SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 26
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: ___________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 8: KARAPATAN KO
(Unang Araw)
I. Layunin
• Nasasagot ang mga tanong sa kuwento
• Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento
II. Paksang-Aralin
• Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento
III. Panlinang na Gawain
A. Paunang Pagtataya
Pangkatin ang klase at ipagawa ang isinasaad sa matatanggap na activity sheet.
Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na nakasulat ang isa sa sumusunod.
Gawain 1 Naubos na ang berdeng krayola at nais ng buong
pangkat manghiram sa kabilang pangkat. Ipakita ang gagawin sa
pamamagitan ng isang dula-dulaan.
Gawain 2 Ano ang sasabihin mo kung manghihiram ka ng isang aklat sa
silid-aklatan? Isulat ang mga sasabihin.
Pagpapalahad ng sagot ng bawat pangkat.
Ano ang mga ginamit na salita upang ituro ang tinutukoy na mga bagay?
B. Tukoy-Alam
Ano-ano ang alam mong karapatan mo?
C. Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata.
Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata.
D. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin ang kuwento.
Marinang Mapalad
Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang
mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang
tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-aral siya.
Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang
pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina.
Sampaguita 8:20 – 9:10
Rose 10:20 – 11:10
Itanong:
Sino ang inilalarawan sa kuwento?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Bakit siya mapalad?
Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya?
Ano-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon?
Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito?
E. Pagpapayamang Gawain
Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster.
Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina.
F. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
G. Karagdagang Pagsasanay
Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa magulang sa pagbibigay-buhay
at pagpapaaral sa kanila.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 8: KARAPATAN KO
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
• Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento
• Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento
II. Paksang-Aralin
• Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang pamamasyal kasama ang
pamilya.
B. Paglalahad
Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan?
Bakit gusto mong makarating dito?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog?
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwentong “Limang Tulog” sa Alamin Natin, p.28.
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang
tapusin ang gawaing iaatas sa kanila.
Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor.
Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor.
Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento.
Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang naging hula ninyo?
Bakit excited si Flor?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Sa palagay mo, nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi?
Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka?
Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento?
Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento?
Natatamasa mo rin ang mga ito?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 30.
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ng sitwasyon ang bawat pangkat.
Atasan silang isadula ang sa palagay nila ay naging wakas ng napiling kuwento .
E. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 30.
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 30.
Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain.
Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Bigyan ng puna kung paano
isinulat ang talata. Matapos bigyan ng puna, ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ang
talata.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 8: KARAPATAN KO
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
• Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit
• Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusap
II. Paksang-Aralin
• Gamit ng Ito, Iyan, at Iyon
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Itanong:
May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo?
B. Paglalahad
Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”?
Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 29.
Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang gamit sa paaralan
pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya?
Ano kaya ang sasabihin niya?
Isulat ang sasabihin ng mga bata.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata.
Itanong:
Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng gamit?
Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 30.
Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan.
Itanong:
Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor?
Ano-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram?
Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka?
Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan?
Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan?
Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan?
Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan?
Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa?
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 31.
Pagawain ang bawat paresng bata ng isang usapan na gamit ang ito, iyan at iyon.
Pagtatanghal ng bawat pares ng bata.
Tama ba ang paggamit ng ito? Iyon? Iyan?
E. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 31.
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 31.
Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid.
Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 8: KARAPATAN KO
(Ikaapat na Araw)
I. Layunin
• Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa
• Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na may tatlo o apat na pantig
• Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
II. Paksang-Aralin
• Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat
III. Paglinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Ipalaro : Pinoy Henyo
Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel.
B. Paglalahad
Ipaturo sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
Pag-usapan ang kahalagahan ng bawat bahagi.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata ang panuto na mababasa sa Alamin Natin, p. 31.
Pagtalakay sa mga sagot ng mga bata.
Gabayan ang mga bata kung may maling kasagutan.
Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin?
Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?”
Kung wala ang “Talaan ng Nilalaman,” ano pang bahagi ng aklat ang maaaring pagkunan ng pahina
ng isang tekstong kailangan?
Paano mo pangangalagaan ang mga aklat?
Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng pagkakataon na
makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng impormasyon na kailangan mo sa pag-
aaral?
Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito sa mga bata sa pisara.
Ilang pantig mayroon ang bawat salita?
Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusap.
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 32.
E. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 32.
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 8: KARAPATAN KO
(Ikalimang Araw)
Panlingguhang Pagtataya
I. Layunin
• Makagawa ng album tungkol sa karapatan ng mga bata
• Magamit ang panghalip na ito, iyan o iyon
II. Gagampanan ng bawat mag-aaral -
Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makagawa ng album ng larawang nagpapakita ng karapatan
ng mga bata, at makasulat ng isang pangungusap tungkol sa larawang ginupit at idinikit sa album.
III. Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng album na may tatlong larawan na nagpapakita ng karapatan ng
mga bata. Inaasahan din na makasusulat sila ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawang
idinikit sa album.
IV. Bunga
Album ng mga Karapatan ng mga Bata
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS PAMANTAYAN
12 Ang album ay malinis, maayos, makulay at naipakita ang mga
larawan sa malikhain at orihinal na pamamaraan. Naidikit ang
tatlong larawan sa isang malikhaing paraan at nalagyan ng angkop
na pangungusap gamit ang panghalip na ito , iyon o iyan.
9 Ang album ay malinis, maayos, at makulay. Naidikit ang mga
larawan nang maayos at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit
ang panghalip na ito , iyon o iyan.
6 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng tatlong larawan
at nakasulat nang angkop na pangungusap gamit ang panghalip na
ito o iyon o iyan.
3 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng dalawang
larawan.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 9: TUNGKULIN KO
(Unang Araw)
I. Layunin
• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto
• Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan
II. Paksang-Aralin
• Pag-unawa sa Napakinggang Teksto
III. Panlinang na Gawain
A. Paunang Pagtataya
Basahin sa mga bata.
Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na kasa-kasama ang
kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain.
Ipasulat sa mga bata ang sagot sa kanilang sagutang papel.
1. Sino ang nanggaling sa tindahan?
2. Ano ang nangyari sa magkapatid?
3. Ano kaya ang ginawa ni Terry?
Basahing muli ang sitwasyon at mga tanong.
Talakayin ang sagot sa bawat tanong.
Tama ba ang pagkakasulat mo sa ngalan ng tao? Sa pangungusap?
B. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga larawan ng mga gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan.
Ipakita ito sa mga bata.
Pag-usapan ang bawat larawan.
C. Paglalahad
Ipatala sa mga bata ang ginagawa nila sa bahay, paaralan, at sa pamayanan.
Ipagamit ang talaan na ito.
Ang mga ginagawa ko sa…
tahanan
paaralan
pamayanan
Ipabasa sa mga bata ang kanilang itinala.
Itanong: Bakit mo ginagawa ang mga ito?
D. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
May mga tungkuling na dapat gampanan sa paaralan, tahanan, at pamayanan.
Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga magulang; iayos at
iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro; magpaalam sa magulang kung aalis; tumulong sa mga
