SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 30
Kayamanan 6
IMPORTANT REMINDER: Users are NOT ALLOWED to distribute the contents of this material nor use
them for other purposes without permission from Rex Book Store Inc. (RBSI)
Aralin 10/Mga Hamon sa Nagsasariling Bansa
Aralin 10
Mga Hamon
sa
Nagsasariling
Bansa
Pamantayan sa Pagkatuto
• Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng
digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin
• Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng
kasunduang militar na nagbigaydaan sa pagtayo ng base militar
ng United States sa Pilipinas
• Natatalakay ang parity rights at ang ugnayang kalakalan sa United
States
• Naipaliliwanag ang epekto ng colonial mentality pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto
sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na
kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, parity rights, at
Kasunduang Base Militar
• Napahahalagahan ang pamamahala ng mga naging pangulo ng
bansa mula 1946 hanggang 1953
• Naiuugnay ang mga suliranin, isyu, at hamon ng kasarinlan noong
panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakahahadlang
ng pag-unlad ng bansa
Paano mapagtutulungan ng mga mamamayan at ng
pamahalaan ang paglutas ng suliraning pangkatahimikan
sa bansa?
Mga Hamon sa
Nagsasariling Bansa
(Ikatlong Republika
ng Pilipinas)
Mga Hamon sa
Kasarinlan,
Colonial Mentality,
mga Di-pantay na
Kasunduan, at
Pagsandal sa US
Base Militar ng US sa
Pilipinas, Parity
Rights, at ang
Ugnayang
Pangkalakal
Iba pang Suliranin
Ang Unang Republika
Panunungkulan ni Emilio Aguinaldo
(Enero 23, 1899–Marso 23, 1901)
Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Emilio Aguinaldo
ang kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng
Spain. Setyembre 15, 1898 nang magkaroon ng
pulong ang Kongreso ng Malolos. Bumuo ito ng
Saligang Batas na siyang naging batayan ng
pamahalaan at pinagtibay nito ang kalayaan ng
Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. Bagama’t ang
pamahalaang ito ay hindi kinilala ng United States of
America dahil sa pananakop nito sa ating bansa, ang
pamahalaang ito ang kinikilala natin ngayon bilang
Unang Republika ng Pilipinas.
Pang. Emilio Aguinaldo
Ang Pamahalaang Commonwealth (1935–1946)
Panunungkulan ni Manuel L. Quezon
(Nobyembre 15, 1935–Agosto 1, 1944)
Nang pasinayaan ang malasariling
pamahalaan o Pamahalaang
Commonwealth noong Nobyembre 15,
1935, nanumpa si Manuel L. Quezon
bilang Pangulo at si Sergio Osmeña Sr.
bilang Pangalawang Pangulo. Sa
pamumuno ni Quezon, hinarap ng mga
Pilipino ang mga layuning maihanda ang
bansa para sa araw ng kalayaan nito.
Pang. Manuel L. Quezon
Panunungkulan ni Sergio S. Osmeña Sr.
(Agosto 1, 1944–Mayo 28, 1946)
Si Pangalawang Pangulong Sergio S.
Osmeña Sr. ang pumalit kay
Pangulong Quezon bilang Pangulo ng
Commonwealth. Tumulong si Osmeña
sa kampanyang pagpapalaya sa
Pilipinas. Kasama rin siya ng mga
Pilipinong heneral ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas at mga puwersang
Amerikanong lumunsad sa Leyte
noong Oktubre 20, 1944.
Pang. Sergio S. Osmeña Sr.
Ang Ikalawang Republika
Panunungkulan ni Jose P. Laurel
(Oktubre 14, 1943–Agosto 17, 1945)
Samantala, nang ang ating bansa ay tuluyang
masakop ng mga Hapones noong Mayo 6, 1942,
agad nilang binago ang ating pamahalaan. Ang
Pamahalaang Commonwealth na nasa ilalim ng
pagsubaybay ng United States of America ay binago
ng mga Hapones sa pamamagitan ng Pambansang
Asamblea. Ang Saligang Batas ay batay sa utos ng
mga pinunong Hapones. Nahalal si Jose P. Laurel
bilang pangulo ng pamahalaan na kinilala bilang
Ikalawang Republika ng Pilipinas. Tinawag din itong
Puppet Government dahil ito ay isang
mapagkunwaring pamahalaan na sa katunayan ay
nasa ilalim ng mga Hapones.
Pang. Jose P. Laurel
Muling Pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth
Nang lumaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng Japan noong Hulyo 5, 1945,
napasakamay muli ng mga Pilipino ang pamahalaan. Ang Pamahalaang
Commonwealth ay pinamunuan ni Pangulong Sergio S. Osmeña Sr. Dahil sa
pinsalang idinulot ng digmaan, naging mabigat ang kanyang tungkulin.
Itinaguyod ni Pangulong Sergio Osmeña Sr. ang pamahalaan sa pamamagitan
ng pagtatatag muli ng Gabinete, Council of State, iba’t ibang bagong tanggapan,
