45. LAYUNIN
a. Mapabuti at maiangat ang kakayahang komunikatibo ng mga
magaaral nang may tama at angkop na gamit ng mga salita;
b. Mapalawak ang kaalaman at maisagawa ang mga kasanayang
pambalarila sa pakikipagtalastasan;
c. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
pagsusuri, at pagbibigay-halaga sa tama at angkop na gamit ng mga
salita sa iba’t ibang paraan;
d. Makasulat nang maayos at mahusay na komposisyon nang may
tama at angkop na gamit ng mga salita;
e. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamaraang
malinaw, wasto at mabisa.
47. Ang retorika ay may
tungkuling pagandahin
at patimyasin ang isang
pahayag
RETORIKA
48. Ang pag-uugnayan ng mga salita
sa parirala, sugnay at
pangungusap ng pahayag; mga
tamang panuring, mga pang
ugnay, mga pokus ng pandiwa at
iba pa para sa kaisahan at
kakipilan ng mga pangungusap ay
naibibigay rin ng gramatika.
GRAMATIKA
49. RETORIKA GRAMATIKA
Nababawasan ang kalinawan at pagiging
kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi
wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga
salita. Samakatuwid, ang relasyon ng
balarila/gramatika at retorika ay
napakahalaga upang makamit ang mabisang
pagpapahayag.
50. Tamang pag-uugnayan ng
mga salita sa isang pahayag
upang makabuo ng malinaw
na kaisipan o ideya.
Tamang
paggamit ng
salita.
⚫Pag-aaral ng
anyo uri ng
mga salita.
51. 1
.Pag-aaralng anyo uri ng mga salita
⚫.Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng
mga salita, nagkakaroon ng
pagkakataong makapili at makagamit ng
isang angkop na salita.
52. 1
.Pag-aaralng anyo uri ng mga salita
Halimbawa:
B. Sindlan niya ng mga pinamili ang bag.
MALAKAS
Halimbawa:
Siniliran niya ng mga pinamili ang bag.
MAHINA
53. ⚫.Ang maling gamit ng salita ay maaaring makabawas sa kalinawan ng
pagpapahayag at nakapagpapamali sa isang pahayag.mayroong salitang
magkasing-anyo o magka- uri subalit may tiyak at ibang
pinaggagamitan.
Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap.
A.
B.
C.
D.
Tingin
Titig
Tanaw
Sulyap
- mababaw na pagbibigay-pansin
- matagal na tingin,may diwa ng pagsusuri.
- pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo.
- panakaw na tingin
2. Tamang Paggamit ng Salita
54. ⚫Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga
salita ay nakakatulong upang maging
maayos ang pagpapahayag.
B. Nanaog ng bahay ang mga bata..
(Pinabuti)
3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita
55. 3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita
Halimbawa:
- ang gamit at katuturan ng mga salita ng
magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa
isa’t isa.
Bumaba ng bahay ang mga bata. MAHINA
Halimbawa:
Nanaog ng bahay ang mga bata. Pinabuti
56.
57. Bahagi ng pananalita/panalita (Part of speech),
o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong
kaurian ng
mga salita na pangkalahatang binibigyang
kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at
morpolohikong asal ng bahaging panleksikong
tinutukoy.
58. ⚫May sampung bahagi ng pananalita.
Ang mga ito ay pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri, pang-abay,
pantukoy, pangatnig, pang-ukol,
pang-angkop at pandamdam.
(Balarilang Wikang Pambansa(1939;1944) ni LopeK.
Santos)
59. 1.Mga Nominal
a. Pangngalan(noun) - mgasalitang nagsasaad
ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali
sa pangngalan
2.Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng
kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga
salita
60. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri at kapwa nito pang-abay
61. 1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a.Pangatnig (conjunction) -mga salitangnag-
uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b.Pang-angkop(ligature) -mga katagang
nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c.Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay
sa isang pangngalan sa iba pang salita
63. Pang-ugnay (ito ay mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit
sa pangungusap,maaaring salita,dalawang
parirala o ng dalawang sugnay.
Pang-ugnay
65. ⚫ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
sa para sa ayon
parakay tungkol sa na may
Halimbawa:
Ang kanyang nilutong tinola ay parasa kanyang
asawa at mga anak.
PANG-UKOL (preposition)
66. ⚫Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasaloob ng kuwarto ni Coby.
⚫Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa:
Ang bagong damit ay parakay Lita.
⚫Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay parasakababaihan.
Mga Gamit ng Pang-ukol
67. ⚫Ito ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay
na pinagsusunod-sunod sa pangungusap:
PANGATNIG (Conjunction)
at pati
saka
ngunit kung
dahil sa
o ni maging subalit
bago upang sana
sapagkat
68. ⚫Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang langis sakatubig ay hindi mapagsama.
⚫Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng
bahay ang kanyang hanapbuhay.