gawaing-bahay; at igalang ang mga magulang at kasama sa bahay.
Tungkulin ng mga bata sa paaralan na: sumunod at makinig sa guro, gumawa ng takdang-
aralin, sumunod sa mga batas at alituntunin sa paaralan katulad ng pagsusuot ng uniporme,
paggalang sa watawat at pagpasok sa tamang oras. May mga tungkulin din sa pamayanan.
Ang mga ito ay pagsunod sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan,
pagpapanatiling malinis sa lugar, at pakikipagkasundo sa mga kapitbahay.
Mahalagang isagawa ang mga nabanggit na mga tungkulin para sa ikabubuti ng mga bata.
Lalaki silang maayos, may respeto at may pagmamahal sa sarili, sa magulang at sa kanilang bayan.
SES Teacher Nora
http://rosericnors.blogspot.com/2012/02/tungkulin-ng-mga-bata-sa-paaralan.html
Itanong:
Batay sa binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang tungkulin?
Saan-saan may tungkulin na dapat gampanan ang bawat isa?
Ano-ano ang tungkulin sa bahay? Paaralan? Pamayanan?
Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na nabanggit? Bakit? Bakit hindi?
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng karanasan sa pagtupag ng tungkulin.
Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga tungkulin?
Ano ang mangyayari kung hindi naman tutuparin ang mga tungkulin?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng isang naobserbahang pangyayari sa
tahanan/paaralan/pamayanan na may kinalaman sa pagsunod sa isang tuntunin.
Ano ang dapat tandaan kung magsasalaysay ng isang pangyayari?
Ano ang dapat gawin kung magmamasid ng isang pangyayari upang iulat?
E. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng mga istrip ng papel na may nakasulat na mga karapatan ng mga bata.
Pabunutin ang bawat pangkat ng isang istrip ng papel.
Ipatanghal sa bawat pangkat ang tungkulin na katapat ng karapatang mabubunot.
Tumawag ng isang bata upang isalaysay sa kaniyang sariling salita ang naobserbahang pangyayari.
F. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pag-uulat ng isang pangyayaring naobserbahan?
G. Karagdagang Pagsasanay
Papikitin ang mga bata.
Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring naobserbahan sa kanilang paglalakad o habang patungo
sila sa paaralan.
Ipamulat ang mga mata.
Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay ng kanilang naobserbahan.
Itanong sa mga batang nakapakinig ng pag-uulat:
Tama ba ang paraan ng kaniyang pagkakaulat?
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 9: TUNGKULIN KO
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
• Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto
• Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga
kasalungat na salita
II. Paksang-Aralin
• Paggamit ng mga Magkasalungat na Salita
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga pagkain sa iba’t ibang pangkat ng pagkain.
Ibigay ang bawat larawan sa mga bata.
Ipadikit ang mga ito ayon sa kanilang tamang kategorya.
Suriin ang pagpapangkat na ginawa.
Ano ang go food? Grow food? Glow food?
B. Paglalahad
Pagpapalawak ng talasalitaan
Ipabigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Maraming kumain ng kanin ang nanay ni Rolly, kaya mataas ang cholesterol niya.
Pinayuhan siyang kumain lamang ng kaunti upang maging mababa ang kaniyang kolesterol.
(kasalungat- mababa)
2. Matapos kong kumain ng maalat na pagkain , kumain naman ako ng matamis na tsokolate.
(kasalungat - maalat)
3. Nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay
nakakataba. (kasalungat – nakakataba)
4. Ang tsokolate ay may antioxidants na maaaring makapagpakinis ng magaspang na kutis.
(kasalungat – magaspang)
Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap.
Mahilig ka ba sa tsokolate?
Hayaang ibahagi ang karanasan ng mga bata na may kinalaman sa pagkain ng tsokolate.
Ano ang alam mo tungkol sa tsokolate?
Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.
ALAM KO NA NGAYON KO LANG NALAMAN
Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa tsokolate?
Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Alamin Natin, p. 32-33.
Matapos basahin ang teksto, ipasulat ang mga bagong natutunan tungkol sa tsokolate.
Ipabasa ang kasagutan sa mga bata.
Ano-ano ang magagandang dulot ng pagkain ng tsokolate?
Kailan nagiging masama sa katawan ang pagkain ng tsokolate?
Ano-ano sa dating kaalaman mo sa tsokolate ang nagbago?
Ano ang tungkulin mo sa iyong sarili pagdating sa pagkain?
Paano mo maisasagawa ang tungkulin mo sa iyong sarili?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin,p. 34
Papunan ang tsart sa ibaba tungkol sa paniniwala mo tungkol sa tsokolate bago at matapos
basahin ang teksto.
NOON NGAYON
Masama sa katawan Mabuti sa katawan
* Siguraduhin na ang ilalagay ng mga bata ay magkakasalungat na ideya.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na gawain.
Talakayin ang kanilang kasagutan.
E. Paglalahat
Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin?
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.34.
Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat bata.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 9: TUNGKULIN KO
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
• Nagagamit ang mga panghalip na ito, iyan, at iyon
II. Paksang-Aralin
• Paggamit ng Panghalip na Ito, Iyan at Iyon
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Linangin ang salitang tungkulin.
B. Paglalahad
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipasuri ang mga larawan na nasa Alamin Natin , p. 34.
Ano ang ginagawa ng bata sa bawat larawan?
Alin-aling larawan ang dapat magkakasama?
Hayaang pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga larawan.
Tumawag ng ilang pares ng bata upang tukuyin ang mga larawan gamit ang salitang ito, iyan, at
iyon.
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 35.
Pabilugin ang mga bata.
Sabihin sa kanila na sa pagtigil ng tugtog, ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang
pangungusap na may gamit na ito, iyon at iyan.
E. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyan?Iyon?
F. Karagdagang Pagsasanay
Upang mapatibay at mapayaman ang nililinang na kasanayan, ipagawa ang
Pagyamanin Natin, p. 35.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 9: TUNGKULIN KO
(Ikaapat na Araw)
I. Layunin
• Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusap.
II. Paksang-Aralin
• Pagsulat ng mga Pangungusap
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng ginawang tungkulin sa bahay nang nagdaang gabi.
Ipapaskil ito sa inilaang paskilan sa loob ng silid-aralan.
Bigyan ng tatlong minuto ang mga bata na makapaglibot sa loob ng silid upang mabasa ang ginawa
ng mga bata.
Matapos ang inilaang oras, itanong: Ano-ano ang ginawa ng mga kaklase ninyo?
Itala ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ito .
B. Paglalahad
Ipakitang muli ang mga larawan na ginamit sa Ikatlong Araw.
Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata. Pasulatin sila ng isang pangungusap tungkol sa larawang
ipinakita.
Bigyang muli ng panibagong istrip ng papel ang bawat bata.
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na nagpapahayag ng damdamin tungkol sa larawang
ipakikita ng guro.
Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata upang isulat dito ang isang tanong tungkol sa larawang
ipakikita ng guro.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga nagawang pangungusap sa mga bata.
Ipapaskil ang mga pangungusap sa pisara.
Itanong:
Alin-aling pangungusap ang dapat magkakasama?
Ano ang napansin sa bawat pangkat ng pangungusap?
Paano sinimulan ang mga pangungusap?
Paano nagtapos ang pangungusap na nagsasalaysay? Nagsasaad ng damdamin?
Nagtatanong?
Anong tawag sa mga bantas na ginamit?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 36.
Matapos ang inilaang oras, ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Tama ba ang pagkakasulat ng bawat pangungusap?
Paano iwawasto ang mali ang pagkakasulat?
E. Paglalahat
Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas?
Ginagamit ang malaking letra sa:
unang letra ng unang salita sa pangungusap
unang letra ng pangalan ng tao
unang letra ng tanging ngalan ng hayop, lugar at iba pa
Ginagamit ang maliit na letra sa karaniwang salita.
Ginagamit ang tuldok (.) sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay.
Ginagamit ang panandang pananong (?) sa pangungusap na nagtatanong.
Ginagamit ang panandang padamdam (!) sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng pahinga o paghihiwalay ng mga salita.
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 36.
Isulat nang wasto ang “Panatang Makabayan,” sa isang malinis na papel.
Matapos ang inilaang oras para sulatin ito ng mga bata nang walang huwaran, ipakita sa mga bata
ang wastong pagkakasulat nito.
Hayaang makipagpalit ng papel ang mga bata sa kanilang katabi. Palagyan ng puna kung naisulat o
hindi nang wasto ang teksto.
Ipabalik ang papel sa sumulat upang maiwastoito nang isinasaalang-alang ang mga puna mula sa
kaklase.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 9: TUNGKULIN KO
(Ikalimang Araw)
Panlingguhang Pagtataya
A. Iparinig ang maikling talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga
magulang. Sila ay magsasaka. Nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan.
Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sa bahay. “Ella, ikaw ang
maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman sa gabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika
ni Ate Lany. Tulong-tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nila nang maayos ang
kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa ng hapong iyon, nawika ng ina,“ Salamat mga
anak, napapanatili ninyong malinis at maayos ang ating tahanan.”
1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay ___________.
A. mangingisda B. magsasaka C. magtotroso D. magkakaingin
2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upang
A. mapanatili ang kalinisan C. matuwa ang magulang
B. papurihan sila D. mabigyan ng pabuya o regalo
3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sa kanila? Bakit?
A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan.
B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang.
C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan.
D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan.
B. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit.
4. Isang maliit na nayon ang tirahan namin sa probinsiya.
5. Malumanay magsalita ang aking nanay.
6. Ang magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawain sa bahay.
7. Tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya na magtulungan upang mapanatili ang kaayusan.
8. Napapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan kapag sama-sama.
C. Ipasulat muli ang talata gamit ang wastong bantas gayundin ang maliit at malaking letra.
lunes maagang gumising si brille upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa
eskwela matapos maligo dumiretso siya sa kusina at kumain busog nabusog si
brille sa napakasarap na umagahang inihanda ng ina humalik si brille sa pingi ng
ina at nagpaalam aalis na po ako inay masayang wika ni brille mag-iingat ka anak
ang tugon ng ina
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 10: BUHAY KO
(Unang Araw)
I. Layunin
• Nasasagot ang mga simpleng tanong tungkol sa napakinggang kuwento
• Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento
II. Paksang-Aralin
• Pagbibigay ng Kahawig na Kuwento
III. Paglinang na Gawain
A. Paunang Pagtataya
Basahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Nagmamadali Pa Naman
Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng uniporme. Patakbo
siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya. Malapit na siya sa gate ng kanilang
paaralan, nang bigla siyang tumawid. Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na
rin niya hinintay na makarating siya sa tamang tawiran.
“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya.
Muntik na siya.
Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok
nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi
ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa
kalsada.
Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan-saan naganap ang kuwento?
3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?
4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran?
5. Bakit nagmamadali si Rosa?
B. Tukoy-Alam
Maghanda ng isang larawan tungkol sa pamumuhay sa lungsod o sa baryo.
Ipakita ito sa mga bata.
Pag-usapan ang larawan.
C. Paglalahad
Papikitin ang mga bata. Kung maaari, magparinig ng musika sa mga bata habang ipinaalala sa
kanila ang nagdaang bakasyon. Ipaguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon.
D. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tumawag ng isang bata na magkukuwento sa buong klase ng sariling karanasan gamit ang
larawang iginuhit.
Pag-usapan ang napakinggang kuwento.
Bakit hindi malilimutan ang karanasang napakinggan?
Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento?
Ano-ano ang damdamin na nasa kuwento?
May ganito ka rin bang karanasan?
E. Pagpapayamang Gawain
Tumawag pa ng ilang bata upang magbahagi rin ng katulad na karanasan.
F. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
G. Karagdagang Pagsasanay
Magparinig sa mga bata ng isang kuwento.
Hayaang magbigay ang mga bata ng orihinal na kuwento na may katulad na tema nito. Tumawag
ng ilang volunteer para magbahagi sa buong klase.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 10: BUHAY KO
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
• Natutukoy ang mga elemento ng kuwento
II. Paksang-Aralin
• Mga Elemento ng Kuwento
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Balikan ang napakinggang kuwento nang nagdaang unang araw.
Itanong:
Sino ang tauhan sa napakinggang kuwento?
Saan ito nangyari?
B. Paglalahad
Ano ang napanaginipan mo nang nagdaang gabi?
Hayaang ikuwento ito ng mga bata.
Puwede kaya itong magkatotoo?
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p.37.
Pangkatin ang klase. Ipagawa ang isang gawain sa bawat pangkat.
Gawain 1 – Igawa ng stick puppet ang tauhan sa kuwento
Gawain 2 – Iguhit kung saan naganap ang kuwento
Gawain 3 – Isulat ang unang, panggitna, at panghuling pangyayari sa kuwento.
Itanong:
Tungkol saan ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.)
Saan naganap ang kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.)
Ano ang napanaginipan ng tauhan sa kuwento?
Ano-ano ang pangyayari sa kaniyang panaginip?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.)
Ano ang isa mong panaginip na hindi mo malimutan?
Ipabahagi ito sa klase.
Nagkakatotoo ba ang panaginip?
Ano ang dapat gawin kung may masamang panaginip?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang kuwento sa Linangin Natin, p.38 at pasagutan ang mga tanong sa pamamagitan ng T-
Model na nakasulat sa isang manila papel o sa cartolina. Bigyan ang bawat pangkat ng klase upang
dito isulat ang kanilang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kuwento
2. Sino-sino ang mga tauhan?
3. Saan ito naganap?
4. Kailan ito naganap?
5. Ano ang suliranin ng tauhan?
Ibahagi sa bawat pangkat ang kanilang sagot.
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan sa bawat tanong.
E. Paglalahat
Ano-ano ang elemento ng kuwento?
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 39.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na balangkas.
Patnubay na Tanong Mga Sagot
Wakas
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 10: BUHAY KO
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
• Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon
II. Paksang-Aralin
• Paggamit ng Ito, Iyan at Iyon
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang ito, iyan at iyon.
Itanong:
Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon?
B. Paglalahad
Ipabasa at ipagawa ang Alamin Natin, p. 39.
Ipaguhit sa mga bata ang mga bagay na nakita ni Bernardo sa kaniyang panaginip.
Pasulatin ang mga bata ng pangungusap upang maipakita ang wastong gamit ng ito, iyon at iyan.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.
Ipasulat ito sa pisara.
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?
Paano maiwawasto ang mga mali ng pagkakasulat?
Ano ang tinutukoy ng ito/iyon/iyan sa pangungusap?
Nasaan ang tinutukoy na bagay/lugar/tao?
Tama ba ang pagkakagamit ng ito? Iyan? Iyon?
Kung may mali, paano ito maiwawasto?
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.39.
Ipaskil sa pisara ang mga larawang ginamit sa gawaing ito.
Hayaang isulat ng mga bata ang pangungusap na ginawa nila sa tapat ng angkop
na larawan.
Ipabasa ito sa mga bata.
Suriin kung tama ang pagkakagamit ng ito, iyon at iyan.
E. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
F. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 40.
Pasulatin ang mga bata ng isang komik istrip gamit ang ito, iyan at iyon.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng ibang bata ang
ginawa ng kanilang kaklase at makapagbigay ng puna.
Bigyan din ng puna ang natapos na komiks ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata
upang maisaayos ang mga pangungusap na nangangailagan ng rebisyon.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 10: BUHAY KO
(Ikaapat na Araw)
I. Layunin
• Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan
II. Paksang-Aralin
• Pagsulat ng Ulat
III. Panlinang na Gawain
A. Tukoy-Alam
Ipabasa ang ilang pangungusap na nakasulat sa pisara. (Siguraduhin na isulat ang ibang
pangungusap na may kamalian.)
Sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng bawat isa.
B. Paglalahad
Ipagawa ang nakasulat sa Alamin Natin, p. 40.
Pangkatin ang klase.
Hayaang pag-usapan sa pangkat ang isang pangyayaring nasaksihan ng bawat isa.
Papiliin ang pangkat ng pangyayaring isusulat.
Ipasulat ito sa manila paper.
Ipabasa ang natapos na talata sa klase.
Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng pangkat.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?
May pagkakaugnay-ugnay ba ang mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakagamit ng malaki at maliit na letra?
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?
Tama ba ang mga bantas na ginamit?
Sapat ba ang pagkakalayo ng mga salita na ginamit sa pangungusap?
Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ng mga salita?
Tungkol saan ang isinulat na teksto?
Ipabasang muli ang talatang isinulat.
May pagkakaugnay ba ang mga pangungusap?
Natukoy ba ang tauhan at tagpuan nito?
Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat ng pangyayari?
D. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 40
Ipasulat muli sa pangkat ang naunang talatang naisulat. Isasaalang-alang ngayon ang mga nakitang
pagkakamali habang tinatalakay ang naunang modelo ng talata ng pag-uulat.
E. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pag-uulat?
F. Karagdagang Pagsasanay
Pasulatin ang mga bata ng isang talatang may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang
pangyayaring personal na naobserbahan.
III - __________________ _______________
III - __________________ _______________ Petsa: _________________
Banghay Aralin sa FILIPINO – 3
Aralin 10: BUHAY KO
(Ikalimang Araw)
Panlingguhang Pagtataya
I. Layunin
• Nakabubuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kwento
• Naisasadula ang nabuong kuwento sa malikhaing pamamaraan
II. Gagampanan ng bawat mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang kuwento na binasa
ng guro.
III. Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang
kuwento at pagsasadula nito sa isang malikhaing pamamaraan.
IV. Bunga
Pagbuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento.
Ang Malaking Kahon
Maagang nagising ang batang si Maricar. Isang malaking kahon ang nakita niya sa may
pintuan ng kanilang bahay.
“Ano kaya ang laman nito?” ang tanong niya sa kaniyang sarili.
Pilit niyang sinisilip ang laman nito, pero talagang balot na balot ito. Sinubukan niyang
amuyin, pero wala naman itong amoy. Binuhat din niya, hindi naman niya makaya.
“Ano kaya talaga ito? Para kanino ito?”
“Para sa iyo ang kahon na iyan,” ang sabi ng tinig sa kaniyang likuran.
Dali-dali niya itong binuksan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang isang napakalaki at
napakagandang bahay-bahayan.
“Salamat ,Tatay. Salamat sa paggawa mo ng isang bahay-bahayan para sa akin.”
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS PAMANTAYAN
12
Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang
kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa bawat
isa. Nagamit ang wika nang wasto at angkop sa bawat sitwasyon.
9 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang
kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari maliban
sa isa. May isang salitang ginamit na hindi angkop sa sitwasyon
6 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang
kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit
may 2- 3 na walang kaugnayan sa mga nauna.
3 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang
kuwento. Walang pagkakaugnay ang mga pangyayari sa bawat
isa.

