2. Habang nababawasan ang katapatan ng
ordinaryong mamamayan sa mga
panginoong maylupa, nakikita naman nila
ang Simbahan bilang bagong sentro ng
debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan
ay
tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na
naging dahilan upang lalong lumakas ang
kapangyarihan ng Papa.
3. Sa pagsapit ng 1073, naging mas
makapangyarihan ang Simbahan nang
itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan
ay
bahagi ng kaayusang banal na
napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang
pinakamataas na lider-espiritwal at
tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula
kay San Pedro, ang Papa ang may
pinakamataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina.
5. Si Gregory VII ay isang italyanong naging papa
ng simbahang katoliko romana mula ika-22 ng
Abril ng 1073 hanggang 1085. Siya ay ang unang
papa na nakapagpapatupad ng Celibacy para sa
mga pari at humamon sa ritwal na siremonya.
Siya ay tanyag sa mga magagandang reporma, at
kilala dahil sa pagpapaunlad ng relasyon sa
pagitan ng emperador at papa. Subalit,
nagkaroon siya ng maraming isyu at
kontrobersiya laban kay Emperador Henry IV.
6. Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat
na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga
hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang
diumanong gamitin sa layuning Kristiyano.
May karapatan ang Papa na tanggalin sa
hari ang karapatang mamuno kung hindi
tumupad ang hari sa kanyang obligasyong
Kristiyano.
8. Si Henry IV ay naging hari ng Germany noong
siya ay anim na taong gulang pa lang sa taong
1056.Ang mga hari ng Germany ay nagiging Holy
Roman Emperor kaya si Haring Henry IV din ay
nagging emperor mula 1056. Dahil sa
kamusmusan, ang kanyang ina na si Reyna Agnes
muna ang namuno hanggang siya ay dumating sa
tamang edad. Siya ay umupo sa trono noong
taong 1066 nang siya ay labing-anim na taon pa
lang. Sa kangyang pamamalakad, nagkaroon siya
ng hidwaan laban sa mga taga rehiyon ng Saxony
9. Si Emperador Henry IV ay itinawalag sa
simbahang katoliko romano ni Papa Gregory
VII. Sila ay may palitan ng sulat na
nagpapahayag ng disgusto sa isa't isa simula
noong pagbawalan ni papa Gregory si
Emperador Henry na magtalaga ng obispo.
Sinagot ito ni Henry ng isang paltos na sulat na
na ayon pa sa kanya ay isang pekeng monghe
umano si papa Gregory. Pinayagan siyang
bumalik sa simbahan noong 1077, pero
itiniwalag na naman noong 1080 ni Papa
10. Ang Investiture Controversy ay
sumasalamin sa tunggalian ng interes
ng Simbahan at pamahalaan kaugnay
ng mga ideya ni Papa Gregory VII.
Hindi
nagustuhan ng Haring German na si
Henry IV ang ideya ni Papa Gregory
VII.
Para kay Henry, ang relihiyong
panatisismo ni Papa Gregory VII ay
tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian
11. Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa
mga obispong German na pababain na sa puwesto
ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na
ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang
Katoliko.
Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa
kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si
Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng
Canossa sa hilagang Italya ng tatlong
araw noong 1077. Hiniling niya na alisin
na ang parusang ekskomulgasyon.
12. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si
Henry, ang nasabing insidente ay lalong
nagpatibay
sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang
malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng
kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry
IV. Ito ang tinatawag na Concordat of Worms
noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng
Obispo bilang liderespiritwal ng Simbahan at
panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan
bilang isang nagsasariling institusyon na
13. Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa
panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito.
Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng paguugali at
moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang
mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa
kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito
sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo
ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang
Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng
mga hari sa patnubay ng Papa.
14. Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika
-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay
lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating
siglang pangkalakalan,
umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-
state, at lumakas ang
kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang
nagbigay-daan sa paglakas ng
Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon.