3. ANG GRAP
Ang grap ay isang biswal na
representasyong nagpapakita ng ugnayan
ng dalawang variables- ang dependent
variable at ang independent variable.
Tumutukoy ito sa dahilan o sanhi ng
pinag-aaralang kaso. Halimbawa, ang
galaw ng presyo sa pamilihan
(independent variable) ay nakaaapekto sa
dami ng demand o suplay (dependent
variable).
4. Sa matematika, ang linyang
patayo (vertical line) o y-axis ang
ginagamit na coordinate ng dependent
variable. Ang linyang pahalang (horizontal
line) o x-axis naman ang ginagamit na
coordinate ng independent variable.
Ngunit kabaligtaran naman ito sa pag-
aaral ng ekonomiks lalo na kung ang
pinag-uusapan ay tungkol sa presyo, kita,
o gastos.
5. Sa ekonomiks ginagamit ang
linyang patayo bilang coordinate ng
independent variable (presyo, kita, gastos),
samantalang ang linyang pahalang naman
ay coordinate ng dependent variable
(bilang o dami). Hindi maaaring umasa ang
presyo o kita sa bilang o dami ng
pagkonsumo ng tao. Ito ay dahil sa
nakabatay sa presyo ng kalakal o kita ng
tao ang bilang o dami ng bibilhing kalakal
o serbisyo.
6.
7.
8. Iba’t iba ang uri ng grap na maaaring
gamitin sa paglalarawan ng ugnayan ng
dalawang ekonomikong variables. Ang mga ito
ay ang bar graph, pie graph, at line graph.
Nagpapakita o naglalarawan ang mga ito ng
ugnayan ng mga variable. Sa grap na ito, ang
line graph ang madalas na ginagamit at
nakabatay sa sistemang Cartesian. Ipinakikita sa
sistemang Cartesian ang ugnayan ng mga galaw
ng dependent at independent variables sa
pamamagitan ng una at positibong quadrant sa
x- at y- axis
13. Bago maipakita sa grap ang
uganyan ng dalawang variables,
kailangang maisaayos ang mga bagay na
pag-uugnayin o iskedyul ng nais
ilarawan sa talahanayan o tsart.
Tunghayan at suriin ang talahanayan 2 at
graph 1 tungkol sa kauganayan ng
presyong pandesal sa pagkonsumo ng
isang pamilya na may 5 kasapi.
15. Mapupuna sa punto A na mas
maraming mabibiling pandesal ang isang
pamilya kung ang halaga nito ay 50 ₵ bawat
piraso. Samantala, kapansin-pansin naman na
habang tumataas ang presyo (P) ng pandesal
kada piraso ay nababawasan ang dami (Q) ng
pagkonsumo ng isang pamilya. Ito ang
tinatawag na kurba ng demand (D) o ang
pababang kurba ng linya na nagpapakita ng di-
tuwiran o negatibong ugnayan sa presyo ng
pandesal at dami ng pagkonsumo.
21. Tuwiran o positibo ang
relasyon ng mga ito dahil habang
bumababa ang halaga ng harina (sa
pamilihan) ay bumababa rin ang
bilang o dami na handang itustos dito
(ng prodyuser). Maaari ring sabihin na
kapag mataas ang presyo ng harina
ay malaki rin ang dami nito. Ito ang
tinatawag na kurba ng suplay.
22.
23. Ang paggamit ng mga
iskedyul at kurba ng demand ay
mahalaga rin sa pagpapakita ng
ugnayan ng kita ng tao sa kaniyang
pagkonsumo.
25. Makikita ang iskedyul ng
suplay batay sa tuwirang relasyon ng
kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo.
Habang tumataas ang kita ng tao,
tumataas din ang kaniyang
pagkonsumo. Makikita rin ang direktang
relasyon ng kita at pagkonsumo sa
pamamagitan ng pagtaas ng kurba mula
kaliwa pakanan.
29. Makikita rito ang epekto nang pagsamahin
ang kurba ng demand at kurba ng suplay. Ang
punto na nagtagpo ang dalawang linya ay
tinatawag na ekilibriyo (E). Ang halimbawa nito
ay kapag nagkasundo ang mamimili at
nagtitinda sa presyo (ekilibriyong presyo- P1)
at sa dami (ekilibriyong dami Qe) ng produkto o
serbisyo. Ibig sabihin, walang paggalaw o
pagkilos na nagaganap sa presyo at sa dami ng
kalakal o serbisyo. Sa puntong ito, masasabi
natin na na ang demand ay katumbas ng
suplay.
30. Samantala, kung ang presyo sa
pamilihan naman ay mahaba sa
ekilibriyong presyo, nagkakaroon ng
“kakulangan”- mas marami ang demand
sa produkto o serbisyo kaysa suplay.
Tingnan ito sa grap 5.
31.
32. Sa P1 ng kurba ng demand, may
mabibiling produkto o dami ng produkto na
makikita sa QD ngunit ang kayang isuplay ng
prodyuser sa halagang P1 ay may dami lamang na
QS , kaya magbubunga ito ng kakulangan mula sa
Qs hanggang QD . Sa madaling salita sa mababang
presyo ng produkto o serbisyo, maraming bibili
nito, ngunit dahil mababa ang presyo ay mababa rin
ang dami na handang ipagbili ng prodyuser.