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd QuarterEDITHA HONRADEZ
 
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...JesiecaBulauan
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaFilipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaDesiree Mangundayao
 
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernalMultigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernalEdi sa puso mo :">
 
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...JesiecaBulauan
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyonAlice Failano
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm Ahtide Agustin
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptRenato29157
 
Grade 3 Filipino Learners Module
Grade 3 Filipino Learners ModuleGrade 3 Filipino Learners Module
Grade 3 Filipino Learners ModuleLance Razon
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng KilosFilipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng KilosHazel Grace Baldemor
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...Desiree Mangundayao
 
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...benzcadiong1
 
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptxQ2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptxJeanneAmper1
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungatAlice Failano
 

La actualidad más candente (20)

Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 3rd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 3rd Quarter
 
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
 
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaFilipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
 
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernalMultigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
 
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.ppt
 
Grade 3 Filipino Learners Module
Grade 3 Filipino Learners ModuleGrade 3 Filipino Learners Module
Grade 3 Filipino Learners Module
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
 
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng KilosFilipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
Filipino 5 Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
 
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
 
Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1
 
Module grade 1
Module grade 1Module grade 1
Module grade 1
 
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptxQ2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
 

Destacado

Banghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino VBanghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino VEmilyn Ragasa
 
Filipino 1-ang-pangungusap (2)
Filipino 1-ang-pangungusap (2)Filipino 1-ang-pangungusap (2)
Filipino 1-ang-pangungusap (2)Helen Barrieta
 
Teaching guide, ikatlong markahan
Teaching guide, ikatlong markahanTeaching guide, ikatlong markahan
Teaching guide, ikatlong markahanCheryl Panganiban
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin Charm Sanugab
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakalAllan Ortiz
 
Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipinoedwin53021
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tulaKaira Go
 
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoMga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoJohn Anthony Teodosio
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)LiGhT ArOhL
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tularosemelyn
 
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VIDetalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VITrish Tungul
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoellaboi
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planJve Buenconsejo
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleNico Granada
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
K to 12 filipino complete objectives & subject matter
K to 12 filipino complete objectives & subject matterK to 12 filipino complete objectives & subject matter
K to 12 filipino complete objectives & subject matterAlcaide Gombio
 

Destacado (20)

Banghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino VBanghay Aralin sa Filipino V
Banghay Aralin sa Filipino V
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Filipino 1-ang-pangungusap (2)
Filipino 1-ang-pangungusap (2)Filipino 1-ang-pangungusap (2)
Filipino 1-ang-pangungusap (2)
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Teaching guide, ikatlong markahan
Teaching guide, ikatlong markahanTeaching guide, ikatlong markahan
Teaching guide, ikatlong markahan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
 