Gamit ng Pangatnig
69. 1.Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay.
atsaka pati ngunit maging
datapuwat subalit
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala
siyang pera. Naglinis muna si Hannah, saka siya
nagluto.
Uri ng Pangatnig
70. 2. Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita,
parirala o sugnay.
kung kapag upang para nang sapagkat
dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, paramakabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
Uri ng Pangatnig
71. ⚫Ito ay ang salitang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan.
⚫Tatlo ang pang-angkop na
ginagamit: na, -g, at -ng.
PANG-ANGKOP (Ligatures)
72. ⚫Inilalagay ang na sa pagitan ng salitang
naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y
nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa:
masarap na pagkain, malinis na
bahay, masinop na tao, maayos na
pamumuhay.
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
73. Ikinakabit ang -g sa nauunang salitang
nagtatapos sa letrang n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at
inilalarawan.
Halimbawa:
Mahinahong pakikipag-usap,
maalinsangang lugar,
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
74. Ikinakabit ang -g sa nauunang salitang
nagtatapos sa letrang n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at
inilalarawan.
Halimbawa:
Mahinahong pakikipag-usap,
Maalinsangang lugar
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
75. ⚫Ikinakabit ang -ng sa nauunang salitang
nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) sa
magkasunod na salitang naglalarawan at
inilalarawan.
Halimbawa:
bagong bayani, mabuting anak,
masayang naglalaro.
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
78. Dalawang kataga na maaaring
makasira sa global na diwa ng
pangungusap. Maaari rin
naming di makasira kung ang
pagbabatayan ay ang tunog
ng mga katagang ito.
79. 1. Nang
Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
katumbas ng when sa Ingles.
Halimbawa:
Tulog na ang mga anak nang dumating ang kanilang
ina.
Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.
Halimbawa:
tapon nang tapon
80. 1. Nang
⚫Bilang salitang nangangahulugan din ng “para”o
“upang” .
Halimabawa:
Sumulat ka nang sumulat ng mga
kuwento nang manalo ka sa patimpalak.
81. 1. Nang
⚫Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; bilang panimula ng katulong na
sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa:
Nang siya’y umalis, dumating ang
panauhin.
82. 1. Nang
⚫Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; bilang panimula ng katulong na
sugnay.
Halimbawa:
Maghugas ka ng pinggan nang makakain
na kayo.
83. 2. NG
⚫Ginagamit kung ang susunod na salita sa loob ng
pangungusap ay PANGGALAN. Ang ng ay sinusundan
ng pangngalan (halimbawa: ng bahay) at siyang
naginging tuwirang layon ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang bata ay bumuli ng tinapay.
pangngalan
Tuwirang layon
85. 2. NG
⚫Ang ng ay nagsisilbi ring pang-angkop sa
pagitan ng 2 salita kung ang sinusundan
nitong salita ay nagtatapos sa patinig at ang
sumusunod na salita ay pangngalan o iba
pang bahagi ng pananalita maliban sa
pandiwa.
87. 2. NG
⚫Ang ng nagsisilbi namang panghalip na
pamanggit kung ang sumusunod na salita ay
isang pandiwa. Sa pagiging panghalip na
pamanggit, ito ay nagsisilbing simuno ng
pangungusap ngunit nasa uring sugnay na
di makapag-iisa.
88. 2. NG
Halimbawa:
Ang batang nahulog ay nagkasakit.
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay
1. Sugnay na nakapag-iisa. Ang bata ay nagkasakit.
2. Sugnay na di nakapag-iisa- ng nahulog
Panaguring pandiwa
Panghalip na pamanggit na naging
simuno ng pangungusap
89. 2. NG
⚫Iba pang gamit ng NG
⚫Ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o
tagaganap ng pandiwa. Halimbawa:
Tinulungan ng dalaga ang kanyang
lola sa pagtawid.
90. 2. NG
⚫Ginagamit ang ng kapag nagsasaad ng
pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa:
Ang boses ng bayan ang dapat na mananaig.
91. 2. NG
⚫Ginagamit bilang pantukoy
Halimbawa:
Maluwag ang looban ng simbahan.
⚫Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas at tamang
pagkaka- ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo
ng malinaw na kaisipan o diwa.
Halimbawa:
Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.
93. 1. MAY
Ginagamit ang katagang ito sa loob ng
pangungusap kung ang salitang sinusundan dito
ay bahagi ng pananalita, sa at mga, maliban sa
panghalip na panao. Ang katagang ito sa ganang
sarili kung nag-iisa ay walang kahulugan ngunit
kapag napasa sa mga salita sa loob ng
pangungusap ito’y nagkakaroon ng kahulugan.
94. 1. MAY
⚫Halimbawa:
Ang Pilipinas sa ngayon ay may problemang
pampamahalalaan.
Ang mga magulang ay may matinding
suliranin sa mga anak.
panggalan
Pang-uri
95. 1. MAY
⚫Halimbawa:
May kahapon na dumating na dadalo sa
seminar.
