3. Ang sinaunang kasaysayanng bansang Hapon
ay nahahati sa tatlong panahonito ay ang mga
:
-PANAHONG JOMON
-PANAHONG YAYOI
-PANAHONG KOFUN
4. PANAHANONG JOMON
• Sa panahong ito nabuhay ang mga Ainu ( na ang ibig sabihin ay tao),
na inapo ng mga taong Jomon sa isla ng HONSHU at HOKKAIDO.
• Ang panahong jomon ay panahong neolitiko sa Hapon na kung saan
ang ibig sabihin ng katagang ito sa Tagalog ay (bakas ng lubid).
• Nakuha ang pangalanag ito sa mga natagpuang mga banga at
palayok na merong mga bakas ng lubid bilang disenyo.
• Sila ay namuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pangingisda.
• Sa mga STILT HOUSES nakatira ang mga sinanunang Hapon.
5. FUKABACHI
Ito ay isang paso na ginawa noong panahon ng Jomon (2600-
1500 B.C.E) na ginagamit sa pag luluto. Ito ay may mga
disenyong tulad ng apoy na syang makikita sa halos lahat ng
paso noong panahon ng Jomon
6. PANAHONG YAYOI
• Mga bandang 300 BK unti unti ng napapalitan ang kulturang
Jomon na mas abanteng kulturang Yayoi.
• Ang pangalang YAYOI ay hango sa isang purok sa tokyo na
kung saan natagpuan ang mga palayok na galing sa
makalumang panahong ito noong 1884.
• Ang bagong kultura ng Yayoi ay unang nasilayan sa kanlurang
bahagi ng Japan at unti unting lumaganap papuntang silangan
tapos pahilaga hanggang HONSHU.
• Sa panahong ito nagsimula pagsasaka,paghahabi, paggawa ng
mga bagay gamit ang bakal at bronse at ang SHAMANISM.
• Ang SHAMANISM ay sinaunang kaugalian sa paggagamot at
pamumuhay ng mga tao.
• Ito ang paraan ng tao upang sya ay makapag uganay sa
kalikasan at lahat ng nilalang.
7. Ang mga unang hapones ay sumasamba sa
araw kung kaya iniugnay ang kanilang bansa
sa araw o NIPPON. AMATERASU ang
pangalan ng kanilang bathalang araw
8. PANAHONG KOFUN
• Ang panahong kufon naman ay nagsimula noong 250 CE at tumagal
hanggang 538 CE. Ang terminong KUFON ay nagsimula sa mga
puntod o buntot ng lupa (mound) na nagsilbing libingan na
nagtapuan sa isang pulo sa tinong ng KYUSHU.
• Ang puntod na ito ay ipinagawa sa maharlika noong panahong
iyon.Nagsimula ang nakatalang kasaysayan ng hapon sa panahon ng
KUFON.
• Ang mga tao sa panahon ito ay naniniwala sa animismo o ang
paniniwala na ang lahat ng mga natural na bagay ay may espiritu.
• Sa panahong Kofun din umusbong ang isang aristokratang lipunan
na may pinunong mapanggamit ng Dahas.
• Natapos ang panahon ng Kofun mga bandang taong 538 CE, na kung
saan ang paggawa ng mga magagarbong himlayan ng mga Yamato at
ng iba pang maharlika ay di na sinunod dahil sa mga paniniwala
galing sa budismo na nagbibigay diin sa panandaliang buhay ng tao
dito sa mundo.
• Ang Kofun kasi ay sagisag ng habang buhay na pananatili ng
maharlika di lamang dito sa mundo kundi pati narin sa kabilang
ibayo,
9. PANAHONG ASUKA
• Sinundan ang panahong Kofun ng PANAHONG ASUKA.
• Ang dalawang ito minsan ay pinag uugnay at tinawag na panahong YAMATO
• . Ang panahon ng Asuka ay kinilala sa maraming pagbabago sa larangan ng
singing,panlipunan,at pampulitika na nagsimula sa huling bahagi ng Panahon
ng Kofun.
