kalaban nito ang luma at bulok na pulitikang
nakabatay sa pangungurakot at pamumudmod ng pera.
➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay tumutugon sa isyu ng mahihirap na pamilya
at inaaping mamamayan. Kalaban nito ang bulok na pulitika ng pangako, pananakot
at panloloko sa mamamayan at pulitika ng sariling kapakanan lamang ng angkan.
➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay nakabatay sa pampulitikang reporma,
programang maka-mamamayan at hustisyang pang-lipunan.
Batay sa PULITIKA NG PAGBABAGO, ang pagmamahal sa ating probinsiya sa
kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa mga sumusunod na adhikain at mga
hakbang.
TUNGO RITO, sama-sama nating ipatutupad ang mga sumusunod na 9-Point People’s
Agenda Para sa Bagong Samar:
9-POINT PEOPLE’S AGENDA FOR
A NEW SAMAR
1.ENVIRONMENTAL & COASTAL RESOURCE MANAGEMENT
A. GREEN UPLAND DEVELOPMENT PROGRAM
1. Agro-forestry Program – Ipatupad at idebelop ang agro-forestry program sa
mga pamilya at komunidad sa upland. Pagtatanim ng mga punong-kahoy at
intercropped ng mga pananim na gulay at iba pang produktong agrikultural
(agri-crops).
2. Sustainable livelihood - Lumikha ng kagyat na dagdag na pagkakakitaan para
sa mga pamilya sa upland kabilang ang programa para sa reforestation.
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 3 Facebook Fan Page: /EmilZosa
3. Likhain ang Green Upland Development Council sa antas lalawigan para sa
program management and development. Organisahin at katuwangin ang mga
upland communities para dito.
B. COASTAL RESOURCE MANAGEMENT
Mahigit 80 porsiyento ng populasyon ng Samar ay nakatira sa loob ng 10
kilometrong saklaw mula sa coastal area na direkta at di-direktang lumalahok o
nakadepende ang kabuhayan sa coastal at karagatan.
Sa nakalipas na mahigit labing limang (15) taon, ang mga komunidad sa coastal
area ay patuloy na nakakaranas ng kahirapan dulot ng papaliit na bilang ng huling
isda, kawalan ng sustenable na kabuhayan at kawalan ng serbisyong panlipunan.
Ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at mismanagement sa mga coastal
resources ay malaking banta sa pinagmumulan ng pagkain at kabuhayan sa buong
lalawigan. Ang kasalukuyang kalagayan ng Samar coastal resources ay
kinakailangan ang kagyat at epektibong interbensiyon ng pamahalaan katuwang
ang mga mangingisda at mamamayan.
Batay dito, ilulunsad sa ilalim ng Bagong Samar ang mga sumusunod na
programa:
1. Buuin ang partnership ng LGU at NGOs/POs sa pagbubuo ng Fisheries and
Coastal Resources Management Councils sa buong Samar, mula antas
probinsiya hanggang antas barangay.
2. Mangrove Conservation and Reforestation - Ekpansiyon ng mangrove forest belt
sa coastal na may lapad na 20-50 metro sa kahabaan ng coastal sa buong
Samar.
3. Bigyan ng pangunahing suporta ang mga municipal fisherfolk sa pamamagitan
ng angkop na teknolohiya (appropriate technology) at sapat na financial at
marketing assistance at iba pang serbisyo.
2.MEDICAL AND HEALTH SERVICES
“The State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health
development which shall endeavor to make essential goods, health and other social
services available to all the people at affordable cost. There shall be priority for the
needs of the underprivileged, sick, elderly, disable, women and children” (Article XIII,
Section 11).
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 4 Facebook Fan Page: /EmilZosa
MEDIKAL AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN NG BAWAT PAMILYA
Sa Bagong Samar, itataas ang antas ng kakayahan at pasilidad ng ating mga
Hospital, kabilang ang dagdag na suweldo at training ng karagdagang health
personnel na mag-duty ng 24 oras at sapat na suplay ng mga gamot.
Kamtin ang mga sumusunod na serbisyo:
A. Primary Preventive Services
1. Health consultation
2. Visual inspection with acetic acid
3. Regular BP measurements
4. Breastfeeding program education
5. Periodic clinical breast examinations
6. Counseling for lifestyle modification
7. Counseling for smoking cessation
8. Body measurements
9. Digital Rectal Examination
B. Diagnostic Examinations
1. Complete Blood Count (CBQ)
2. Urinalysis
3. Fecalysis
4. Sputum microscopy
5. Fasting Blood Sugar
6. Lipid profile
7. Chest x-ray
C. Drugs and medicine:
1. Asthma including nebulization services
2. Acute Gastroenteritis (AGE) with no or mild dehydration
3. Upper Respiratory Tract Infection (URTI)/Pneumonia (minimal mad low risk)
4. Urinary Tract Infection (UTI)
TRADITIONAL AND ALTERNATIVE HEALTH CARE PROGRAM:
Preventive Health Care system - Buuin ang angkop at komprehensibong programa
at muling paggamit ng mga tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot,
alinsunod sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of
1997“;
Community-based health service - Ipalaganap sa bawat barangay ang ”Herbal
Garden/Plantation” sa pangunguna ng mga barangay health workers..
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 5 Facebook Fan Page: /EmilZosa
Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga Municipal/barangay
health workers sa acupuncture, massage/hilot therapy at mga katulad na ligtas na
paraan ng preventive health care practices.
3.INFRASTRUCTURE FOR THE PEOPLE
IMPRAISTRUKTURA PARA SA MAMAMAYAN
Ipatupad ang mga proyektong impraistruktura batay sa kahilingan ng mamamayan at
direktang nagsisilbi sa kanilang mga pangangailangan. Pagtugon din ito sa
urbanisasyon at paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Bagong Samar:
1. Lutasin ang mga suliranin ng mga magsasaka, mangingisda at mamamayan para
sa mahusay na kalsada partikular ang pangangailangan ng Farm-to-Market-Road;
2. Pagtatayo ng mga kinakailangang daycare centers, health centers, multipurpose
centers, sports centers, tulay at iba pang kahilingan ng mamamayan;
3. Pagtatayo ng mga modernong commercial Sea Port; at
4. Hikayatin ang mga lokal at dayuhang investor at buuin ang Public Private
Partnership (PPP) at katulungin sila sa iba pang kinakailangang impraistruktura
para sa kagalingan ng mamamayan.
4.LIVELIHOOD & JOB CREATION
LIKHAIN ANG MGA OPORTUNIDAD SA TRABAHO AT PANGKABUHAYAN SA BAGONG
SAMAR:
1. Samar Economic Development Program (SEDP) - Likhain ang SEDP para
likhain ang komprehensibong Economic Development Blueprint ng ating lalawigan.
