SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 14
ARALIN 5:
ANG PIYUDALISMO,
MANORYALISMO AT
SISTEMANG GUILD SA
PANAHON NG MIDYIBAL
Pinagmulan ng Piyudalismo
Nagsimula ang Piyudalismo sa Europa nang biglang lumusob ang iba’t
ibang pangkat ng tao sa Europa katulad ng Vikings, Hungarian at Muslim.
Ang Vikings ay mga mananalakay na mula sa hilagang parte ng Europa.
Ang iba pang tawag sa kanila ay Norsemen o Taong Norse. Bihasa ang mga
ito sa gawain o kabuhayan na may kaugnayan sa tubig. Dahil sa kakulangan
ng mapagkukuhanan ng kabuhayan mula sa lupa, naging dahilan ito upang
magsimula sila sa pananalakay. Kinatatakutan ng mga tao ang Vikings dahil
sa biglaang pananakop nito. Agad nilang pinapatay ang mga tao kung ang
mga ito ay nagtangkang lumaban. Gayundin ang pagsusunog ng mga
tirahan na kanilang makikita kung kaya agad na lumilisan ang mga
naninirahan dito. Pinaniniwalaan na naghasik ng takot ang mga Vikings sa
mga bansa tulad ng Italya, Iceland, Pransya at Rusya.
Naghasik naman sa Europa ang mga Hungarian na nagmula pa sa Asya at doon
na rin nagtatag ng panahanan. Samantala ang mga Muslim naman ay kinatakutan
din sa pagsalakay sa mga lugar na malapit sa Dagat Mediterranean katulad ng
Italya na naging dahilan upang lisanin ng mga Italyano ang lupang kanilang
sinilangan.
Sa kabilang dako, ang mga pananakop na ito ay hindi nagawan ng solusyon
ng lider ng bawat pamahalaan ng nasabing lupain. Hindi sila na kayang
protektahan dahil sa pagkakaroon ng mahinang pinuno na nagsimula nang
mamatay si Charlemagne. Dahil sa pangyayaring ito, napilitan sila na humingi ng
tulong sa mayayamang tao na mayroong sariling hukbong-militar na makikita sa
iba’t ibang lalawigan sa Europa. Bilang kapalit sa tulong na proteksyon,
kinakailangang manilbihan ang mga pangkaraniwang mamamayan sa mga
maharlikang nagmamay-ari ng nasabing lupain.
Ang Sistema ng Piyudalismo
Ang mga maharlika na pinagkalooban ng lupain ng hari ay namuno
sa mga estado at lalawigan. Sila ay humihingi ng katapatan sa kanilang
mga tagasunod. Dito nagsimula ang isang sistemang pulitikal na umiral
sa Europa noong Ika-13 siglo. Hindi maitatanggi na ang lupain ang
basehan sa malaking bahagi ng sistemang ito. Dahil hindi pa lubusang
kilala ang paggamit ng salapi sa mga panahong ito kung kaya ang
lupain ang nagsisilbing kabayaran o kabuhayan ng mga mamamayan
dito.
Ang mayayamang angkan na mayroong pag-aaring lupain ay
naghahangad na magkaroon ng kanya-kanyang ari-arian. Kadalasan
na sila ay naghahangad na magkaroon ng manor o malaking lupang
pansakahan na kinokontrol o pagmamay-ari lamang ng mayayaman o
nakakaangat na tao sa kanilang lipunan.
Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo
PANGINOON
BASALYO
KABALYERO
ALIPIN (SERF)
Ang sistemang
piyudalismo ay
nahahati sa iba’t ibang
pangkat ng tao. Ito ay
binubuo ng
panginoon, basalyo,
kabalyero at mga
alipin (serf)
Ang Panginoon ay
may-ari ng lupain na
nagkaloob sa basalyo,
taong pinagkalooban ng
lupa kapalit ng
proteksyon. Ang mga
Basalyo ay inaasahang
magiging matapat sa
panginoong may-ari ng
lupa.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga
kabalyero upang maipagtanggol ang kanilang
pinaglilingkurang panginoon. Nagsisimula ang
pagiging kabalyero sa edad na pitong taon, ang
tawag dito ay page. Bilang isang Page, itinuturo sa
kanya ang wastong pangangabayo at ang
paghawak ng armas lalung-lalo na ang paggamit ng
espada sa pakikipaglaban. Sinasanay rin nang
husto ang kanyang pangangatawan para sa
paghahanda sa mas mabigat na gawaing pisikal.
Sa pagsapit ng edad na 16 na taon, siya ay
tinatawag sa squire. Sa pagkakataon na ito ay
inaasahan nang mahusay sa pakikipaglaban
habang nakasakay sa kabayo. At habang hindi
pa ganap na “kabalyero”, dapat na pinagsilbihan
ang mga ganap nang kabalyero. Sila ang nag-
aasikaso sa mga personal na kagamitan ng mga
ito tulad ng espada at mga armas sa
pakikipaglaban gayundin ang mga personal na
kabayo na ginagamit ng mga ito.
Kapag dumating na ang edad na 21, ang titulong
iginagawad sa kanila ay ang chivalry o kabalyero.
Magiging ganap na ang kanyang tungkulin na
ipagtanggol ang kanyang lipunan. Sasaksihan ng
kanyang pamilya ang seremonyas na pagluhod sa
harapan ng isang panginoon habang tatapikin ng
mahina lamang ang kanyang balikat na sumisimbolo
sa pagiging isang tunay na tagapaglingkod. Bilang
isang kabalyero, inaasahan nang magiging matapat,
matulungin at magalang siya sa lahat ng
pagkakataon.
Ang pinahuli ay ang mga serf. Ito
ay ang lipunan na binubuo ng mga
pangkaraniwang tao o “masa”. Sila
ang sinasabing pinakamababa at
walang pagkakataon na magbago o
umangat ang estado sa lipunan
sapagkat ang kanilang buong buhay
ay nakatuon sa may-ari ng lupa na
kanilang sinasaka. Nagtrabaho sila
sa kanilang panginoon ng walang
bayad. Maaari lamang silang mag-
asawa kapag pinahihintulutan ng
kanilang panginoon.
Pagbagsak ng Piyudalismo
Lumalaganap ang piyudalismo sa mga bansa
sa Inglatera at pransya. Ngunit ang sistemang
ito ay lumalaganap din sa ilan pang mga bansa
sa Europa tulad ng Espanya, Italya, Poland,
Hungary at iba pang mga bansa. Unti-unting
bumagsak ito dahil sa mga sumusunod na
kadahilanan, ang pag-unlad ng kalakalan,
pagsilang ng mga bayan at paglaya ng mga
alipin na nagsilbi sa kanilang panginoon.
Ang Manoryalismo
Hindi lamang ang sistemang piyudalismo ang umusbong sa Panahon
ng Midyibal, nagkaroon din ng isa pang sistemang pang-ekonomiya na
tinatawag na “manor”. Ang salitang ito ay hango sa salitang Latin na
manerium na ang ibig sabihin ay malaking lupang pansakahan.
Maikukumpara ito sa tinatawag na hacienda sa kasalukuyan.
Matatagpuan sa malaking lupang sakahan na nito ang bahay ng may-ari
ng lupa o panginoon (landlord), tirahan ng mga serf o mga magsasaka at
ang lupang pansakahan. Mayroon ding simbahan na makikita sa loob ng
manor na pinamamahalaan ng pari. Mahalaga ang ginagampanang
tungkulin ng mga pinunong ito sapagkat sila ang nagsisilbing tagapayo
at tagapag-ayos kapag mayroong kaguluhan o hindi pagkakaunawaan
gayundin ang pagtuturo sa mga anak ng mga magsasaka. Bukod pa sa
mga ito makikita rin sa loob ng manor ang iba’t ibang pagawaan,
panaderya, pastulan at sakahan na pawang pagmamay-ari ng isang
maharlika.
Paglago ng mga Bayan
Ang pag-unlad ng kalakalan ay nagbunga ng malaking
pagbabago sa paglago ng mga bayan. Nagdulot ito ng
mga pagbabago lalung-lalo na agrikultura na nagbunsod
ng pagkakatuklas ng mga makabagong teknolohiya at
pamamaraan sa pagtatanim. Dahil rito sa mga
pagbabagong ito, higit na tumaas ang ani na nagdulot
naman ng masaganang pamumuhay sa mga
mamamayan. Nakatulong din ito nang Malaki upang
mapaayos ang mga kalsada at iba pang imprastraktura
na ginagamit upang mas higit na mapabilis ang kalakalan
o palitan ng mga produkto sa iba pang mga bayan o
lugar.
Ang Guild System
Ang sistemang guild ay isang samahan na binubuo ng mga
mangangalakal, negosyante, at mamimili na naglalayong
protektahan ang mga kasapi nito. Nagsimula ang samahang ito
nang umunlad ang Negosyo at pakikipagkalakalan sa Europa.
Maraming artisan at negosyante ang nahikayat na magtayo ng
kabuhayan na may kinalaman sa paggawa ng pagkain, damit,
sapatos at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil sa
paglago at pagdami ng mga negosyante na nagnanais na magtayo
ng nasabing Negosyo o kabuhayan, naisip ng mga mangangalakal
at artisan na bumuo ng samahan na naglalayong protektahan ang
kanilang kabuhayan mula sa labis na pagbabayad ng buwis sa
kinauukulan at pagbibigay ng de-kalidad na produkto sa mga
mamimili.
Hindi madaling mapabilang sa samahang ito
tulad ng inaakala ng marami. Kinakailangang
manilbihan muna ang isang indibidwal sa isang
punong artisano (master craftsman) sa loob ng 2
hanggang 7 taon na paninilbihan bilang
apprentice. Ang isang Apprentice ay inaasahan
nang maglilingkod sa punong artisan kapalit
lamang ang pagkain, damit at libreng pagtuturo
rito. Matapos na siya ay maging apprentice, siya
ay tatawaging journeyman. Siya ay mayroon
nang karapatan na maningil sa mga kabayaran
sa kanyang paglilingkod.

