I give due respect to those sources that I have taken this information. My only end is the Power point version which is different from the others. Thank you.
2. Kaligirang Pangkasaysayan
Ang salitang India ay nagmula sa salitang Sindhu na dating pangalan ng Indus.
Ang India ay isang tatsulok na tangway sa Timog Asya, sa pagitan ng Arabian
Sea at Bay of Bengal. Bahagi ito ng malaking masa ng lupa na kung tawagin ay
sub-kontinenteng India, kung saan kabilang din ang Bangladesh at Pakistan.
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa
Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at
Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan.
5. Ang India ay ang bansang naiwang magulo noong unang panahon. Ito ay
nahati-hati sa maliliit na parte. Ngunit, di naglaon lumaganap ang pamumuno ng
mga Rajput sa malaking bahagi nito. Ang mga Rajput ay kilala bilang mga
maimpluwensiyang pinuno at mandirigma. Kilala rin silang mapaglikha ng mga
naggagandahang mga palasyo.Ang salitang Rajput ay galing sa mga salitang
Sanskrit na ang ibig sabihin ay "anak ng hari". Nang sila ay namuno, madali
lang napasampalataya sa Hinduism at napasama sa pangkat ng mga
Kshatriyas.
Kaligirang Pangkasaysayan
6. AMBAG NG INDIA
Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na
relihiyon: – Hinduismo, –Budhismo, –Sikhismo, at –Jainismo.
Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India
kaysa sa Kanluran.
Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang
pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula
(Panchatantra), unang dulang epiko (The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni
Kalidasa), ang dakilang tulang epiko (Mahabharata at Ramayana), at ang
dakilang pilosopikang tula ng daigdig(Bhagavad Gita).
Ang musika, sining, at arkitektura ng India ay kilala sa buong mundo, at ang
ikaapat nilang ambag sa daigdig.
7. KULTURA NG INDIA
Ang pambansang wika ng India ay ang Hindi pero ang bilang ng wikang
ginagamit ay malapit sa 400. • Gumagamit sila ng tatlong alpabeto: Ang
Gurmukhi, Shahmuki, at ang Devanāgarī. Marami tayong mga salita na nakuha
sa kanila halimbawa na lamang ng guro, asawa, diwa, puri, wika, at budhi.
Ang panitikan rin natin ay nagpapakita ng malakas na impuwensiya galing sa
kanila, tulan ng "Darangan", isang epic ng Maranao at ang alamat ng Agusan
ay may pagkakatulad naman sa Ramayana.
8. KULTURA NG INDIA
Ang Hinduism at Buddhism ay nagsimula dito sa India pero ang
karamihan ay mga Hindu. Marami rin ang mga Muslim dito kaya sila ay
isa sa pinaka malaking Islamic na bansa sa mundo. • Ang salitang
"Bathala" ay galing sa salitang Bhattara Gura na ang ibig sabihin ay
"highest of the gods“. • Marami silang diyos tulad ni Brahma, ang
manlilikha, Vishnu, ang tagapagpanatili, Shiva, ang nananalanta.
9. KULTURA NG INDIA
Ang pagkain ng India ay na impluwensiyahan ng Turkish, Arab, at
European. Ang pagkain nila ay kilala sa paggamit ng maraming "herbs
and spices". Ang tanyag dito sa atin ay ang curry nila. Marami sa
kanila ay "vegetarian" at ang ginagamit nila sa pagkain ang kanilang
kamay o tinapay.
10. Mga Impluwensya ng mga Hindu / Indiyan
MGA PANINIWALA O KAUGALIAN NA MULA SA HINDU/INDIA:
1. Maraming mabubuti at masasamang espiritu sa ating kapaligiran
2. Ang kaugalian na tulad ng paggamit ng belo at kurdon sa kasal,
3. Pagsasabit ng kuwintas na bulaklak at pag bibigay ng dowry o bigay-
kaya sa ikakasal.