Kapuna-punang sa kasalukuyan ay may
mga mag-aaral na para bang wala sa loob
ang pag-aaral..
pang-abay
kataga
96. 1. MAY
⚫Halimbawa:
Kagabi, naramdaman kong may
lumalakad sa bubungan.
Sa padala ko ay may para sa iyo.
pandiwa
kataga
97. 1. MAY
⚫Ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy.
Halimbawa:
May mga panoorin sapatyo ng simbahan.
⚫Ginagamit kapag sinusundan ng pang-ukol na sa.
Halimbawa:
May sa daga ang anak mong iyan.
pantukoy
98. 2. Mayroon
⚫Ginagamit kung sinusundan ng panghalip.
Halimbawa:
Mayroon kayong libreng gamot sa
baranggay.
⚫Ginagamit kung sinusundan ng kataga.(po, pa, din,
rin) Halimbawa:
Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.
99. 2. Mayroon
Ginagamit ang mayroon bilang panagot sa isang
tanong.
Halimbawa:
May pera ka ba? Mayroon.
⚫Ginagamit kung nanganghulugan ng pagka-maykaya o
mayaman. Halimbawa:
Ang mga Malate ay mayroon sa probinsya
ng Bicol.
101. 1. kong
Ginagamit kung nagsasaad ng pag-aari.
Hindi ito maaaring gamitin bilang panimula ng
pangugusap.
Isinasaad din ang kilos ay ginawa mismo ng katawan.
Halimbawa:
Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukhang
napakaamo ibig kong bumili ng bagong damit.
102. 1. kong
⚫Ginagamit bilang panghalip panao na ko at ng.
Halimbawa:
Ang tangi kong hangad ngayong taon ay
ang makapasa
sa L.E.T.
103. 2. kung
⚫Ito ay maaaring gamitin na panimula ng
pangungusap sa diwa ng pangungusap ito ay
nagsasaad ng pag-aalinlangan o pasubali. Ang
katagang ito ay kilos na hindi ikinikilos ng
katawan ngunit sa Ingles ang katumbas ay if.
Ginagamit din ang kung sa hugnayang
pangungusap.
104. 2. kung
⚫Halimbawa:
(if)- kung wala kang magandang sasabihin
sa kapwa huwag ka na lamang magsalita.
Uunlad pa rin ang bansa natin kung
magtutulungan ang bawat isa.
Hugnayang pangungusap na may
Pasubali.
106. 1. RAW
RAW- ito ang ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y. Nagpapahiwatig ito
ng kahulugang walang katiyakan.
Halimbawa:
Ang tao raw na matalino ay malayo ang
mararating.
108. 2. DAW
Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng walang katiyakan.
Sa loob ng pangungusap ginagamitan ito kung
ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa W at Y.
109. 2. DAW
Halimbawa:
Ayon sa mga dalubwika, umunlad man ang
globalisasyon, may katiyakan daw na ang
Pilipinas ay di maiiwan.
Karapatan daw ng taong-bayan ang magtanong
sa sinuman, sa ikaalam ng katotohanan.
113. RIN/RAW
⚫Ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig at
malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Ikaw raw ay makakasama sa bakasyon
patungong Baguio. May handa raw
tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
127. Iwan
⚫Nangangahulugan ito ng paglisan o
pag-alis ng isang tao sa isang lugar
malayo man o malapit.
Halimbawa:
Iwan mo siya kung kinakailangan.
Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
128. EWAN
⚫Maaring mangahulugan ng isang
ekspresyon na may pahiwatig ng
pagkainis.
Halimbawa:
Ay! Ewan.
Ewan ko sa’yo. Makulit ka.
130. Nila
⚫ Salitang panghalip na kumakatawan sa
marami o grupo ng mga tao. Kung ginagamit
sa loob ng pangungusap hindi na sinusundan
ng pangngalan ng tao.
Halimbawa:
Siya man ay naging kaibigan nila nang
magbakasyon sila sa Baguio.
132. Nina
Salitang pantukoy na maramihan na
kung isinulat ay dinudugtungan ng
pangalan ng tao.
Halimbawa:
Kami ay namasyal nina Jun at Rose sa
mga matanawing lugar ng Bohol.
136. ⚫Tumutukoy sa pariralang iba at iba.
Tulad ng isa’t isa di ito giniigitlingan
dahil sa pagitan ng inulit na salitang
iba ay may katagang at. Isinama rin
sa unang salita ang at, kudlit ng
ipinalit sa a.
IBA’TIBA
137. ⚫Halimbawa:
Ang mga pahayag niya’y iba’t iba
kayat nakakapag-alinlangan.
Iba’t iba ang binibili ko sa
palengke.
IBA’TIBA
138. ⚫Nilalagyan ito ng gitling dahil inuulit
ang salita iba. Batay sa tuntunin kung
may kahulugan ang kaputol na salita
dapat na ito’y gitlingan sa pagitan ng
dalawang magkaparehong salita
kung paghihiwalayin.
