3. Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang
pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil
nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri
ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa
mga taga-Kanluran na itinuturing na may
mababang konteksto ng kulturang mababa rin
ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan.
Melba Padilla Maggay (2002)
Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga
Pilipino?
4. Idinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga
Filipino sa malapitang pag-uugnayan, na humihipo at
dumadama sa mga tao at bagay-bagay.
Kung pagbabatayan naman ang tahas at
magagaspang na banat ng mga komentarista sa
radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o
politiko, ang gayong paraan ng komunikasyon ay
maaaring pagbubukod mismo ng mga taong
nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.
7. TSISMISAN
Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang
isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming
gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga
alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at
maging mas malapit sa bawat isa.
Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa
atin ng matututunan ang mahahalagang impormasyon nang
hindi na kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng
grupo.
8. Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga
Pilipino, ngunit may mas negatibo na konotasyon ng salitang
tsismis kumpara sa ingles na katumbas nito na ‘gossip’.
Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig
makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba,
samantalang ang tismosa ay kilala bilang sinungaling at
mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung
magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo
naman ang mga kwento ay madalas na exaggerated.
9. Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga
tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na
maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng
iba.
Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay
ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitiran ng isip natin. Ang
pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na
upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
10. Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para
makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o
kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan
na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay
tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o
‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay
tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
11. Tsismis vs Katotohanan
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino
ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga
mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na
naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga ‘alternative
facts’.
Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong
nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang
mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
impormasyon na kanilang nasasagap.
12. Hindi na nakagugulat na ang madalas na
paggamit ng social media ay nagdulot ng
malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at
tsismis sa bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis
maniwala sa mga nababasa nila online, at
pinagbabasehan laman ang mga likes at shares
para sa kredibilidad. Bihira lamang ang mga taong
inaalam ang katotohanan.
13. Legal na aksyon
Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay
maaaring makasama kung sumobra. Maaari itong makasira
ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa
kalagayan ng pinag-uusapan.
Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at
nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirang-
puri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang
labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng
kasong libel o slander.
14. Kumonekta sa iyong tagapakinig
Ang mabisang tsismis ay hindi lamang tungkol sa iyong sinasabi, o
tungkol sa kanino. Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinasabi.
Siyempre, maaari mong gawing malinaw ang mga benepisyo ng
tsismis sa iyong tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw na
pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang impormasyon.
Ngunit ang pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga
reaksyon sa impormasyon ay maaaring makatulong sa iyo na
kumonekta sa iyong tagapakinig at maiwasan ang mga negatibong
reaksiyon.
15. Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay
maaaring hikayatin ang tagapakinig na magreresulta
nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri.
17. Umpukan
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang
paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa
isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan.
18. Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang
kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o
pangkat.
May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung
saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-kuro o
opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.
19. Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang
pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na
usapan lamang, o maaari rin namang pormal na
pakikipagtalo.
Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-
kanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon.
21. Talakayan
Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase.
Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa
ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatwiran.
22. Uri ng Pagtatalakayan
1. Impormal na Talakayan
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at
walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima
hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong
mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa
kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
23. Mga Uri ng Pormal na Talakayan
1. Panel Discussion
Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa
harapan ng mga tagapakinig.
2. Simposyum
kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang
tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
3. Lecture-Forum o Panayam
ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong
maglalahad ng mahalagang suliranin. maaaring maglahad at
magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang
pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.
24. Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa
kung kailan magkaroon ng bagay na hindi mapag-
kaunawaan at nanga-ngailangan ng paglilinaw ng
magkatunggali sa layunin upang mangingibabaw
ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga
salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga
agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.
25. Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?
Ang hindi pagkaunawaan ng mga tao sa kanilang
pananampalataya, teyoriya, salita at gawa ay sadyang
dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang
panahon hanggang sa katapusan ng mundo, kaya
kinakailangan ang patnubay at gabay upang
maiwasan ang di pagka-kaunawaan kadalasan ay
naging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.
26. Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan
upang ang katotohanan ay mapatunayan at
mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-
tanggap na basehan at katibayan kung saan ito
ay nararapat na ibabahagi ng buong katapatan
at katapangan ng bawat panig at katunggali.
27. PANGKATANG TALAKAYAN
1. Impormal na Debate o Pagtatalo
Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung
pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang
makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang
pangatwiraan.
2. Formal na Debate
Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito.
May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o
negatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa ilalahad na matitibay na
katwiran at katibayan.
29. Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa
iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga
bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background
investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng
malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang
makakuha ng iba pang impormasyon, at ma-beripika kung
totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application
form.
30. Katulad na lamang, halimbawa, ang
pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang
barangay upang magsagawa ng random drug
test. Naging kalakaran din noon ang
pagbabahay-bahay upang magpakilala at
magbenta ng mga bagong produkto.
32. Pulong-bayan
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa
isang bayan upang pagusapan ang mga suliranin,
hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago.
Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang
mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay.
33. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang
kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng
pagkakataon makapagsalita.
Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng
mga Pilipino.
35. Komunikasyong Di-berbal
Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o
kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag
ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan.
36. 93% ng mensaheng ipinahahatid ng
tao sa kanyang kapwa ay di –
verbal na komunikasyon.
37. Ang di – verbal na komunikasyon ay isang
detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat
ngunit nauunawaan ng lahat.
38. 1. Kinesika (Kinesics)
Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan
ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
Hindi man tayo nagsasalita,
ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig
naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa
iba.
Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
Komunikasyon
39. Galaw ng Katawan na ginagamit
sa Di-verbal na Komunikasyon
a. Ekspresyon ng Mukha
“Nagpapakita ng Emosyon”
Nagpapahayag ng pagiging
masaya kung siya ay naka
ngiti, malungkot kung umiiyak,
nakasimangot kung galit o
naiinis, tulala kung
naguguluhan o nabigla at ang
ultimong paglabas ng dila ay
may mga kahulugang
ipinapahayag.
40. b. Galaw ng Mata
Nagpapakita ng katapatan
ng isang tao, nag – iiba
ang mensaheng
ipinahahayag batay sa
tagal, direksyon at kalidad
ng kilos ng mata.
Galaw ng Katawan na ginagamit
sa Di-verbal na Komunikasyon
41. c. Kumpas
Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming
bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng
pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita
ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng
paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang
iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay
naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng
mensahe.
Galaw ng Katawan na ginagamit
sa Di-verbal na Komunikasyon
“Galaw ng Kamay”
42. d. Tindig o Postura
Tindig pa lamang ng isang
tao ay nakapagbibigay
na ng hinuha kung
anong kalseng tao ang
iyong kaharap o kausap.
Galaw ng Katawan na ginagamit
sa Di-verbal na Komunikasyon
43. Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
Komunikasyon
2. Proksemika (Proxemics)
“Pag – aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo”
Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang
antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa
komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad
ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga
estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-
uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
44. 3. Pandama o Paghawak (Haptics)
Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng
komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng
positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga
taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga
magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
Halimbawa:
- Pagyakap
- Paghaplos
Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
Komunikasyon
45. 4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na
may kaugnayan sa pagsasalita
- Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba),
pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin
sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto.
- Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating
ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita
o pangungusap.
Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
Komunikasyon
46. 5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at
mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-
imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe
na sasabihin pa ng tagapagsalita.
May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan
para masaktan ang kalooban ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa
kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.
Iba’t Ibang Anyo Ng Di-Verbal Na
Komunikasyon
48. Ekspresyong lokal
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika
na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng
pilosopiya.
Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng
mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-
usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan
ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang
taong hindi bihasa sa lenggwahe.
49. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay mo.
Sayang. (Sayang naman.)
Hay naku.
Susmaryosep!
Anak ng _____!