Magkakaroon lamang ng pagkakasundo ang
mamimili at ang prodyuser sa halagang Pe at sa
daming Qe. Ito ang tinatawag na ekilibriyo.
33.
34. Sa kabilang dako, nagkakaroon
naman ng “kalabisan” kapag ang presyo ay
higit na mataas kaysa ekilibriyong presyo. Sa
presyong P1 handang magsuplay ang
prodyuser ng kalakal sa daming QS ngunit
dahil sa mataas na presyo, ang kayang bilhin
lamang ng mamimili ay nasa daming QD kaya
ito ay magbubunga ng kalabisan. Ibig sabihin,
nagkakaroon ng tunggalian ang mga mamimili
at mga prosdyuser sa presyo hanggang
marating ang ekilibriyong presyo Pe .
35.
36. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kalabisan o kakulangan sa produkto o serbisyo,
kailangang magkaroon ng ekilibriyo o
pagkakasundo ang mamimili at ang nagtitinda o
prodyuser. Kapag ginamit naman ang
ekilibriyong presyo bilang ceiling price, hindi na
maaaring magtaas pa ng presyo ng kalakal o
serbisyo ang mga nagtitinda o prodyuser.
Gayunman, ang anumang pagbaba sa presyo
mula sa itinakdang ceiling price ay maaaring
magbunga ng kakulangan sa produkto o
serbisyo.
37. Samantala, kapag ginawa namang
floor price ang ekilibriyong presyo o presyong
pinakamababa na itinakda ng pamahalaan,
walang ibang patutunguhan ang presyo kundi
ang pagtaas nito. Hindi na maaaring magbaba
pa ng presyo sa itinakdang floor price ang mga
produkto o magbigay ng kaukulang serbisyo
dahil maaaring itaas pa ang presyo mula sa
floor price. Ngunit ang ganitong sitwasyon ay
nagdudulot ng kalabisan sa pamilihan dahil
mababa ang demand sa mga produkto at mataas
naman ang presyo.
39. Bahagi ng kaalamang kailangan sa
pag-aaral ng ekonomiks ay ang matematika
tulad ng geometry at estadiska. Kaugnay ng
grap na pinag-aaralan ay ang pagtutuos ng
mga ugnayan ng mga variable sa
pamamagitan ng mga equation. Ang equation
ay nakatutulong upang madaling maipahayag
ang ugnayan ng mga variable kaysa
ipaliwanag ito nang pasalita lamang.
Pakatandaan na ang uganyan na ginawa sa
mga variable sa grap ay pandalawahan (two-
40. Kapag nadaragdagan na ang
mga salik o kasong pang-ekonomiya na
pag-uuganayin at pag-aaralan, hindi na
sapat gamitin ang two-dimensional na
grap dahil magdudulot na ito ng kalituhan.
Sa puntong ito, masasabing mas
mabisang gamitin ang mga equation at
mga simbolo upang makita nang malinaw
ang ugnyan ng lahat ng mga variable.
41. Ang pagtungo ng mga nars
palabas ng bansa ay dulot ng sahod na
matatanggap nila s aibang bansa.
Maaaring isulat ang equation sa
pamamagitan ng:
X= f (Y)
42. X= f (Y)
Na ang:
X- bilang ng mga nars na nagtatrabaho sa
ibang bansa.
f- ugnayan ng bilang ng mga nars na
nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga salik
na nakioomluwensiya sa kanila.
Y- sahod na ipinagkakaloob ng mga
bansang tumatanggap ng mga nars.
43. Dahil naaapektuhan ang bilang o
dami ng mga nars na naghahangad na
makapagtrabaho sa ibang bansa, ang
dependent variable rito ay ang X,
samantalang Y o sahod na ipinagkakaloob
ng mga bansang tumatanggap ng mga
nars ang siyang independent variable.
Subalit, ang X ay naaapektuhan ng iba
pang variable na V,P, at D.
45. X= f (V, P, Y,D )
Na ang:
V- kabuuang dami ng mga nars sa
ibang bansa
P- pamantayang sahod ng mga
Pilipinong nars sa ibang bansa
D- sahod na tinatanggap ng mga nars
sa bansa
46. Ipinakikita lamang ng equation ang
ugnayan (f) ng bilang ng mga nars na
nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga salik
na nakaiimpluwensiya sa kanila tulad ng
kabuuang dami ng mga nars sa bansa;
pamantayang sahod ng mga Pilipinong nars
sa ibang bansa’ at sahod panlokal. Sa
paggamit ng equation o simbolo, madaling
mapagsavay ang pagkuha ng sagot sa
kabila ng maraming variable na pag-
uuganayin.
47. Samantala, nagagamit naman
ang estadiska sa ekonomiks sa
pagsusuri ng bilang ng populasyon, sa
pagtutuos ng implasyon, at sa
pagtutuos ng halaga ng bilihin sa iba’t
ibang panahon. Ang kakayahang
nakukuha sa paggamit ng matematika
ay ang pagtukoy sa wasto o
katotohanan sa likod ng mga
pangyayari.
48. Hindi sapat, halimbawa, na
sabihing tumaas ang bilang n gating
Gross National Income (GNI) sa
kasulukuyan. Kailangang Makita at
mapaghambing ang GNI mula sa
nakalipas na 10 taon o higit pa. Dito
papasok ang pangangailangan natin ng
estadiska.