Hikayatin ang mga mamumuhunan mula sa ibang bayan at ibayong-dagat. Itayo
ang mga pabrika at iba pang negosyo sa ating lalawigan kabilang ang
manufacturing and processing plant ng ating produktong agrikultural at yamang-
dagat.
2. Likhain ang Samar Investment Code alinsunod sa Local Government Code of
1991 at Omnibus Investments Code (Executive Order no. 226), para dumagsa ang
mga lokal at dayuhang investors sa ating lalawigan.
3. Buksan ang mga oportunidad sa agri-business at Eko-Turismo at hikayatin
ang mga negosyante, entrepreneurs, OFW’s at mga kooperatiba para likhain ang
mga negosyo at hanap-buhay para sa ating mga kababayan.
4. Bigyan ng lubos na proteksiyon at diskwento sa buwis at iba pang insentibo
ang mga investors, kabilang ang mga lokal na negosyo (small and medium
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 6 Facebook Fan Page: /EmilZosa
enterprise)/ entrepreneurs, kooperatiba at OFW’s.
5.JUSTICE & PEACE FOR ALL
KATARUNGAN SA LAHAT NG BIKTIMA NG PAMAMASLANG!
Hindi na mabilang ang mga biktima at kaso ng pamamaslang at human rights
violation sa ating lalawigan. Lahat ay naganap sa nakalipas na labing limang taon.
Kelan man ay hindi makakamit ang katarungan at kapayapaan sa kasalukuyang
administrasyon sa Kapitolyo.
ANG KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN AY MAKAKAMIT LAMANG SA ILALIM NG BAGONG
SAMAR!
1.Ilunsad ang isang malawak na kilusan ng mamamayan kabilang ang mga taong
simbahan at midya laban sa mga goons, gangster at kriminal sa ating lalawigan.
2.Hulihin, ikulong at usigin ang mga goons at gangster na kriminal at pasimuno sa
mga walang pakundangang pamamaslang sa lalawigan ng Samar.
3.Igalang ang karapatang pantao alinsunod sa “Article 3, Universal Declaration of
Human Rights” (Every human being has the inherent right to life. This right shall
be protected by law. No one shall be arbitrarily deprived of his life).
4.Maglagay ng CCTV camera sa bawat eryang komersiyal at bawat bayan bilang
bahagi ng prebensiyon at proteksiyon laban sa kriminalidad.
5.Itayo ang ”Para-legal group” sa bawat bayan para sa mabilis at libreng serbisyong
legal sa mamamayan, lalo na sa mga maralitang pamilya. Ang ”Para-legal group”
ay tutugon sa mga kasong administratibo, sibil at kriminal.
6.Maagap na magbigay ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa mga
maralita na biktima ng karahasan at panggigipit.
6.ZEAL OF GOOD GOVERNANCE
Itatakwil ng Bagong Samar at babaguhin nito ang umiiral na mis-governance sa
kapitolyo. Ipatupad ang mga sumusunod na sangkap ng isang tunay na mabuting
pamamahala at responsableng pangangalaga sa kabang yaman at rekursong
pampubliko:
1. Governance with Accountability - Nararapat ang pananagutan sa bayan at
serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa pondo ng
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 7 Facebook Fan Page: /EmilZosa
bayan. Batay sa saligang batas ng Pilipinas, (Article XI, Section 1) - “Public office
is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable
to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and
efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.”
2. Governance with People’s Participation - “Good governance is easily achieved
if its responsibilities are shared by the people. A system of partnership between
the governor and the governed gives impetus to the time-honored principle that,
indeed,"Sovereignty resides in the people and all government authority emanates
from them”. (Article II, Section 1, Philippine constitution).
Ang kurapsiyon ay mababawasan lamang kung mayroong aktibong partisipasyon
ang mga ordinaryong mamamayan sa paggo-gubyerno, kabilang ang pagdinig sa
kanilang pasya kung saan at paano gugugulin ang pondong publiko.
Gawing institusyon at ipatupad ang paglahok ng mga POs/NGOs sa lahat ng antas
ng pamamahala – mula antas lalawigan hanggang barangay. Tiyakin ang mga
demokratikong public hearing bago planuhin at ipatupad ang mga proyektong
makakaapekto sa mamamayan.
3. Human Resource Management and Development Office (HRMDO) – Likhain
ng HRMDO para palakasin ang human resource management and organizational
development. Ibasura ang padrino system at tugunan sa paraang propesyunal ang
human resource (HR) management - recruitment, retention, rewards, recognition,
and retirement. Sa halip na nakabatay sa sistemang padrino, pipiliin ang
pinakamahusay na kawani ng pamahalaan at iba pang workforce batay sa merito
na tutugon sa mahusay na pagpapatakbo ng gobyerno alinsunod sa tunay na
kahulugan ng good governance.
4. Electronic Governance (e-Governance): Laban sa bureaucratic red-tape -
Sugpuin ang bureaucratic red-tape at pabilisin ang mga transaksiyon ng
mamamayan sa kapitolyo, munisipyo at barangay. Batay dito, ipatupad ang full
computerization at automation sa buong kapitolyo at mga lunsod at
pangunahing bayan, alinsunod sa pambansa at internasyunal na pamantayan.
Sa ganitong sistema, kahit saang panig ng mundo ang mga Samarnon ay
maaaring gumawa ng transaksiyon ONLINE para kumuha o mag-renew ng permit,
rehistro, lisensiya sa negosyo at iba pang serbisyo ng kapitolyo nang, hindi na
kailangan pang kunin ang pirma at hingan ng suhol ng iba’t-ibang
mapagsamantalang kawani at otoridad.
Samantala, repasuhin at ipatutupad ang epektibong Citizen’s Charter para sa
mabilis na transaksiyon, proseso at serbisyo (3-5 minutes release), lalo na para sa
mamamayang di pa makagamit ng kompyuter/online.
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 8 Facebook Fan Page: /EmilZosa
7.OPENNESS & TRANSPARENCY
Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma
laban sa korupsiyon.
Usigin at papanagutin ng Bagong Samar ang mga matataas na upisyal ng lalawigan
at mga kasabwat nito na sangkot sa mga katiwalian. Tiyakin ang pag-iral ng
katapatan ng lahat ng kawani ng gubyerno, halal man o appointed.
Kinakailangan ipatupad ang mga sumusunod na patakaran para sa bagong Samar:
1. IPATUPAD ANG FULL DISCLOSURE POLICY - Isapubliko ang dokumento ng
mga pampublikong kontrata at kasunduan, taunang gastos at kita, kabilang ang
taunang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng lahat ng mga
pampublikong upisyal (Article XI Section 17, Philippine Constitution).
Ang lahat ng mga dokumentong publiko at taunang ulat sa bawat sentimong