4. Pagsusuot ng sarong at turban o putong.
11.
12. IBA PANG IMPLUWENSYA NG MGA HINDU/ INDIYAN:
Sa larangan ng panitikan , ang mitolohiya , pabula, epiko ng sinaunang
Pilipino ay may pagkakahawig sa panitikang Hindu .
Ang industriya sa paggawa ng sasakyang-dagat , paggamit ng metal at
paghahabi ng bulak ay itinuro rin ng mga Indian sa atin.
Mula rin sa India ang ilang bulaklak tulad ng sampaguita at tsampaka ,
gulay tulad ng ampalaya,patola at malunggay at prutas tulad ng langka
at mangga.
13. SANSKRIT - ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat. Ito ay
galing sa India. Halimbawa ng mga Sanskrit na napahalo sa ating
wika ay ang mga sumusunod: ama, asawa, dalaga, mutya at sandata.
14.
15. Sa Larangan ng Literatura:
Ang Literaturang Indian ang pinakamatanda sa kasaysayan ng
literaturang Asyano. Mahalaga sa Indian ang pagsulat at pasalitang
literatura. Bukod sa Vedas, ang Bhagavad Gita ay kilala rin bilang
pinakamaimpluwensiyang sulating Sanskrit.
16. Mahabharata
Isang epiko na kilalang pinakadakila at
pinakamahabang epiko sa daigdig na
nagbibigay ng malinaw na
paglalarawan sa digmaan ng mga tribo
sa India noong sinaunang panahon.
17. Ramayana
Isinasalaysay nito ang
mapanganib na
pakikipagsapalaran ng
kinikilalang bayaning si Rama at
ng kanyang asawang si Sita.
18. Law Of Manu
Kinikilala bilang isa sa
pinakamahalang
literaturang Hindu.
19. Dakilang manunulat ng India
Si Kalidasa ang
itinuturing na
pinakadakilang
manunulat ng
literaturang Sanskrit
na sumulat ng
Shakuntala at Megha
duta.
20. Sa Larangan ng Sining
ng Pagpinta
Ang Pintang Indian ay
naglalarawan ng mga
debosyon ng Indian sa
kinikilala nilang Diyos na si
Krishna.
21. Eskultura ng mga Hindu
Ang eskulturang Asyano ay karaniwan ng
nakabatay sa relihiyon. Ito ay isinasagawa
upang maipaunawa sa mga tao ang misteryo
at malalim na konsepto ng kanilang relihiyon
at magbigay ng kapanipaniwalang larawan ng
kanilang Diyos at Diyosa. Hangad nito na
bigyan ang kanilang diyos ng larawang
supernatural. Ang Ilang halimbawa ng
eskulturang Asyano ay ang mga kilalang
diyos at diyosa ng mga Hindu tulad ni Shiva
at Vishnu.
22. Arkitektura ng mga Hindu
Ang Buddhist Stupa sa India ay
nagpapahayag ng pananalig sa
relihiyon Buddhism. Kagilagilalas
din ang paglalarawan ng kulturang
Islamic ng mga arkitekturang tulad
ng Taj Mahal na ipinagawa ni Shah
Jahan bilang libingan ng kanyang
asawa na si Mumtaz Mahal.
23. Ito ay gawa sa puting marmol
na dinisenyuhan ng mga
eleganteng batong pang-alahas.
Karaniwan sa mga arkitekturang
Islam ang dome sa gitnang
bahagi nito na may taas na 200
na talampakan pataas.
Taj Mahal
24. Sa Musika ng Hindu
Para sa mga Asyano ang musika, sayaw, tula ay may mahalagang
bahagi ng ritwal sa korte ng kanilang mga palasyo. Bukod dito, ito ay
ipinapalagay din bilang isang karanasang panrelihiyon. Ang Sayaw at
musika ang nagbibigay ng malalim na pakikipag-ugnayan ng mga
Asyano sa sandaigdigan.
