SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 43
MGA SALITANG
PANGNILALAMAN
(Content Word)
Ulat ni:
Jerica Paula P. Vergara
ft. Rainier Udarbe
II-4 BFE
2. MGA PANURING (MODIFIER)
A. PANG-URI (ADJECTIVE)
B. PANG-ABAY (ADVERB)
1.MGA NOMINAL
A. PANGNGALAN (NOUN)
B. PANGHALIP (PRONOUN)
C. PANDIWA (VERB)
MGA NOMINAL
PANGNGALAN
- Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, at pangyayari.
DALAWANG URI ANG
PANGNGALAN:
a. Pantangi- tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop at pangyayari.
Halimbawa: Ninoy Aquino, Cavite, Philippine
Normal University
b. Pambalana- karaniwan o balanang ngalan ng tao,
bagay, lugar, hayop at pangyayari
Halimbawa: silid-aklatan, pahayagan,
paaralan, pangulo
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang naiibang uri ng pangngalan at sabihin
kung anong uri ito.
1. ahensya, programa, gobyerno, DENR
2. Manuel L. Quezon, Cayetano Arellano,
gobernador, Loren Legarda
3. Pilandok, kagubatan, Tamaraw, Tarsier
4. Quiapo, Bohol, Pamilihang Bayan ng Casagul,
probinsya
5. Bundok Apo, pangangaso, pagtotroso,
pagpapanday
MAAARING URIIN ANG PANGNGALANG
PAMBALAN SA MGA SUMUSUNOD:
1. Kongkreto o Tahas- mga bagay na tumutukoy sa bagay
o materyal na nakikita at maaaring hawakan
Halimbawa: kagubutan, prutas, gulay
2. Di-kongkreto o Basal- diwa o kaisipan ang tinutukoy at
hindi materyal
- hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit
nadarama
Halimbawa: pagsisikap, pag-asa, paglilinis
3. Lansakan- nangangahulugan ng bilang o dami na
pinagsama-sama ngunit ang bilang ay walang katiyakan
Halimbawa: kumpol, klase, pulutong
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang uri ng mga pangngalang pambalana na
may salungguhit. Sabihin kung kongkreto o di-kongkreto.
1. Sagana ang inaaning palay sa Gitnang Luzon.
2. Ang paglulunsad nito ay ginanap sa Cebu
Convention Center.
3. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng
buhay ng mga magsasaka.
4. Ang isang tumpok ng sili sa palengke ay
nagkakahalaga ng sampung piso.
5. Inaasahang malaking tulong ito sa mga
magsasaka.
Mga Pananda
Makatutulong ang mga pananda sa madaling pagkilala
ng mga pangngalan.
1. Pantukoy- ang, ang mga, si, sina, ni, nina, kay, kina
Halimbawa: Ang kaibigan ni Marco ay si Jano.
2. Pang-uring Pamilang- isa, tatlo, marami
Halimbawa: Maraming manggagawa ang natuwa sa
isang taong nagmalasakit sa kompanya.
3. Panandang “ay”
Halimbawa: Siya ay guro sa ikaanim na baitang.
KAILANAN NG PANGNGALAN
Pananda
isahan- ang, si, kay, ni
maramihan- ang mga, sina, kina, nina
Pang-uring panlarawan
Halimbawa: isahan- masustansyang gulay
maramihan- masusustansyang gulay
Paglalapi
Halimbawa: dalawahan- magkapatid
maramihan- magkakapatid
Pang-uring pamilang
Halimbawa: isahan- isang kaibigan
dalawahan- dalawang kaibigan
maramihan- grupo ng mga kaibigan
KASARIAN NG PANGNGALANPambabae- para sa babae
Halimbawa: lola, nanay, tiya
Panlalaki- para sa lalaki
Halimbawa: lolo, tatay, bayaw
Di-tiyak- hindi matiyak kung babae o lalaki
Halimbawa: kamag-anak, bunso,
kasama
Walang kasarian- bagay na walang buhay
Halimbawa: bakuran, gulay, prutas,
puno
MGA GAMIT NG PANGNGALAN
• Simuno o Paksa (Subject)- pangngalan pinag-uusapan sa
pangungusap
Halimbawa: Ang mga katutubo ay humihingi ng paumanhin.
• Kaganapang pansimuno (Subject Complement)- pangngalang
sumusunod sa panandang ay
Halimbawa: Ang kanin ay pagkaing laging nasa hapag-kainan.
• Pamuno (Appositive)- ang simuno at isa pang pangngalang nasa
paksa ay iisa lamang
Halimbawa: Si Mang Carlito, isang magsasaka ay nagtanim ng
palay.
• Pantawag (Direct Address)- pangngalang tinatawag sa pangungusap
Halimbawa: Mario, bungkalin mo ang lupa at taniman ng palay.
• Layon ng pandiwa (Direct Object)- pangngalan pagkatapos ng
pandiwa
Halimbawa: Naglatag ng dahon sa mesa ang mga bathala.
• Layon ng pang-ukol (Object of the preposition)- pangngalang
pinaglalaan ng kilos
Halimbawa: Ipinagkaloob sa mga katutubo ang gintong butil.
KAUKULAN NG PANGNGALAN
• Palagyo- kaukulan ng pangngalang ginagamit na:
a. Simuno o paksa
Halimbawa: Ang mga nilikha ay ipinagkatiwala sa atin
ng Maykapal.
b. Kaganapang pansimuno
Halimbawa: Si Pamulak Manobo ay dakilang bathala
ng mga Bagobo.
c. Panawag
Halimabawa: Pamulak Manobo, ipasala po ninyo ang
ulan.
d. Pamuno
Halimbawa: Si Pamulak Manobo, ang bathala ng mga
Bagobo ay mapagmahal sa tao.
• Paari-kaukulan ng pangngalang nagpapakita ng
pagmamay-ari
Halimbawa: Ang mga anak nina Toglai at Togliban ay
nanirahan sa iba’t ibang panig ng Mindanao.
Kay Pamulak Manobo ang Sibulan.
• Paukol o Palayon- kaukulan ng pangngalang ginagamit
na tuwirang layon
Halimbawa: Nagtayo siya ng pamayanan sa Sibulan
Lumipat ng tirahan ang pamilya ni Toglai.
PAGSASANAY
Panuto: Isang palakpak kung palagyo, dalawa kung kaukulang
paari at tatlo kung kaukulang paukol o palayon.
1. Ang akdang “Mga Katuwang ni Pamulak Manobo” ay
isang mitolohiya.
2. Ang mitolohiya ay kwento hinggil sa mga alamat o anino.
3. Bathala, kaawaan mo po kami.
4. Kay Grace ang mga halaman sa paso.
5. Nagbasa ng mitolohiya ang mga mag-aaral.
PANGHALIP
- Tumutukoy sa mga salitang
ipinanghahalili sa pangngalan
TATLONG URI NG PANGHALIP
• Panghalip Panao
• Panghalip Pamatlig
• Panghalip Panaklaw
PANGHALIP PANAO
Ipinapalit ito sa ngalan ng tao. Mayroon itong panauhan at kailanman.
-Panauhan
Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita o
kumakausap
- ako, ko, akin, tayo, natin, atin, kami, namin, amin
Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap sa
pangungusap
- ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan at
malayo sa nag-uusap
- siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
-Kailanan
Isahan- ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya
Dalawahan- kata, kita
Maramihan- kami, namin, atin, natin, tayo, amin, kayo, ninyo,
sila, inyo, nila, kanila
PANGHALIP PAMATLIG
Ginagamit itong panghalili sa pagtuturo ng pangngalan. May limang uri ng
panghalip pamatlig: paturol, paari, patulad, at pahimaton.
Panauhan Paturol Paari Patulad Paukol Pahimaton
nagsasalita
kausap
pinag-
uusapan
ito, ire
iyan
iyon,
yaon
nito, nire
niyan
niyon,
noon
ganito,
ganire
ganyan
ganoon,
gayon
dito, dine
diyan
doon
heto, eto
ayan,
hayan
hayun,
ayun
PANGHALIP PANAKLAW
Ang panghali panaklaw ay may sinasaklaw na kaisahan,
bilang, dami, o kalahatan. Ito ay maaring tiyakan o di-tiyakan
Halimbawa:
Tiyakan- isa, bawat isa, pulos, iba, lahat, pawang
Di-tiyakan- anuman, sinuman, kaninuman, ninuman,
saanman
GAMIT NG PANGHALIP
• Simuno o paksa- panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap
Halimbawa: Sila ay malinis at maingat sa katawan.
• Kaganapang Pansimuno- ang panghalip ay nasa kaganapang
pansimuno kung ito ay: panghalip na tumutukoy sa panaguri;
ito at ang simuno ay iisa lamang at walang pandiwa sa
pangungusap. Nakikita ito pagkatapos ng ay.
Halimbawa: Ang tagapag-alaga ng inyong kalusugan ay
kayo.
• Tuwirang Layon- ang panghalip na tumatanggap ng kilos sa
pangungusap. Sumasagot din ito sa tanong na ano.
Halimbawa: Si Mylene ang nagbasa nito.
• Layon ng Pang-ukol- panghalip na gumaganap na layon ng
pang-ukol sa kaukulang paukol.
Halimbawa: Ang para sa kanya ay ibibigay niya sa mga
nangangailangan.
PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin ang gamit ng panghalip na may
salangguhit sa pangungusap.
1. Tayo ay umiwas sa mga gawaing makasisira ng ating
kalusugan.
2. Ako ang tagalista ng hanay na pinakamabilis at maayos.
3. Nagpaplano nito ang aming kaklase para sa kalinisan.
4. Para sa atin ang binabalak ng klase.
5. Si Juan ay tumatanggap nito sa pangulo.
KAUKULAN NG PANGHALIP
Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng panghalip na nagpapakita
ng gamit nito sa pangungusap.
• Palagyo- ginagamit na paksa
Halimbawa: Ako ay tumutulong sa mga biktima ng sakuna.
- ginagamit na kaganapang pansimuno
Halimbawa: Ang tagapamahal ng donasyon ay siya.
• Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng
pangngalan
Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation
center.
• Paukol- Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o
layon ng pang-ukol
Halimbawa: Bibigyan ko ang mga nasalanta ng mga damit.
PAGSASANAY
Panuto: Sabihin na PG kung palagyo, PA kung paari
at PU kung paukol.
1. Ang bawat isa ay handang tumulong.
2. Tungkol sa amin ang tulang isinulat ni tatay.
3. Siya ang pinunong handang maglingkopd sa bayan.
4. Tayo ay maaaring tumulong sa iba.
5. Kinuha rito ang mga pagkain para sa mga biktima ng
kalamidad.
6. Sa akin ang kahon sa kabinet.
PANDIWA
- ang tawag sa salitang
nagpapakilos o nagbibigay-buhay
sa lipon ng mga salita. Sa madaling
salita, mga salitang nagsasaad ng
kilos.
PANLAPING MAKADIWA
Panlaping makadiwa ang panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa.
• mag- palaging ginagamit na unlapi, ginigitlingan ang pandiwa kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig
Halimbawa: mag-ala mag-usap magsaliksik
• um- maaaring maging unlapi o gitlapi
Halimbawa: umayon umawit tumawid
• magka- panlaping nagpapakita ng pagkakaroon
Halimbawa: magkaasawamagkaplano magkaposisyon
• magpa- panlaping nagpapahiwating ng kilos na ipinapagawa sa iba
Halimbawa: magpaayos magpagupit magpatahi
• mai- unlaping nagsasaad ng kilos na ginagawa para sa iba
Halimbawa: maitala maipitas maihanin
• ipa- nagpapahayag ng pagpapagawa ng kilos sa iba
Halimbawa: ipaulat ipasara ipasukat
• mag- an/mag- han- nagpapakita ng kilos na sabayan
Halimbawa: magsayawan magkantahan
ASPEKTO NG PANDIWA
1. Aspektong Naganap o Perpektibo- nagsasaad na tapos na ang kilos
Halimbawa: Ako’y Pinoy na isinilang sa ating bansa.
2. Aspektong Katatapos- katatapos lamang ng kilos
Halimbawa: Kaaawit lamang ng klase ng ako’y “Ako’y Pinoy.”
3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- nagsasaad ng patuloy pa
ring nangyayari ang inumpisahang kilos
Halimbawa: Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling wika.
4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- gagawin pa lamang ang
kilos
Halimbawa: Paano natin matatamo ang ganap na pagkakaisa?
5. Aspektong Neutral- ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa
anyong pawatas.
Halimbawa: Gamitin natin ang wikang ating minamahal.
Mahalin ang Wikang Filipino.
URI NG PANDIWA
• Katawanin- Ito ay pandiwang buo o ganap ang diwang ipinahahayag.
Hinti ito nangangailangan ng layon o tagatanggap ng kilos. Ang
pandiwang katawanin ay maaaring:
- nagsasaad lamang ng gawain o pangyayari
Halimbawa: Nagtuturo si G. Lapulapu.
- pandiwang palikas na walang paksa
Halimbawa: Umuulan.
Ang pandiwang katawanin ay maaaring maging pandiwang
palipat kapag ito ay dinudugtungan ng tuwirang layon.
• Palipat- Ito ay pandiwang hindi ganap o buo at nangangailangan ng
tagatanggap ng kilos.
Halimbawa: Nagpatupad ng ordinansa ang alkalde.
Nagpasalamat ang mga taga-Marina kay
Gobernador Butanding.
TINIG NG PANDIWA
• Tukuyan o Tahasan - simuno o paksa ng pangungusap ang
gumagawa ng kilos
Halimbawa:
Si Mang Valentin ay nagturo ng pagtugtog ng
bandurya sa anak.
Ang apo ay bumuo ng awiting “Ang Unang Buko.”
• Balintiyak- nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos
Halimbawa:
Ang “Banaag at Lakas” ay nilika ni Nicanor Abelardo.
Si Nicanor Abelardo ay tinuruan ng kanyang tatay.