Ibang-iba
139. ⚫Halimbawa:
Ibang-iba siya sa kanyang kapatid
sa pag-uugali at talion.
Ibang-iba siya sa dati sa kanyang
ikinikilos.
Ibang-iba
140. ⚫Ginigitlingan ang salitang ito kung
ginagamit sa loob ng pangungusap
bilang pang-uri. Ika nga’y kung
inilalarawan nito ang isang bagay.
Sari-sari
144. salo – salo - magkakasama at magkasabay na kumain
salusalo – isang pagtitipon o piging
halo – halo - pagsasama-sama ng mga bagay-bagay o sangkap
haluhalo – pagkaing pampalamig na may yelo
145. a. Mag-ingat ka kung ikaw ay
magmamaneho ng kotse.
b. Mag-ingat ka naman kapag
ikaw ay nagmamaneho ng kotse.
a. Hindi niya masabi kung Sabado
o Linggo ang dating ng mga bisita.
b. Dumarating ang mga bisita
kapag araw ng Sabado.
146. Ang KUNG ‘DI ay galing sa salitang kung hindi o if not sa Ingles
a. Hindi ako aalis kung ‘di tayo magsasabay.
b. Hindi ka makakapasa kung ‘di dahil sa tulong ko.
c.Kung ‘di ka dumating, malamang kanina pa sila nagsuntukan.
Ang KUNDI ay nangangahulugang maliban sa o except sa Ingles
a. Walang sinoman ang puwedeng pumasok sa sinehan kundi iyong
mga may tiket lamang.
b. Walang ibang puwedeng sumama kundi ako lang.
147. HABANG/ SAMANTALANG
Ginagamit ang HABANG kung ang isang kalagayan ay mahaba o walang
tiyak na hangganan
a. Kailangang matutong makibagay sa iba habang nabubuhay.
b.Habang may buhay may pag-asa.
Ginagamit ang SAMANTALA kung ang isang kalagayan ay may taning o
pansamantala lamang
a. Nakikitira ako sa bahay ng aking mga magulang samantalang wala pa
akong trabaho.
b. Mainit ang kanyang ulo samantalang hinihintay na magsiuwian ang
kanilang mga bisita.
Ginagamit din ang SAMANTALA sa pagtatambis ng dalawang kalagayan
a. Bakit ko gagawin ang lahat ng mga gawaing iyan samantalang ikaw ay
tila prinsesang nakaupo lamang?
b. Ang iba ay nagpapakasaya sa parti samantalang ang iba ay halatang
nababagot.
152. Kalilinis lang namin ng bahay
nang siya ay dumating.
Nakasusulat ng talumpati ayon
sa paksang ibinigay.
Sa iyo ko natutunan kung papaano
magmahal.
Sa’yo ko natutunan kung papaano
magmahal.
Ang bag na iyan ay sa akin.
Ang bag na iyan ay sa’kin.
161. Huwag n’yo na lang akong isama mamaya.
Nais na naman niyang kumain. Kumakain pa rin
siya hanggang ngayon.
162. Nais nilang kumain sa labas.
Ang bahay na iyan ay pagmamay- ari nina
Ana at Maria.
163.
164.
165.
166. Kila at Kina
Walang salita na KILA.
Ang KINA ay maramihan ng kay
1. Pakidala ang laruang ito kina Anne at Brylle.
2. Mag-uusap tayo kina Vic at Mona mamaya.
IKIT at IKOT
Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos
mula labas patungo sa loob.
Nakakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
Ginagamit ang IKOT para maipakita ang kilos
mula loob patungo sa labas.
Paikot-ikot sila sa loob ng tunnel bago sila tuluyang nakalabas.
167. ang DAHIL ay ginagamit bilang pangatnig
a. Hindi ako nakapasok dahil sumakit ang aking ulo.
b. Masaya ako dahil may nagpapasaya sa akin.
c. Umiiyak ang bata dahil pinagalitan siya ng kanyang ate.
ang DAHILAN ay ginagamit bilang pangngalan
a. Hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
b. May mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
c. Kabiguan ang dahilan ng kanyang kamatayan.
ang DAHIL SA/ DAHIL KAY ay ginagamit bilang
pang-ukol
a. Ang dating magkakaibigan ay nagtatalo dahil sa tsismis.
b. Pinagalitan ako ng guro kanina dahil kay Vina.
c. Sumakit ang aking ulo dahil sa ulan.
168. IBAYAD/IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
a. Isandaang piso ang ibabayad ko sa iyo.
b. Dahil ako ay hindi pa kumikita, titulo ng aking lupa ang ibabayad ko
sa iyo.
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
a. Ipagbayad mo muna ako sa sine. Babayaran kita bukas.
b. Ipagbayad mo na rin kami. Masyadong mataas ang pila.
SUBUKIN/SUBUKAN
Subukin - pagkilatis, to test , to try sa Ingles
a. Huwag n’yo akong subukin.
b.Susubukin ko ang bagong labas na model ng kompyuter na
kasalukuyang inaanunsyo sa telebisyon.