• Ang pangalang Asuka ay galing sa isang rehiyon (timog ng presenteng NARA)
na kung saan maraming mga pansamantalang kapitolyo ng bansa ang itinayo.
• Sa panahong Asuka din sinimulang gamitin ang pangalang NIHON o DAI NIPPON
para tawagin ang buong bansa ng JAPAN.Sinasabi na ang pamahalaang political
sa Hapon ay nagmula sa pamilyang Yamato.
• Taong 592 CE nang maging makapangyarihan si Prinsepe Shotoku.
• Ang pamamahala nya ang nagdala ng kapayapaan sa Hapon sa pamamagitan ng
pagdedeklara nya ng isang konstitusyon na may labing pitong artikulo.
• Ang konstitusyong ito ang ginamit na batayan ng moralidad at kagandahang
ugali na inaasahan sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga nasasakupan ng
emperador.
• Sa panahong Asuka rin nagkaroon ng isang sentralisadong pamahalaan ng
Hapon.
10. • Nagsimula ang paglaganap ng Budismo na
pumalit sa animismo na laganap noon sa
panahon ng Kofun.
• Sinimulan din ng pamahalaan ang
pagpapadala ng mga diplomatikong misyon
sa Tsina upang ang kanilang natutunan ay
magamit at maangkop sa lipunang Hapones.
11. PANAHONG NARA
• Isang sentralisadong pamahalaan ang naitatag sa lungsod ng NARA na
tumagal mula 710 hanggang 794 CE.
• Ang panahong Nara ay itinuring ding ginintuang yugto sa kasaysayan ng
sinaunang Hapon. Nagmula ang pangalan ng panahong ito sa lungsod ng
Nara, ang unang permanenteng kabisera ng Hapon na itinatag base sa
lungsod ng Chang’an na siya namang kabisera ng dinastiyang Tang ng
Tsina.
• Ang Nara ang naging sentro ng kapangyarihang political at kultural ng
bansa. Nakasentro rin sa mga baryoat pagsasaka ang panahon ng Nara.
Maraming mga taga baryo ang deboto ng Shintoismo na nakabase sa
pagsamba sa mga espiritu ng kalikasan at ng kanilang mga ninuno o
kung tawagin ay KAMI.
• Sa panahong Nara nabuo ang unang panitikang Hapones. Ang mga
kasulatang KOJIKI at NIHONSHOKI ay maituturing na mga pampulitika na
dokumento sapagkat inuulat at pinaninindigan dito ang malawakang
kapangyarihan ng emperador ng Hapon sa buong bansa.
• Ang dalawang babasahin na ito ay sama samang pagpupunyagi ng korte
ng imperyo na naitala ang mga kaganapan at kasaysayan sa panahong
ito.
12. • Sa pagpupunyaging ito naimbento ang dalawang uri ng pagsulat ng
mga Hapones ang mga KANA (o kung tutukuyin ng tuwiran ay ang
KATANA at HIRAGANA).
• Ang mga Kana ang nagsilbing alpabetong palatinigan (syllabary) ng
mga hapones.
• Dahil dito ay nakabuo ng napakalaking kolesksyon ng mga
tulang Hapones na kung tawagin ay MAN’YOSHU.
13. PANAHONG HEIAN (angkang FUJIWARA)
• Ang panahong Heian ang pinakahuling bahagi ng klasikong
kasaysayan ng Hapon na nagsimula sa taong 794 hanggang 1185 CE.
• Sinasabing pinakarurok ng korte ng imperyong Hapones ang
panahong ito at maraming magagaling na panulaan at panitikan ang
nabuo dito.
• Sa panahong ding ito naisulat ang pambansang awit ng mga
Hapones, ang KIMI ga YO (o mamuno ka nawa magpakailanman) na
ang ibig sabihin ng Heian sa salitang tagalog ay “kapayapaan”.