ginastos at kinita ng pamahalang panlalawigan ay nararapat isapubliko sa
pamamagitan ng opisyal na website alinsunod sa Local Government Code (Section
352, Republic Act No. 7160).
2. TRANSPARENCY SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN:
1. Ibukas sa publiko ang bawat sesyon ng Sangguniang Panlalawigan bilang mga
aktibong obserber.
2. Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat sesyon ng
Sangguniang Panlalawigan, upang mapanood ng mamamayan ang mga proseso
sa pagbubuo ng mga ordinansa’t resolusyon ng Sanggunian.
Ang bawat naka-rekord na sesyon ng sanggunian ay maagap na i-upload sa
opisyal na website ng pamahalaang panlalawigan ng Samar bilang reference ng
publiko, kabilang ang mga kababayan na OFW.
8.SOCIAL SERVICES
SA BAGONG SAMAR, TUNAY NA SERBISYO HINDI NEGOSYO!
Ipatupad ang mga kinakailangang serbisyong panlipunan para sa bawat pamilya at
mamamayan, kabilang ang serbisyo sa edukasyon, pagkalinga sa mga Senior Citizen
at mga kababayang OFWs.
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 9 Facebook Fan Page: /EmilZosa
A. EDUKASYON AT SCHOLARSHIP
Bigyan ng mataas na atensiyon at interbensiyon ang edukasyon at magandang
kinabukasan ng mga kabataan sa ilalim ng Bagong Samar:
1. College Scholarship – ipatupad ang programang ”isang iskolar bawat
maralitang pamilya”;
2. Study-Now-Pay-Later program para sa mga maralitang kabataan at Out-of-
School Youth (OSY);
3. Libreng bayarin sa lahat ng mga mga pampublikong paaralan, mula sa
primarya hanggang sekundaryang antas;
4. Pagtatayo ng iskwelahan ng Pre-School sa mga piling Barangay;
5. Makabuluhang Insentibo sa bawat gurong pampubliko;
6. Itayo ang ”TESDA accredited Skills and Training facilities” sa bawat
munisipalidad at piling barangay para sa kapakinabangan ng mga kabataan at
mamamayan.
B. SERBISYO SA PAMILYA NG MGA OFWs
Libu-libong Samarnon ang nagingibang-bayan para maging OFW. Batay dito,
nararapat suklian ang mga tinaguriang ”buhay na bayani” sa kanilang
kontribusyong pang-ekonomiya sa bansa at sa ating lalawigan.
Kung kaya’t, nararapat itayo ang OFW Welfare Center sa antas lalawigan,
lunsod at bayan para sa kagalingan ng mga kababayan nating OFWs at kanilang
pamilya.
Ang OFW Welfare Center ay magsisilbing One-Stop Processing Service Center
(OPSC), para sa serbisyo sa pagproseso ng: authenticated NSO-birth and marriage
certificates; Police/NBI clearance; passport processing at katulad na dokumento
para sa pagtatrabaho sa abroad.
Iba pang serbisyo ng OFW Welfare Center:
1. Work-Abroad, Pay-Later Program - Pautang ng pamahalaan ng walang
interest para sa mga kababayang kwalipikado na sa pag-abroad.
2. Livelihood and Training Assistance - Pautang na walang interest para sa
mga pamilya ng OFW sa kanilang livelihood projects. Kabilang ang pagbibigay
sa kanila ng libreng enterpreneurial training.
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 10 Facebook Fan Page: /EmilZosa
.
C. SERBISYO SA MGA SENIOR CITIZENS
“Pursuant to Article XV, Section 4 of the Constitution, it is the duty of the family to
take care of its elderly members while the State may design programs of social
security for them“.
Batay dito, ipatutupad ang mga sumusunod na programa at patakaran:
1) Itayo at palakasin ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), mula antas
lalawigan hanggang barangay;
2) Lumikha ng mekanismo kung saan maaaring imaksimisa ang kontribusyon ng
mga senior citizen sa komunidad/lipunan;
3) Lumikha ng mga pamamaraan para sa pagpapahusay sa kalagayan ng mga
senior citizen at kanilang produktibong partisipasyon sa lipunan;at
4) Lumikha ng programa para sa benepisyo ng mga senior citizens, ng kanilang
pamilya at komunidad na kinabibilangan nila.
3. Pagbibigay ng libreng enterpreneurial training na angkop sa kanilang edad.
.
D. SPORTS DEVELOPMENT PROGRAM SA KABATAAN
Provincial Sports Development Program – Itayo ang Provincial Sports
Development Council para sa pagbubuo ng isang komprehensibong sports
program sa buong lalawigan ng Samar. Isang programa para mapaunlad ang
kakayahan at malikha ang mga oportunidad para sa lahat ng atletang Samarnon
at makalahok sa mga paligsahan tulad ng Palarong Pambansa.
9.AGRICULTURAL DEVELOPMENT
Nararapat tugunan ng pamahalaan at lutasin ang lumalaking suliranin sa agrikultura,
kabilang ang mataas na presyo sa mga gamit sa produksiyon tulad ng binhi,
sentitikong pestisidyo’t abono; suliranin sa patuloy na pagiging asidiko ng lupaing
agrikultural at suliranin sa mga barat na middlemen/ negosyante at ganid na kartel
na namimili ng produktong agrikultural.
HAKBANG NG BAGONG SAMAR PARA SA SUSTAINABLE AGRICULTURE:
1. Samar Bio-Organic Research& Development Center (SBRDC) -
Itayo ang SBRDC bilang hakbang para sa institusyunalisasyon, debelopment at
sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Samar, batay sa Philippine Organic
Agriculture Act (Republic Act No. 10068). Maglaan ng sapat na taunang pondo
para dito.
2. Back to basics, Go Organic -Ilunsad ang isang kilusang-bayan, ”Back to
Facebook Group: /NewSamarMovement/ 11 Facebook Fan Page: /EmilZosa
Basics, Go Organic” – isang empowerment campaign na nakadiin sa gawaing
edukasyon/training, impormasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sektor ng
magsasaka at mamamayan.
3. Organic Trading Center- Itayo sa sa mga piling bayan ng Samar ang
sentral na bagsakan ng lahat na mga produktong agrikultural, organiko/di-
organiko, bilang trading center. Magkatuwang na pamamahalaan ito ng kaukulang
LGU at kooperatiba ng mga magsasaka.
4. Itayo ang mga Organisasyon at Kooperatiba - Itayo at palakasin ang
mga organisasyon at pederasyon ng mga kooperatiba ng magsasaka bilang mga
pundasyon ng kilusang-bayan na ”Back to Basic, Go Organic”, mula sa probinsiya
hangang sa antas barangay.
5. Eco-Products at Organic Fertilizer Production - Lumikha ng iba’t-
ibang eco-agricultural products kabilang ang poultry at piggery. Itayo at i-debelop
sa bawat munisipalidad ang mga Organic Fertilizer Production and Processing Plant
tungo sa pagiging self-reliance.
6. Greencentive (Green Incentive) -Gumawa ng kinakailangang ordinansa
at mekanismo para tukuyin ang mga insentibo (tulad ng libreng buwis) sa mga
magsasakang gumagamit ng organic farming kabilang ang fertilizer production at
iba pang produktong eco-friendly.
# # #