Subukan - pagtingin nang palihim, to spy sa Ingles
a. Ibig kong subukan ang ginagawa ng mga katulong kapag wala ang
kanilang mga amo.
b. Subukan mo si Ana sa kuwarto na hindi ka nakagagawa ng kahit na
kaunting kaluskos na maaari niyang ikagulat.
169. HATIIN/HATIAN
Hatiin – to divide , partihin
a. Hatiin mo sa anim ang egg pie.
b. Ang natitirang pagkain ay hatiin ninyong magkakapatid.
Hatian - to share, ibahagi
a. Hatian mo siya ng iyong burger.
b. Hatian mo ng iyong baon ang batang pulubi.
INIWAN/INIWANAN
Iniwan - to leave something or somebody – huwag isali o isama
a. Iniwan ni Ana ang kotse sa garahe.
b. Ang hindi dumating sa tamang oras ay iniwan na nila.
Iniwanan - to leave something to somebody , nagbigay
a. Iniwanan ko na sila ng panggastos habang ako ay wala.
b. Ang batang pulubi ay iniwanan ko ng pagkain.
170. OPERAHIN/OPERAHAN
Operahin- tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
a. Ooperahin ang tiyan ni Ana sa Lunes.
b. Sira na ang iyong kanang mata kaya marapat lamang na ito ay
operahin.
Operahan - tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis
a. Si Rey ang ooperahan bukas.
b. Kahit labag sa loob ko, pumapayag na akong operahan si Inay.
WALISIN/WALISAN
Walisin - to sweep the dirt
tumutukoy sa mga bagay na aalisin o lilinisin
a. Walisin mo ang mga dahon sa bakuran.
b. Ang mga basura sa kalye ay walisin mo.
Walisan - to sweep the place , tumutukoy sa lugar
a. Walisan mo ang bakuran.
b. Sa dami ng mga basurang dala ng bagyong Yolanda, kinakailangan na
talagang walisan ang mga kalye.
171. NABASAG/BINASAG
BUMILI/MAGBILI
Bumili - to buy
a. Ang ina ng bata ay bumili ng insurance sa akin.
b. Bumili ng tsokolate ang aking kaklase.
Nabasag - tumutukoy sa kilos na hindi sinadya o hindi ginusto
a. Umiiyak ang bata dahil nabasag niya ang plorera.
b. Nagmamadali siyang maghugas kaya nabasag niya ang mamahaling
baso.
Binasag - tumutukoy sa kilos na sinadya o ginusto
a. Galit na galit na binasag ng lalaki ang salamin ng kotse.
b. Binasag ni Tatay ang mga baso nang nag-away sila ni Nanay.
Magbili - to sell
a. Trabaho ng ina ng bata ang magbili ng insurance.
b. Ang aking kaklase ay mahilig magbili ng tsokolate tuwing tanghalian.
172. PAHIRIN o PAHIRAN/ PUNASIN o PUNASAN
SUNDIN/SUNDAN
Sundin - to obey , pagsunod sa payo o pangaral
a. Sundin mo ang sinasabi ng iyong mga magulang.
a. Dapat ay lagi mong sundin ang sinasabi ng mga mas nakatatanda
sa’yo.
Sundan - to follow, gayahin o pumunta sa pinupuntahan ng iba
a. Sundan mo siya at baka maligaw.
b. Sundan mo ang kabayanihang ginawa ng ating mga ninuno.
Pahirin at Punasin – nangangahulugang alisin o tanggalin
a. Pahirin mo ang luha sa iyong mga mata.
b. Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Pahiran at Punasan – nangangahulugang lagyan
a. Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
b. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.
173. KUMUHA/MANGUHA
AGAWAN/AGAWIN
Agawan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Huwag mong agawan ng laruan ang bata.
b. Ang bata ay huwag mong agawan ng laruan.
Kumuha- to get
a. Kumuha ka ng pera sa aking pitaka.
b. Ang mga bata ay kumuha ng kanin sa kaldero.
Manguha - to collect, to gather
a. Nanguha ng kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
b. Ang mga bata ay nanguha ng impormasyon sa internet.
Agawin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Huwag mong agawin ang aking minamahal.
b. Maling agawin ang mga bagay na hindi mo pagmamay-ari.
174. Abutin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Magsikap kang abutin ang iyong mga pangarap sa buhay.
b. Hindi madaling abutin ang iyong mga pangarap.
HAGIS /IHAGIS
Hagis - ginagamit bilang pangngalan o noun
a. Ang hagis ng bola ay napakataas.
IHAGIS - ginagamit bilang pandiwa o verb
a. Ihagis mo ang bola.
ABUTAN/ABUTIN
Abutan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Huwag mong abutan ng pera ang batang namamalimos..
b. Bawal kang abutan ng gabi sa daan.