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Merkantilismo
MerkantilismoMerkantilismo
MerkantilismoAvilei
 
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Olhen Rence Duque
 
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahonMga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahonGenesis Ian Fernandez
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonAni
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaJared Ram Juezan
 
Pagtatatag ng National Monarchy
Pagtatatag ng National MonarchyPagtatatag ng National Monarchy
Pagtatatag ng National Monarchyedmond84
 
Sinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa AfricaSinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa AfricaDaron Magsino
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxKristelleMaeAbarco3
 
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninMary Grace Ambrocio
 
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahon
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahonPaglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahon
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahonGenesis Ian Fernandez
 
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismoAng sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismoCharliez Jane Soriano
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atOlhen Rence Duque
 
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA Ma Lovely
 
Paglakas ng europe national monarchy
Paglakas ng europe   national monarchyPaglakas ng europe   national monarchy
Paglakas ng europe national monarchyJared Ram Juezan
 

La actualidad más candente (20)

National monarchy
National monarchyNational monarchy
National monarchy
 
Merkantilismo
MerkantilismoMerkantilismo
Merkantilismo
 
Piyudalismo
PiyudalismoPiyudalismo
Piyudalismo
 
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
Paglakas ng europe (Bourgeoisie)
 
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahonMga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
Mga pangyayaring nagbigay daan sa europe sa pag-usbong sa gitnang panahon
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
 
MANORYALISMO
MANORYALISMOMANORYALISMO
MANORYALISMO
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Pagtatatag ng National Monarchy
Pagtatatag ng National MonarchyPagtatatag ng National Monarchy
Pagtatatag ng National Monarchy
 
Sinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa AfricaSinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa Africa
 
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses
 
Rebolusyong Pranses
Rebolusyong PransesRebolusyong Pranses
Rebolusyong Pranses
 
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahon
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahonPaglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahon
Paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa gitnang panahon
 
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismoAng sistemang pyudalismo at manoryalismo
Ang sistemang pyudalismo at manoryalismo
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
 
Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses Rebolusyong pranses
Rebolusyong pranses
 
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
MAAGANG GITNANG PANAHON SA EUROPA
 
Paglakas ng europe national monarchy
Paglakas ng europe   national monarchyPaglakas ng europe   national monarchy
Paglakas ng europe national monarchy
 

Similar a Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild sa panahon ng midyibal

GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptx
GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptxGRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptx
GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptxJeanPaulynMusni1
 
AP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryAP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryJanna Naypes
 
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxAP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxCARLOSRyanCholo
 
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - Castaneda
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - CastanedaAng pag ral ng sistemang piyudalismo - Castaneda
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - CastanedaAngelyn Lingatong
 
Gitnang panahon (Medieval Period)
Gitnang panahon (Medieval Period)Gitnang panahon (Medieval Period)
Gitnang panahon (Medieval Period)enrico baldoviso
 