at mga pamahalaang panlalawigan, pambayan, at panlungsod.
Mga Suliranin
Naging mabigat na suliranin ang isyu ng kolaborasyon para kay Pangulong
Osmeña, lalo na nang ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng United
States na aalisin at ititiwalag ang lahat ng tumulong sa pamahalaang Hapones.
Upang malutas ang isyu ng kolaborasyon, itinatag ni Pangulong Osmeña ang
Hukumang Bayan o People’s Court. Ito ang nangasiwa sa paghaharap ng kaso
laban sa mga mamamayang nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones.
Si Jose Laurel at Manuel Roxas ay kasama sa mga naparatangan ng pagtulong sa
mga Hapones. Napawalang-sala sila dahil sa tulong ni Heneral MacArthur.
Ikinatuwiran nila na ginawa lamang nila iyon upang makaiwas sa karahasan na
maaaring idulot ng kanilang pagtanggi sa malulupit na sundalong Hapones.
Colonial Mentality o Isip Kolonyal
Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang
pakikitungo sa mga magulang. Nabawasan ang pagmamano sa nakatatanda. Ang
pagbati ng “Hi!” ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na
Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino. At
nagbago rin ang pananamit ng mga ito. Bestida ang naging kasuotan ng mga
babae. Ang mga sapatos nila ay may matataas na takong at may dala silang mga
handbag. Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga
lalaki. Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay
galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin, nadagdag
ang steak, hotdog, corned beef, at soft drink sa pagkaing Pilipino.
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Pamahalaang Commonwealth
(Mayo 28, 1946–Hulyo 4, 1946)
Nang sumunod na halalan, si Osmeña ang
sinuportahan ng mga dating magsasakang
lumaban sa mga Hapones dahil sa poot nila
sa pakikipagtulungan ni Roxas sa mga
Hapones. Si Roxas ang sinuportahan ng
United States of America at siya ang
nagwagi bilang bagong Pangulo ng
Pilipinas noong 1946.
Pang. Manuel A. Roxas
Ang Ikatlong Republika
(Hulyo 4, 1946–Abril 15, 1948)
Nang maging malaya ang ating bansa mula sa pamamahala ng United States
noong Hulyo 4, 1946, si Manuel A. Roxas ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas. Ang
pamahalaang iyon ay tinawag na Ikatlong Republika. Si Elpidio R. Quirino naman
ang nahalal na Pangalawang Pangulo.
Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga suliraning
idinulot ng digmaan. Gayunpaman, buong sikap niyang hinarap ang mga suliraning
ito upang magkaroon ng bagong buhay ang bansa. Pinagsumikapan niyang lutasin
ang mga suliranin tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan, katiwasayan, kaayusan, at
mababang moralidad ng lipunan.
Mga Patakarang Panloob at Panlabas
Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay
ibinatay sa paniniwalang ang katatagan
ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa
pakikipagkaibigan sa United States of
America. Ito ang dahilan kung bakit
naging malapit ang ating bansa sa United
States of America noong mga panahong
iyon.
Nang itatag ang Nagkakaisang mga
Bansa (United Nations) pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang
Pilipinas ang isa sa mga unang naging
kasapi nito.
Si Pangulong Roxas at Paul V. McNutt (kanan)
habang pinipirmahan ang Military Bases Agreement
sa Malacañan Palace kasama ang ibang opisyal ng
bansa.
Mga Di-pantay na Kasunduan at
Pagsandal sa United States of America
Rehabilitasyon ng Pilipinas
Mga Suliranin
1. Bago pa naging Pangulo si Manuel A. Roxas, ang Partido Komunista ng
Pilipinas ay nabuo na mula sa mga miyembro ng samahan ng HukBaLaHap o
Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon. Pinamunuan ito nina Luis Taruc at Jesus
Lava. Noong una, layunin nito na labanan ang mga Hapones, ngunit nagpatuloy
pa rin sila sa pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan dahil galit sila sa
ginagawa ng pamahalaan. Naging madalas ang engkuwentro ng militar at Huk,
pati ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupa.
2. Ang pagsasaayos sa kabuhayan ay patuloy na naging mahirap para sa
Pamahalaang Roxas dahil sa pagkasira ng mga daan, tulay, bahay, gusali,
paaralan, aklatan, museo, at iba pa, bukod pa ang sa kalakalan.
3. Kawalan ng katiwasayan at kaayusan – Dumami ang masasamang-loob sa
Maynila. Nanatili pa ang mga Huk sa mga lalawigan sa kabila ng pagtatapos ng
digmaan.
