3. PANITIKAN
Ito ay isang payak na salitang
nahihiyasan ng iba-iba at malalim na
kahulugan.
Para sa mga manunulat, ang panitikan
ay isang malinaw na salamin, larawan,
repleksyon o representasyon ng buhay,
karanasan, lipunan, at kasaysayan
(Reyes, 1992).
4. Isa rin itong pinakamabisang sangkap
sa isang bansa upang malaman ang
pagkakakilanlan ng kakanyahan o
identidad nito.
Maging pasalita o pasulat man ang
kaanyuan nito, malinaw na masisinag
sa panitikan ang mga mithiin,
damdamin, layunin, adhikain, pangarap,
at landas na gustong tahakin ng
bansang ito.
5. Ang ibang panumbasan ng panitikan sa
Pilipino ay literatura at sa Ingles ay
“literature” na kapwa batay sa salitang-ugat
ng wikang Latin na “litera” na ang kahulugan
ay titik o letra.
Ito ay binubuo ng morpemang panlaping
PANG- (unlaping nagiging PAN- kapag ang
kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa
d, l, r, s, t); ng salitang-ugat na TITIK na
nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod
sa PAN-; at ng hunlaping –AN. Samakatuwid:
PANG – TITIK – AN (Panganiban, 1954:1)
6. Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang
Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, at pamahalaan, at
kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
Lumikha.
Ayon pa rin kay Jose Villa Panganiban
(1954:1), ang paraan ng pagpapahayag ay
iniaayos sa iba’t-ibang karanasan at lagay
ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng
pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot,
pag-asa o pangamba.
7. Ayon kay Miguel Bernard, S. J. (1954:146),
ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag:
di-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na
pagpapahayag.
Binigyan din nina Luz de la Concha at
Lamberto Ma. Gabriel (1978:XIV) ng
katuturan ang panitikan bilang salamin ng
lahi, kabuuan ng mga karansan ng isang
bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin,
kaisipan, at pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag gamit ang piling salita sa
isang maganda at masining na paraan,
nakasulat man o hindi.
8. Sa pamamagitan nito, ang kasaysayan,
kalagayan, at pinagdaanan ng isang bansa’y
nababatid. (Sebastian at Nicasio, 1965:1-2)
May tungkulin o papel na ginagampanan ang
panitikan sa kultura at kasaysayan (Cruz at
Reyes, 1984: 1-2):
1. Maaring ito’y isang likhang-isip, isang
bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng
manunulat at ng maraming bagay – ang
panlabas na realidad, ang kinabibilangan
niyang sistema, ang pangkalahatang
pananaw ng
9. komunidad, ang sistema ng sining,
at ang wikang ginagamit.
2. Maaaring sinasalamin ng
panitikan ang mga karanasan ng
indibidwal at ng kanyang lipunan. Sa
madaling sabi, ang isang akda ay
nagiging repleksyon ng mga
karanasan ng mga mamamayan
gayundin ng mga pangyayari sa
kasaysayan. Nabanggit ng ni Alip
(1974) na ang panitikan ay ang
paglalarawan ng tunay na
pangyayari sa isang bansa at ng
10. Malawak ang nasasakupan ng
panitikan. Naaaninaw nito ang
kapaligiran at mga pangyayaring
nagaganap sa nasabing kapaligiran.
(Angelina Santos ng MSU-IIT, (1958:
36-37))
Walang tinatago ang panitikan, kahit
ang pinakapangit na bahagi ng mundo
ay tinatalakay nito, lahat ay pinapaksa.
Ang lahat-lahat sa sandaigdigan ay
walang nakakaligtas, hanggang sa
ganap nating maunawaan ang mga
pangyayari sa ating buhay at
11. ANG MANUNULAT
Ayon kay Patricia Melendez-Cruz,
anyo ng pag-iisip ng manunulat ang
panitikan. Ito ang paraan niya ng
pag-iisip, pagpapahayag, at
pakikipag-usap. Ang akda ng
manunulat ang siyang midyum nito
ng pagpapahayag at pakikipag-usap.
Binibigyang-anyo nito ang kanyang
mensahe, ang nais niyang sabihin sa
kapwa.
12. Malaki ang papel ng manunulat sa
paglikha ng panitikan, sapagkat
siya ang aktibong nakikisangkot sa
paggawa ng kanyang likhang-isip.
Marami siyang tungkulin tinutupad
sa konteksto ng kanyang lipunan,
batay na rin naman sa kanyang
sariling pananaw, paninindigan, at
inaasahan sa kanyang komunidad.
(Cruz at Reyes, 1984: 2)
13. Ito naman ang naging paliwanag ni
Angelina Santos (1985: 45-47) tungkol
sa manunulat bilang manlilikha ng
panitikan.
Ang panitikan ay bunga ng panahong
kinabilangan at kinabibilangan ng
manlilikha nito, naaayon sa pananaw
at kamalayan ng manunulat at sa mga
nakapaligid sa kanya. Ang panitikan ay
naayon din sa mapanlikhang
imahinasyon ng manunulat sa
pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa
mga walang buhay, sa pamamagitan
14. pangyayaring wala pa sa kasalukuyan
tulad ng pagtuntong ng tao sa buwan
na noo’y isang pangarap lang.
Ang manunulat ay masugid na
tagapagmasid ng mga bagay sa
paligid –ang pinakamaliit na bato sa
lupa, mga bagay sa pusod ng dagat,
ang katayugan ng langit, ang mga
taong nakapaligid sa kanya, at
maging ang mga bagay na di kayang
abutin ng mga mata basta’t kayang
abutin ng damdamin at isip.
15. Kung nagsimula man siya sa laging
pagpapabatid sa kanyang natuklasang
kagandahan ng kalikasan ay sapagkat
nasisiyahan siya sa kanyang
kalagayan sa lipunang kanyang
ginagalawan. Kung patuloy siya sa
pagsulat ng kagandahan ng buhay,
kasiyahan ng mga mamamayan, at
kapayapaan ng paligid ay sapagkat ito
ang kanyang nakikita at nadarama.
Subalit kung sa kabila ng pagkawala
ng kapayapaan, kagandahan sa
paligid, at kasaganaan ng lahat ay
16. dumadakila rito, ito’y tuwirang pagtakas
sa katotohanan. Kung di man niya
amining tumatakas siya sa katotohanan,
ito kung gayon ay paghihiwalay niya sa
kanyang sarili bilang bahagi ng lipunan
kanyang ginagalawan o di naman
kaya’y ang tahasang pagsalungat sa
pagtalakay sa maselang kalagayan.