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europe
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europeAralin 21 mga salik sa paglakas ng europe
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europeFrancis Nicko Badilla
 
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong MedievalMga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong MedievalAnalie May Padao
 
Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9evannacua
 
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptx
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptxang daigdig sa panahon ng transisyon.pptx
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptxetheljane0305
 
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdf
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdfAralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdf
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdfVergilSYbaez
 
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02Jeremie Corto
 
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptx
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptxWEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptx
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptxMayDeGuzman9
 
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisiePag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisieMary Grace Ambrocio
 
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptx
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptxAP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptx
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptxJesuvCristianClete
 
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptxPag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptxJePaiAldous
 
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipan
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipanAng pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipan
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipanShiella Rondina
 
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonAng Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonSMAP_G8Orderliness
 

Similar a Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild sa panahon ng midyibal (20)

GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptx
GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptxGRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptx
GRADE-PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT GUILD NG GITNANG PANAHON.pptx
 
AP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 SummaryAP 8 Modyul 3 Summary
AP 8 Modyul 3 Summary
 
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptxAP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
AP8- MODYUL 5 PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKA.pptx
 
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - Castaneda
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - CastanedaAng pag ral ng sistemang piyudalismo - Castaneda
Ang pag ral ng sistemang piyudalismo - Castaneda
 
Gitnang panahon (Medieval Period)
Gitnang panahon (Medieval Period)Gitnang panahon (Medieval Period)
Gitnang panahon (Medieval Period)
 
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europe
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europeAralin 21 mga salik sa paglakas ng europe
Aralin 21 mga salik sa paglakas ng europe
 
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong MedievalMga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
Mga Pangyayaring Nag bibigay-daan Sa pagusbong ng Europe sa Panahong Medieval
 
Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9Proyekto sa araling panlipunan 9
Proyekto sa araling panlipunan 9
 
Pag usbong ng bourgeoisie
Pag usbong ng bourgeoisiePag usbong ng bourgeoisie
Pag usbong ng bourgeoisie
 
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptx
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptxang daigdig sa panahon ng transisyon.pptx
ang daigdig sa panahon ng transisyon.pptx
 
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdf
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdfAralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdf
Aralin 1 Paglakas ng Europa.ikatlong markahanpdf
 
Ang mga Viking
Ang mga VikingAng mga Viking
Ang mga Viking
 
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02
Paglakasngeurope bourgeoisie-121027065424-phpapp02
 
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptx
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptxWEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptx
WEEK-5_PIYUDALISMO-AT-MANORYALISMO-1.pptx
 
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisiePag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
 
3RD QUARTER.pptx
3RD QUARTER.pptx3RD QUARTER.pptx
3RD QUARTER.pptx
 
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptx
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptxAP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptx
AP5 Q4 Aralin 6 Ang mga Pandaigdigang Pangyayari at Malayang Kaisipan (2).pptx
 
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptxPag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
Pag-usbong ng Europe sa Gitnang Panahon.pptx
 
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipan
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipanAng pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipan
Ang pandaigdigang pangyayari at malayang kaisipan
 
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng TradisyonAng Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
Ang Daigdig sa Panahon ng Tradisyon
 

Último

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 

Último (20)

Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 

Araling Panlipunan Grade 8: Ang piyudalismo, manoryalismo at sistemang guild sa panahon ng midyibal

