2. Alam mo ba ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng
isipan at emosyon ng tao? Ito ang isang paraan ng pagpapahayag
ng saloobin, damdamin at kaalaman ng isang tao na hindi kayang
sabihin sa pamamagitan ng pasalita.
Ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al, 1998).
Mahalaga ang pagsulat sapagkat sa pamamagitan nito, nalalaman
ang kasaysayan ng lahi, ang mga paniniwala, kultura at kaisipan
ng mga tao sa daigdig. Bukod dito, kahit na magkalayo o nasa
magkaibang pook, nananatili ang ugnayan at naroroon pa rin ang
pagkakaunawaan na nagpapatindi sa pagkakaisa ng dalawang
tao, samahan, pangkat o pamilya.
3. Inilahad ni Arrogante (2000) ang ilang kahalagahan ng pagsulat:
a. Kahalagahang Panterapyutika - Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay
mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban, may babasa
man o wala.
b. Kahalagahang Pansosyal - Kung nasasaktan ka at hindi mo masabi nang
tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa
pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang
panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa
mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya - Ang tao’y sumusulat para siya’y
mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-
araw na gawain niya ang pagsusulat at ng mga dapat isulat.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan - Ang pagsulat ay mahalaga sa pagreserba
ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
4. Sinabi naman ni Dr. Paquito Badayos, “Ang kakayahan sa
pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man”, Ayon pa sa kanya, ang pagsulat ay may
tatlong proseso:
1. Bago sumulat - Sa prosesong ito pinipili ang paksa at binubuo
na ang konsepto tungkol sa paksa.
2. Pagsulat - Binubuo rito ang burador (draft), pagtanggap ng
puna.
3. Paglalathala - Ipinakikita ang natapos na gawain sa
pamamgitan ng paglalagay ng Bulletin Board.
5. Tatlong pangunahing hakbang sa Pagsulat
1. Pre-Writing/ Gawain Bago Sumulat
Sa hakbang na ito nagaganap ang pagpili sa paksang isusulat at pangangalap ng mga impormasyong
kakailanganin sa isusulat. Sa hakbang na ito maaaring magmasid, magsarbey, makipanayam,
magbasa-basa, manaliksik, mag-eksperimento o ano mang gawaing makatutulong upang makakuha ng
angkop na datos hinggil sa paksa.
2. Actual Writing/ Gawain Habang Sumusulat
Dito ginaganap ang pagsulat ng burador o draft. Isinasaalang-alang sa pagbuo ng unang talata ang
mainam na paraan ng pagsisimula tulad ng:
a. Isang katanungan
Halimbawa:
Naniniwala ka ba na nakapaloob sa mga akda ng Silangang Asya ang kanilang paniniwala, kultura,
saloobin at pananaw sa buhay?
b. Isang pahayag na sinipi
Halimbawa:
“Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan. Tila kailan lamang nang
kasama ko si ama…”
6. c. Isang makatawag-pansing pangungusap.
Halimbawa:
Ilang kababaihan lamang sa mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan.
Sa pagwawakas naman ng talata, maaaring:
a. Pag-uulit sa ginamit na parirala.
b. Pagbubuod o pagbibigay ng mahahalagang impormasyong inilahad sa isinulat.
c. Pagbuo ng paghihinuha batay sa kinalabasan ng binuong komposisyon.
3. Rewriting/ Gawain Pagkatapos Sumulat
Sa hakbang na ito isinasagawa ang pag-eedit o pagwawasto sa draft batay sa wastong gramatika,
wastong salita at baybayin nito pati na ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan. Sa pagrerebisa,
tinitingnan kung tama ang pangungusap, magkakaugnay ang ideya, angkop ang salitang ginamit at
malinaw ang mensahe.