Totoong sa pagsulat ay walang
maaangking materyal na kayamanan;
maaaring ang dahilan ay pinansyal.
Hindi ba’t si Balagtas mismo ay nagbilin
17. daliri ng sinumang anak na susunod sa
kanyang yapak bilang manunulat? Ang
tunay na manunulat ng katotohanan at
kagandahan ng buhay, kung may
yumayaman man, ay iilan lamang.
Ang manunulat ay mapanuklas. Hindi
lamang mata ang pinagagana kundi
maging ang isip man. May mata
siyang marunong kumilala sa pangit at
sa maganda nang buong katotohanan.
May isip siyang marunong
mangatwiran upang magpatotoo.
Subalit
18. kaugnay ng paningin at pag-iisip,
mahalagang magtaglay siya ng
katapangan ng lakas ng loob sa
pagsasabi ng katotohanan, na ayon kay
S. P. Lopez ay:
…the guts to write bravely of what they see around them:
the pain and ugliness of the world as well as the beauty and
the joy of it, the triumphs of life as well as its surrenders,
man’s mean desires as well as the noble ambitions that
exalt him.
…writers will always have need of eyes and guts –the eyes
to observe clearly the reality of the world within as well as of
the world without, and the guts to write and bear witness to
their vision with pitiless honesty and deep compassion.
19. Dito sa Pilipinas, ang mga katangian ng
manunulat na nabanggit sa itaas ay
ipinakita nina Balagtas, Burgos, Rizal,
Del Pilar, Bonifacio, Lopez-Jaena, Abad,
Tolentino, Francisco at iba pa. Sa kani-
kanilang panahon, maging sa panahong
bago ideklara ang Batas Militar at
panahon ding ito ng Bagong Lipunan,
ipinakita rin ang mga katangiang
nabanggit nina Sikat, Landicho, Almario,
Ninez Cacho- Olivares, at ng marami
pang iba. Gayundin, nina Lualhati
Bautista, Soc Rodrigo at ng maraming
manunulat na nagsusulputan pa.
20. Sa kalagayan ng lipunan ngayon laganap
ang pang-aapi, pang-aabuso at
pangungurakot, higit na kailangan ang
panitikang nakikisangkot at makalipunan
para pumukaw ng tulog na isip at
damdamin ng mamamayan. Walang
puwang ngayon ang panitikang pang-aliw
at pantakas na nakatutulong sa ugaling
pagwawalambahala sa kapaligiran.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
manunulat sa kasalukuyang kalagyan ng
bansa. Sila ang tagapaghatid ng mensahe,
tagapagbigay ng impormasyon, at
tagapagsiwalat ng katotohanan. Ang sarili
21. katotohanan. Wala silang pinangangakuan.
Sila ang may hawak ng kanilang sariling
isip, damdamin. Hindi nila ito maaaring
ipaangkin sa iba na kung saan maaaring
ibaling ang kanilang ilong sa iba’t ibang
direksyon.
Bilang kabuuan, sino nga ba ang mga
manunulat? Ang kasagutan ay ito:
Writers are, by the nature of their chosen task, the spearhead of
progress.
They voice the grievances as well as the aspirations of a nation:
they document its achievements; they treasure for prosterity the
worthwhile efforts of man.
They are the critics of things as they are; they are the dreamers
of things as they should be; they cannot escape a large part of
the responsibility for the shape of things to come. (Lopez, 1972)
22. MGA KAANYUAN NG
PANITIKAN
May dalawang anyo ang panitikan:
Tuluyan (prosa) at Patula.
Ang Tuluyan ay maluwag na pagsasama-
sama ng mga salita sa karaniwang takbo
ng pangungusap. Ang Patula naman ay
pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan
ng salitang binibilang sa pantig (6, 8, 12,
16, o 18 sa taludtod) at pinagtugma-
tugma sa dulo ng mga taludtod sa loob ng
isang taludturan o saknong (Panganiban,
1950: 12)
23. Anyong Tuluyan
1. Sanaysay – naglalahad ng mga kuro-
kuro at pansariling kaisipan ng
manunulat.
2. Alamat – mga salaysay na itinuturing
ng mga mananalaysay at tagapakinig
bilang katotohanan (Boswell, 1969).
Ipinahahayag nito ang kasaysayan
ng mga tao. Tagpuan ng mga alamat
ang mga daigdig na ginagalawan
natin ngayon. Nagaganap ito sa
isang tiyak na lugar at nakapag-
uugnay sa nakaraan at sa
24. 3. Anekdota – itinuturing na mga
likhang-isip lamang ng manunulat. Ito
ay maaaring maikling bahagi ng
buhay ng tao lalo na bayani ng bayan
na nakapagbibigay-aral sa
mambabasa.
4. Balita – isang uri ng paglalahad ng
mga pang-araw-araw na kalagayan at
pangyayari sa lipunan, sambayanan,
pamahalaan, mga bansa, sa ibayong-
dagat, at sa buong sanlibutan.
25. 5. Salaysayin – itinatangi ito bilang katha-
katha o kathang-isip lamang at hindi
isinasaalang-alang bilang dogma o
kasaysayan. Ito’y mga pang-aliw o
libangan, na nangangahulugang
mabisang pampalipas ng panahon
lalong-lalo na sa oras ng pahingalay
(Bascom, 1965).
6. Talambuhay – paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Kapag ang talambuhay ay
nauukol sa taong siyang sumulat, ang
26. 7. Editoryal o Pangulong-tudling – isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o
ideya ng patnugot ng isang pahayagan.
Inilalahad niya ang kanyang opinyon batay
sa kanyang pananaw kaugnay ng mga
pangyayari.
8. Talumpati – pagpapahayag ito na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Magbigay ng kuro-kuro, magpaliwanag at
humikayat ang siyang layunin nito.
9. Maikling kwento – naglalahad ng isang
natatangi at mahalagang pangyayari ng
buhay ng isang pangunahing tauhan.
27. Ang pangunahing layunin nito ay aliwin o
libangin ang mambabasa sa
pamamagitan ng isang
makapangyarihang paglalahad ng isang
maselang pangyayari sa buhay ng
protagonista ng kuwento.
Mga Pangunahing Pangangailangan sa
Maikling Kuwento (Rubin, et al., 2001)
a. Panimula. Pagpapakilala sa tauhan,
paglalarawan ng tagpuan, at
pagpapakita ng suliranin.
b. Saglit na kasiglahan at mga suliraning
inihahanap ng lunas; paigting na
paigting ang mga pangyayari.