Cause and effect
Cause and effectCause and effect
Cause and effect
 
Behavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in FilipinoBehavioral Objectives in Filipino
Behavioral Objectives in Filipino
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipinoMga layunin sa pagkatuto sa filipino
Mga layunin sa pagkatuto sa filipino
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VIDetalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Sample of Semi Detailed Lesson Plan
Sample of Semi Detailed Lesson PlanSample of Semi Detailed Lesson Plan
Sample of Semi Detailed Lesson Plan
 
K to 12 filipino complete objectives & subject matter
K to 12 filipino complete objectives & subject matterK to 12 filipino complete objectives & subject matter
K to 12 filipino complete objectives & subject matter
 

Similar a Filipino 3 lp aralin 8-10

DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docxAnnalizaMaya4
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDixieRamos2
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxNursimaMAlam1
 
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching Portfolio
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching PortfolioLesson Plan in Filipino & Practice Teaching Portfolio
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching PortfolioEmilyn Ragasa
 
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docx
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docxGrade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docx
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docxAnaCaraCabrerosManal
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2Sally Manlangit
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docxJanetteJapones1
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Ezekiel Patacsil
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxXtnMaZhin1
 
Es p g1 teacher's guide (q1&2)
Es p g1 teacher's guide (q1&2)Es p g1 teacher's guide (q1&2)
Es p g1 teacher's guide (q1&2)Nancy Damo
 
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...MaryAnnCator
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Teth04
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
filipino 5 week 5 day 2.pptx
filipino 5 week 5 day 2.pptxfilipino 5 week 5 day 2.pptx
filipino 5 week 5 day 2.pptxMaeShellahAbuyuan
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDixieRamos2
 

Similar a Filipino 3 lp aralin 8-10 (20)

DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 3_Q1_W1.docx
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docx
 
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docxDLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
DLL_FILIPINO 5_Q1_W7.docx
 
Filipino 3 tg full
Filipino 3 tg fullFilipino 3 tg full
Filipino 3 tg full
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W4.pptx
 
Saklolo manual
Saklolo manualSaklolo manual
Saklolo manual
 
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching Portfolio
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching PortfolioLesson Plan in Filipino & Practice Teaching Portfolio
Lesson Plan in Filipino & Practice Teaching Portfolio
 
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docx
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docxGrade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docx
Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q1 Week 1.docx
 
Grade 6 aralin 1
Grade 6  aralin 1Grade 6  aralin 1
Grade 6 aralin 1
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W2_D5.docx
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
 
Es p g1 teacher's guide (q1&2)
Es p g1 teacher's guide (q1&2)Es p g1 teacher's guide (q1&2)
Es p g1 teacher's guide (q1&2)
 
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...
Ac fr ogdtcesjr4mydon6yze7aa0buwo2wykd4nvkjgjwar8lowrngyldjqz3qlhcekiporjtap2...
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
filipino 5 week 5 day 2.pptx
filipino 5 week 5 day 2.pptxfilipino 5 week 5 day 2.pptx
filipino 5 week 5 day 2.pptx
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docx
 