Más contenido relacionado

Similar a 9-Point People's Agenda for a New Samar

8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza
8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza
8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy MudanzaJasmine Santiago
 
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptxLourdesAbisan1
 
Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4JeffreyDummy
 
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfAP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfVleidy
 
Patakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxPatakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxssuserf670e4
 
PPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptxPPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptxalvinbay2
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxValDarylAnhao2
 
Ikalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismoIkalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismokelvin kent giron
 
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptx
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptxAP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptx
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptxRosebelleDasco
 
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Department of Education-Philippines
 
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaan
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaanBelardo 6 smc proyekto ng pamahalaan
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaanAlice Bernardo
 
Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Poodle CL
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon edmond84
 
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptx
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptxSAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptx
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptxciegechoy2
 

Similar a 9-Point People's Agenda for a New Samar (20)

8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza
8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza
8 Puntong REPORMA tungo sa Progresibong Bansud - Roy Mudanza
 
URI NG PAGBASA
 URI NG PAGBASA  URI NG PAGBASA
URI NG PAGBASA
 
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 7 inkay_peralta.pptx
 
Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4Araling Panlipunan grade four week four 4
Araling Panlipunan grade four week four 4
 
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfAP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
 
Patakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxPatakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptx
 
PPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptxPPT AP6 Q2 W3.pptx
PPT AP6 Q2 W3.pptx
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
MODULE 1_Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
 
Budget of work 4 (1)
Budget of work  4 (1)Budget of work  4 (1)
Budget of work 4 (1)
 
aralpan 10-C.pptx
aralpan 10-C.pptxaralpan 10-C.pptx
aralpan 10-C.pptx
 
Ikalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismoIkalawang yugto ng imperyalismo
Ikalawang yugto ng imperyalismo
 
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptx
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptxAP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptx
AP-4-WEEK-4-QUARTER-3.pptx
 
Mata
MataMata
Mata
 
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
Ang mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran ng Bansa...
 