4. Mababang moralidad ng lipunan – Maraming maling gawi at taliwas na
pagpapahalaga at pag-uugali ang natutuhan ng mga Pilipino noong panahon ng
mga Hapones.
Pakikipag-ugnayang Militar sa United States of America
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at United States of America tungkol sa
Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14, 1947, kung saan binigyan ang United
States ng karapatang upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukod
sa Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan
noong Marso 21, 1947, ay nilagdaan pa ang isa pang kasunduan noong Agosto 30,
1951. Ito ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa (US-RP Mutual Defense
Treaty).
Kamatayan ni Pangulong Roxas
Nagsisimula pa lamang magkabunga ang pagsisikap ni Pangulong Roxas na
maibangon ang ating bansa mula sa mga pinsalang idinulot ng digmaan nang siya
ay bawian ng buhay dahil sa atake sa puso noong Abril 15, 1948 habang siya ay
nagtatalumpati sa Kelly Theatre, Clark Air Base sa Pampanga. Pagkalipas ng
dalawang araw ng kanyang pagkamatay, humalili si Elpidio Quirino bilang bagong
pangulo ng ating bansa.
Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino
(Abril 17, 1948–Disyembre 30, 1953)
Nang bawian ng buhay si Pangulong Roxas
noong Abril 15, 1948, si Elpidio Quirino ang
humalili sa kanya bilang bagong Pangulo ng
ating bansa.
Elpidio R. Quirino
Pagtugon sa mga Pangangailangan
Dahil malala pa rin ang suliraning pangkabuhayan ng ating bansa, iniutos ni
Pangulong Quirino ang pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan
upang matulungang malutas ang paghihikahos sa buhay ng taong-bayan.
Pinagtibay din ng Kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod
(minimum wage) sa mga kawani at manggagawa. Upang makatulong sa
pangangailangan ng mga magsasaka, ang Agricultural Credit Cooperative
Financing Administration (ACCFA) ay itinatag ni Pangulong Quirino. Nagtatag din
ng mga bangko rural sa mga bayan. Ang Labor Management Advisory Board ay
itinatag upang maging tagapayo ng pamahalaan tungkol sa paggawa.
Gayunpaman, hindi pa rin naiahon sa kahirapan ang karaniwang mamamayang
Pilipino.
Ang Paglala ng Suliranin sa Huk
Sa kabila ng ginampanang pagpapalaya ng
mga Amerikano sa Pilipinas mula sa mga
Hapones, naging magulo ang kalagayang
politikal sa bansa partikular sa Gitnang
Luzon. Tumangging makiisa sa pamahalaan
ang pangkat ng HukBaLaHap na dati’y
nanlaban na sa pananakop ng mga
Hapones.
Ang HukBaLaHap
Naging mabigat na suliranin para sa pamahalaan ang Huk na nakabuo ng higit na
maraming bilang na kasapi. Ayon sa pinuno nito na si Luis Taruc, ang pagdami ng
kasapi ng samahan ay bunsod ng:
• Patuloy na pananakop ng United States sa bansa;
• Di-makatarungang paghahatian sa sakahan;
• Kawalan ng aksiyon mula sa pamahalaan upang maipatupad ang reporma sa
pagsasaka; at
• Hindi pagkilala ng pamahalaan sa mga gerilyang HukBaLaHap bilang mga
beterano ng digmaan.
Paglutas ng Suliranin sa HukBaLaHap
Sa pagdaan ng mga araw, marami ang napinsala ng mga Huk. Upang masugpo
ang kilusan, pinalawak ni Pangulong Quirino ang mga operasyong militar ng
pamahalaan laban sa kanila. Hinirang ni Pangulong Quirino si Ramon Magsaysay,
isang batang kongresista mula sa Zambales at dating gerilya, bilang Kalihim ng
Tanggulang Bansa (National Defense).
Nang lumala ang ligalig sa pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni
Pangulong Quirino ang President’s Action Committee on Social Amelioration
(PACSA). Tungkulin nito ang pagbigay ng tulong at pagpapautang sa mahihirap na
mamamayan upang magkaroon sila
ng kaginhawaan.
Para sa iba pang impormasyon, magsaliksik tungkol sa mga pangunahing
suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at sagutin ang mga tanong.
• Ano-ano ang pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
• Ano ang parity rights at ang ugnayang kalakalan sa United States?
• Ano ang epekto ng colonial mentality sa ekonomiya ng ating bansa?
Paano mapagtutulungan ng mga mamamayan
at ng pamahalaan ang paglutas ng suliraning
pangkatahimikan sa bansa?
Ilahad ang iyong sagot sa Pangunahing Tanong. Pumili ng isa sa mga gawain.
Sundin ang mga pamantayan sa rubric.
IMPORTANT REMINDER: Users are NOT ALLOWED to distribute the contents of this material nor use
them for other purposes without permission from Rex Book Store Inc. (RBSI)

