2. Responsibilidad nating pangalagaan ang
ating kalusugan kaya dapat pag-isipang
mabuti kung anu-ano ang mga pagkain na
dapat nating kainin.
Pinggang Pinoy
3. Ang Pinggang Pinoy ay isang gabay sa
pamamagitan ng visual representation, sa
kung anong uri at dami ng pagkain ang
dapat nasa pinggan ng isang tao base sa
kanyang ages group.
4. Ang Pinggang Pinoy ay may rekomendasyon
sa tamang pagkain ng bawat tao, upang
matugunan nito ang kailangan ng katawan.
Ito ay nagpapakita ng inirerekomendang
proporsyon ng pagkain mula Go, Grow at
Glow food groups.
5. GO FOODS
Go foods o Energy-giving foods ay ang
bahaging kulay brown. Ang mga pagkain na
kabilang dito ay mga carbohydrate-rich
foods na nagbibigay ng enerhiya para sa
tamang pag-function ng katawan at para sa
physical activities.
6. GROW FOODS
Grow foods o Body-building foods ay mga
pagkaing mayayaman sa protina at
nakakatulong magpalakas ng buto, ngipin, at
muscles, at nagpapabuti ng brain o mental
development.
7. GLOW FOODS
Glow foods o Body-regulating foods ang
pinakamalaking bahagi ng Pinggang Pinoy.
Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: ang
Glow Vegetables at Glow Fruits.
8. TUBIG
Laging uminom ng tubig at iba pang
masusustansiyang inumin kapag kumakain at
laging tandaan na uminom ng 8-10 baso ng
tubig sa isang araw.
9. Sa bawat pagkain, hatiin mo ang iyong
plato sa apat na bahagi.
Ang kalahati ng iyong plato ay dapat
nakalaan sa gulay at prutas.
Ang one-fourth ng plato ay para sa protina
tulad ng isda, karne, beans at tokwa.
Ang natitirang one-fourth ng plato ay para sa
carbohydrates tulad ng kanin o tinapay.