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaan
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaanBelardo 6 smc proyekto ng pamahalaan
Belardo 6 smc proyekto ng pamahalaan
 
Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon
 
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptx
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptxSAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptx
SAMA SAMANG PAGKILOS TUNGO SA PAMBANSANG KAUNALARAN.pptx
 

Último

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 

Último (20)

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 

9-Point People's Agenda for a New Samar

  • 1. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 1 Facebook Fan Page: /EmilZosa (Tinalakay ni Emil Zosa, kandidato ng LP sa pagka-gobernador sa Convener’s Assembly ng Bag-o Nga Samar Movement, na ginanap noong Oktubre 29, 2015, sa Marju-Krisel Hotel & Resort, Calbayog City, Western Samar. Tinanggap at inaprubahan ito ng Assembly bilang sariling programa). PAMBUNGAD Mahal natin ang lalawigan ng Samar. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating tunay na pagbabago. Nagbigkis tayo laban sa kontra-mamamayang kasalukuyang administrasyon sa kapitolyo, para sa tunay na pagbabago at mabuting pamamahala. Tiyakin na ang susunod na henerasyon sa ating lalawigan ay makapamuhay sa isang bayan na tunay na maunlad at may pagmamalasakit sa mamamayan. Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2016 para putulin at wakasan ang pagha-hariharian ng bulok na administrasyon na ito, na kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at paatras na istilo ng pamumuno. Nais natin ang maunlad at payapa na Bagong Samar. Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang administrasyon ng lalawigan ang nais natin. Mas mahalaga ang kinakailangang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, kawalan ng hustisya, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Pagbabagong nagdadala ng komprehensibong
  • 2. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 2 Facebook Fan Page: /EmilZosa pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang programa para sa mamamayan ng Samar. Alinsunod sa prinsipyo at balangkas (framework) ng PULITIKA NG PAGBABAGO, ipapatupad natin ang tunay na paglilingkod sa mamamayan ng Samar: ➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay nagtataguyod ng tunay na paglilingkod at pananagutan sa mamamayan. Kalaban nito ang luma at bulok na pulitikang nakabatay sa pangungurakot at pamumudmod ng pera. ➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay tumutugon sa isyu ng mahihirap na pamilya at inaaping mamamayan. Kalaban nito ang bulok na pulitika ng pangako, pananakot at panloloko sa mamamayan at pulitika ng sariling kapakanan lamang ng angkan. ➨ Ang PULITIKA NG PAGBABAGO ay nakabatay sa pampulitikang reporma, programang maka-mamamayan at hustisyang pang-lipunan. Batay sa PULITIKA NG PAGBABAGO, ang pagmamahal sa ating probinsiya sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa mga sumusunod na adhikain at mga hakbang. TUNGO RITO, sama-sama nating ipatutupad ang mga sumusunod na 9-Point People’s Agenda Para sa Bagong Samar: 9-POINT PEOPLE’S AGENDA FOR A NEW SAMAR 1.ENVIRONMENTAL & COASTAL RESOURCE MANAGEMENT A. GREEN UPLAND DEVELOPMENT PROGRAM 1. Agro-forestry Program – Ipatupad at idebelop ang agro-forestry program sa mga pamilya at komunidad sa upland. Pagtatanim ng mga punong-kahoy at intercropped ng mga pananim na gulay at iba pang produktong agrikultural (agri-crops). 2. Sustainable livelihood - Lumikha ng kagyat na dagdag na pagkakakitaan para sa mga pamilya sa upland kabilang ang programa para sa reforestation.
  • 3. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 3 Facebook Fan Page: /EmilZosa 3. Likhain ang Green Upland Development Council sa antas lalawigan para sa program management and development. Organisahin at katuwangin ang mga upland communities para dito. B. COASTAL RESOURCE MANAGEMENT Mahigit 80 porsiyento ng populasyon ng Samar ay nakatira sa loob ng 10 kilometrong saklaw mula sa coastal area na direkta at di-direktang lumalahok o nakadepende ang kabuhayan sa coastal at karagatan. Sa nakalipas na mahigit labing limang (15) taon, ang mga komunidad sa coastal area ay patuloy na nakakaranas ng kahirapan dulot ng papaliit na bilang ng huling isda, kawalan ng sustenable na kabuhayan at kawalan ng serbisyong panlipunan. Ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at mismanagement sa mga coastal resources ay malaking banta sa pinagmumulan ng pagkain at kabuhayan sa buong lalawigan. Ang kasalukuyang kalagayan ng Samar coastal resources ay kinakailangan ang kagyat at epektibong interbensiyon ng pamahalaan katuwang ang mga mangingisda at mamamayan. Batay dito, ilulunsad sa ilalim ng Bagong Samar ang mga sumusunod na programa: 1. Buuin ang partnership ng LGU at NGOs/POs sa pagbubuo ng Fisheries and Coastal Resources Management Councils sa buong Samar, mula antas probinsiya hanggang antas barangay. 2. Mangrove Conservation and Reforestation - Ekpansiyon ng mangrove forest belt sa coastal na may lapad na 20-50 metro sa kahabaan ng coastal sa buong Samar. 3. Bigyan ng pangunahing suporta ang mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng angkop na teknolohiya (appropriate technology) at sapat na financial at marketing assistance at iba pang serbisyo. 2.MEDICAL AND HEALTH SERVICES “The State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development which shall endeavor to make essential goods, health and other social services available to all the people at affordable cost. There shall be priority for the needs of the underprivileged, sick, elderly, disable, women and children” (Article XIII, Section 11).