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Q3 lesson 24 carlos p. garcia
Q3 lesson 24 carlos p. garciaQ3 lesson 24 carlos p. garcia
Q3 lesson 24 carlos p. garcia
Rivera Arnel
 
Diosdado macapagal
Diosdado macapagalDiosdado macapagal
Diosdado macapagal
FoodTech1216
 
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
Lovella Jean Danozo
 
Pamahalaang commonwealth
Pamahalaang commonwealthPamahalaang commonwealth
Pamahalaang commonwealth
Checka Checkah
 
Q4 lesson 26 ferdinand marcos
Q4 lesson 26 ferdinand marcosQ4 lesson 26 ferdinand marcos
Q4 lesson 26 ferdinand marcos
Rivera Arnel
 
Paghahanda para sa kalayaan
Paghahanda para sa kalayaanPaghahanda para sa kalayaan
Paghahanda para sa kalayaan
jetsetter22
 
Q4 lesson 28 corazon aquino
Q4 lesson 28 corazon aquinoQ4 lesson 28 corazon aquino
Q4 lesson 28 corazon aquino
Rivera Arnel
 

La actualidad más candente (20)

Panunungkulan ni Quirino
Panunungkulan ni QuirinoPanunungkulan ni Quirino
Panunungkulan ni Quirino
 
Q3 lesson 24 carlos p. garcia
Q3 lesson 24 carlos p. garciaQ3 lesson 24 carlos p. garcia
Q3 lesson 24 carlos p. garcia
 
Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)Corazon aquino (2)
Corazon aquino (2)
 
Diosdado macapagal
Diosdado macapagalDiosdado macapagal
Diosdado macapagal
 
Ang pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibilAng pamahalaang militar at sibil
Ang pamahalaang militar at sibil
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxas
 
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
Hamon at suliranin pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa bansang p...
 
Elpidio quirino
Elpidio quirinoElpidio quirino
Elpidio quirino
 
American period
American periodAmerican period
American period
 
Pamahalaang commonwealth
Pamahalaang commonwealthPamahalaang commonwealth
Pamahalaang commonwealth
 
Q4 lesson 26 ferdinand marcos
Q4 lesson 26 ferdinand marcosQ4 lesson 26 ferdinand marcos
Q4 lesson 26 ferdinand marcos
 
Paghahanda para sa kalayaan
Paghahanda para sa kalayaanPaghahanda para sa kalayaan
Paghahanda para sa kalayaan
 
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran  ni Estrada at corazon AquinoPrograma at Patakaran  ni Estrada at corazon Aquino
Programa at Patakaran ni Estrada at corazon Aquino
 
Ramon Magsaysay
Ramon MagsaysayRamon Magsaysay
Ramon Magsaysay
 
Q4 lesson 28 corazon aquino
Q4 lesson 28 corazon aquinoQ4 lesson 28 corazon aquino
Q4 lesson 28 corazon aquino
 
Fidel Ramos
Fidel RamosFidel Ramos
Fidel Ramos
 
Carlos p. garcia
Carlos p. garciaCarlos p. garcia
Carlos p. garcia
 
Ang Pamahalaang Kolonyal
Ang Pamahalaang KolonyalAng Pamahalaang Kolonyal
Ang Pamahalaang Kolonyal
 
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikanoQ2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
 