28. c. Tungo sa kasukdulan na mabilis,
malinaw, at tiyak hanggang umabot sa
d. Kakalasan
e. Wakas
Mga Elemento/Sangkap ng Maikling Kwento
a. Tauhan-Buhay at gumagalaw ang
maikling kuwento sapagkat may tauhang
nagpapagalaw dito. Kumikilos sila ayon
sa hinihingi ng sitwasyon at nagsasalita
sa isa’t isa upang magkaunawaan.
29. b. Tagpuan- Nararapat bigyan ng
mahalagang pansin ang ganapan o lugar
na pinangyarihan ng maikling kuwento
sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay
linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
c. Banghay- Balangkas o istruktura ng
maikling kuwento ang banghay. Ito ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
tungo sa pagbuo ng maikling kuwento.
d. Paksang-diwa/Tema- Ayon kay Ligaya
Rubin (1995), nasa paligid lamang ang
paksa ng maikling kuwento. Ang mga ito’y
nasa
30. pang-araw-araw na karanasan ng tao,
nasa karanasan ng iba sa ikinukuwento
nila, napakikinggan, at kinapupulutan ng
mga kaisipan.
e. Simbolo/Sagisag- Nagpapahiwatig ang
mga ito ng kahulugan, mga nakakubling
kahulugan, at ang mga ito ay
nagbibigay kabuluhan sa akda.
31. Mga Uri ng Maikling Kwento
a) Kwento ng Tauhan – Ang pokus o tuon sa
kwento ay nasa pangunahing tauhan.
Halimbawa nito’y “walong taong gulang “ ni
Genevova Edroza-Matute.
b) Kwento na may Katutubong Kulay- Ang
binibigyang diin sa kwentong ito ay ang
kapaligirang ng pinangyarihan, ang mga
kaugalian at pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook. Halimbawa ng
kwentong ito ay ang “Suyuan sa Tubigan” ni
Macario Pineda.
32. c) Kwento ng Pakikipagsapalaran -
Nakatuon ang kwento sa balangkas ng
pangyayari at wala sa tauhan ang
kawilihan o interes sa kwentong ito.
d) Kwento ng Katatawanan- Ang layunin ng
kwentong ito ay magpatawa at bigyan ng
aliw ang mga bumabasa. Ang halimbawa
ng kwentong ito ay “Tubig sa Buslo”.
33. e. Kwentong Sikolohiko-
Sa ganitong uri ng kwento, may
kahirapang ilarawan ang pagiisip ng
isang tao. Ang kailangan ng kwentong
ito’y maipadama sa mga bumabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari. Mga halimbawa
ng kwentong ito’y “Dugo at Utak” ni
Cornelio Reyes at “Ang Pusa sa Aking
Hapag” ni Jesus A. Arceo.
34. 10.Nobela – Naglalahad ng maraming
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at iba
pang katulong na mga tauhan. Ang buong
pangyayari ay sumasaklaw nang higit na
mahabang panahon kaysa maikling katha
(Sebastian at Nicasio, 1965:2).
Mga Sangkap/Elemento ng Nobela
(Restituto, et al., 1994)
a. Tauhan. Binibigyang buhay ng
manunulat ang mga tauhan sa kaisipan ng
mga mambabasa.
35. b. Tagpuan- Ito ay ganapan o lugar na
pinangyayarihan ng mahabang salaysay.
c. Banghay - Balangkas ito ng mga pangyayari
na inayos at pinag-ugnay ng isip. Ito ang
mismong salaysay o mga pangyayaring
bumubuo sa akda o mga pangyayaring
tungkol sa salaysay.
d. Paraan ng Pagsulat - Paano sinulat ang
nobela? Maayos, maganda at kaaya-aya ba
ang estilo ng pagkakasulat nito o
masalimuot?Maligoy, mabulaklak o direkta
ba ang pagkakapahayag ng manunulat sa
kanyang pananalita?
36. Makahulugan ba ang kanyang mga
ginagamit na salita? Ang paggamit ng
angkop na mga salita na may wastong
kahulugan ay nagpapalinaw at
nagpapakita ng kaugnayan ng mga
pangungusap.
e. Haba - Gaano kahaba ang nobela?
Kinakailangan ang haba ng nobela ay
naangkop din sa mga pangyayari o
kaganapang bumubuo sa akda.
37. Katangian ng Kaakit-akit na Nobela
Mahusay dapat ang pagpili ng mga
salita, may bahaging masaya at may
sariling tatak ng kumatha.
Ilang uri ng Nobela (Restituto, et al.,
1994)
a. Romansa o Pag-ibig. Kadalasan ang
mga pangunahing tauhan ukol sa
paksang pag-ibig ay ang protagonistang
lalaki, ang bidang babae, at isa pang
tauhang pinanggalinganng tunggalian
38. Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng
tinatawag na tatsulok na pag-ibig (love
triangle). Sa nobelang Anak sa Ligaw
(1972) ni Dr. Fausto Galauran ay
matutunghayan ang ganitong paksa ng
pag-ibig.
b. Nobelang Historical. Ito’y mga nobelang
pangkasaysayan na temang
panghihimagsik, may mga tauhang
makabayan, at ukol sa tagpuang
pinangyarihan ng panahon ng digmaan.
39. Ang mga halimbawa ng mga nobelang
pangkasaysayan ay ang The Filipino
Rebel ni Maximo Kalaw at ang anino ng
Kahapon ni Francisco Lacsamana.
c. Nobela ng Tauhan. Ang katauhan ng
pangunahing tauhan ay binibigyang diin
sa nobelang ito. Gayundin, ang mga
hangarin at mga pangangailangan ng mga
tauhan ay binibigyan ng pansin.
Halimbawa nito ay ang Nena at Neneng ni
Valeriano Hernandez Pena.
40. d. Nobela ng Pagbabago. Binibigyang diin dito
ang mga layunin ng may akda o ang kanyang
mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at
sa pamahalaan. Ang halimbawa nito ay ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr.
Jose P. Rizal.
e. Nobelang Pulitikal. Ito’y tumatalakay sa
kontemporaryong isyung pulitikal. Tinutuligsa
ng mga nobelista ang kalagayang panlipunan
na itinatag ng bagong sumakop. Ang
Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar ang
halimbawang sumasailalim sa
kontemporaryong suliranin noong panahon
ng Amerikano.
41. f. Nobelang Moral.
Binibigyang diin ng nobelista ang
aspekto ng moralidad ng mga kababaihan.
Iniuri sa dalawa ang nasabing isyu: (a)
isang kasaysayan ng babaeng may
madilim na nakaraan ngunit may
ginintuang puso, at (b) ang katapatan at
pagtataksil ng isang asawa. Ang mga
halimbawa nito ay Ang Tunay na Pag-ibig
(1913) at ang Sampaguitang Walang
Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado.