PAGSASANAY
Panuto: Sabihing T kung tahasan at B kung
balintiyak ang tinig ng pandiwang may
salangguhit.
1. Ang musika ay nagbibigkis sa mga Pilipino.
2. Ang kundiman ay iniambag ni Nicanor Abelardo sa ating
kalinangan.
3. Umawit nang buong puso ang mga mag-aaral.
4. Sa kabila ng paglaganap ng modernong musika,
pinananatili ng mga Pilipino ang tradisyunal na musika ng
bayan.
5. Pasiglahin natin ang Musikang Pilipino.
POKUS NG PANDIWA
Ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa
sa paksa ng pangungusap ay pokus.
Narito ang ilan sa pokus ng pandiwa:
• Pokus sa Tagaganap o Aktor
• Pokus sa Layon o Gol
• Pokus sa Ganapan o Lokatib
• Pokus sa Tagatanggap o Benepektibo
• Pokus sa Gamit o Instrumental
• Pokus sa Sanhi o Kawsatibo
MGA PANURING
PANG-URI
- salitang naglalarawan sa
katangian o bilang ng pangngalan o
panghalip
TALONG URI NG PANG-URI
1. Pang-uring Panlarawan- nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy,
hugis, at ipa pang katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Makukulay ang mga pagdiriwang sa Pilipinas.
Malayo man o malapit ang lugar na may pagdiriwang,
ito ay dinarayo pa rin ng mga tao.
2. Pang-uring Pamilang- nagsasabi ito ng dami o bilang ng pangngalan
at panghalip
Halimbawa: Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ay
dalawang tauhan sa Santacruzan.
Ang Panagbenga ay isang pagdiriwang na ginaganap
sa Baguio.
3. Pang-uring Pantangi- may anyong pangngalang pantangi na
naglalarawan sa pangngalan
Halimbawa: Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang sapatos-
Marikina.
Maraming gumagamit ng sukang Iloco.
KAYARIAN NG PANG-URI
• Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang
Halimbawa: tunay dakila payapa
• Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at panlapi
Halimbawa: masigla napakahusay maaasahan
• Inuulit- binubuo ng pag-uulit sa salitang ugat o pang-uring
maylapi
Halimbawa: kaaya-aya malakas na malakas
• Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita
Halimbawa: basang sisiw taos-puso
PANG-ABAY
- tawag sa mga salita o mga
salitang nagbibigay-turing, o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri,
at kapwa pang-abay
TINUTURINGAN NG PANG-ABAY ANG:
• Pandiwa
Mga halimbawa: Seryosong magsalita ang pangulo sa
klase.
Makataong magdesisyong ang hukom ng
korte.
• Pang-uri
Mga halimbwa: Hindi mahirap ang gawaing
pinagtutulungan.
Sadyang tahimik ang buhay sa nayon.
• Kapwa Pang-abay
Mga halimbawa: Totoong mahinahong magpaliwanag
ang batang nakasaksi sa pangyayari.
Ang nangyaru ay sadyang madaling
paniwalaan.
ANG PANG-URI AT PANG-ABAY AY MGA
SALITANG KAPWA NAGLALARAWAN SUBALIT
MAGKAIBA ANG INILALARAWAN O
BINIBIGYANG-TURING.
• Pang-uri- sa pangngalan o panghalip naglalarawan
Mga halimbawa: maingat na doktor
mahusay na gamot
payapang buhay
masalang siya
• Pang-abay- sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay
nagbibigay-turing
Mga halimbawa: maingat kumilos
talagang mahusay
payapang namumuhay
tunay na malinis magbiro
URI NG PANG-ABAY
• Pang-abay na Pamaraan- sumasagot ito sa tanong na paano
ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap
Halimbawa: Magalang na itinmuro ng Ati ang tahanan ni
Marikudo.
• Pang-abay na Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailang
ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap
Halimbawa: Magdaraos bukas ng pulong ang mga datu.
• Pang-abay na Panlunan- sumasagot sa tanong na saan
ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap
Halimbawa: Bumisita kami sa lalawigan ng aming mga
kamag-anak.
• Kataga o Ingklitik- ito ay tawag sa katagang karaniwang
sumusunod sa unang salita ng pangungusap
Halimbawa :Magaling ding sumayaw ang mga katutubo.
Kilalang ingklitik
kasi man sana na pala nang
din/rin tuloy yata lamang
/lang
kaya nga
daw/
raw
naman ba pa muna
PAGSASANAY
Panuto: Bilugan ang pang-abay sa pangungusap at
sabihin kung ito ay pamaraan, pamanahon, panluna,
o ingklitik.
1. Binasa ng malakas ni Menehit ang unang bahagi ng
Maragtas.
2. Nagpaligsahan daw ang mag-amang Polpulan at
Marikudo.
3. Tahimik silang naninirahan sa Sinugbuhan.
4. Pinag-asawa muna si Marikudo bago bago maging
pinuno.
5. Itatanghal sa isang linggo ang epikong ito ng pangkat nino
Menchit.
6. Pagpaplanuhan nila mamaya ang gagawing pagtatanghal.
IBA PANG URI NG PANG-ABAY
• Panggaano- ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang o
sukat ng isang pandiwa
Halimbawa: Apat na oras naglaba si Shing-Waz.
Anim na kilo ang idinagdag sa nakasakong bigas.
• Pananggi- ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di-pagsang-
ayon tulad ng huwag, ayoko, hindi, ayaw, wala.
Halimbawa: Ayokong umalis dito.
Huwag mong kunin ang mga libro.
• Panang-ayon- ito ang tawag sa pang-abay na nagpapahiwatig ng pagpayag
o pag-ayon sa opinyon o gusto ng iba gaya ng tunay, totoo, talaga, walang
duda, sigurado, sigurado, tiyak, opo, oo.
Halimbawa: Siguradong maipaaabot sa kinauukulan ang mungkahi
mo.
Oo, sasama ako sa lakbay-aral.
• Pang-agham- tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagdududa,
pag-aalinlangan o kawalan ng kasiguraduhan, gaya ng baka, tila, marahil,
siguro.
Halimbawa: Tila babagsak na ang ulan.
Baka mapagsaraduhan ako ng gate.
PAGSASANAY
Panuto: Buuin ang pangungusap. Salangguhitan ang
angkop na pang-abay.
1. (Tila, Marahil, Tiyak) na magugustuhan mo ang sorpresang
ito sapagkat matagal mo na itong gusto.
2. (Hindi, Huwag, Oo) kang mag-alala, bukal sa aming puso ang
paghahandog nito sa iyo.
3. (Tiyak, Baka, Walang duda) isipin mong hindi kami marunong
tumupad sa usapan!
4. (Oo, Wala, Ayaw), gagawin namin ang lahat para sa kaarawan
mo.