Power arroyo
Power arroyoPower arroyo
Power arroyo
 

Similar a Kayamanan-6-Aralin-10.pptx

Q3 lesson 21 ikatlong republika
Q3 lesson 21 ikatlong republikaQ3 lesson 21 ikatlong republika
Q3 lesson 21 ikatlong republika
Rivera Arnel
 
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptxANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
EllanorSAlarcon
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
PatrickSantos175457
 
Ikatlong republika(roxas)
Ikatlong republika(roxas)Ikatlong republika(roxas)
Ikatlong republika(roxas)
jetsetter22
 
philippine-presidents
philippine-presidentsphilippine-presidents
philippine-presidents
Kevz Orense
 
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
Panimbang Nasrifa
 

Similar a Kayamanan-6-Aralin-10.pptx (20)

q3, m3
q3, m3q3, m3
q3, m3
 
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 QUARTER 3 WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 QUARTER 3 WEEK 1ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 QUARTER 3 WEEK 1
ARALING PANLIPUNAN GRADE 6 QUARTER 3 WEEK 1
 
Q3 module 3
Q3 module 3Q3 module 3
Q3 module 3
 
Jovy Devilz
Jovy DevilzJovy Devilz
Jovy Devilz
 
Q3 lesson 21 ikatlong republika
Q3 lesson 21 ikatlong republikaQ3 lesson 21 ikatlong republika
Q3 lesson 21 ikatlong republika
 
Q3, m3 panahon ng hapon
Q3, m3   panahon ng haponQ3, m3   panahon ng hapon
Q3, m3 panahon ng hapon
 
Manuel roxas 1
Manuel roxas 1Manuel roxas 1
Manuel roxas 1
 
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptxANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
ANG PAMAMAHALA NI MANUEL ROXAS (1).pptx
 
AP6_Q2_WEEK1.pptx
AP6_Q2_WEEK1.pptxAP6_Q2_WEEK1.pptx
AP6_Q2_WEEK1.pptx
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
 
Ikatlong republika(roxas)
Ikatlong republika(roxas)Ikatlong republika(roxas)
Ikatlong republika(roxas)
 
philippine-presidents
philippine-presidentsphilippine-presidents
philippine-presidents
 
Impluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoImpluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikano
 
Hapon
HaponHapon
Hapon
 
PPT AP6 Q2 W1.pptx
PPT AP6 Q2 W1.pptxPPT AP6 Q2 W1.pptx
PPT AP6 Q2 W1.pptx
 
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
 
Ang-Ikatlong-Republika-ng-Pilipinas-Administrasyon-ni-Manuel Roxas (2).pptx
Ang-Ikatlong-Republika-ng-Pilipinas-Administrasyon-ni-Manuel Roxas (2).pptxAng-Ikatlong-Republika-ng-Pilipinas-Administrasyon-ni-Manuel Roxas (2).pptx
Ang-Ikatlong-Republika-ng-Pilipinas-Administrasyon-ni-Manuel Roxas (2).pptx
 
AP 6 SECOND QUARTER.pptx
AP 6 SECOND QUARTER.pptxAP 6 SECOND QUARTER.pptx
AP 6 SECOND QUARTER.pptx
 
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
Programa ng-pamahalaan-sa-panahon-ng-pananakop- (1)
 
MGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS.pptx
MGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS.pptxMGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS.pptx
MGA PANGULO NG IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS.pptx
 

Último

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 

Último (20)

DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 

Kayamanan-6-Aralin-10.pptx

  • 1. Kayamanan 6 IMPORTANT REMINDER: Users are NOT ALLOWED to distribute the contents of this material nor use them for other purposes without permission from Rex Book Store Inc. (RBSI) Aralin 10/Mga Hamon sa Nagsasariling Bansa
  • 3. Pamantayan sa Pagkatuto • Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin • Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng kasunduang militar na nagbigaydaan sa pagtayo ng base militar ng United States sa Pilipinas • Natatalakay ang parity rights at ang ugnayang kalakalan sa United States • Naipaliliwanag ang epekto ng colonial mentality pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • 4. • Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, parity rights, at Kasunduang Base Militar • Napahahalagahan ang pamamahala ng mga naging pangulo ng bansa mula 1946 hanggang 1953 • Naiuugnay ang mga suliranin, isyu, at hamon ng kasarinlan noong panahon ng Ikatlong Republika sa kasalukuyan na nakahahadlang ng pag-unlad ng bansa
  • 5. Paano mapagtutulungan ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang paglutas ng suliraning pangkatahimikan sa bansa? Mga Hamon sa Nagsasariling Bansa (Ikatlong Republika ng Pilipinas) Mga Hamon sa Kasarinlan, Colonial Mentality, mga Di-pantay na Kasunduan, at Pagsandal sa US Base Militar ng US sa Pilipinas, Parity Rights, at ang Ugnayang Pangkalakal Iba pang Suliranin
  • 6. Ang Unang Republika Panunungkulan ni Emilio Aguinaldo (Enero 23, 1899–Marso 23, 1901) Noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Spain. Setyembre 15, 1898 nang magkaroon ng pulong ang Kongreso ng Malolos. Bumuo ito ng Saligang Batas na siyang naging batayan ng pamahalaan at pinagtibay nito ang kalayaan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. Bagama’t ang pamahalaang ito ay hindi kinilala ng United States of America dahil sa pananakop nito sa ating bansa, ang pamahalaang ito ang kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng Pilipinas. Pang. Emilio Aguinaldo
  • 7. Ang Pamahalaang Commonwealth (1935–1946) Panunungkulan ni Manuel L. Quezon (Nobyembre 15, 1935–Agosto 1, 1944) Nang pasinayaan ang malasariling pamahalaan o Pamahalaang Commonwealth noong Nobyembre 15, 1935, nanumpa si Manuel L. Quezon bilang Pangulo at si Sergio Osmeña Sr. bilang Pangalawang Pangulo. Sa pamumuno ni Quezon, hinarap ng mga Pilipino ang mga layuning maihanda ang bansa para sa araw ng kalayaan nito. Pang. Manuel L. Quezon
  • 8. Panunungkulan ni Sergio S. Osmeña Sr. (Agosto 1, 1944–Mayo 28, 1946) Si Pangalawang Pangulong Sergio S. Osmeña Sr. ang pumalit kay Pangulong Quezon bilang Pangulo ng Commonwealth. Tumulong si Osmeña sa kampanyang pagpapalaya sa Pilipinas. Kasama rin siya ng mga Pilipinong heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Pang. Sergio S. Osmeña Sr.
  • 9. Ang Ikalawang Republika Panunungkulan ni Jose P. Laurel (Oktubre 14, 1943–Agosto 17, 1945) Samantala, nang ang ating bansa ay tuluyang masakop ng mga Hapones noong Mayo 6, 1942, agad nilang binago ang ating pamahalaan. Ang Pamahalaang Commonwealth na nasa ilalim ng pagsubaybay ng United States of America ay binago ng mga Hapones sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea. Ang Saligang Batas ay batay sa utos ng mga pinunong Hapones. Nahalal si Jose P. Laurel bilang pangulo ng pamahalaan na kinilala bilang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Tinawag din itong Puppet Government dahil ito ay isang mapagkunwaring pamahalaan na sa katunayan ay nasa ilalim ng mga Hapones. Pang. Jose P. Laurel
  • 10. Muling Pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth Nang lumaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng Japan noong Hulyo 5, 1945, napasakamay muli ng mga Pilipino ang pamahalaan. Ang Pamahalaang Commonwealth ay pinamunuan ni Pangulong Sergio S. Osmeña Sr. Dahil sa pinsalang idinulot ng digmaan, naging mabigat ang kanyang tungkulin. Itinaguyod ni Pangulong Sergio Osmeña Sr. ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng Gabinete, Council of State, iba’t ibang bagong tanggapan, at mga pamahalaang panlalawigan, pambayan, at panlungsod.
  • 11. Mga Suliranin Naging mabigat na suliranin ang isyu ng kolaborasyon para kay Pangulong Osmeña, lalo na nang ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng United States na aalisin at ititiwalag ang lahat ng tumulong sa pamahalaang Hapones. Upang malutas ang isyu ng kolaborasyon, itinatag ni Pangulong Osmeña ang Hukumang Bayan o People’s Court. Ito ang nangasiwa sa paghaharap ng kaso laban sa mga mamamayang nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones. Si Jose Laurel at Manuel Roxas ay kasama sa mga naparatangan ng pagtulong sa mga Hapones. Napawalang-sala sila dahil sa tulong ni Heneral MacArthur. Ikinatuwiran nila na ginawa lamang nila iyon upang makaiwas sa karahasan na maaaring idulot ng kanilang pagtanggi sa malulupit na sundalong Hapones.
  • 12. Colonial Mentality o Isip Kolonyal Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga magulang. Nabawasan ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi!” ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino. At nagbago rin ang pananamit ng mga ito. Bestida ang naging kasuotan ng mga babae. Ang mga sapatos nila ay may matataas na takong at may dala silang mga handbag. Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki. Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin, nadagdag ang steak, hotdog, corned beef, at soft drink sa pagkaing Pilipino.
  • 13. Panunungkulan ni Manuel Roxas Pamahalaang Commonwealth (Mayo 28, 1946–Hulyo 4, 1946) Nang sumunod na halalan, si Osmeña ang sinuportahan ng mga dating magsasakang lumaban sa mga Hapones dahil sa poot nila sa pakikipagtulungan ni Roxas sa mga Hapones. Si Roxas ang sinuportahan ng United States of America at siya ang nagwagi bilang bagong Pangulo ng Pilipinas noong 1946. Pang. Manuel A. Roxas