42. g. Nobelang Pang –ekonomiya at Isyu sa
Paggawa
Isinulat ni Lope K. Santos
(1905) ang Banaag at Sikat , ang unang
nobelang Tagalog na tahasang
tumatalakay sa isyung ekonomiya at
paggawa. Pinaksa sa nobela ang pag-
ibig, suliraning pampamilya, mga
personal na karanasan, at ang
pagtatagisan ng mga pwersa at uri ng
lipunan. Ang sentro ng sigalot ng
salaysay ay ang pagkakasalungat ng uri
ng kabuhayan ng magkasintahang sina
Delfin na isang karaniwang
manggagawa, at Meni na anak ng
43. Mga Anak Dalita ni Patricio Mariano
ang buhay ni Pedro, ang tunay na
makakapitalistang sistema sa
paggawa, at mga patakarang kontra
manggagawa.
11. Dula – isang kathang ang layunin ay
ilarawan sa isang tanghalan, sa
pamamagitan ng kilos at galaw, ang
isang kawil ng mga pangyayaring
nagpapahayag ng isang kapana-
panabik na bahagi ng buhay ng tao
(Alejandro at Pineda, 1950: 300).
44. Ang mga pangunahing sangkap ng
isang dula ay (a) isang paglalahad ng
mga pangyayari, (b) isang buhol o
suliranin, at (c) ang kakalasan o
pagliliwanag ng suliranin.
Mga Sangkap/Elemento ng Dula
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
45. Katangian ng Dula (Sermolan, et al., 1999)
Mga Pangangailangan ng Dula
1. pagpukaw sa mga manonood
2. isang paunlad na paglalahad ng mga
pangyayari pagkatapos na matawag ang
pansin ng manonood o mambabasa. Ang
pangyayaring ito’y patuloy sa pagsulong
ng dula tungo sa pinakamahigpit na
3. buhol o suliranin na siyang
pinakatuktok ng tunggalian ng dalawang
magkaibang lakas na
46. kinakatawan ng mga tauhan ng dula
tungo sa
4. kakalasan o pagliwanag sa suliranin
na dapat ay makatwiran hanggang sa
5. kawakasan na kung minsan, ang
tunay na kawakasan ay hianahayaan na
lamang sa isipan ng mambabasa o
manonood tulad ng mga ilang palabas
sa “Balintataw,” isang seryeng pang-
telebisyon.
Mga Kasunduan ng Dula
47. ang manonood na sa loob ng dalawang
oras na pagtatanghal ay nabuhay siya
sa isang araw.
2. Kasunduan sa Tagpuan. Tinatanggap
ng manonood na ang mga pangyayari
ay nagaganap sa loob ng isang
tahanan o alinmang pook na
inilalarawan sa tanghalan bagamat
isang palabasan lamang ang nakikita.
3. Kasunduan sa Pananalita. Tinatanggap
ng mga manonood na may mga
panandaliang ginagamit para sa
pakikipag-usap sa mga
48. kasamang tauhan at mayroon namang
sinasalita na para sa sarili lamang na
ipinaririnig sa mga manonood at kunwari’y
hindi naririnig ng kasama sa tanghalan.
Mga Uri ng Dula
1. Saynete – ang pinakalayunin ng dulang
ito ay ang magpatawa ngunit ang mga
pangyayari ay karaniwan lamang. Ang
mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa
likod ng telon ang mga taong nagsasalita.
Ito’y mayroon ding awitan.
49. 2. Parsa – layunin ng dulong ito ang
magpatawa at libangin ang mga
manonood. Katawa-tawa ang mga
sitwasyon, maging ang kilos at pananalita
ng mga tauhan.
3. Melodrama – may malungkot na
pangyayari ang dulang ito na halos ang
mga pangunahing tauhan ay mabingit sa
kamatayan ngunit sa bandang huli’y
magtatagumpay din sila at magwawakas
sa kaligayahan.
50. 4. Trahedya – dulang nagtatapos sa
kabiguan o kalungkutan ng
pangunahing tauhan. Ito’y
kinapapalooban ng mga mahihigpit na
tunggalian. May mapupusok at
maaapoy na damdamin ang mga
tauhan.
5. Komedya – dulang nagtatapos sa
tagumpay ng pangunahing tauhan,
masaya at kawili-wili sa mga nanonood.
12. Parabula (Parable) – salaysaying
hango sa Bibliya na nagbibigay-aral sa
51. Anyong Patula
Ang panulaan ay isang bahagi ng
panitikan na naglalahad ng isang piling
kaisipang malimit ay sa pamamagitan
ng salitang may sukat at tugma at
kung minsan naman ay walang sukat
at tugma.
Ang tulang walang sinusunod na
tuntunin ng sukat at tugma ay
tinatawag na malayang taludturan o
free verse (Sebastian at Nicasio, 1965:
2).
52. Ang tula ay isang pagbabagong-hugis
sa buhay –isang paglalarawan ng
buhay na hinango sa guniguni, na
ipinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang nag-
aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na
mainam kung may sukat at tugma ang
taludturan.
Ang kahulugan ng tula ay “likha,” at
ang makata ay isang manlilikha
(Alejandro at Pineda, 1950: 270).
Nagpapahayag ang tula ng isang
ideya o damdamin sa isang wikang
matalinghaga (Rubin at Casanova,
53. Ang paksa ng tula’y hinahango sa
kalikasan, sa buhay ng tao, sa bagay na
nakikita o sa balanang naiibigan o
ginagawa ng tao, tungkol sa mga
kalagayang sosyal, pangkabuhayan, at
mga kalakaran sa lipunan.
Panulaan
1. Denotasyon at Konotasyon – mahalaga
sa pag-uunawa ng tula ang
interpretasyon o pagbibigay-kahulugan.
Ang aktwal na kahulugan o kahulugang
pandiksyunaryo ay tinatawag na
denotasyon. Samantala, ang konotasyon
ay kahulugang ipinahihiwatig
54. ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang
salita.
2. Diksyon ng tula – diksyon ang tawag sa
mga salitang pinipili para gamitin ng
makata o kahit sinong manunulat. Hindi
dapat ipagkamali ang diksyon ng tula sa
diksyon ng karaniwang pananalita.
3. Poetic license – tinatawag na poetic
license ang karapatan ng makatang
umiiwas sa anumang pamantayan at mga
tuntunin upang magkaroon ng bisa o
epekto. Maaari niyang gamitin ang isang
pangngalan na maging pang-uri o isang
55. maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri).
Malaya rin ang makata sa palaugnayan
(syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa
pangungusap. May mga tula minsan na
binubuo lamang ng mga salita at parirala
imbes na mga kumpletong pangungusap.