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Mga pangungusap na walang paksa
Mga pangungusap na walang paksaMga pangungusap na walang paksa
Mga pangungusap na walang paksa
grc_crz
 

La actualidad más candente (20)

Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Panghalip Panaklaw
Panghalip PanaklawPanghalip Panaklaw
Panghalip Panaklaw
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Mga pangungusap na walang paksa
Mga pangungusap na walang paksaMga pangungusap na walang paksa
Mga pangungusap na walang paksa
 
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng PandiwaMga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng Pandiwa
 
Salitang-ugat at Panlapi
Salitang-ugat at PanlapiSalitang-ugat at Panlapi
Salitang-ugat at Panlapi
 
kayarian ng mga salita
kayarian ng mga salitakayarian ng mga salita
kayarian ng mga salita
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa PandiwaPanlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
 
Kailanan ng pang uri
Kailanan ng pang uriKailanan ng pang uri
Kailanan ng pang uri
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Mga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng PangungusapMga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng Pangungusap
 
Mga uri ng diin
Mga uri ng diinMga uri ng diin
Mga uri ng diin
 
Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)
 
Pangawing || Pangawil
Pangawing || PangawilPangawing || Pangawil
Pangawing || Pangawil
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
Pangngalan
PangngalanPangngalan
Pangngalan
 
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP""AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
 
Gamit ng pangngalan by maam lhex
Gamit ng pangngalan by maam lhexGamit ng pangngalan by maam lhex
Gamit ng pangngalan by maam lhex
 

Destacado

Mga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemikoMga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemiko
arnielapuz
 
Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salita
Love Bordamonte
 
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
Verino Tidoso
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalita
Bel Escueta
 
Gamit ng Malaking Titik
Gamit ng Malaking TitikGamit ng Malaking Titik
Gamit ng Malaking Titik
Jov Pomada
 

Destacado (20)

Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
Mga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng TayutayMga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng Tayutay
 
Kahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolekKahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolek
 
Instruktura ng wika
Instruktura ng wikaInstruktura ng wika
Instruktura ng wika
 
Alomorp ng morpema
Alomorp ng morpemaAlomorp ng morpema
Alomorp ng morpema
 
General education
General educationGeneral education
General education
 
Tinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwaTinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwa
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Mga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemikoMga pagbabagong morpoponemiko
Mga pagbabagong morpoponemiko
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
Pokus ng pandiwa VI
Pokus ng pandiwa VIPokus ng pandiwa VI
Pokus ng pandiwa VI
 
Pormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salitaPormal at di pormal na salita
Pormal at di pormal na salita
 
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
Modyulsafilipino 130808213637-phpapp01
 
Emperador roma
Emperador romaEmperador roma
Emperador roma
 
Filipino aralin 6.1
Filipino aralin 6.1Filipino aralin 6.1
Filipino aralin 6.1
 
Mga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng TagapakinigMga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng Tagapakinig
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalita
 
Gamit ng Malaking Titik
Gamit ng Malaking TitikGamit ng Malaking Titik
Gamit ng Malaking Titik
 