25. Sayaw ng mga Asyano
Pinaniniwalaan ng mga Indian na binuo ni Shiva ang daigdig ng
sumasayaw. Bunsod nito, naniniwala ang mga Indian na
napapasaya nila ang kanilang Diyos sa pamamagitan ng
pagsasayaw.
26. Ang Ragas mula sa India ay isang halimbawa ng kinikilalang sayaw na
may mahikang kapangyarihang na magpagaling ng sakit. Ang Ragas
ay inaawit ng mga Indian sa natatanging oras at panahon lamang.
Pinaniniwalaang ang pagtugtog nito sa hindi nakatakdang oras ay
maaring magdala ng kasawian at pasakit sa mga nakikinig.
Ang India ay nakapagpamana ng ilang mahahalagang instrumentong
musikal sa daigdig.
27. Sa Larangan ng Isports
Ang pagpapaunlad sa larangan ng Isports ay pinapahalagahan din
mga Asyano. Sa pagdaan ng panaho, marami na ring karangalang
naibigay ang larangan ng palakasan sa bansang Asyano.
28. Ang Chess
Ito ay nagmula sa India na di naglaon ay naipasa sa mga persian. Ang Chess ay
kilala sa India bilang Chatur-Anga na ang kahulugan ay "apat na angas" - apat na
kasapi ng hukbo na binubuo ng elepante, kabayo, karwahe at hukbong katihan.
Ang salitang Checkmate ay nagmula sa salitang Indian na ang kahulugan ay "the
king is dead." AngRaksha ang tagapagtanggol samantaang ang Astapada naman
ang walong hakbang o kuwadrado na gamit din sa modernong chess sa
kasalukuyan.
29. Ang Baraha
Ang popular na larong baraha ay nanggaling sa India at kilala
bilang Kridapatrams. Ang larong ito ay paboritong laro ng mga
hari at maharlika ng kahariang korte sa India. Ang larong ito ay
tuklas ni Sages, gamit ang numerong 12 bilang basehan. Ang
bawat hari ng baraha ay may 11 na tagasunod kung kaya't ang
isang buong baraha ay nagtataglay ng 144 na piraso. Ang lahat
ng ito ay mga pintang nagmula sa epikong Rmayana at
Mahabharata.
30. Mga makasaysayang pook
sa India:
Great Stupa
Ang bantog na great Stupa sa Sanchi, ay
matatagpuan sa burol ng Gitnang India
hilagang bahagi ng Bhopal. Ang Stupa ay
animoy siboryong estraktura ng simbahan
na nilnang bilang parangal sa mga naging
dakilang prinsipe o sinumang lider noong
sinaunang panahon, ang stupa ay
iniugnay ng mga deboto ka Buddha.
31. Hampi
Kilala ito bilang "greatest Hindu Kingdom in
India"
It has some ruins, intriguingly intermingled
with large boulders that rear up all over the
landscape. The ruins, which date back to the
14th century, stretch for just over 27 kilometers
and comprise more than 450 monuments. The
most striking monument is the Vittala Temple,
dedicated to Lord Vishnu. Its main hall has 56
pillars that make musical sounds when
struck.
32. Khajuraho Temples
Khajuraho Temples ay isa sa mga
pinakamahusay na templo kabilang sa
mga pinaka-magandang medyebal
monumento sa bansa. Ang mga templo
na ito ay binuo sa pamamagitan ng mga
ruler ng Chandella.
33. Maraming Naipamana sa atin ang ating kasaysayan at ito
ay mahalaga dahil dito nakabatay ang ating kasalukuyan
at dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang naganap
na sa ating bansa. Mahalagang rin ang kasaysayan dahil
malaking tulong ang maibibigay nito sa atin para sa
darating na mga panahon na ating haharapin. upang
mayroon tayong paghahambingan ng mga pangyayari na
naganap o magaganap pa lamang.