175. BILHAN /BILHIN
Bilhan - sinusundan ng pang-ukol na NG
a. Marapat lamang na bilhan mo ng bagong damit ang mga bata.
b. Bilhan mo ng pagkain ang mga mananahi.
Bilhin - sinusundan ng pantukoy na ANG
a. Bilhin mo ang relo na iyon.
b. Huwag mong bilhin ang inilalako ng taong iyan.
PUSPUSAN/PUSPUSIN
Puspusin - pandiwang nangangahulugang pagkalooban
a.Mabait ang mag-asawang iyan. Nawa’y puspusin ang kanilang anak
ng mga biyaya mula sa Maykapal.
Puspusan - ginagamit bilang pang-abay
a. Puspusan ang ginagawang pag-eensayo ng mga guro at batang
mamamahayag para sa gaganaping RSPC 2015.
176. HARAPAN /HARAPIN
HARAPAN - pangngalan
tumutukoy sa bahagi ng isang bagay
a. Maaliwalas ang harapan ng kanilang bahay.
b. Mayroon daw itinatayong bagong bahay sa harapan ng plaza.
HARAPIN - pandiwa
tumutukoy sa hindi pagtalikod sa isang sitwasyon
a. Harapin mo ang iyong mga kalaban.
b. Huwag mong talikuran ang iyong mga problema. Harapin mo ito.
177. NAPATAY /NAMATAY
NAPATAY - may tiyak na tao o hayop na pumaslang / sinadya
a. Napatay nila ang aking alagang aso kagabi.
b.Maraming tao ang napatay dahil sa umaatikabong bakbakan ng mga
rebelde at sundalo.
NAMATAY - kung ang isang tao ay binawian ng buhay dahil sa
sakit, katandaan o anomang dahilang hindi sinasadya
a. Namatay ang aking lolo dahil sa sakit na TB.
b. Ang matandang bangkero daw ay namatay dahil sa masamang
bangungot.
MAGSAKAY /SUMAKAY
MAGSAKAY - to load
a. Ayaw kong magsakay ng karagdagang pasahero ngayon.
b. Magsakay ka ng sampung kahon ng mangga sa kariton.
SUMAKAY - to ride
a. Ayaw kong sumakay sa sasakyan ng kaskasirong drayber.
b. Bilisan nating sumakay dahil malapit na tayong mahuli.
178. IWAN /EWAN ( pares minimal )
IWAN - nangangahulugang paglisan o pag-alis ng isang tao sa
isang lugar malayo man o malapit
a. Iwan mo na siya kung kinakailangan.
b. Bakit ba nais mo akong iwan tuwina?
EWAN - ekspresyong nangangahulugan ng pagkainis
a. Hay naku! Ewan ko sa iyo.
b. Ewan ! Ang kulit mo talaga.
179. a. Nagmamadaling inakyat ni Susan ang hagdan.
b. Mag-ingat ka at baka mahulog ka sa hagdan.
c. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
d. Ang susi ng bahay ay nakatago sa likurang
bahagi ng hagdanan.
180. KITA /KATA
KITA - Kapag ang isa ay siyang gaganap para sa kausap
a. Ibibili kita ng pagkain bukas.
b. Kakausapin kita.
KATA - Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay
magkasamang gagawa.
a. Kata ay magsisimba bukas.
b. Maghugas kata ng pinggan sa kusina.
SILA, NILA,SINA, NINA
SILA/NILA - Panghalip na panao at hindi na susundan ng noun
a.Sila ay aalis na bukas ng gabi.
b. Nais na nilang umalis bukas ng gabi.
SINA/NINA pantukoy na maramihan na sinusundan ng noun
a.Sina Ana at Maria ay pawang magaganda.
b. Binilisan nina Ana at Maria ang paglalakad.
181.
182. PANGUNGUSAP
Isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng
isang buong diwa.
Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.
Simuno – ay siyang pinaguusapan sa pangungusap.
Panaguri – ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa
simuno, kung ano ang ginagawa ng simuno, o kung
ano ang nangyayari sa simuno.
183. Pangungusap
Kumakatawan ito sa bawat pahayag o pagsasalita
ng isang tao na nagdudulot o nagbibigay ng
kahulugan.
Halimbawa ng lipon ng mga salita:
Ang pagpapataas ng ekonomiya ay patuloy
n
a isinasagawa ng gobyerno natin.
Masarap matulog nang walang alalahanin.
Halimbawa ng isang salitang Pangungusap:
T
akbo;Lakad; Inom
184. Ang bawat pangungusap aymaypaksa na siyang
pinag-uusapan saloob ng pangungusap.
Sintaks – ay pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga
salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at
pangungusap.
Semantika – ang tawag sa mensaheng ipinaaabot
nito.
May mga pangungusap na nakalantad ang paksaat
mayroon namang di lantad ang paksa.