• Sa panahong ito umusbong ang mahuhusay na obra at panitikan
tulad ng “The tale of Genji” na isinulat ni Lady Murasaki Shikibu.
• Maraming hapones ang tumitingin na may pag hanga sa panahon ng
Heian dahil dito umusbong ang uri ng Samurai na sa pagdating ng
panahon ay magdodomina at magsisimula ng panahong pyudal sa
kasaysayang ng Hapon .
• Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang militar dahil sa pag-
igting ng labanan sa pagitan ng mga angkan na kabilang sa
aristokrasya.
Ang BUSIDO ay nangangahalugang “alituntunin ng karangalan“ na
nagpapahalaga sa katapatan at Karangalan at katapangan.
14. • Pagkatapos ng panahong Heian ay nagsimula na ang
pamahalaang militar na kontrulado ng mga pamilyang
nagmamay-ari ng maraming lupain at konrolado ng samurai.
• Ang pamahalaan sa yugtong ito ay nasa ilalim ng pinunong
militar shogun
• Sa panahong ito tuluyang nawalan ng kapangyarihang political
ang emperador subalit nanatili parin syang bilang simbolo ng
at tagapag-paganap ng ibang ritwal na parelihiyon.
15. PANAHONG KAMAKURA (SHOGUNATO NG
MINOMOTO)
• Matapos matalo ni Minomoto no Yoritomo ang angkang Taira.
Itinatag niya ang lungsod ng Kamakura bilang sentro ng
pamahalaan na tumagal mula 1185 hanggang 1333 ce.
• Si Minomoto ang unang pinuno ng shogunatong Kamakura
• Sa panahong ito, lumakas ang piyudalismo.Bagama’t
makapangyarihan parin sa lupaing kaniyang nasasakupan
naging sunod -sunuran ang mga daimyo sa Shogun
• Nanatili sa kyoto ang hukumamg imperyal subalit namuno ang
mga shogun sa sentro ng kanilang kapangyarihan sa kamakura
• Sinalakay ng mga mongol ang hapon noong 1272 at 1281
ngunit dahil sa sama ng panahon at sa pagtatanggol ng mga
Hapones nagtagumpay ang mga Mongol.
• Pinaniniwalaang prinoktahan ang mga Hapones ng malakas na
hangin na tinawag nilang kamikakaze o banal na hangin .
16. Panahongmuromachi
(shogunato ng ashikaga)
• Ang panahong muromachi ay isang yugto sa kasaysayan ng
Hapon na pinamumunuan ng Shoguntong Ashikaga.
• Sa muling taon ng panahong mamurachi ay naging matindi
ang mga kaguluhan sa Hapon kung kaya ito ay tinawag na
Panahong Sengoku o panahon ng nagdidigmang estado
(Warring States Period).
• Dumating din sa bansang Hapon ang mga misyonero mula sa
iba’t ibang relihiyon .
• Nagtapos ang shoguntang Ashikaga nang mapatalsik ni Oda
Nobunaga ang huling shogun nito na si Ashikaga Yoshiaki sa
kabisera sa Kyoto.
.
17. PANAHONG AZUCHI-MOMOYAMA
• nagwakas ang mga pag-aalasa sa Hapon at nagkaisa ang
bansa sa pamumuno nina Oda Nobunaga at Toyotomi
Hideyoshi.
• Sa panahon ding ito, ginawa ni Nobunaga na sentro ng
pamahalaan ang Azuchi.
• Si Hideyoshi ang humalili kay Nabunaga at ginawa naman
niyang sentro ang Momoyama
• Ipinagbawal niya ang Kristiyanismo at ginawaran ng buwis ang
mga magsasaka.
• Sa panahong ito tinangkang sakupin ng mga Hapones ang
Korea at Tsina, subalit hindi sila nagtagumpay.