  • 4. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 4 Facebook Fan Page: /EmilZosa MEDIKAL AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN NG BAWAT PAMILYA Sa Bagong Samar, itataas ang antas ng kakayahan at pasilidad ng ating mga Hospital, kabilang ang dagdag na suweldo at training ng karagdagang health personnel na mag-duty ng 24 oras at sapat na suplay ng mga gamot. Kamtin ang mga sumusunod na serbisyo: A. Primary Preventive Services 1. Health consultation 2. Visual inspection with acetic acid 3. Regular BP measurements 4. Breastfeeding program education 5. Periodic clinical breast examinations 6. Counseling for lifestyle modification 7. Counseling for smoking cessation 8. Body measurements 9. Digital Rectal Examination B. Diagnostic Examinations 1. Complete Blood Count (CBQ) 2. Urinalysis 3. Fecalysis 4. Sputum microscopy 5. Fasting Blood Sugar 6. Lipid profile 7. Chest x-ray C. Drugs and medicine: 1. Asthma including nebulization services 2. Acute Gastroenteritis (AGE) with no or mild dehydration 3. Upper Respiratory Tract Infection (URTI)/Pneumonia (minimal mad low risk) 4. Urinary Tract Infection (UTI) TRADITIONAL AND ALTERNATIVE HEALTH CARE PROGRAM: Preventive Health Care system - Buuin ang angkop at komprehensibong programa at muling paggamit ng mga tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot, alinsunod sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997“; Community-based health service - Ipalaganap sa bawat barangay ang ”Herbal Garden/Plantation” sa pangunguna ng mga barangay health workers..
  • 5. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 5 Facebook Fan Page: /EmilZosa Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga Municipal/barangay health workers sa acupuncture, massage/hilot therapy at mga katulad na ligtas na paraan ng preventive health care practices. 3.INFRASTRUCTURE FOR THE PEOPLE IMPRAISTRUKTURA PARA SA MAMAMAYAN Ipatupad ang mga proyektong impraistruktura batay sa kahilingan ng mamamayan at direktang nagsisilbi sa kanilang mga pangangailangan. Pagtugon din ito sa urbanisasyon at paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Bagong Samar: 1. Lutasin ang mga suliranin ng mga magsasaka, mangingisda at mamamayan para sa mahusay na kalsada partikular ang pangangailangan ng Farm-to-Market-Road; 2. Pagtatayo ng mga kinakailangang daycare centers, health centers, multipurpose centers, sports centers, tulay at iba pang kahilingan ng mamamayan; 3. Pagtatayo ng mga modernong commercial Sea Port; at 4. Hikayatin ang mga lokal at dayuhang investor at buuin ang Public Private Partnership (PPP) at katulungin sila sa iba pang kinakailangang impraistruktura para sa kagalingan ng mamamayan. 4.LIVELIHOOD & JOB CREATION LIKHAIN ANG MGA OPORTUNIDAD SA TRABAHO AT PANGKABUHAYAN SA BAGONG SAMAR: 1. Samar Economic Development Program (SEDP) - Likhain ang SEDP para likhain ang komprehensibong Economic Development Blueprint ng ating lalawigan. Hikayatin ang mga mamumuhunan mula sa ibang bayan at ibayong-dagat. Itayo ang mga pabrika at iba pang negosyo sa ating lalawigan kabilang ang manufacturing and processing plant ng ating produktong agrikultural at yamang- dagat. 2. Likhain ang Samar Investment Code alinsunod sa Local Government Code of 1991 at Omnibus Investments Code (Executive Order no. 226), para dumagsa ang mga lokal at dayuhang investors sa ating lalawigan. 3. Buksan ang mga oportunidad sa agri-business at Eko-Turismo at hikayatin ang mga negosyante, entrepreneurs, OFW’s at mga kooperatiba para likhain ang mga negosyo at hanap-buhay para sa ating mga kababayan. 4. Bigyan ng lubos na proteksiyon at diskwento sa buwis at iba pang insentibo ang mga investors, kabilang ang mga lokal na negosyo (small and medium
  • 6. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 6 Facebook Fan Page: /EmilZosa enterprise)/ entrepreneurs, kooperatiba at OFW’s. 5.JUSTICE & PEACE FOR ALL KATARUNGAN SA LAHAT NG BIKTIMA NG PAMAMASLANG! Hindi na mabilang ang mga biktima at kaso ng pamamaslang at human rights violation sa ating lalawigan. Lahat ay naganap sa nakalipas na labing limang taon. Kelan man ay hindi makakamit ang katarungan at kapayapaan sa kasalukuyang administrasyon sa Kapitolyo. ANG KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN AY MAKAKAMIT LAMANG SA ILALIM NG BAGONG SAMAR! 1.Ilunsad ang isang malawak na kilusan ng mamamayan kabilang ang mga taong simbahan at midya laban sa mga goons, gangster at kriminal sa ating lalawigan. 2.Hulihin, ikulong at usigin ang mga goons at gangster na kriminal at pasimuno sa mga walang pakundangang pamamaslang sa lalawigan ng Samar. 3.Igalang ang karapatang pantao alinsunod sa “Article 3, Universal Declaration of Human Rights” (Every human being has the inherent right to life. This right shall be protected by law. No one shall be arbitrarily deprived of his life). 