185. Nauuri ang pangungusap ayon saanyo/ayos nito. Sa
pangungusap may malaking kinalaman ang gamit ng ay
dahil inilalalantad ng ay ang ayos ng pangungusap kung
ito’y;
1. Karaniwan –ang ayos ng pangungusap ay
karaniwan kung nauuna ang Panaguri at
sinusundan ng Simuno kaya’t di litaw ang ay. Ika
nga’y P – Sang balangkas ng pangungusap.
Halimbawa: P S
a. Binangungot siya kagabi kaya
namatay. P S
b. Ikinagitla ko ang balita sa televisyon.
186. 2. Kabaligtaran –kung litaw o nakalantad ang ay sa loob
ng pangungusap ang balangkas ay S – P o nauuna ang
Simuno sinusundan ng Panaguri.
Halimbawa: S P
a. Ang balita sa telebisyon ay ikinagitla ko.
S P
b. Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na
nagbabago.
187. Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
1. Payak – ito ang pangungusap na may iisang pinag-
uusapan na kumakatawan sa iba’t ibang anyo. Bagamat
payak may inihahatid itong mensahe.
Mga anyo ng payak na pangungusap.
a. PS – PP – payak na simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Masipag na magaaral si Jose.
Matalinong bata si Jay
.
188. b. PS – TP – payak na simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang
kaibigan ko.
c. TS– PP – tambalang simuno at payak na panguri.
Halimbawa:
Kapwa Matulungin sina Jun at Lito.
Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay
kailangan ninuman.
189. d. TS–TP– tambalang simuno at tambalang panguri.
Halimbawa:
Mapagkandili at maalalahanin sina mama at
papa.
Sina Pangulong Arroyo at Estrada ay mga
haligi
2. T
n
a
a
m
p
i
b
n
a
a
l
g
a
-
n
u
u
–
g
i
t
n
o
a
y
a
y
o
p
p
a
i
n
a
g
u
d
n
u
g
d
u
u
s
a
g
p
t
o
n
n
a
g
m
s
a
y
t
u
d
l
o
a
l
n
a
g
w
a
n
n
g
g
p
k
a
a
n
i
g
s
i
a
p
t
a
n
n
i
g
.
190. Halimbawa:
Si Luis ay mahilig mang-asar samantalang si
Lo
Unang kaisipan – Si Luis ay mahilig mang-asar.
Ikalawang kaisipan – Si Loreng ay mapagmahal.
Pangatnig – samantalang
3. H
s
u
u
g
g
n
n
a
a
y
y
n
a
a
n
m
–
a
i
t
k
o
a
p
a
a
y
g
p
-
a
i
i
n
s
a
g
u
a
n
t
g
s
u
g
s
a
n
p
a
y
n
n
a
a
b
d
i
n
i
u
m
b
a
u
k
o
a
n
p
g
a
g
i
s
-
a
i
i
s
n
a
g
. Ang
diwa ng dalawang sugnay ay makarugtong at pinaguugnay
o pinagsasama ng pangatnig.
191. Halimbawa:
Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga
ma
Sugnay na makapag-iisa – Di malayong umunlad
ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag-iisa – kung ang mga
mamamayan ay
magtutulong-tulong
Pangatnig - kung
192. 4. Langkapan – ito ay pangungusap na binubuo ng isa o
mahigit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di
makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may magkaugnay
diwa.
Halimbawa:
Makapapasa talaga siya at makatatamo ng
diploma kung magsisipag sa pag-aaral at
magtitiis ng hirap.
Ang 2 sugnay na makapag-iisa – Makapapasa
talaga siya at makatatamo ng diploma.
Ang 2 sugnay na di makapag-iisa – kung magsisipag
sa pag-aaral at magtitiis ng hirap.
193. Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit/Tungkulin
1.Paturol – ipinahahayag ng uring ito ng pangungusap ang isang
katotohanan o kalagayan ayon sa paraan ng pagkakapahayag.
Palagiang sa tuldok tinatapos ang pangungusap na nagsasaad ng
katotohanan.
Halimbawa:
Napakagandang pamana ang edukasyon.
Totoong masaya ang buhay, may lungkot man o
ligaya.
2. Pautos – may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap.
Ang pag-uutos ay nauuri sa dalawa:
a. May paggalang sa kapwa sa tulong ng unlaping
paki o maki.
b. Pag-uutos ng walang paggalang o pasintabi.
194. Halimbawang A.
1. Pakiabot bg aking sapatos.
2. Makikuha ng gamit ko.
Halimbawang B.
1. Abutin mo nga ang sapatosko.
2. Kunin mo ang gamit ko.
3. Patanong – pangungusap na may himig ng pagtatanong. Tanong
195. 4. Padamdam – ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang
bawat pangungusap na may himig ng matinfing emosyon.
Ang tandang padmdam ay maaaring ilagay sa una o sa
hulihan ng pangungusap.
Halimbawa:
Naku po! Magilawgaw, naluluha tuloy ako.
Ayun! Siya nga ang magnanakaw!