POKUS NG PANDIWA
POKUS NG PANDIWAPOKUS NG PANDIWA
POKUS NG PANDIWA
 
Palabuuan ng Pangungusap
Palabuuan  ng Pangungusap Palabuuan  ng Pangungusap
Palabuuan ng Pangungusap
 

Similar a Group 6 mga salitang pangnilalaman

cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptxcupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
CatrinaTenorio
 
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptxAralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
JaypeLDalit
 

Similar a Group 6 mga salitang pangnilalaman (20)

Nang VS Ng
Nang VS NgNang VS Ng
Nang VS Ng
 
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptxcupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
 
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxWeek 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
 
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.pptpdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
 
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdfmgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
 
Kakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboKakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatibo
 
Kampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptxKampanyang Panlipunan.pptx
Kampanyang Panlipunan.pptx
 
pantukoy_at_pangatnig.pptx
pantukoy_at_pangatnig.pptxpantukoy_at_pangatnig.pptx
pantukoy_at_pangatnig.pptx
 
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdfANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
 
MODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO VMODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO V
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
 
Grade 5-pangngalan
Grade 5-pangngalanGrade 5-pangngalan
Grade 5-pangngalan
 
Grade 5-
Grade 5-Grade 5-
Grade 5-
 
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptxAralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
Aralin_12 grad_Kakayahang_Diskorsal.pptx
 
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptxBAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
 
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptxPANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
PANGKAT 3_PANG-UKOL.pptx
 
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng PangungusapBahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap
 
Kakayahang_gramatikal.ppt
Kakayahang_gramatikal.pptKakayahang_gramatikal.ppt
Kakayahang_gramatikal.ppt
 

Más de John Ervin

Más de John Ervin (17)

Spesifayer
SpesifayerSpesifayer
Spesifayer
 
Soft determinism
Soft determinismSoft determinism
Soft determinism
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Pangungusap na walang paksa
Pangungusap na walang paksaPangungusap na walang paksa
Pangungusap na walang paksa
 
Infleksyon
Infleksyon Infleksyon
Infleksyon
 
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatRubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
 
PANGUNGUSAP
PANGUNGUSAPPANGUNGUSAP
PANGUNGUSAP
 
Ortograpiya group 6
Ortograpiya group 6   Ortograpiya group 6
Ortograpiya group 6
 
Intro to curriculum development
Intro to curriculum developmentIntro to curriculum development
Intro to curriculum development
 
Group 6.2. global_issues_in_curriculum_development
Group 6.2. global_issues_in_curriculum_developmentGroup 6.2. global_issues_in_curriculum_development
Group 6.2. global_issues_in_curriculum_development
 
Group 6.1 trends_and_issues_in_curriculum_development
Group 6.1 trends_and_issues_in_curriculum_developmentGroup 6.1 trends_and_issues_in_curriculum_development
Group 6.1 trends_and_issues_in_curriculum_development
 
Group 5 phases_of_curriculum_development
Group 5 phases_of_curriculum_developmentGroup 5 phases_of_curriculum_development
Group 5 phases_of_curriculum_development
 
Group 4 curriculum_design
Group 4 curriculum_designGroup 4 curriculum_design
Group 4 curriculum_design
 
Group 3.2 non_technical_non_scientific_approach
Group 3.2 non_technical_non_scientific_approachGroup 3.2 non_technical_non_scientific_approach
Group 3.2 non_technical_non_scientific_approach
 
Group 3.1 technical_scientific_approach
Group 3.1 technical_scientific_approachGroup 3.1 technical_scientific_approach
Group 3.1 technical_scientific_approach
 
Group 2 curricular_foundations
Group 2 curricular_foundationsGroup 2 curricular_foundations
Group 2 curricular_foundations
 
Group 1 nature_and_purpose_of_curriculum
Group 1 nature_and_purpose_of_curriculumGroup 1 nature_and_purpose_of_curriculum
Group 1 nature_and_purpose_of_curriculum
 

Último

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 

Último (20)