Nakasalalay ito sa estilo o porma ng tula.
4. Persona
Mga Dapat Tandaan
a. Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula
b. Ang persona at ang makata ay maaaring
pareho o iisa ngunit hindi dapat ipagkamali
na makata at ang persona ay laging iisa.
56. c. Ang persona ay maaaring may buhay man
o wala. Maaaring magsalita ang anumang
bagay o taong may buhay.
d. May mga persona na ispesipiko at agarang
matutukoy. May mga persona namang
hindi ispesipiko at maging ang kausap ay
hindi rin matukoy.
5. Paggamit ng Simbolo – ang simbolo sa
sining ng pagtula ay pagpapahiwatig o
paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao,
kaisipan, o katangian sa pamamagitan ng
mga pananda (signs) at mga sagisag. Sa
simbolo may
57. nakakubling kahulugang ipinapahiwatig
lamang ng makata sa halip na tahasang
ipahayag.
6. Talinghaga - ayon kay Virgilio Almario,
ang talinghaga ang utak ng paglilikha at
disiplinang pumapatnubay sa haraya at
sa pagpili ng salita habang isinasagawa
ang tula. Samakatuwid, ang talinghaga
ay may kahulugang higit na malalim sa
literal na ipinapahayag. Iba’t iba ang
paraan ng pananalinghaga o paggamit ng
58. Mga Uri ng Tayutay
Naging kaakit-akit at malikhain ang
isang pagpapahayag sa pamamagitan
ng mga tayutay.
a. Simili/Patulad/Pagtutulad – simpleng
paghahambing ito ng dalawang bagay
na magkaiba sa pangkalahatan,
ngunit may magkatulad na katangian
kaya’t maiuugnay sa isa’t isa. Ang
mga salitang panulad na ginagamit sa
uring ito ay parang, kawangis, anaki,
animo, gaya/kagaya, tulad/katulad,
mistula, atbp.
59. b. Pagwawangis/Metapora – tuwiran ang
paghahambing ng tayutay na ito, kaya
hindi na ginagamitan ng mga katagang
nagpapakilala ng paghahambing.
c. Pagsasatao o personipikasyon – ito ang
paglilipat o pagkakapit ng katangian ng
isang tao sa mga bagay na walang
buhay.
d. Pagmamalabis/Eksaherasyon – ito ang
pagpapasobra sa normal na
pagpapahayag upang bigyang diin ang
mensahe. Karaniwang matinding
60. e. Apostropi o panawagan – ito’y isang
madamdaming pagtawag sa gitna ng
pangkaraniwang salaysay na wari’y kaharap
lamang ang kinakausap.
f. Metonimi o Pagpapalit-saklaw – ito ang
pagtukoy ng isang bahagi bilang katapat ng
kabuuan. Maaari ring kabuuan ng bagay-
bagay ang itinatapat sa isang bahagi.
g. Pag-uyam o Irony – pangungutya ito sa tao,
bagay o pangyayari. Maaaring pumupuri ito
sa simula ngunit lilitaw rin ang pamimintas
61. h. Alusyon o Allusion – tumutukoy ito sa
historikal, biblikal o literari na katauhan,
pangyayari, at bagay.
i. Aliterasyon o Alliteration – pag-uulit ng
magkakaparehong tunog na magsisimula
sa magkakasunodn na iba-ibang salita.
j. Anapora o Anaphore – pag-uulit ng isang
salita o parirala sa simula ng sunod-
sunod na parirala, sugnay o mga
taludtod.
62. k. Antistropi o Antistrophe – pag-uulit ng
magkakaparehong salita o parirala sa
katapusan ng magkakasunod na
sugnay.
l. Antonomasiya o Antonomasia – ang
paggamit ng tatak sa pagtukoy ng isang
tamang tao, tumpak na lugar o bagay.
Tatlong Kaanyuan ng Tula
1. Tulang pandamdamin o liriko – ay
nagpapahayag ng damdamin na
kinakailangang maging himig at
63. a. Elehiya – kini-kinita ang isang
pangyayari o pagbubulay-bulay ng
guniguni ukol sa kamatayan,
paggunita ng isang yumao.
b. Oda – ito ay malimit na ginagamit sa
pagpapahayag ng masiglang
damdamin sa pagpupuri. Wala itong
tiyak na bilang ng taludtod at bilang
ng pantig.
c. Kantahin – maaaring ang damdaming
ipinahahayag na ito ay pansarili o
64. d. Soneto – ito ay binubuo ng labing-apat
na taludtod na pinagdalawang
taludturan, isang waluhan, at isang
animan.
e. Pastoral – ang buhay sa bukid ang
inilalarawan sa ganitong uri ng tula.
2. Tulang Pasalaysay – ito ay
nagsasalaysay ng mga pangyayaring
maaaring tunay o kaya hango lamang
sa guniguni o imahinasyon; mga di
kapani-paniwalang mga pangyayari. Sa
panitikang Pilipino, ang tulang
65. a. Epiko – isang mahabang salaysay ukol
sa kagitingan ng isang bayani.
Halimbawa ng tulang epiko ay ang Biag
ni Lam-ang ng mga Ilokano.
b. Awit at korido – ito ay ukol sa mga
paksang may kinalaman sa
pakikipagsapalaran, pandarayuhan, at
pandirigma, na dinala rito ng mga
Kastila buhat sa Europa. Ang awit ay
binubuo ng labindalawang pantig sa
bawat taludtod at ang korido ay binubuo
ng walong pantig sa bawat talutod. Ang
Florante at Laura ay isang awit at ang
Ibong Adarna ay isang korido.
66. 3. Tulang Pandulaan – ang kaanyuan at
kayarian nito ay patula at masasabing ang
katangian nito ay nabibilang o patungkol sa
dula.
Halimbawa:
a. Saynete – karaniwang pag-uugali ng tao o
katangian ng pook ang paksa nito.
b. Trahedya – tunggaliang nagwawakas sa
pagkasawi ng protagonista.
c. Komedya – karaniwang nagtatapos ang
tunggalian sa pagkakasundo ng mga tauhan
na siyang nakapagpapasaya ng damdamin
ng manonood, nagwawakas ito ng masaya.
67. ETNOLINGGWISTIKONG
PANGKAT SA PILIPINAS
ANG MGA ILONGGO
Ang Ilonggo ay tumutukoy sa mga taong
naninirahan sa Iloilo, sa Isla ng Guimaras,
Negros Occidental, at maging sa kanlurang
bahagi ng isla ng Negros. Nagmula ang
terminong Ilonggo sa Pilipino-Espanyol na
salitang irong-irong na ang ibig ipakahulugan
ay kawangis ng ilong. Irong-irong din ang
pangalan ng maliit na isla na matatagpuan sa
gitna ng Ilog ng Batiano na kung saan
dumadaloy ito sa munting Lungsod ng Oton,
Iloilo patungong karagatan.