Filipino 3 lp aralin 8-10

  • 1. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: ___________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 8: KARAPATAN KO (Unang Araw) I. Layunin • Nasasagot ang mga tanong sa kuwento • Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento II. Paksang-Aralin • Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento III. Panlinang na Gawain A. Paunang Pagtataya Pangkatin ang klase at ipagawa ang isinasaad sa matatanggap na activity sheet. Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na nakasulat ang isa sa sumusunod. Gawain 1 Naubos na ang berdeng krayola at nais ng buong pangkat manghiram sa kabilang pangkat. Ipakita ang gagawin sa pamamagitan ng isang dula-dulaan. Gawain 2 Ano ang sasabihin mo kung manghihiram ka ng isang aklat sa silid-aklatan? Isulat ang mga sasabihin. Pagpapalahad ng sagot ng bawat pangkat. Ano ang mga ginamit na salita upang ituro ang tinutukoy na mga bagay? B. Tukoy-Alam Ano-ano ang alam mong karapatan mo? C. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata. Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata. D. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin ang kuwento. Marinang Mapalad Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-aral siya. Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina. Sampaguita 8:20 – 9:10 Rose 10:20 – 11:10
  • 2. Itanong: Sino ang inilalarawan sa kuwento? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya mapalad? Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya? Ano-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon? Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito? E. Pagpapayamang Gawain Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster. Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina. F. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? G. Karagdagang Pagsasanay Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa magulang sa pagbibigay-buhay at pagpapaaral sa kanila.
  • 3. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 8: KARAPATAN KO (Ikalawang Araw) I. Layunin • Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento • Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento II. Paksang-Aralin • Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang pamamasyal kasama ang pamilya. B. Paglalahad Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan? Bakit gusto mong makarating dito? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog? C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwentong “Limang Tulog” sa Alamin Natin, p.28. Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang tapusin ang gawaing iaatas sa kanila. Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor. Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor. Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang naging hula ninyo? Bakit excited si Flor? Ano ang nangyari sa kaniya? Sa palagay mo, nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi? Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka? Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento? Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento? Natatamasa mo rin ang mga ito? D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 30. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ng sitwasyon ang bawat pangkat.
  • 4. Atasan silang isadula ang sa palagay nila ay naging wakas ng napiling kuwento . E. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 30. F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 30. Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain. Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Bigyan ng puna kung paano isinulat ang talata. Matapos bigyan ng puna, ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ang talata.
  • 5. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 8: KARAPATAN KO (Ikatlong Araw) I. Layunin • Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit • Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusap II. Paksang-Aralin • Gamit ng Ito, Iyan, at Iyon III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Itanong: May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo? B. Paglalahad Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”? Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 29. Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang gamit sa paaralan pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya? Ano kaya ang sasabihin niya? Isulat ang sasabihin ng mga bata. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata. Itanong: Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng gamit? Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 30. Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan. Itanong: Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor? Ano-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram? Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka? Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan? Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan? Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan? Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan? Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa? Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral?
  • 6. D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 31. Pagawain ang bawat paresng bata ng isang usapan na gamit ang ito, iyan at iyon. Pagtatanghal ng bawat pares ng bata. Tama ba ang paggamit ng ito? Iyon? Iyan? E. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 31. F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 31. Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid. Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon.
  • 7. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 8: KARAPATAN KO (Ikaapat na Araw) I. Layunin • Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa • Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na may tatlo o apat na pantig • Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon II. Paksang-Aralin • Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat III. Paglinang na Gawain A. Tukoy-Alam Ipalaro : Pinoy Henyo Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel. B. Paglalahad Ipaturo sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng aklat. Pag-usapan ang kahalagahan ng bawat bahagi. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipagawa sa mga bata ang panuto na mababasa sa Alamin Natin, p. 31. Pagtalakay sa mga sagot ng mga bata. Gabayan ang mga bata kung may maling kasagutan. Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin? Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?” Kung wala ang “Talaan ng Nilalaman,” ano pang bahagi ng aklat ang maaaring pagkunan ng pahina ng isang tekstong kailangan? Paano mo pangangalagaan ang mga aklat? Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng pagkakataon na makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng impormasyon na kailangan mo sa pag- aaral? Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito sa mga bata sa pisara. Ilang pantig mayroon ang bawat salita? Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusap. D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 32. E. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 32. F. Karagdagang Pagsasanay
  • 8. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 8: KARAPATAN KO (Ikalimang Araw) Panlingguhang Pagtataya I. Layunin • Makagawa ng album tungkol sa karapatan ng mga bata • Magamit ang panghalip na ito, iyan o iyon II. Gagampanan ng bawat mag-aaral - Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makagawa ng album ng larawang nagpapakita ng karapatan ng mga bata, at makasulat ng isang pangungusap tungkol sa larawang ginupit at idinikit sa album. III. Kalagayan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng album na may tatlong larawan na nagpapakita ng karapatan ng mga bata. Inaasahan din na makasusulat sila ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawang idinikit sa album. IV. Bunga Album ng mga Karapatan ng mga Bata Pamantayan sa Pagsasagawa PUNTOS PAMANTAYAN 12 Ang album ay malinis, maayos, makulay at naipakita ang mga larawan sa malikhain at orihinal na pamamaraan. Naidikit ang tatlong larawan sa isang malikhaing paraan at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito , iyon o iyan. 9 Ang album ay malinis, maayos, at makulay. Naidikit ang mga larawan nang maayos at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito , iyon o iyan. 6 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng tatlong larawan at nakasulat nang angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito o iyon o iyan. 3 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng dalawang larawan.
  • 9. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 9: TUNGKULIN KO (Unang Araw) I. Layunin • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto • Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan II. Paksang-Aralin • Pag-unawa sa Napakinggang Teksto III. Panlinang na Gawain A. Paunang Pagtataya Basahin sa mga bata. Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na kasa-kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain. Ipasulat sa mga bata ang sagot sa kanilang sagutang papel. 1. Sino ang nanggaling sa tindahan? 2. Ano ang nangyari sa magkapatid? 3. Ano kaya ang ginawa ni Terry? Basahing muli ang sitwasyon at mga tanong. Talakayin ang sagot sa bawat tanong. Tama ba ang pagkakasulat mo sa ngalan ng tao? Sa pangungusap? B. Tukoy-Alam Maghanda ng mga larawan ng mga gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan. Ipakita ito sa mga bata. Pag-usapan ang bawat larawan. C. Paglalahad Ipatala sa mga bata ang ginagawa nila sa bahay, paaralan, at sa pamayanan. Ipagamit ang talaan na ito. Ang mga ginagawa ko sa… tahanan paaralan pamayanan Ipabasa sa mga bata ang kanilang itinala. Itanong: Bakit mo ginagawa ang mga ito? D. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata.