  • 14. Ang Ikatlong Republika (Hulyo 4, 1946–Abril 15, 1948) Nang maging malaya ang ating bansa mula sa pamamahala ng United States noong Hulyo 4, 1946, si Manuel A. Roxas ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas. Ang pamahalaang iyon ay tinawag na Ikatlong Republika. Si Elpidio R. Quirino naman ang nahalal na Pangalawang Pangulo. Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga suliraning idinulot ng digmaan. Gayunpaman, buong sikap niyang hinarap ang mga suliraning ito upang magkaroon ng bagong buhay ang bansa. Pinagsumikapan niyang lutasin ang mga suliranin tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan, katiwasayan, kaayusan, at mababang moralidad ng lipunan.
  • 15. Mga Patakarang Panloob at Panlabas Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa United States of America. Ito ang dahilan kung bakit naging malapit ang ating bansa sa United States of America noong mga panahong iyon. Nang itatag ang Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pilipinas ang isa sa mga unang naging kasapi nito. Si Pangulong Roxas at Paul V. McNutt (kanan) habang pinipirmahan ang Military Bases Agreement sa Malacañan Palace kasama ang ibang opisyal ng bansa.
  • 16. Mga Di-pantay na Kasunduan at Pagsandal sa United States of America
  • 18. Mga Suliranin 1. Bago pa naging Pangulo si Manuel A. Roxas, ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nabuo na mula sa mga miyembro ng samahan ng HukBaLaHap o Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon. Pinamunuan ito nina Luis Taruc at Jesus Lava. Noong una, layunin nito na labanan ang mga Hapones, ngunit nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan dahil galit sila sa ginagawa ng pamahalaan. Naging madalas ang engkuwentro ng militar at Huk, pati ang mga nagmamay-ari ng malalaking lupa. 2. Ang pagsasaayos sa kabuhayan ay patuloy na naging mahirap para sa Pamahalaang Roxas dahil sa pagkasira ng mga daan, tulay, bahay, gusali, paaralan, aklatan, museo, at iba pa, bukod pa ang sa kalakalan.
  • 19. 3. Kawalan ng katiwasayan at kaayusan – Dumami ang masasamang-loob sa Maynila. Nanatili pa ang mga Huk sa mga lalawigan sa kabila ng pagtatapos ng digmaan. 4. Mababang moralidad ng lipunan – Maraming maling gawi at taliwas na pagpapahalaga at pag-uugali ang natutuhan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones.
  • 20. Pakikipag-ugnayang Militar sa United States of America Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at United States of America tungkol sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14, 1947, kung saan binigyan ang United States ng karapatang upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947, ay nilagdaan pa ang isa pang kasunduan noong Agosto 30, 1951. Ito ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa (US-RP Mutual Defense Treaty).
  • 21. Kamatayan ni Pangulong Roxas Nagsisimula pa lamang magkabunga ang pagsisikap ni Pangulong Roxas na maibangon ang ating bansa mula sa mga pinsalang idinulot ng digmaan nang siya ay bawian ng buhay dahil sa atake sa puso noong Abril 15, 1948 habang siya ay nagtatalumpati sa Kelly Theatre, Clark Air Base sa Pampanga. Pagkalipas ng dalawang araw ng kanyang pagkamatay, humalili si Elpidio Quirino bilang bagong pangulo ng ating bansa.
  • 22. Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino (Abril 17, 1948–Disyembre 30, 1953) Nang bawian ng buhay si Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948, si Elpidio Quirino ang humalili sa kanya bilang bagong Pangulo ng ating bansa. Elpidio R. Quirino
  • 23. Pagtugon sa mga Pangangailangan Dahil malala pa rin ang suliraning pangkabuhayan ng ating bansa, iniutos ni Pangulong Quirino ang pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan upang matulungang malutas ang paghihikahos sa buhay ng taong-bayan. Pinagtibay din ng Kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum wage) sa mga kawani at manggagawa. Upang makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka, ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) ay itinatag ni Pangulong Quirino. Nagtatag din ng mga bangko rural sa mga bayan. Ang Labor Management Advisory Board ay itinatag upang maging tagapayo ng pamahalaan tungkol sa paggawa. Gayunpaman, hindi pa rin naiahon sa kahirapan ang karaniwang mamamayang Pilipino.
  • 24. Ang Paglala ng Suliranin sa Huk Sa kabila ng ginampanang pagpapalaya ng mga Amerikano sa Pilipinas mula sa mga Hapones, naging magulo ang kalagayang politikal sa bansa partikular sa Gitnang Luzon. Tumangging makiisa sa pamahalaan ang pangkat ng HukBaLaHap na dati’y nanlaban na sa pananakop ng mga Hapones.
  • 25. Ang HukBaLaHap Naging mabigat na suliranin para sa pamahalaan ang Huk na nakabuo ng higit na maraming bilang na kasapi. Ayon sa pinuno nito na si Luis Taruc, ang pagdami ng kasapi ng samahan ay bunsod ng: • Patuloy na pananakop ng United States sa bansa; • Di-makatarungang paghahatian sa sakahan; • Kawalan ng aksiyon mula sa pamahalaan upang maipatupad ang reporma sa pagsasaka; at • Hindi pagkilala ng pamahalaan sa mga gerilyang HukBaLaHap bilang mga beterano ng digmaan.
  • 26. Paglutas ng Suliranin sa HukBaLaHap Sa pagdaan ng mga araw, marami ang napinsala ng mga Huk. Upang masugpo ang kilusan, pinalawak ni Pangulong Quirino ang mga operasyong militar ng pamahalaan laban sa kanila. Hinirang ni Pangulong Quirino si Ramon Magsaysay, isang batang kongresista mula sa Zambales at dating gerilya, bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa (National Defense). Nang lumala ang ligalig sa pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong Quirino ang President’s Action Committee on Social Amelioration (PACSA). Tungkulin nito ang pagbigay ng tulong at pagpapautang sa mahihirap na mamamayan upang magkaroon sila ng kaginhawaan.
  • 27.
  • 28. Para sa iba pang impormasyon, magsaliksik tungkol sa mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sagutin ang mga tanong. • Ano-ano ang pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? • Ano ang parity rights at ang ugnayang kalakalan sa United States? • Ano ang epekto ng colonial mentality sa ekonomiya ng ating bansa?
  • 29. Paano mapagtutulungan ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang paglutas ng suliraning pangkatahimikan sa bansa? Ilahad ang iyong sagot sa Pangunahing Tanong. Pumili ng isa sa mga gawain. Sundin ang mga pamantayan sa rubric.
  • 30. IMPORTANT REMINDER: Users are NOT ALLOWED to distribute the contents of this material nor use them for other purposes without permission from Rex Book Store Inc. (RBSI)