4.Maglagay ng CCTV camera sa bawat eryang komersiyal at bawat bayan bilang bahagi ng prebensiyon at proteksiyon laban sa kriminalidad. 5.Itayo ang ”Para-legal group” sa bawat bayan para sa mabilis at libreng serbisyong legal sa mamamayan, lalo na sa mga maralitang pamilya. Ang ”Para-legal group” ay tutugon sa mga kasong administratibo, sibil at kriminal. 6.Maagap na magbigay ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa mga maralita na biktima ng karahasan at panggigipit. 6.ZEAL OF GOOD GOVERNANCE Itatakwil ng Bagong Samar at babaguhin nito ang umiiral na mis-governance sa kapitolyo. Ipatupad ang mga sumusunod na sangkap ng isang tunay na mabuting pamamahala at responsableng pangangalaga sa kabang yaman at rekursong pampubliko: 1. Governance with Accountability - Nararapat ang pananagutan sa bayan at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa pondo ng
  • 7. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 7 Facebook Fan Page: /EmilZosa bayan. Batay sa saligang batas ng Pilipinas, (Article XI, Section 1) - “Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.” 2. Governance with People’s Participation - “Good governance is easily achieved if its responsibilities are shared by the people. A system of partnership between the governor and the governed gives impetus to the time-honored principle that, indeed,"Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them”. (Article II, Section 1, Philippine constitution). Ang kurapsiyon ay mababawasan lamang kung mayroong aktibong partisipasyon ang mga ordinaryong mamamayan sa paggo-gubyerno, kabilang ang pagdinig sa kanilang pasya kung saan at paano gugugulin ang pondong publiko. Gawing institusyon at ipatupad ang paglahok ng mga POs/NGOs sa lahat ng antas ng pamamahala – mula antas lalawigan hanggang barangay. Tiyakin ang mga demokratikong public hearing bago planuhin at ipatupad ang mga proyektong makakaapekto sa mamamayan. 3. Human Resource Management and Development Office (HRMDO) – Likhain ng HRMDO para palakasin ang human resource management and organizational development. Ibasura ang padrino system at tugunan sa paraang propesyunal ang human resource (HR) management - recruitment, retention, rewards, recognition, and retirement. Sa halip na nakabatay sa sistemang padrino, pipiliin ang pinakamahusay na kawani ng pamahalaan at iba pang workforce batay sa merito na tutugon sa mahusay na pagpapatakbo ng gobyerno alinsunod sa tunay na kahulugan ng good governance. 4. Electronic Governance (e-Governance): Laban sa bureaucratic red-tape - Sugpuin ang bureaucratic red-tape at pabilisin ang mga transaksiyon ng mamamayan sa kapitolyo, munisipyo at barangay. Batay dito, ipatupad ang full computerization at automation sa buong kapitolyo at mga lunsod at pangunahing bayan, alinsunod sa pambansa at internasyunal na pamantayan. Sa ganitong sistema, kahit saang panig ng mundo ang mga Samarnon ay maaaring gumawa ng transaksiyon ONLINE para kumuha o mag-renew ng permit, rehistro, lisensiya sa negosyo at iba pang serbisyo ng kapitolyo nang, hindi na kailangan pang kunin ang pirma at hingan ng suhol ng iba’t-ibang mapagsamantalang kawani at otoridad. Samantala, repasuhin at ipatutupad ang epektibong Citizen’s Charter para sa mabilis na transaksiyon, proseso at serbisyo (3-5 minutes release), lalo na para sa mamamayang di pa makagamit ng kompyuter/online.
  • 8. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 8 Facebook Fan Page: /EmilZosa 7.OPENNESS & TRANSPARENCY Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon. Usigin at papanagutin ng Bagong Samar ang mga matataas na upisyal ng lalawigan at mga kasabwat nito na sangkot sa mga katiwalian. Tiyakin ang pag-iral ng katapatan ng lahat ng kawani ng gubyerno, halal man o appointed. Kinakailangan ipatupad ang mga sumusunod na patakaran para sa bagong Samar: 1. IPATUPAD ANG FULL DISCLOSURE POLICY - Isapubliko ang dokumento ng mga pampublikong kontrata at kasunduan, taunang gastos at kita, kabilang ang taunang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng lahat ng mga pampublikong upisyal (Article XI Section 17, Philippine Constitution). Ang lahat ng mga dokumentong publiko at taunang ulat sa bawat sentimong ginastos at kinita ng pamahalang panlalawigan ay nararapat isapubliko sa pamamagitan ng opisyal na website alinsunod sa Local Government Code (Section 352, Republic Act No. 7160). 2. TRANSPARENCY SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN: 1. Ibukas sa publiko ang bawat sesyon ng Sangguniang Panlalawigan bilang mga aktibong obserber. 2. Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, upang mapanood ng mamamayan ang mga proseso sa pagbubuo ng mga ordinansa’t resolusyon ng Sanggunian. Ang bawat naka-rekord na sesyon ng sanggunian ay maagap na i-upload sa opisyal na website ng pamahalaang panlalawigan ng Samar bilang reference ng publiko, kabilang ang mga kababayan na OFW. 8.SOCIAL SERVICES SA BAGONG SAMAR, TUNAY NA SERBISYO HINDI NEGOSYO! Ipatupad ang mga kinakailangang serbisyong panlipunan para sa bawat pamilya at mamamayan, kabilang ang serbisyo sa edukasyon, pagkalinga sa mga Senior Citizen at mga kababayang OFWs.