  • 10. May mga tungkuling na dapat gampanan sa paaralan, tahanan, at pamayanan. Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga magulang; iayos at iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro; magpaalam sa magulang kung aalis; tumulong sa mga gawaing-bahay; at igalang ang mga magulang at kasama sa bahay. Tungkulin ng mga bata sa paaralan na: sumunod at makinig sa guro, gumawa ng takdang- aralin, sumunod sa mga batas at alituntunin sa paaralan katulad ng pagsusuot ng uniporme, paggalang sa watawat at pagpasok sa tamang oras. May mga tungkulin din sa pamayanan. Ang mga ito ay pagsunod sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan, pagpapanatiling malinis sa lugar, at pakikipagkasundo sa mga kapitbahay. Mahalagang isagawa ang mga nabanggit na mga tungkulin para sa ikabubuti ng mga bata. Lalaki silang maayos, may respeto at may pagmamahal sa sarili, sa magulang at sa kanilang bayan. SES Teacher Nora http://rosericnors.blogspot.com/2012/02/tungkulin-ng-mga-bata-sa-paaralan.html Itanong: Batay sa binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang tungkulin? Saan-saan may tungkulin na dapat gampanan ang bawat isa? Ano-ano ang tungkulin sa bahay? Paaralan? Pamayanan? Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na nabanggit? Bakit? Bakit hindi? Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng karanasan sa pagtupag ng tungkulin. Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga tungkulin? Ano ang mangyayari kung hindi naman tutuparin ang mga tungkulin? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng isang naobserbahang pangyayari sa tahanan/paaralan/pamayanan na may kinalaman sa pagsunod sa isang tuntunin. Ano ang dapat tandaan kung magsasalaysay ng isang pangyayari? Ano ang dapat gawin kung magmamasid ng isang pangyayari upang iulat? E. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng mga istrip ng papel na may nakasulat na mga karapatan ng mga bata. Pabunutin ang bawat pangkat ng isang istrip ng papel. Ipatanghal sa bawat pangkat ang tungkulin na katapat ng karapatang mabubunot. Tumawag ng isang bata upang isalaysay sa kaniyang sariling salita ang naobserbahang pangyayari. F. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pag-uulat ng isang pangyayaring naobserbahan? G. Karagdagang Pagsasanay Papikitin ang mga bata. Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring naobserbahan sa kanilang paglalakad o habang patungo sila sa paaralan. Ipamulat ang mga mata. Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay ng kanilang naobserbahan. Itanong sa mga batang nakapakinig ng pag-uulat: Tama ba ang paraan ng kaniyang pagkakaulat?
  • 11. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 9: TUNGKULIN KO (Ikalawang Araw) I. Layunin • Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto • Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga kasalungat na salita II. Paksang-Aralin • Paggamit ng mga Magkasalungat na Salita III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga pagkain sa iba’t ibang pangkat ng pagkain. Ibigay ang bawat larawan sa mga bata. Ipadikit ang mga ito ayon sa kanilang tamang kategorya. Suriin ang pagpapangkat na ginawa. Ano ang go food? Grow food? Glow food? B. Paglalahad Pagpapalawak ng talasalitaan Ipabigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Maraming kumain ng kanin ang nanay ni Rolly, kaya mataas ang cholesterol niya. Pinayuhan siyang kumain lamang ng kaunti upang maging mababa ang kaniyang kolesterol. (kasalungat- mababa) 2. Matapos kong kumain ng maalat na pagkain , kumain naman ako ng matamis na tsokolate. (kasalungat - maalat) 3. Nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. (kasalungat – nakakataba) 4. Ang tsokolate ay may antioxidants na maaaring makapagpakinis ng magaspang na kutis. (kasalungat – magaspang) Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap. Mahilig ka ba sa tsokolate? Hayaang ibahagi ang karanasan ng mga bata na may kinalaman sa pagkain ng tsokolate. Ano ang alam mo tungkol sa tsokolate? Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata. ALAM KO NA NGAYON KO LANG NALAMAN
  • 12. Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa tsokolate? Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Alamin Natin, p. 32-33. Matapos basahin ang teksto, ipasulat ang mga bagong natutunan tungkol sa tsokolate. Ipabasa ang kasagutan sa mga bata. Ano-ano ang magagandang dulot ng pagkain ng tsokolate? Kailan nagiging masama sa katawan ang pagkain ng tsokolate? Ano-ano sa dating kaalaman mo sa tsokolate ang nagbago? Ano ang tungkulin mo sa iyong sarili pagdating sa pagkain? Paano mo maisasagawa ang tungkulin mo sa iyong sarili? D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin,p. 34 Papunan ang tsart sa ibaba tungkol sa paniniwala mo tungkol sa tsokolate bago at matapos basahin ang teksto. NOON NGAYON Masama sa katawan Mabuti sa katawan * Siguraduhin na ang ilalagay ng mga bata ay magkakasalungat na ideya. Ipabasa sa mga bata ang natapos na gawain. Talakayin ang kanilang kasagutan. E. Paglalahat Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin? F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.34. Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat bata.
  • 13. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 9: TUNGKULIN KO (Ikatlong Araw) I. Layunin • Nagagamit ang mga panghalip na ito, iyan, at iyon II. Paksang-Aralin • Paggamit ng Panghalip na Ito, Iyan at Iyon III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Linangin ang salitang tungkulin. B. Paglalahad Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipasuri ang mga larawan na nasa Alamin Natin , p. 34. Ano ang ginagawa ng bata sa bawat larawan? Alin-aling larawan ang dapat magkakasama? Hayaang pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga larawan. Tumawag ng ilang pares ng bata upang tukuyin ang mga larawan gamit ang salitang ito, iyan, at iyon. D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 35. Pabilugin ang mga bata. Sabihin sa kanila na sa pagtigil ng tugtog, ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang pangungusap na may gamit na ito, iyon at iyan. E. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyan?Iyon? F. Karagdagang Pagsasanay Upang mapatibay at mapayaman ang nililinang na kasanayan, ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 35.
  • 14. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 9: TUNGKULIN KO (Ikaapat na Araw) I. Layunin • Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusap. II. Paksang-Aralin • Pagsulat ng mga Pangungusap III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng ginawang tungkulin sa bahay nang nagdaang gabi. Ipapaskil ito sa inilaang paskilan sa loob ng silid-aralan. Bigyan ng tatlong minuto ang mga bata na makapaglibot sa loob ng silid upang mabasa ang ginawa ng mga bata. Matapos ang inilaang oras, itanong: Ano-ano ang ginawa ng mga kaklase ninyo? Itala ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ito . B. Paglalahad Ipakitang muli ang mga larawan na ginamit sa Ikatlong Araw. Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata. Pasulatin sila ng isang pangungusap tungkol sa larawang ipinakita. Bigyang muli ng panibagong istrip ng papel ang bawat bata. Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na nagpapahayag ng damdamin tungkol sa larawang ipakikita ng guro. Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata upang isulat dito ang isang tanong tungkol sa larawang ipakikita ng guro. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang mga nagawang pangungusap sa mga bata. Ipapaskil ang mga pangungusap sa pisara. Itanong: Alin-aling pangungusap ang dapat magkakasama? Ano ang napansin sa bawat pangkat ng pangungusap? Paano sinimulan ang mga pangungusap? Paano nagtapos ang pangungusap na nagsasalaysay? Nagsasaad ng damdamin? Nagtatanong? Anong tawag sa mga bantas na ginamit? D. Pagpapayamang Gawain
  • 15. Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 36. Matapos ang inilaang oras, ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Tama ba ang pagkakasulat ng bawat pangungusap? Paano iwawasto ang mali ang pagkakasulat? E. Paglalahat Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas? Ginagamit ang malaking letra sa: unang letra ng unang salita sa pangungusap unang letra ng pangalan ng tao unang letra ng tanging ngalan ng hayop, lugar at iba pa Ginagamit ang maliit na letra sa karaniwang salita. Ginagamit ang tuldok (.) sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay. Ginagamit ang panandang pananong (?) sa pangungusap na nagtatanong. Ginagamit ang panandang padamdam (!) sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng pahinga o paghihiwalay ng mga salita. F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 36. Isulat nang wasto ang “Panatang Makabayan,” sa isang malinis na papel. Matapos ang inilaang oras para sulatin ito ng mga bata nang walang huwaran, ipakita sa mga bata ang wastong pagkakasulat nito. Hayaang makipagpalit ng papel ang mga bata sa kanilang katabi. Palagyan ng puna kung naisulat o hindi nang wasto ang teksto. Ipabalik ang papel sa sumulat upang maiwastoito nang isinasaalang-alang ang mga puna mula sa kaklase.
  • 16. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 9: TUNGKULIN KO (Ikalimang Araw) Panlingguhang Pagtataya A. Iparinig ang maikling talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra ng tamang sagot. Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang. Sila ay magsasaka. Nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan. Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sa bahay. “Ella, ikaw ang maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman sa gabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika ni Ate Lany. Tulong-tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nila nang maayos ang kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa ng hapong iyon, nawika ng ina,“ Salamat mga anak, napapanatili ninyong malinis at maayos ang ating tahanan.” 1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay ___________. A. mangingisda B. magsasaka C. magtotroso D. magkakaingin 2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upang A. mapanatili ang kalinisan C. matuwa ang magulang B. papurihan sila D. mabigyan ng pabuya o regalo 3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sa kanila? Bakit? A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan. B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang. C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan. D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan. B. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit. 4. Isang maliit na nayon ang tirahan namin sa probinsiya. 5. Malumanay magsalita ang aking nanay. 6. Ang magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawain sa bahay. 7. Tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya na magtulungan upang mapanatili ang kaayusan. 8. Napapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan kapag sama-sama. C. Ipasulat muli ang talata gamit ang wastong bantas gayundin ang maliit at malaking letra. lunes maagang gumising si brille upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa eskwela matapos maligo dumiretso siya sa kusina at kumain busog nabusog si brille sa napakasarap na umagahang inihanda ng ina humalik si brille sa pingi ng ina at nagpaalam aalis na po ako inay masayang wika ni brille mag-iingat ka anak ang tugon ng ina