Notas del editor

  1. Upang ihanda ang mga mag-aaral sa pormal na talakayan sa Aralin 10, isa-isahing ipaliwanag muna ang mga pamantayan sa pagkatuto para sa araling ito.
  2. Tumawag ng ilang mga mag-aaral at tanungin sila kung paano sila sa paglutas ng suliraning pangkatahimikan sa bansa. Maaaring gamitin bilang gabay ang mga larawan at mga kategorya sa slide. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na makapaghanda bago tumawag ng volunteers. Bago tumuloy sa susunod na bahagi ng talakayan, pangunahan muna ang klase sa isang gawain na matutunghayan sa bahaging GUNITAIN. Bigyan sila ng sapat na panahon na tapusin ang gawain.
  3. Iproseso ang mga paksang tinalakay sa aralin gamit ang seksiyong IBUOD.
  4. Ibigay ang gawain sa seksiyong PAGYAMANIN bilang takdang aralin na gagabayan ng mga magulang. Gamitin ang seksiyong ALALAHANIN AT UNAWIN bilang pampangkatang gawain sa loob ng klase.
  5. Pagkatapos ng gawain sa seksiyong ISAGAWA AT IBAHAGI, suriin ang natutunan ng mga mag-aaral sa Aralin 10 sa pamamagitan ng gawaing nakapaloob sa seksiyong MAGTAYA AT MAGPAHALAGA.