  • 1. ARALIN 5: ANG PIYUDALISMO, MANORYALISMO AT SISTEMANG GUILD SA PANAHON NG MIDYIBAL
  • 2. Pinagmulan ng Piyudalismo Nagsimula ang Piyudalismo sa Europa nang biglang lumusob ang iba’t ibang pangkat ng tao sa Europa katulad ng Vikings, Hungarian at Muslim. Ang Vikings ay mga mananalakay na mula sa hilagang parte ng Europa. Ang iba pang tawag sa kanila ay Norsemen o Taong Norse. Bihasa ang mga ito sa gawain o kabuhayan na may kaugnayan sa tubig. Dahil sa kakulangan ng mapagkukuhanan ng kabuhayan mula sa lupa, naging dahilan ito upang magsimula sila sa pananalakay. Kinatatakutan ng mga tao ang Vikings dahil sa biglaang pananakop nito. Agad nilang pinapatay ang mga tao kung ang mga ito ay nagtangkang lumaban. Gayundin ang pagsusunog ng mga tirahan na kanilang makikita kung kaya agad na lumilisan ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaan na naghasik ng takot ang mga Vikings sa mga bansa tulad ng Italya, Iceland, Pransya at Rusya.
  • 3. Naghasik naman sa Europa ang mga Hungarian na nagmula pa sa Asya at doon na rin nagtatag ng panahanan. Samantala ang mga Muslim naman ay kinatakutan din sa pagsalakay sa mga lugar na malapit sa Dagat Mediterranean katulad ng Italya na naging dahilan upang lisanin ng mga Italyano ang lupang kanilang sinilangan. Sa kabilang dako, ang mga pananakop na ito ay hindi nagawan ng solusyon ng lider ng bawat pamahalaan ng nasabing lupain. Hindi sila na kayang protektahan dahil sa pagkakaroon ng mahinang pinuno na nagsimula nang mamatay si Charlemagne. Dahil sa pangyayaring ito, napilitan sila na humingi ng tulong sa mayayamang tao na mayroong sariling hukbong-militar na makikita sa iba’t ibang lalawigan sa Europa. Bilang kapalit sa tulong na proteksyon, kinakailangang manilbihan ang mga pangkaraniwang mamamayan sa mga maharlikang nagmamay-ari ng nasabing lupain.
  • 4. Ang Sistema ng Piyudalismo Ang mga maharlika na pinagkalooban ng lupain ng hari ay namuno sa mga estado at lalawigan. Sila ay humihingi ng katapatan sa kanilang mga tagasunod. Dito nagsimula ang isang sistemang pulitikal na umiral sa Europa noong Ika-13 siglo. Hindi maitatanggi na ang lupain ang basehan sa malaking bahagi ng sistemang ito. Dahil hindi pa lubusang kilala ang paggamit ng salapi sa mga panahong ito kung kaya ang lupain ang nagsisilbing kabayaran o kabuhayan ng mga mamamayan dito. Ang mayayamang angkan na mayroong pag-aaring lupain ay naghahangad na magkaroon ng kanya-kanyang ari-arian. Kadalasan na sila ay naghahangad na magkaroon ng manor o malaking lupang pansakahan na kinokontrol o pagmamay-ari lamang ng mayayaman o nakakaangat na tao sa kanilang lipunan.
  • 5. Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo PANGINOON BASALYO KABALYERO ALIPIN (SERF) Ang sistemang piyudalismo ay nahahati sa iba’t ibang pangkat ng tao. Ito ay binubuo ng panginoon, basalyo, kabalyero at mga alipin (serf) Ang Panginoon ay may-ari ng lupain na nagkaloob sa basalyo, taong pinagkalooban ng lupa kapalit ng proteksyon. Ang mga Basalyo ay inaasahang magiging matapat sa panginoong may-ari ng lupa.
  • 6. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabalyero upang maipagtanggol ang kanilang pinaglilingkurang panginoon. Nagsisimula ang pagiging kabalyero sa edad na pitong taon, ang tawag dito ay page. Bilang isang Page, itinuturo sa kanya ang wastong pangangabayo at ang paghawak ng armas lalung-lalo na ang paggamit ng espada sa pakikipaglaban. Sinasanay rin nang husto ang kanyang pangangatawan para sa paghahanda sa mas mabigat na gawaing pisikal.
  • 7. Sa pagsapit ng edad na 16 na taon, siya ay tinatawag sa squire. Sa pagkakataon na ito ay inaasahan nang mahusay sa pakikipaglaban habang nakasakay sa kabayo. At habang hindi pa ganap na “kabalyero”, dapat na pinagsilbihan ang mga ganap nang kabalyero. Sila ang nag- aasikaso sa mga personal na kagamitan ng mga ito tulad ng espada at mga armas sa pakikipaglaban gayundin ang mga personal na kabayo na ginagamit ng mga ito.