  • 17. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 10: BUHAY KO (Unang Araw) I. Layunin • Nasasagot ang mga simpleng tanong tungkol sa napakinggang kuwento • Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento II. Paksang-Aralin • Pagbibigay ng Kahawig na Kuwento III. Paglinang na Gawain A. Paunang Pagtataya Basahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Nagmamadali Pa Naman Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya. Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid. Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na makarating siya sa tamang tawiran. “Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya. Muntik na siya. Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa kalsada. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Sino ang tauhan sa kuwento? 2. Saan-saan naganap ang kuwento? 3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa? 4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran? 5. Bakit nagmamadali si Rosa? B. Tukoy-Alam Maghanda ng isang larawan tungkol sa pamumuhay sa lungsod o sa baryo. Ipakita ito sa mga bata. Pag-usapan ang larawan. C. Paglalahad Papikitin ang mga bata. Kung maaari, magparinig ng musika sa mga bata habang ipinaalala sa kanila ang nagdaang bakasyon. Ipaguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon.
  • 18. D. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tumawag ng isang bata na magkukuwento sa buong klase ng sariling karanasan gamit ang larawang iginuhit. Pag-usapan ang napakinggang kuwento. Bakit hindi malilimutan ang karanasang napakinggan? Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento? Ano-ano ang damdamin na nasa kuwento? May ganito ka rin bang karanasan? E. Pagpapayamang Gawain Tumawag pa ng ilang bata upang magbahagi rin ng katulad na karanasan. F. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? G. Karagdagang Pagsasanay Magparinig sa mga bata ng isang kuwento. Hayaang magbigay ang mga bata ng orihinal na kuwento na may katulad na tema nito. Tumawag ng ilang volunteer para magbahagi sa buong klase.
  • 19. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 10: BUHAY KO (Ikalawang Araw) I. Layunin • Natutukoy ang mga elemento ng kuwento II. Paksang-Aralin • Mga Elemento ng Kuwento III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Balikan ang napakinggang kuwento nang nagdaang unang araw. Itanong: Sino ang tauhan sa napakinggang kuwento? Saan ito nangyari? B. Paglalahad Ano ang napanaginipan mo nang nagdaang gabi? Hayaang ikuwento ito ng mga bata. Puwede kaya itong magkatotoo? C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p.37. Pangkatin ang klase. Ipagawa ang isang gawain sa bawat pangkat. Gawain 1 – Igawa ng stick puppet ang tauhan sa kuwento Gawain 2 – Iguhit kung saan naganap ang kuwento Gawain 3 – Isulat ang unang, panggitna, at panghuling pangyayari sa kuwento. Itanong: Tungkol saan ang kuwento? Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.) Ano ang napanaginipan ng tauhan sa kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kaniyang panaginip? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.) Ano ang isa mong panaginip na hindi mo malimutan? Ipabahagi ito sa klase. Nagkakatotoo ba ang panaginip? Ano ang dapat gawin kung may masamang panaginip?
  • 20. D. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang kuwento sa Linangin Natin, p.38 at pasagutan ang mga tanong sa pamamagitan ng T- Model na nakasulat sa isang manila papel o sa cartolina. Bigyan ang bawat pangkat ng klase upang dito isulat ang kanilang sagot. 1. Ano ang pamagat ng kuwento 2. Sino-sino ang mga tauhan? 3. Saan ito naganap? 4. Kailan ito naganap? 5. Ano ang suliranin ng tauhan? Ibahagi sa bawat pangkat ang kanilang sagot. Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan sa bawat tanong. E. Paglalahat Ano-ano ang elemento ng kuwento? F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin, p. 39. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na balangkas. Patnubay na Tanong Mga Sagot Wakas
  • 21. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 10: BUHAY KO (Ikatlong Araw) I. Layunin • Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon II. Paksang-Aralin • Paggamit ng Ito, Iyan at Iyon III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang ito, iyan at iyon. Itanong: Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon? B. Paglalahad Ipabasa at ipagawa ang Alamin Natin, p. 39. Ipaguhit sa mga bata ang mga bagay na nakita ni Bernardo sa kaniyang panaginip. Pasulatin ang mga bata ng pangungusap upang maipakita ang wastong gamit ng ito, iyon at iyan. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap. Ipasulat ito sa pisara. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? Paano maiwawasto ang mga mali ng pagkakasulat? Ano ang tinutukoy ng ito/iyon/iyan sa pangungusap? Nasaan ang tinutukoy na bagay/lugar/tao? Tama ba ang pagkakagamit ng ito? Iyan? Iyon? Kung may mali, paano ito maiwawasto? Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.39. Ipaskil sa pisara ang mga larawang ginamit sa gawaing ito. Hayaang isulat ng mga bata ang pangungusap na ginawa nila sa tapat ng angkop na larawan. Ipabasa ito sa mga bata. Suriin kung tama ang pagkakagamit ng ito, iyon at iyan. E. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
  • 22. F. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 40. Pasulatin ang mga bata ng isang komik istrip gamit ang ito, iyan at iyon. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng ibang bata ang ginawa ng kanilang kaklase at makapagbigay ng puna. Bigyan din ng puna ang natapos na komiks ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata upang maisaayos ang mga pangungusap na nangangailagan ng rebisyon.
  • 23. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 10: BUHAY KO (Ikaapat na Araw) I. Layunin • Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan II. Paksang-Aralin • Pagsulat ng Ulat III. Panlinang na Gawain A. Tukoy-Alam Ipabasa ang ilang pangungusap na nakasulat sa pisara. (Siguraduhin na isulat ang ibang pangungusap na may kamalian.) Sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng bawat isa. B. Paglalahad Ipagawa ang nakasulat sa Alamin Natin, p. 40. Pangkatin ang klase. Hayaang pag-usapan sa pangkat ang isang pangyayaring nasaksihan ng bawat isa. Papiliin ang pangkat ng pangyayaring isusulat. Ipasulat ito sa manila paper. Ipabasa ang natapos na talata sa klase. Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng pangkat. C. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? May pagkakaugnay-ugnay ba ang mga pangungusap? Tama ba ang pagkakagamit ng malaki at maliit na letra? Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita? Tama ba ang mga bantas na ginamit? Sapat ba ang pagkakalayo ng mga salita na ginamit sa pangungusap? Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ng mga salita? Tungkol saan ang isinulat na teksto? Ipabasang muli ang talatang isinulat. May pagkakaugnay ba ang mga pangungusap? Natukoy ba ang tauhan at tagpuan nito? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat ng pangyayari?
  • 24. D. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 40 Ipasulat muli sa pangkat ang naunang talatang naisulat. Isasaalang-alang ngayon ang mga nakitang pagkakamali habang tinatalakay ang naunang modelo ng talata ng pag-uulat. E. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pag-uulat? F. Karagdagang Pagsasanay Pasulatin ang mga bata ng isang talatang may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang pangyayaring personal na naobserbahan.
  • 25. III - __________________ _______________ III - __________________ _______________ Petsa: _________________ Banghay Aralin sa FILIPINO – 3 Aralin 10: BUHAY KO (Ikalimang Araw) Panlingguhang Pagtataya I. Layunin • Nakabubuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kwento • Naisasadula ang nabuong kuwento sa malikhaing pamamaraan II. Gagampanan ng bawat mag-aaral Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang kuwento na binasa ng guro. III. Kalagayan Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang kuwento at pagsasadula nito sa isang malikhaing pamamaraan. IV. Bunga Pagbuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento. Ang Malaking Kahon Maagang nagising ang batang si Maricar. Isang malaking kahon ang nakita niya sa may pintuan ng kanilang bahay. “Ano kaya ang laman nito?” ang tanong niya sa kaniyang sarili. Pilit niyang sinisilip ang laman nito, pero talagang balot na balot ito. Sinubukan niyang amuyin, pero wala naman itong amoy. Binuhat din niya, hindi naman niya makaya. “Ano kaya talaga ito? Para kanino ito?” “Para sa iyo ang kahon na iyan,” ang sabi ng tinig sa kaniyang likuran. Dali-dali niya itong binuksan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang isang napakalaki at napakagandang bahay-bahayan. “Salamat ,Tatay. Salamat sa paggawa mo ng isang bahay-bahayan para sa akin.” Pamantayan sa Pagsasagawa PUNTOS PAMANTAYAN 12 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa bawat isa. Nagamit ang wika nang wasto at angkop sa bawat sitwasyon. 9 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari maliban
  • 26. sa isa. May isang salitang ginamit na hindi angkop sa sitwasyon 6 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may 2- 3 na walang kaugnayan sa mga nauna. 3 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. Walang pagkakaugnay ang mga pangyayari sa bawat isa.