  • 9. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 9 Facebook Fan Page: /EmilZosa A. EDUKASYON AT SCHOLARSHIP Bigyan ng mataas na atensiyon at interbensiyon ang edukasyon at magandang kinabukasan ng mga kabataan sa ilalim ng Bagong Samar: 1. College Scholarship – ipatupad ang programang ”isang iskolar bawat maralitang pamilya”; 2. Study-Now-Pay-Later program para sa mga maralitang kabataan at Out-of- School Youth (OSY); 3. Libreng bayarin sa lahat ng mga mga pampublikong paaralan, mula sa primarya hanggang sekundaryang antas; 4. Pagtatayo ng iskwelahan ng Pre-School sa mga piling Barangay; 5. Makabuluhang Insentibo sa bawat gurong pampubliko; 6. Itayo ang ”TESDA accredited Skills and Training facilities” sa bawat munisipalidad at piling barangay para sa kapakinabangan ng mga kabataan at mamamayan. B. SERBISYO SA PAMILYA NG MGA OFWs Libu-libong Samarnon ang nagingibang-bayan para maging OFW. Batay dito, nararapat suklian ang mga tinaguriang ”buhay na bayani” sa kanilang kontribusyong pang-ekonomiya sa bansa at sa ating lalawigan. Kung kaya’t, nararapat itayo ang OFW Welfare Center sa antas lalawigan, lunsod at bayan para sa kagalingan ng mga kababayan nating OFWs at kanilang pamilya. Ang OFW Welfare Center ay magsisilbing One-Stop Processing Service Center (OPSC), para sa serbisyo sa pagproseso ng: authenticated NSO-birth and marriage certificates; Police/NBI clearance; passport processing at katulad na dokumento para sa pagtatrabaho sa abroad. Iba pang serbisyo ng OFW Welfare Center: 1. Work-Abroad, Pay-Later Program - Pautang ng pamahalaan ng walang interest para sa mga kababayang kwalipikado na sa pag-abroad. 2. Livelihood and Training Assistance - Pautang na walang interest para sa mga pamilya ng OFW sa kanilang livelihood projects. Kabilang ang pagbibigay sa kanila ng libreng enterpreneurial training.
  • 10. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 10 Facebook Fan Page: /EmilZosa . C. SERBISYO SA MGA SENIOR CITIZENS “Pursuant to Article XV, Section 4 of the Constitution, it is the duty of the family to take care of its elderly members while the State may design programs of social security for them“. Batay dito, ipatutupad ang mga sumusunod na programa at patakaran: 1) Itayo at palakasin ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), mula antas lalawigan hanggang barangay; 2) Lumikha ng mekanismo kung saan maaaring imaksimisa ang kontribusyon ng mga senior citizen sa komunidad/lipunan; 3) Lumikha ng mga pamamaraan para sa pagpapahusay sa kalagayan ng mga senior citizen at kanilang produktibong partisipasyon sa lipunan;at 4) Lumikha ng programa para sa benepisyo ng mga senior citizens, ng kanilang pamilya at komunidad na kinabibilangan nila. 3. Pagbibigay ng libreng enterpreneurial training na angkop sa kanilang edad. . D. SPORTS DEVELOPMENT PROGRAM SA KABATAAN Provincial Sports Development Program – Itayo ang Provincial Sports Development Council para sa pagbubuo ng isang komprehensibong sports program sa buong lalawigan ng Samar. Isang programa para mapaunlad ang kakayahan at malikha ang mga oportunidad para sa lahat ng atletang Samarnon at makalahok sa mga paligsahan tulad ng Palarong Pambansa. 9.AGRICULTURAL DEVELOPMENT Nararapat tugunan ng pamahalaan at lutasin ang lumalaking suliranin sa agrikultura, kabilang ang mataas na presyo sa mga gamit sa produksiyon tulad ng binhi, sentitikong pestisidyo’t abono; suliranin sa patuloy na pagiging asidiko ng lupaing agrikultural at suliranin sa mga barat na middlemen/ negosyante at ganid na kartel na namimili ng produktong agrikultural. HAKBANG NG BAGONG SAMAR PARA SA SUSTAINABLE AGRICULTURE: 1. Samar Bio-Organic Research& Development Center (SBRDC) - Itayo ang SBRDC bilang hakbang para sa institusyunalisasyon, debelopment at sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Samar, batay sa Philippine Organic Agriculture Act (Republic Act No. 10068). Maglaan ng sapat na taunang pondo para dito. 2. Back to basics, Go Organic -Ilunsad ang isang kilusang-bayan, ”Back to
  • 11. Facebook Group: /NewSamarMovement/ 11 Facebook Fan Page: /EmilZosa Basics, Go Organic” – isang empowerment campaign na nakadiin sa gawaing edukasyon/training, impormasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sektor ng magsasaka at mamamayan. 3. Organic Trading Center- Itayo sa sa mga piling bayan ng Samar ang sentral na bagsakan ng lahat na mga produktong agrikultural, organiko/di- organiko, bilang trading center. Magkatuwang na pamamahalaan ito ng kaukulang LGU at kooperatiba ng mga magsasaka. 4. Itayo ang mga Organisasyon at Kooperatiba - Itayo at palakasin ang mga organisasyon at pederasyon ng mga kooperatiba ng magsasaka bilang mga pundasyon ng kilusang-bayan na ”Back to Basic, Go Organic”, mula sa probinsiya hangang sa antas barangay. 5. Eco-Products at Organic Fertilizer Production - Lumikha ng iba’t- ibang eco-agricultural products kabilang ang poultry at piggery. Itayo at i-debelop sa bawat munisipalidad ang mga Organic Fertilizer Production and Processing Plant tungo sa pagiging self-reliance. 6. Greencentive (Green Incentive) -Gumawa ng kinakailangang ordinansa at mekanismo para tukuyin ang mga insentibo (tulad ng libreng buwis) sa mga magsasakang gumagamit ng organic farming kabilang ang fertilizer production at iba pang produktong eco-friendly. # # #