68. Hiligaynon ang tawag sa lenggwahe ng
Ilonggo na sinasabing nagmula sa
pariralang manaog-ilig sang kawayan na
ang ibig sabihin ay Bamboo Floaters.
Pinaniniwalaan din na ang kasaysayan
ng lugar na ito ay nagmula nang
dumating ang mga Kastila sa isla ng
Panay mula sa Cebu noong 1569.
Nadatnan ng mga dayuhan ang mga tao
sa nasabing isla na may maraming tato
sa katawan, kaya pinangalanan nila ang
Panay na Isla de Pintados (Island of the
Painted Ones).
69. Ang mga unang naninirahan sa isla ay
mga Aetas. Aninipay din ang tawag sa
kanila dahil sa mga pananim na
nakapaligid dito.
Ang wikang Ilonggo ay tumutukoy sa
wika at kultura na may kaugnayan sa
Negros Occidental, Iloilo, at Capiz.
Kilala rin ang wika sa tawag na
Hiligaynon. Ang wikang Hiligaynon ay
isa sa mga pangunahing wika ng
Pilipinas.
70. ANG MGA SUBANON
Ang mga Subanon ay tinatawag ding
Subanu, Subano, at Subanen. Ang
Subanon ay hango sa mga salitang soba
o suba na ang ibig sabihin ay ilog at ang
hunlaping –nun o –non ay nagsasaad ng
lokalidad. Kung kaya ang ibig
ipakahulugan ng Subanon ay mga
mamamayan ng ilog.
Ang mga Subanong naging Muslim ay
71. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Carmen
Lozano ng Western Mindanao State
University, ang ilang paniniwala at
kaugalian ng mga Subanon ay ang mga
sumusunod: Walang paraan ng panliligaw
sa mga Subanon. Maliit pa lamang ang
kanilang mga anak, maaari na nilang
ipagkasundo ang mga ito sa kanilang
kaibigan o kapitbahay. Sa pag-aasawa,
ang mga Subanon ay may dowry rin;
tinatawag nila itong tugday o sunggudan.
Limandaang piso ang minimum ng
sunggudan. Bukod sa tugday
72. na hinihingi ng magulang ng babae,
hihingi rin sila ng pitong buhay na manok,
tatlumpu’t isang pirasong itlog, baboy, at
bigas para sa kanilang salo-salo na
gaganapin sa bahay ng babae. Ang
paraan ng panganganak ng mga Subanon
ay simple lang. Ginagawa ito sa
pamamagitan lamang ng hilot na sa
mismong bahay ng manganganak
isasagawa. Hindi maaaring ilabas ng
bahay ang bata hanggat hindi pa
naisasagawa ang kano o pagdarasal
73. Tatlong araw matapos isilang ang sanggol,
kailangang isagawa na ang kano o
pagdarasal upang ilayo ang sanggol sa
anumang kapahamakan.
Sa paglilibing naman ng namatay, may
kakaiba silang paraan. Ibinabalot nila ang
bangkay gamit ang balat ng punungkahoy.
74. ANG MGA YAKAN
Ang mga Yakan ay tumutukoy sa
nakararaming grupong Muslim sa
Basilan, isang isla sa bahaging timog
ng Mindanao. Tinatawag sila ng mga
Kastila na mga Sameacas at tinuturing
silang Malayo. Minsan, tinatawag din
silang mga kalaban ng taong bundok
Pagsasaka ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Yakan. May
sinusunod na ritwal at dasal ang mga
Yakan sa pagtatanim hanggang sa
pag-aani. Ito ay pinangungunahan ng
kanilang Imam.
75. Sa Muslim na Yakan, ang mundo ay
nahahati sa dalawa: Dar-UI-Islam (tirahan
ng mga Islam) at Dar-UI-Harb (tirahan ng
mga di-naniniwala). Para sa Yakan, ang
langit ay isang lugar kung saan
matatagpuan ng kaluluwa ang
kaligayahan, kasiyahan, at kapayapaan.
Para sa kanila, ang langit ay may walong
andana. Ang ikalawang andana ay ang
dimensyon ng Diyos na kung saan di
maaabot ng sinuman hangga’t hindi
pinagsisikapan dito sa daigdig.
76. ANG MGA BADJAO
Ang terminong Badjao na
nangangahulugang mga mangingisda
(Llamzon, 1978) ay tumutukoy sa mga
taong naninirahan sa karagatan o
dalampasigan ng mga kapuluan sa Sulu
na binubuo ng mga probinsya ng Sulu,
Tawi-Tawi, at Katimugang Palawan.
Ipinalalagay na bahagi sila ng Samal o
Sama, isang etnikong grupong Muslim
na nakabase sa lupa. Ang mga Badjao
ay karaniwang naninirahan sa mga
bangka. Sila ay mga hitano o hitana ng
dagat na walang relihiyon. Ang mga
77. Ipinagpapalagay ng ilan na ang Badjao ay
katulad ng maliliit na pangkat ng mga
Samal Laut (mga Samal na naninirahan
sa dagat) o Samal Tonqongan (totoong
Samal). Gayunpaman, itinuturing ni
Bluementritt (1892) na ang Samal Laut at
Badjao ay dalawang magkaibang grupo.
Unang dumating ang mga Samal Laut
bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa
kapuluan ng Samales na matatagpuan sa
pagitan ng Jolo at Basilan.
78. Naiiba sila sa Samal de Lea o Samal Dea
o Samal Lipid (mga Samal na naninirahan
sa lupa) o Samal ha Gimba (Samal sa
kagubatan) na Samal o Sama sa simpleng
katawagan. Tinatawag na Luwaan
(tagalabas o itinakwil) ng mga Tausug ang
mga Badjao at Palau (lumulutang na mga
tao) kung saan nagmula ang pangalan ng
isla ng Palawan. Ang salitang Palau ay
ibang katawagan sa Paraw (bangka).
