2. Ang Disaster Management
• Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na
disaster management.
• Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang dito ang iba’t ibang
organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at
makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Malinaw na hindi
lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan. Kabilang
din dito ang mga mamamayan at ang pampribado at pampublikong sektor.
• Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ito ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang
mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob dito ang mga plano at
hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon
mula sa epekto ng kalamidad, sakuna athazard.
• Kung susuriin, makikitang hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng
disaster management, kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at
maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
3. Mga kahulugang isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk
Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama
(2008).
1. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga
gawain ng tao.
2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
3. Disaster –Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at
mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng
tao tulad ng digmaan at polusyon.
4. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad
na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.
5. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang
kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
6. Resilience– tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
4. Ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework
• Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010
sa dalawang pangunahing layunin:
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at
hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad;
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang
pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.
• Binibigyang diin ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng
mga kalamidad at hazard upang ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
mapababa o maiwasan. Ang pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat
na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan
5. Ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach
• Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management
ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad
ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga
risk na maaari nilang maranasan.
• Ayon kina Shah at Kenji (2004), ay isang proseso ng paghahanda laban sahazard at
kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao.
• Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang:(1)
mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad; (2) maligtas ang mas maraming
buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano sa pagtugon sa
kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at (3) ang
iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang
solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano
ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad.
6. • BOTTOM-UP APPROACH- nagsisimula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan
sa kanilang pamayanan.
• ANG TOP-DOWN APPROACH sa disaster management plan ay
tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
7. Disaster Risk Reduction and Management Plan
Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
• Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga
hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran.
• Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob
dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk
Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang
komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment.
8. Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
• Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
kalamidad, sakuna o hazard.
• Layunin sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang
malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at
mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
Ito ay may tatlong pangunahing layunin:
1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na
katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. to instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at
hazard
9. Ikatlong Yugto: Disaster Response
• Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang
dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha
mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging
epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan
na nakaranas ng kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya:
1. Needs Assessment,
2. Damage Assessment, at
3. Loss Assessment.
10. Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay
nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
• Ang yugto ng Recovery ay nakasalalay rin sa kung paano binuo ng isang komunidad ang kanilang
disaster management plan na bahagi ng yugto ng Preparation. Makikita dito na kailangan ay may
sapat na kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan, NGO, at mga
mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang ito ay maging matagumpay.
• Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang
konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng
taong 2008, binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga
konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong
paaralan.
11. Sanggunian:
• AP 10 LM
•
• Agency, U. S. E. P. (2016). Climate Change Impacts. Aguinaldo, E. C. (2014). 3R Forum in Asia.
• Andrade, J. I. (2013, April 23). PH has SE Asia’s lowest forest cover.
•
• Philippine Daily Inquirer.
•
• Authority, N. E. D. (2011). Conservation, Protection, and Rehabilitation of the Environment and Natural Resources. Philippine Development Plan 2011-2016.
• Bank, A. D. (2004). The Garbage Book.
•
• Change, I. P. on C. (2001). Climate Change 2001: Impact, Adaptation, and Vulnerability. Contribution of Working Group II to the Third Assessment Report of IPCC.
• Chokkalingam, U., Carandang, A. P., Pulhin, J. M., Lasco, R. D., Peras,
•
• R. J. J., & Toma, T. (2006). One century of forest rehabilitation in the Philippines. Center for International Forestry Research, Bogor, Indonesia, 132p.
• Commission, P. C. C. (2010). National Framework Strategy on Climate Change 2010-2022.
• Country delegate to the European Commission. (2009). Country Environmental Profile.
• Domingo, E. V. (2008). Gearing a National Statistical System Towards the Measurement of the Impact of Climate Change : The Case of.
• FAO. (2010). Global Forest Resources Assessment 2010. Assessment,
•
• 1–27. http://doi.org/10.1017/CBO9781107415324.004
•
• Galvez, M. (2016, February 22). Philippines 5th out of 234 countries on forest gain. Philippine Star.
• Gazette, O. Republic Act 9003 s. 2000 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (2000). Congress of the Philippines. Retrieved from http://www.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003- s-2001/
• Global Information Society. (2010). Global InformatIon SocIety Watch 2010. Retrieved from http://giswatch.org/the-reports
• Israel, D. C., & Briones, R. M. (2013). Impacts of Natural Disasters on Agriculture , Food Security , and Natural Resources and Environment in the Philippines October 2012. ERIA Discussion Paper Series, (October), 1–53. http://doi.org/10.1007/s10273-011- 1262-2
• Kimpo, B. (2008). The Clean and Green Foundation and Bantay Kalikasan. Retrieved August 10, 2015, from https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/bingkimpo/Home/enrm222-
2008-1/the-clean-and-green-foundation-and-bantay-kalikasa
• Mercer, J. and J. G. (2010). Bridging the gap between top-down and bottom-up initiatives in disaster risk reduction ( DRR ).
• Mooney, L. A., Knox, D., & Schacht, C. (2011). Understanding Social Problems. Learning.
• NATIONAL SOLID WASTE MANAGEMENT. (2016).
•
• National Solid Waste Management Status Report. (2015), (December).
•
• Office, S. E. P. (2013). Natural Disasters at a Glance. Retrieved from http://senate.gov.ph/publications/AAG 2013-04 - Natural Disasters_final.pdf
• Oliva, R. V. (2007). Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement Situationer and Core Issues.
• Oliveira, J.P., Doll, C., Kurniawan, T.A., Yong, G., Kapshe, M., Huisingh,
•
• D. (2013). Promoting win-win situations in climate change mitigation, local environmental quality and development in Asian cities through co-benefits,. Journal of Cleaner Production, (58), 1–6.
• Organization, F. and A. (2015). Forest Area. Retrieved February 4, 2017, from http://data.worldbank.org/indicator/AG.LND.FRST.ZS?locations=P H
• Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation. (2013). Status of Philippine Forests (Vol. 20).
• Philippines, C. for E. C. (2012). Confronting the Ecological Crisis.
•
• Quezon City.
•
• Rudinas, J. S., Godilano, E. C., & Ilaga, A. G. (2013). Implementing Climate Smart Agriculture, Ridge-river-reef: The Philippine Adaptation and Mitigation initiative for Agriculture. Retrieved from http://www.pdf.ph/downloads/Rural Development/Highlights of Meeting/23 May
2013/attachments/03-Implementing Climate Smart
•
• Agriculture.pdf
•
• Sönke, K., Eckstein, D., Dorsch, L., & Fischer, L. (2015). Global climate risk index 2016: Who suffers most from Extreme weather events? Weather-related loss events in 2014 and 1995 to 2014. http://doi.org/978-3-943704-04-4