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 

Group 6 mga salitang pangnilalaman

  • 1. MGA SALITANG PANGNILALAMAN (Content Word) Ulat ni: Jerica Paula P. Vergara ft. Rainier Udarbe II-4 BFE
  • 2. 2. MGA PANURING (MODIFIER) A. PANG-URI (ADJECTIVE) B. PANG-ABAY (ADVERB) 1.MGA NOMINAL A. PANGNGALAN (NOUN) B. PANGHALIP (PRONOUN) C. PANDIWA (VERB)
  • 4. PANGNGALAN - Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.
  • 5. DALAWANG URI ANG PANGNGALAN: a. Pantangi- tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari. Halimbawa: Ninoy Aquino, Cavite, Philippine Normal University b. Pambalana- karaniwan o balanang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari Halimbawa: silid-aklatan, pahayagan, paaralan, pangulo
  • 6. Pagsasanay Panuto: Tukuyin ang naiibang uri ng pangngalan at sabihin kung anong uri ito. 1. ahensya, programa, gobyerno, DENR 2. Manuel L. Quezon, Cayetano Arellano, gobernador, Loren Legarda 3. Pilandok, kagubatan, Tamaraw, Tarsier 4. Quiapo, Bohol, Pamilihang Bayan ng Casagul, probinsya 5. Bundok Apo, pangangaso, pagtotroso, pagpapanday
  • 7. MAAARING URIIN ANG PANGNGALANG PAMBALAN SA MGA SUMUSUNOD: 1. Kongkreto o Tahas- mga bagay na tumutukoy sa bagay o materyal na nakikita at maaaring hawakan Halimbawa: kagubutan, prutas, gulay 2. Di-kongkreto o Basal- diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi materyal - hindi nakikita at hindi nahahawakan ngunit nadarama Halimbawa: pagsisikap, pag-asa, paglilinis 3. Lansakan- nangangahulugan ng bilang o dami na pinagsama-sama ngunit ang bilang ay walang katiyakan Halimbawa: kumpol, klase, pulutong
  • 8. Pagsasanay Panuto: Tukuyin ang uri ng mga pangngalang pambalana na may salungguhit. Sabihin kung kongkreto o di-kongkreto. 1. Sagana ang inaaning palay sa Gitnang Luzon. 2. Ang paglulunsad nito ay ginanap sa Cebu Convention Center. 3. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka. 4. Ang isang tumpok ng sili sa palengke ay nagkakahalaga ng sampung piso. 5. Inaasahang malaking tulong ito sa mga magsasaka.
  • 9. Mga Pananda Makatutulong ang mga pananda sa madaling pagkilala ng mga pangngalan. 1. Pantukoy- ang, ang mga, si, sina, ni, nina, kay, kina Halimbawa: Ang kaibigan ni Marco ay si Jano. 2. Pang-uring Pamilang- isa, tatlo, marami Halimbawa: Maraming manggagawa ang natuwa sa isang taong nagmalasakit sa kompanya. 3. Panandang “ay” Halimbawa: Siya ay guro sa ikaanim na baitang.
  • 10. KAILANAN NG PANGNGALAN Pananda isahan- ang, si, kay, ni maramihan- ang mga, sina, kina, nina Pang-uring panlarawan Halimbawa: isahan- masustansyang gulay maramihan- masusustansyang gulay Paglalapi Halimbawa: dalawahan- magkapatid maramihan- magkakapatid Pang-uring pamilang Halimbawa: isahan- isang kaibigan dalawahan- dalawang kaibigan maramihan- grupo ng mga kaibigan
  • 11. KASARIAN NG PANGNGALANPambabae- para sa babae Halimbawa: lola, nanay, tiya Panlalaki- para sa lalaki Halimbawa: lolo, tatay, bayaw Di-tiyak- hindi matiyak kung babae o lalaki Halimbawa: kamag-anak, bunso, kasama Walang kasarian- bagay na walang buhay Halimbawa: bakuran, gulay, prutas, puno
  • 12. MGA GAMIT NG PANGNGALAN • Simuno o Paksa (Subject)- pangngalan pinag-uusapan sa pangungusap Halimbawa: Ang mga katutubo ay humihingi ng paumanhin. • Kaganapang pansimuno (Subject Complement)- pangngalang sumusunod sa panandang ay Halimbawa: Ang kanin ay pagkaing laging nasa hapag-kainan. • Pamuno (Appositive)- ang simuno at isa pang pangngalang nasa paksa ay iisa lamang Halimbawa: Si Mang Carlito, isang magsasaka ay nagtanim ng palay. • Pantawag (Direct Address)- pangngalang tinatawag sa pangungusap Halimbawa: Mario, bungkalin mo ang lupa at taniman ng palay. • Layon ng pandiwa (Direct Object)- pangngalan pagkatapos ng pandiwa Halimbawa: Naglatag ng dahon sa mesa ang mga bathala. • Layon ng pang-ukol (Object of the preposition)- pangngalang pinaglalaan ng kilos Halimbawa: Ipinagkaloob sa mga katutubo ang gintong butil.
  • 13. KAUKULAN NG PANGNGALAN • Palagyo- kaukulan ng pangngalang ginagamit na: a. Simuno o paksa Halimbawa: Ang mga nilikha ay ipinagkatiwala sa atin ng Maykapal. b. Kaganapang pansimuno Halimbawa: Si Pamulak Manobo ay dakilang bathala ng mga Bagobo. c. Panawag Halimabawa: Pamulak Manobo, ipasala po ninyo ang ulan. d. Pamuno Halimbawa: Si Pamulak Manobo, ang bathala ng mga Bagobo ay mapagmahal sa tao.
  • 14. • Paari-kaukulan ng pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari Halimbawa: Ang mga anak nina Toglai at Togliban ay nanirahan sa iba’t ibang panig ng Mindanao. Kay Pamulak Manobo ang Sibulan. • Paukol o Palayon- kaukulan ng pangngalang ginagamit na tuwirang layon Halimbawa: Nagtayo siya ng pamayanan sa Sibulan Lumipat ng tirahan ang pamilya ni Toglai.
  • 15. PAGSASANAY Panuto: Isang palakpak kung palagyo, dalawa kung kaukulang paari at tatlo kung kaukulang paukol o palayon. 1. Ang akdang “Mga Katuwang ni Pamulak Manobo” ay isang mitolohiya. 2. Ang mitolohiya ay kwento hinggil sa mga alamat o anino. 3. Bathala, kaawaan mo po kami. 4. Kay Grace ang mga halaman sa paso. 5. Nagbasa ng mitolohiya ang mga mag-aaral.
  • 16. PANGHALIP - Tumutukoy sa mga salitang ipinanghahalili sa pangngalan
  • 17. TATLONG URI NG PANGHALIP • Panghalip Panao • Panghalip Pamatlig • Panghalip Panaklaw
  • 18. PANGHALIP PANAO Ipinapalit ito sa ngalan ng tao. Mayroon itong panauhan at kailanman. -Panauhan Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita o kumakausap - ako, ko, akin, tayo, natin, atin, kami, namin, amin Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap sa pangungusap - ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan at malayo sa nag-uusap - siya, niya, kanya, sila, nila, kanila -Kailanan Isahan- ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya Dalawahan- kata, kita Maramihan- kami, namin, atin, natin, tayo, amin, kayo, ninyo, sila, inyo, nila, kanila