Pinangangalanan din silang Kuto Dagat o
Kuto Tahik (mga kuto ng dagat) ng mga
Tausug at Samal. Gayunpaman, sinasabi
ng mga Badjao na sila ay mga Samal o
79. Sinama ang tawag ng mga Badjao sa
kanilang wika, na diyalekto ng wikang
Samal. Ang iba nama’y Badjau, Badjaw, o
Badjao ang tawag sa kanilang wika upang
maiba sa salitang ginagamit ng mga
Samal na naninirahan sa lupa. May
tatlong uri ng Badjao batay sa kanilang
tinitirhan; mga sedentary, o iyong
namamalagi sa isang lugar at may
negosyo, gaya ng halimbawa ng mga
Badjao na nasa Sitangkai, isang
munisipyo sa probinsya ng Tawi-Tawi;
mga semi sedentary na gumugugol ng
80. na bangka at bahay sa baryong
Sisangat sa pulo ng Siasi; at ang mga
gypsies o mga hitano o hitana ng dagat
na naninirahan sa mga bahay na
bangka na animo’y naglalakbay na
mangingisda na naghahanap ng
mayamang lugar na mapangingisdaan.
81. ANG MGA TAUSUG
Ang pangalang Tausug ay nagmula sa
salitang “tau” na ang ibig sabihin ay “tao”
at “sug” na ang ibig pakahulugan nama’y
“agos” na kapag pinagsama ay “mga
taong agos.” Ito’y tumutukoy sa karamihan
ng mga Muslim sa kapuluan ng Sulu.
Nagmula ang pangalan sa salitang “Sulug
o “Sug” na ang ibig sabihin sa Tausug ay
“agos ng karagatan.”
82. Bahasa Sug ang sinasalita ng mga
Tausug, isang Malayo-Polynesian na wika
na tulad sa Bisaya na sinasalita sa
Surigao na nasusulat sa hablun o
paghahabi.
Pagsasaka, pangingisda, at
pangangalakal ang mga pangunahing
pang-ekonomiyang gawain ng mga
Tausug na nahahati sa dalawang pangkat:
ang Parianon (mga taong nakatira sa
sentro o sa lupain) at ang Guimbahamon
83. Ang sistema ng kanilang pangangalakal
ay umaabot hanggang sa mga bansa ng
timog-silangang Asya gaya ng Borneo at
Malaysia.
Ang biyatawi ay isang kasuotang
pambabae na gawa sa satin at maaaring
may ginto o pilak na butones. Ang
patadyong ay isang kasuotan na maaaring
gamitin ng lalaki at babae. Sawal din ang
tawag sa suot na pajama ng mga lalaki
(Amilbangsa, 1983).
84. ANG MGA MANOBO
Ang Manobo, Minuvu o Manuvu ay
nangangahulugang “tao” at ang suba ay
“ilog” (taong taga-ilog). Hinango rin ito sa
“Bonobo,” ang pangalan ng sapa na
dumadaloy sa ilog Pulangi na may
dalawang kilometro sa ibabang lungsod
ng Cotabato. Ang mga Manobo ay mga
taong nanggaling sa Timog Tsina, ilang
libong taon na ang nakaraan at unang
nakarating pa sa hilagang Mindanao,
Camiguin, Cagayan at sa ibang lugar
85. Bukidnon at Misamis Oriental. Karamihan sa
mga Manobo ay naninirahan sa tabing-ilog,
lambak, at burol sa Agusan, Bukidnon,
Cotabato, Davao, Misamis Oriental, at
Surigao del Sur (CCP Encyclopedia of
Philippine Arts, 1994). Ang mga Manobo ay
nagsasagawa ng pagkakaingin. Ang ilang
naninirahan sa lambak ay nagtatanim ng
palay; bigas ang kanilang pangunahing
produkto. Ang iba pang ikinabubuhay nila ay
pangingisda at pangangaso. Dahil sa
ganitong klase ng pang-aagdong buhay,
nagpapalipat-lipat ng tirahan ang mga
Manobo o walang permanenteng tirahan
86. ANG MGA MAMANUA
Ang mga Mamanua ay mga katutubo ng
hilagang-silangang Mindanao.
Napakasimple lamang ng pamumuhay ng
mga Mamanua. Sila’y mga taong
maituturing na nomads o mga taong
palipat-lipat lamang ng tirahan dahil sa
paraan ng kanilang pamumuhay. Minsan,
sila’y tinatawag na Konquista, Kongking,
Amamanua, at Mamaw. Ang pangalang
Mamanua ay nangangahulugang first
forest dwellers na galing sa salitang man
na ibig sabihin ay first at banwa na ang
87. ANG MGA MAGUINDANAON
Nakatira sa timog-silangang bahagi ng
Mindanao ang mga Maguindanaon. Nang
mahiwalay raw ang magkapatid na
Tabunaway at Mamalu,ang una at ang
kanyang mga tagsunod ay umalis sa
kanilang kinagisnang nayon at naghanap
ng pook na kanilang matitirhan. Ang
tanong na kung saan sila titira ay
nagkaroon ng kasagutan, “Maginged tano
sa danao” na ang kahulugan ay “tumira
tayo sa palibot ng lawa.”
88. Dito nagmula ang pangalang,
“Maguindanaon” nang pagdugtungin ang
dalawang katutubong salitang, “maginged”
at “danao”. Ang salitang “maginged” ay
maaaring nangangahulugang “ang mga
nakatira o titira” at ang salitang “danao”
naman ay “lawa” sa salitang
Maguindanaon (Alfanta, 1975 -76).
89. ANG MGA MARANAO
Mga Maranao ang tawag sa mga
naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran
ng lawa o Lanao, na siyang pangalawang
pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang
orihinal na tawag sa lalawigang ito’y
Ranao na nangunguhulugang lawa o
lanaw at ang mga naninirahan dito ay
tinatawag na Maranao (naninirahan sa
may lawa).
Mahalaga sa mga Maranao ang kanilang
maratabat o pride. Ang salitang maratabat
ay nangunguhulugan din na amor proprio
90. ANG MGA IRANUN
Ang Iranun ay isa sa etnolinggwistikong
grupo sa Pilipinas (Tumangan, 1990).
Matatagpuan ang mga Iranun sa ilang
bahagi ng Pilipinas at may ilan ding
naninirahan sa Sabah, isang estado ng
Malaysia na malapit sa Tawi-Tawi.
Gayunpaman, sa Mindanao partikular sa
Lanao, nagmula ang nabanggit na
etnolinggwistikong pangkat.
91. Ang salitang Iranun ay nagmula sa
terminong I-ranao-on, na
nangangahulugang “people of the lake” o
mga tao sa lawa (Ranaw), katulad ng
salitang Maranao (Saber, 1985). Ang mga
Iranun/Iranon/Ilanun ay sinasabing nabuo
mula sa mga Maranao at Maguindanaon.
Napahiwalay sila sa mga Maranao dahil
tumira sila sa tabi ng Ilana Bay
samantalang nanatili sa Lake Lanao ang
mga Maranao.