  • 8. Kapag dumating na ang edad na 21, ang titulong iginagawad sa kanila ay ang chivalry o kabalyero. Magiging ganap na ang kanyang tungkulin na ipagtanggol ang kanyang lipunan. Sasaksihan ng kanyang pamilya ang seremonyas na pagluhod sa harapan ng isang panginoon habang tatapikin ng mahina lamang ang kanyang balikat na sumisimbolo sa pagiging isang tunay na tagapaglingkod. Bilang isang kabalyero, inaasahan nang magiging matapat, matulungin at magalang siya sa lahat ng pagkakataon.
  • 9. Ang pinahuli ay ang mga serf. Ito ay ang lipunan na binubuo ng mga pangkaraniwang tao o “masa”. Sila ang sinasabing pinakamababa at walang pagkakataon na magbago o umangat ang estado sa lipunan sapagkat ang kanilang buong buhay ay nakatuon sa may-ari ng lupa na kanilang sinasaka. Nagtrabaho sila sa kanilang panginoon ng walang bayad. Maaari lamang silang mag- asawa kapag pinahihintulutan ng kanilang panginoon.
  • 10. Pagbagsak ng Piyudalismo Lumalaganap ang piyudalismo sa mga bansa sa Inglatera at pransya. Ngunit ang sistemang ito ay lumalaganap din sa ilan pang mga bansa sa Europa tulad ng Espanya, Italya, Poland, Hungary at iba pang mga bansa. Unti-unting bumagsak ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan, ang pag-unlad ng kalakalan, pagsilang ng mga bayan at paglaya ng mga alipin na nagsilbi sa kanilang panginoon.
  • 11. Ang Manoryalismo Hindi lamang ang sistemang piyudalismo ang umusbong sa Panahon ng Midyibal, nagkaroon din ng isa pang sistemang pang-ekonomiya na tinatawag na “manor”. Ang salitang ito ay hango sa salitang Latin na manerium na ang ibig sabihin ay malaking lupang pansakahan. Maikukumpara ito sa tinatawag na hacienda sa kasalukuyan. Matatagpuan sa malaking lupang sakahan na nito ang bahay ng may-ari ng lupa o panginoon (landlord), tirahan ng mga serf o mga magsasaka at ang lupang pansakahan. Mayroon ding simbahan na makikita sa loob ng manor na pinamamahalaan ng pari. Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga pinunong ito sapagkat sila ang nagsisilbing tagapayo at tagapag-ayos kapag mayroong kaguluhan o hindi pagkakaunawaan gayundin ang pagtuturo sa mga anak ng mga magsasaka. Bukod pa sa mga ito makikita rin sa loob ng manor ang iba’t ibang pagawaan, panaderya, pastulan at sakahan na pawang pagmamay-ari ng isang maharlika.
  • 12. Paglago ng mga Bayan Ang pag-unlad ng kalakalan ay nagbunga ng malaking pagbabago sa paglago ng mga bayan. Nagdulot ito ng mga pagbabago lalung-lalo na agrikultura na nagbunsod ng pagkakatuklas ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim. Dahil rito sa mga pagbabagong ito, higit na tumaas ang ani na nagdulot naman ng masaganang pamumuhay sa mga mamamayan. Nakatulong din ito nang Malaki upang mapaayos ang mga kalsada at iba pang imprastraktura na ginagamit upang mas higit na mapabilis ang kalakalan o palitan ng mga produkto sa iba pang mga bayan o lugar.
  • 13. Ang Guild System Ang sistemang guild ay isang samahan na binubuo ng mga mangangalakal, negosyante, at mamimili na naglalayong protektahan ang mga kasapi nito. Nagsimula ang samahang ito nang umunlad ang Negosyo at pakikipagkalakalan sa Europa. Maraming artisan at negosyante ang nahikayat na magtayo ng kabuhayan na may kinalaman sa paggawa ng pagkain, damit, sapatos at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Dahil sa paglago at pagdami ng mga negosyante na nagnanais na magtayo ng nasabing Negosyo o kabuhayan, naisip ng mga mangangalakal at artisan na bumuo ng samahan na naglalayong protektahan ang kanilang kabuhayan mula sa labis na pagbabayad ng buwis sa kinauukulan at pagbibigay ng de-kalidad na produkto sa mga mamimili.
  • 14. Hindi madaling mapabilang sa samahang ito tulad ng inaakala ng marami. Kinakailangang manilbihan muna ang isang indibidwal sa isang punong artisano (master craftsman) sa loob ng 2 hanggang 7 taon na paninilbihan bilang apprentice. Ang isang Apprentice ay inaasahan nang maglilingkod sa punong artisan kapalit lamang ang pagkain, damit at libreng pagtuturo rito. Matapos na siya ay maging apprentice, siya ay tatawaging journeyman. Siya ay mayroon nang karapatan na maningil sa mga kabayaran sa kanyang paglilingkod.