  • 19. PANGHALIP PAMATLIG Ginagamit itong panghalili sa pagtuturo ng pangngalan. May limang uri ng panghalip pamatlig: paturol, paari, patulad, at pahimaton. Panauhan Paturol Paari Patulad Paukol Pahimaton nagsasalita kausap pinag- uusapan ito, ire iyan iyon, yaon nito, nire niyan niyon, noon ganito, ganire ganyan ganoon, gayon dito, dine diyan doon heto, eto ayan, hayan hayun, ayun
  • 20. PANGHALIP PANAKLAW Ang panghali panaklaw ay may sinasaklaw na kaisahan, bilang, dami, o kalahatan. Ito ay maaring tiyakan o di-tiyakan Halimbawa: Tiyakan- isa, bawat isa, pulos, iba, lahat, pawang Di-tiyakan- anuman, sinuman, kaninuman, ninuman, saanman
  • 21. GAMIT NG PANGHALIP • Simuno o paksa- panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap Halimbawa: Sila ay malinis at maingat sa katawan. • Kaganapang Pansimuno- ang panghalip ay nasa kaganapang pansimuno kung ito ay: panghalip na tumutukoy sa panaguri; ito at ang simuno ay iisa lamang at walang pandiwa sa pangungusap. Nakikita ito pagkatapos ng ay. Halimbawa: Ang tagapag-alaga ng inyong kalusugan ay kayo. • Tuwirang Layon- ang panghalip na tumatanggap ng kilos sa pangungusap. Sumasagot din ito sa tanong na ano. Halimbawa: Si Mylene ang nagbasa nito. • Layon ng Pang-ukol- panghalip na gumaganap na layon ng pang-ukol sa kaukulang paukol. Halimbawa: Ang para sa kanya ay ibibigay niya sa mga nangangailangan.
  • 22. PAGSASANAY Panuto: Tukuyin ang gamit ng panghalip na may salangguhit sa pangungusap. 1. Tayo ay umiwas sa mga gawaing makasisira ng ating kalusugan. 2. Ako ang tagalista ng hanay na pinakamabilis at maayos. 3. Nagpaplano nito ang aming kaklase para sa kalinisan. 4. Para sa atin ang binabalak ng klase. 5. Si Juan ay tumatanggap nito sa pangulo.
  • 23. KAUKULAN NG PANGHALIP Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng panghalip na nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap. • Palagyo- ginagamit na paksa Halimbawa: Ako ay tumutulong sa mga biktima ng sakuna. - ginagamit na kaganapang pansimuno Halimbawa: Ang tagapamahal ng donasyon ay siya. • Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng pangngalan Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation center. • Paukol- Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o layon ng pang-ukol Halimbawa: Bibigyan ko ang mga nasalanta ng mga damit.
  • 24. PAGSASANAY Panuto: Sabihin na PG kung palagyo, PA kung paari at PU kung paukol. 1. Ang bawat isa ay handang tumulong. 2. Tungkol sa amin ang tulang isinulat ni tatay. 3. Siya ang pinunong handang maglingkopd sa bayan. 4. Tayo ay maaaring tumulong sa iba. 5. Kinuha rito ang mga pagkain para sa mga biktima ng kalamidad. 6. Sa akin ang kahon sa kabinet.
  • 25. PANDIWA - ang tawag sa salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Sa madaling salita, mga salitang nagsasaad ng kilos.
  • 26. PANLAPING MAKADIWA Panlaping makadiwa ang panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa. • mag- palaging ginagamit na unlapi, ginigitlingan ang pandiwa kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig Halimbawa: mag-ala mag-usap magsaliksik • um- maaaring maging unlapi o gitlapi Halimbawa: umayon umawit tumawid • magka- panlaping nagpapakita ng pagkakaroon Halimbawa: magkaasawamagkaplano magkaposisyon • magpa- panlaping nagpapahiwating ng kilos na ipinapagawa sa iba Halimbawa: magpaayos magpagupit magpatahi • mai- unlaping nagsasaad ng kilos na ginagawa para sa iba Halimbawa: maitala maipitas maihanin • ipa- nagpapahayag ng pagpapagawa ng kilos sa iba Halimbawa: ipaulat ipasara ipasukat • mag- an/mag- han- nagpapakita ng kilos na sabayan Halimbawa: magsayawan magkantahan
  • 27. ASPEKTO NG PANDIWA 1. Aspektong Naganap o Perpektibo- nagsasaad na tapos na ang kilos Halimbawa: Ako’y Pinoy na isinilang sa ating bansa. 2. Aspektong Katatapos- katatapos lamang ng kilos Halimbawa: Kaaawit lamang ng klase ng ako’y “Ako’y Pinoy.” 3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- nagsasaad ng patuloy pa ring nangyayari ang inumpisahang kilos Halimbawa: Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling wika. 4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- gagawin pa lamang ang kilos Halimbawa: Paano natin matatamo ang ganap na pagkakaisa? 5. Aspektong Neutral- ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o nasa anyong pawatas. Halimbawa: Gamitin natin ang wikang ating minamahal. Mahalin ang Wikang Filipino.
  • 28. URI NG PANDIWA • Katawanin- Ito ay pandiwang buo o ganap ang diwang ipinahahayag. Hinti ito nangangailangan ng layon o tagatanggap ng kilos. Ang pandiwang katawanin ay maaaring: - nagsasaad lamang ng gawain o pangyayari Halimbawa: Nagtuturo si G. Lapulapu. - pandiwang palikas na walang paksa Halimbawa: Umuulan. Ang pandiwang katawanin ay maaaring maging pandiwang palipat kapag ito ay dinudugtungan ng tuwirang layon. • Palipat- Ito ay pandiwang hindi ganap o buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Nagpatupad ng ordinansa ang alkalde. Nagpasalamat ang mga taga-Marina kay Gobernador Butanding.
  • 29. TINIG NG PANDIWA • Tukuyan o Tahasan - simuno o paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos Halimbawa: Si Mang Valentin ay nagturo ng pagtugtog ng bandurya sa anak. Ang apo ay bumuo ng awiting “Ang Unang Buko.” • Balintiyak- nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos Halimbawa: Ang “Banaag at Lakas” ay nilika ni Nicanor Abelardo. Si Nicanor Abelardo ay tinuruan ng kanyang tatay.