92. ANG MGA ZAMBOANGUENO O TAGA-
LUNGSOD NG ZAMBOANGA
Itinuturing ang lungsod ng Zamboanga na
sentro ng hanapbuhay at pangangalakal
sa timog Mindanao. Ang bapor na
nanggagaling sa hilaga at sa malayuang
timog ay nakukuha ang madaliang ruta sa
pamamagitan ng Basilan Strait o di kaya’y
sa daang-kanluran ng Basilan o sa
hilagang Mindanao sa loob ng Pasipiko
(Malonzo, 1970).
93. Chavacano ang wikang sinasalita ng mga
Zamboangueno. Ito ay tinatawag na
Spanish creole, isang katutubong wika sa
Pilipinas na dominante ang salitang
Kastila. Gamit ang panandang ya, ta, at
ay, malalaman natin kung ang panahunan
o aspekto(tense) ng pandiwa ay
perpektibo, imperpektibo, at
kontemplatibo. Halimbawa, Ya canta si
Jomax (Umawit si Jomax); Ta canta si
Jomax (Umaawit si Jomax); at Ay canta si
Jomax (Aawit si Jomax).
94. ANG KULTURA NG MGA
PILIPINO NA KAUGNAY NG
KANILANG PANINIWALA
ANIMISMO (ANIMISM)
- ang animismo ay ang paniniwala sa mga
ispiritu na laganap sa pagsasaka at
pangingisda.
PATALISMO (FATALISM)
- nangangahulugan ito ng pananalig at
pagpapaubaya ng kapalaran sa swerte,
tadhana, bwenas, malas –lahat ng
paniniwala ukol sa kapalaran,
katalagahan, horoscope, numero/bilang,
95. EUPEMISMO (EUPHEMISM)
- nangangahulugan ito ng pagpapahayag
ng di-kagiliw-giliw na katotohanan,
opinyon o pakiusap na masasabing
pinapalabas na parang magiliw at kaaya-
ayang pakinggan. Ito ay ang paggamit ng
white lies para maging kasiya-siya at
kalugod-lugod ang pagsasalita.
PAKIKISAMA
- ito ay nangangahulugang sumasang-
ayon sa kagustuhan at kapasyahan ng
96. EMOSYUNAL NA PAGKAKALAPIT AT
KAPANATAGAN NG PAMILYA
- may inaasahang gantihang
pagtutulungan at kaisahan sa pagitan ng
mga miyembro ng pamilya sa emosyunal
at pinansyal na aspekto.
EKONOMIKO AT PANLIPUNANG
PAGPAPAUNLAD
- hangarin ng bawat pamilyang Pilipino na
maiangat ang pamantayan ng
pamumuhay ng kanyang mag-anak at
97. UTANG NA LOOB
- sa pangkalahatang pananaw,
nangangahulugan itong pagbabalik ng
pabor bilang ganti o kabayaran.
PERSONALISMO (PERSONALISM)
- ipinakikita sa paniniwalang ito ang
paggamit ng pakiusap (request), lagay at
areglo (bribery and case fixing),
palakasan, kapangyarihan, impluwensya,
nepotismo, at pagkiling.
98. NINGAS COGON
- tumutukoy ito sa pagpapakita ng
interes at kawilihan sa simula ng
proyekto ng isang buong samahan.
Ngunit dumarating ang pagkakataon at
panahon na biglang naglalaho ang
kasiglahan at kawilihan hinggil sa
anumang gawain.
MANANA HABIT
- ito ay nangangahulugang
pagpapabukas o pagpapaliban ng isang
gawain na maaari namang gawin at
isakatuparan sa araw na yaon.
99. PAGKAMAGILIW SA PAGTANGGAP NG
PANAUHIN (HOSPITALITY)
- tanyag ang mga Pilipino sa kanilang
ugali na pagiging mapagtanggap at
mapagbigay sa mga panauhin sa kanilang
tahanan. Mahilig silang magbahagi ng
anumang bagay na maaari nilang ialok sa
panauhin kahit mismong sarili nila ay
napagkakaitan ng mga pangangailangan.
100. PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN
- may mahalagang layunin o silbi ang
mga pagdiriwang o selebrasyon na
isinasagawa ng tradisyunal na lipunan.
Pinagtitibay nito ang katapatan, katatagan,
at kaisahan ng pamilya; nagbibigay daan
ito upang magkaroon ng mga bagong
kaibigan at kasamahan. Subalit pinupuna
ang ganitong pagdiriwang dahil nababaon
sa utang ang mga Pilipino para lamang
makapaghanda sa panahon ng
kapistahan.
101. ANG SARILING PANITIKAN
AT ANG KAHALAGAHAN
NITO
Ang Pilipinas tulad ng ibang bansa ay
may sariling panitikan. Ito ay
tinatawag na Panitikang Pilipino.
Kailangang malaman ng bawat
Pilipino ang panitikan ng kanyang
bansa dahil dito niya makikilala at
masusuri ang kanyang pagkatao at
pansariling pagkakakilanlan.
(Sebastian at Nicasio, 1965:3).
102. Ang Panitikang Pilipino ay pahayag na
salita o pasulat ng mga damdaming Pilipino
hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling
panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga
Pilipino (Panganiban, 1950: 4).
Napakahalagang mapag-aralan ang
Panitikang Pilipino dahil sa mga sumusunod
na kadahilanan:
1. Malaman ang sariling kultura ng Pilipino,
pati ang kanilang kasaysayan, at nakikilala
rin ang mga luwalhati ng kanilang lahi tulad
ng mga bayani.
103. 2. Mapag-aaralan at makikilala ng mga
mamamayan ang kanilang sarili at
maunawaan din nila ang katangian ng
pagkatao ng iba pang Pilipino. Ito ay
magsisilbing batayan upang maging
matibay at matatag ang kanilang
pagkakilala sa kanilang pagkalahi.
3. Makilala ang kahusayan at kagalingang
pampanitikan upang lalo itong
mapaganda, mapaunlad, mapadalisay at
mapayabong. Maaari ring upang mabatid
ang mga kapintasan, kahinaan, at
104. Panitikang Pilipino nang makapagsanay at
maiwasto ito upang hindi na maulit ang
mga nasabing kapintasan.
4. Makita at mabatid ang malaking
kahalagahan at papel na ginagampanan
ng Filipino na siyang wikang pambansa
ng Pilipinas bilang midyum at behikulo sa
pagpapahayag at pagsasalarawan ng
saloobin, mga pangarap, layunin,
adhikain, paniniwala, pag-uugali, mga
karanasan, at mga gawain sa pang-araw-
araw na buhay.