196. Pangungusap na Walang Paksa
Anumang salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri
basta’t maydiwa o mensaheng ipinaaabot. Ang mensaheng
ipinaaabot aymaaaring magpakilos sakapwadahil nauunawaan ito.
Uri ng pangungusap na walang paksa
1. Eksistensyal – may bagay na umiiral sa himig/tono ng
pangungusap sa tulong ng katagang may o mayroon. Na kahit
dalawa o tatlong mga salita ang ginagamit may diwang
ipinaaabot.
Halimbawa:
May tumatakbo.
May dumating.
Mayroong panauhin.
Mayroong napapaayon.
197. 2. Sambitla – ito’y isa o dalawang pantig ng salita na
nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan isang ekspresyon
ang pahayag.
Halimbawa:
Yehe!
Y
ahoo!
Wow!
Walastik!
3. Penomenal – Nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang
sapat upang
ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na
mabigyang kahulugan ang pahayag.
Halimbawa:
Samakalawa; Bukas;Salinggo; Mayamaya
198. 4. Pagtawag – ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan
ng isang tao ay may sapat na kahulugang ipinaabot. Ang
tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang
tumawag.
Halimbawa:
Luis!; Maria!; bunso!
5. Paghanga – ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng
paghanga.
Halimbawa:
Ang ganda nya!
Ang talino mo!
Galing!
199. 6. Pautos – Salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot na
diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin
lalo na kungang pagkakasabi ay medyo
madiin.
Halimbawa:
Kunin mo. ;Lakad na. ;T
akbo.;Sayaw.
7. Pormularyong Panlipunan – ito ang mga salitang sadyang
itinakda sa sitwasyon: umaga,
tanghali, gabi.
Halimbawa:
Magand
ang
umaga.
Magand
ang
gabi.
Magandang tanghali.
200. Pag-aangkop ng Salita sa pangungusap
Nagiging malinaw at epektib ang pahayag kung iniaangkop
ang salitang gagamitin saloob ng pangungusap sa
pamamagitan ng mga salitang piling-pili.
Kailan Tiyak o angkop ang Salita saLoob ng Pangungusap?
1. Kung mismong ang salitang ginagamit ay sadyang
dapat sa loob ng pangungusap.
Mali: Maamong humapon ang ibon sa bintana
ng silid ko.
T
ama: Maamong dumapo ang ibon sa bintana
ng silid ko.
201. 2. Tiyakin ang panlaping gagamitin sa loob ng
pangungusap.
Mali:
T
ama:
Nagsidapo sa puno ang maamong ibon.
Dumapo sa puno ang maamong ibon.
3. Bawasan ang dami ng salitang dayuhan sa loob ng
pangungusap.
Mali: Nag-study kami ng aking friends sa library.
T
ama: Nag-aaral kami ng aking mga kaibigan sa
library.
202. 4. Timbangin ang ideya ng pahayag sa pangungusap.
Mali: Ang tulog at naghihilik na bata ay himbing na
himbing.
T
ama: Ang natutulog at naghihilik na bata ay
himbing na himbing.
5. Huwag haluan ng balbal n pahayag/salita ang pormal na
pahayag.
Mali: Samga bagets ng bulwagang ito, hinihiling ko
ang inyong pakikiisa sa isang maayos at
napapanahong layunin.
T
ama: Sakabataan ng bulwagang ito, hinihiling ko
ang inyong pakikiisa sa isang maayos at
napapanahong layunin.
203. 6. Tiyaking nasa tamang aspekto ng pandiwa ang diwa ng
pangungusap.
Mali:
T
ama:
Magsilabasan ang mga maligno tuwing
undas.
Naglalabasan ang mga maligno tuwing
undas.
7.Tiyaking tamang salita ang gagamitin sa sitwasyon.
Mali:
T
ama:
Matangos ang bahay naming sa burol.
Matangos ang ilong ng kaibigan ko.
204. 8. Gamitin ang angkop na salita sa bagay o tao.
Mali: Ang ganda niya gusto kong bilhin.
T
ama:Ang ganda nito, gusto kong ganyan ang
bilhin.
9. Huwag gamitin ang katagang sa kung ang sinusundang salita ay
mayroon.
Mali: Mayroon sa bahay mga panauhing taga-
Amerika.
T
ama:Mayroong panauhin sa bahay na taga-
Amerika.
10.Huwag nang gamitin ang salitang dayuhan kungmay
katumbas sa sariling wika.
Mali: Kitang-kita ang skills ng mga estudyante sa
paglalaro.
T
ama:Kitang-kita ang kasanayan ng mga estudyante
sa paglalaro.
Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika:
Ang pag-uugnayan ng mga salita sa parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; mga tamang panuring, mga pang ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng gramatika.Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pagpapahayag.
Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika:
Ang pag-uugnayan ng mga salita sa parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; mga tamang panuring, mga pang ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng gramatika.Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pagpapahayag.