  • 30. PAGSASANAY Panuto: Sabihing T kung tahasan at B kung balintiyak ang tinig ng pandiwang may salangguhit. 1. Ang musika ay nagbibigkis sa mga Pilipino. 2. Ang kundiman ay iniambag ni Nicanor Abelardo sa ating kalinangan. 3. Umawit nang buong puso ang mga mag-aaral. 4. Sa kabila ng paglaganap ng modernong musika, pinananatili ng mga Pilipino ang tradisyunal na musika ng bayan. 5. Pasiglahin natin ang Musikang Pilipino.
  • 31. POKUS NG PANDIWA Ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa paksa ng pangungusap ay pokus. Narito ang ilan sa pokus ng pandiwa: • Pokus sa Tagaganap o Aktor • Pokus sa Layon o Gol • Pokus sa Ganapan o Lokatib • Pokus sa Tagatanggap o Benepektibo • Pokus sa Gamit o Instrumental • Pokus sa Sanhi o Kawsatibo
  • 33. PANG-URI - salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan o panghalip
  • 34. TALONG URI NG PANG-URI 1. Pang-uring Panlarawan- nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy, hugis, at ipa pang katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Makukulay ang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Malayo man o malapit ang lugar na may pagdiriwang, ito ay dinarayo pa rin ng mga tao. 2. Pang-uring Pamilang- nagsasabi ito ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip Halimbawa: Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ay dalawang tauhan sa Santacruzan. Ang Panagbenga ay isang pagdiriwang na ginaganap sa Baguio. 3. Pang-uring Pantangi- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan Halimbawa: Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang sapatos- Marikina. Maraming gumagamit ng sukang Iloco.
  • 35. KAYARIAN NG PANG-URI • Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang Halimbawa: tunay dakila payapa • Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at panlapi Halimbawa: masigla napakahusay maaasahan • Inuulit- binubuo ng pag-uulit sa salitang ugat o pang-uring maylapi Halimbawa: kaaya-aya malakas na malakas • Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita Halimbawa: basang sisiw taos-puso
  • 36. PANG-ABAY - tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing, o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay
  • 37. TINUTURINGAN NG PANG-ABAY ANG: • Pandiwa Mga halimbawa: Seryosong magsalita ang pangulo sa klase. Makataong magdesisyong ang hukom ng korte. • Pang-uri Mga halimbwa: Hindi mahirap ang gawaing pinagtutulungan. Sadyang tahimik ang buhay sa nayon. • Kapwa Pang-abay Mga halimbawa: Totoong mahinahong magpaliwanag ang batang nakasaksi sa pangyayari. Ang nangyaru ay sadyang madaling paniwalaan.
  • 38. ANG PANG-URI AT PANG-ABAY AY MGA SALITANG KAPWA NAGLALARAWAN SUBALIT MAGKAIBA ANG INILALARAWAN O BINIBIGYANG-TURING. • Pang-uri- sa pangngalan o panghalip naglalarawan Mga halimbawa: maingat na doktor mahusay na gamot payapang buhay masalang siya • Pang-abay- sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay nagbibigay-turing Mga halimbawa: maingat kumilos talagang mahusay payapang namumuhay tunay na malinis magbiro
  • 39. URI NG PANG-ABAY • Pang-abay na Pamaraan- sumasagot ito sa tanong na paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap Halimbawa: Magalang na itinmuro ng Ati ang tahanan ni Marikudo. • Pang-abay na Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailang ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap Halimbawa: Magdaraos bukas ng pulong ang mga datu. • Pang-abay na Panlunan- sumasagot sa tanong na saan ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap Halimbawa: Bumisita kami sa lalawigan ng aming mga kamag-anak. • Kataga o Ingklitik- ito ay tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap Halimbawa :Magaling ding sumayaw ang mga katutubo.
  • 40. Kilalang ingklitik kasi man sana na pala nang din/rin tuloy yata lamang /lang kaya nga daw/ raw naman ba pa muna
  • 41. PAGSASANAY Panuto: Bilugan ang pang-abay sa pangungusap at sabihin kung ito ay pamaraan, pamanahon, panluna, o ingklitik. 1. Binasa ng malakas ni Menehit ang unang bahagi ng Maragtas. 2. Nagpaligsahan daw ang mag-amang Polpulan at Marikudo. 3. Tahimik silang naninirahan sa Sinugbuhan. 4. Pinag-asawa muna si Marikudo bago bago maging pinuno. 5. Itatanghal sa isang linggo ang epikong ito ng pangkat nino Menchit. 6. Pagpaplanuhan nila mamaya ang gagawing pagtatanghal.
  • 42. IBA PANG URI NG PANG-ABAY • Panggaano- ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang o sukat ng isang pandiwa Halimbawa: Apat na oras naglaba si Shing-Waz. Anim na kilo ang idinagdag sa nakasakong bigas. • Pananggi- ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di-pagsang- ayon tulad ng huwag, ayoko, hindi, ayaw, wala. Halimbawa: Ayokong umalis dito. Huwag mong kunin ang mga libro. • Panang-ayon- ito ang tawag sa pang-abay na nagpapahiwatig ng pagpayag o pag-ayon sa opinyon o gusto ng iba gaya ng tunay, totoo, talaga, walang duda, sigurado, sigurado, tiyak, opo, oo. Halimbawa: Siguradong maipaaabot sa kinauukulan ang mungkahi mo. Oo, sasama ako sa lakbay-aral. • Pang-agham- tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagdududa, pag-aalinlangan o kawalan ng kasiguraduhan, gaya ng baka, tila, marahil, siguro. Halimbawa: Tila babagsak na ang ulan. Baka mapagsaraduhan ako ng gate.
  • 43. PAGSASANAY Panuto: Buuin ang pangungusap. Salangguhitan ang angkop na pang-abay. 1. (Tila, Marahil, Tiyak) na magugustuhan mo ang sorpresang ito sapagkat matagal mo na itong gusto. 2. (Hindi, Huwag, Oo) kang mag-alala, bukal sa aming puso ang paghahandog nito sa iyo. 3. (Tiyak, Baka, Walang duda) isipin mong hindi kami marunong tumupad sa usapan! 4. (Oo, Wala, Ayaw), gagawin namin ang lahat para sa kaarawan mo.