ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
Q3-SLM-4.pptx
1. SLM 4
Paggamit ng Iba’t
Ibang Estratehiya sa
Pangangalap ng mga
Ideya sa Pagsulat ng
Balita,
Komentaryo at Iba Pa
2. Walang Maiiwan sa Gitna ng Pandemya
ni Rey Noel D. Besana
Isang masalimuot na marka sa kasaysayan ng
daigdig ang paglaganap ng Coronavirus Disease
o mas kilala sa tawag na COVID-19. Hindi
pinalampas ng sakit na ito ang ating bansa nang
makapagtala ang Department of Health (DOH)
ng unang kaso ng COVID-19 noong Enero 30,
2020, kung kaya’t sa mga sumunod na buwan ng
taon, ang ating nasyunal at lokal gobyerno ay
nagpatupad ng community quarantine o ang
paglilimita sa mga tao na lumabas ng bahay
upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit
3. Marami ang nagsara dahil sa pagpapatupad
ng community quarantine at isa na rito ang
agarang pagsuspende ng klase sa lahat ng
paaralan sa ating bansa.
Naging malaking palaisipan sa lahat ang
pagpapatuloy ng pag-aaral ng lahat ng kabataan
na naapektuhan ng pagsasara ng mga paaralan.
Bunsod ng hindi maiwasang sakuna na dala
ng hindi nakikitang kalaban, hindi nagpatinag at
hindi nawalan ng pag-asa ang Department of
Eduaction (DepEd) upang patuloy na
makapaghahatid ng de-kalidad na edukasyon
para sa lahat.
4. Ayon sa pahayag ng DepEd, ang Learning
Continuity Plan (LCP) ang kanilang tugon upang
maipagpapatuloy ang edukasyon sa gitna ng
pandemya. Kabilang din dito ang pagsisiguro sa
kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro
at manggagawa ng ahensya.
Dagdag pa ng DepEd, ang panandaliang pag-
antala nila sa pagbubukas ng klase ay upang
masiguro ang kahandaan ng mag-aaral at guro sa
new normal na edukasyon kabilang na rito ang
iba’t ibang Distance Learning Modalities.
5. “Learning must continue!” ang paninindigan
ni Kalihim Leonor Briones sa kaniyang tweet
noong Hulyo 27, 2020. Mariin niyang ipinahayag
na ang edukasyon ay hindi makapaghihintay at
ang matagal na pag-antala sa edukasyon ay isang
malaking kawalan sa kaalamang matatamo ng
mga mag-aaral.
Pinatutunayan ng DepEd na walang mag-
aaral ang maiiwan sa gitna ng hamon ng ating
kalikasan at makakamit ang kaalaman kung
magkakapit-bisig ang lahat sa mithiin ng
ahensya.
6. May iba’t ibang estratehiya sa
pangangalap ng mga ideya sa pagsulat
ng balita, komentaryo at iba pa kagaya
ng sumusunod:
1. Pagbabasa, Pakikinig, at Panonood ng mga
Mapagkakatiwalaang Batis ng Impormasyon
na makukuha mula sa mga aklat, pakikinig sa
radyo at panonood sa telebisyon. Naging
malaking tulong din sa kasalukuyan ang
internet basta siguraduhin lamang na ito ay
mula sa mapagkakatiwalang pinagkunan.
7. 2. Pagmamasid at Pakikibahagi sa Kapaligiran. Sa
pamamagitan ng pagmamasid sa tao at mga
bagay-bagay sa kapaligiran, nakakukuha tayo
ng mga impormasyon batay sa mga
pangyayari. Samantala sa pakikibahagi naman,
hindi lamang nagmamasid ang nangangalap ng
ideya, sa halip, inilalagak niya mismo ang
kaniyang sarili sa kapaligirang kaniyang
inoobserbahan upang makapaghinuha siya ng
impormasyon mula sa kaniyang mga karanasan
8. 3. Pakikipagpanayam sa Awtoridad sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga taong
may malawak na karanasan o eksperto sa isang
larangang nais mong maunawaan.
4. Pagpapalitan ng Ideya. Sa pangangalap ng
impormasyon, mahalagang nakikipag-ugnayan
sa ibang tao upang malaman mo ang kanilang
opinyon tungkol sa isang paksa. Isaisip lamang
na maging sensitibo at magalang sa
pagtanggap ng mga impormasyon sapagkat
ito ay isang malayang pag-uusap at hindi
maiiwasan ang pagkakaiba-iba ng mga
paniniwala
9. 5. Paggamit ng 5Ws at 1H.
What? Ano? - Ano ang nangyari?
Why? Bakit? - Bakit ito nangyari?
When? Kailan? - Kailan ito nangyari?
Where? Saan? - Saan ito nangyari?
Who? Sino? – Sino ang sangkot sa
pangyayari?
How? Paano? -Paano ito nangyari?
10. A. Panuto:
Suriin ang komentaryo at itala ang mga
estratehiyang ginamit ng may-akda sa
pagbuo nito.
Magbigay ng mga patunay batay sa binasa.
Gawin sa sagutang papel.
Pamagat ng
komentaryo
Mga
Estratehiyang
Ginamit
Patunay
11. 1. Nais mong tulungan ang mga taong
nagsasawalang bahala sa banta ng
COVID-19 sa pamamagitan ng
pagsusulat ngunit limitado ang
iyong kaalaman.
Ano ang iyong gagawin?
Estratehiyang gagamitin sa
pangangalap ng edeya:____________
Bakit:
__________________________________
12. 2. Ikaw ay isang doktor at nais mong pag-
aralan ang epekto ng bagong variant ng
COVID-19 sa mga taong nahawaan nito.
Ano ang iyong gagawin upang makakalap
ng impormasyon?
Estratehiyang gagamitin sa pangangalap
ng ideya:
________________________________
Bakit:
________________________________