2. Terminong bourgeoisie
Ito ay inuugnay sa mga mamayanang mga
bayan sa Medieva France na binubuo ng mga
artisan at mangangalakal.
Bourgeoisie ang tawag sa mga taong nasa
gitnang antas ng lipunan na naging
makapangyarihan at maimpluwensiya sa
ekonomiya.
3. Artisan ang tawag sa manggagawang may
kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang
maaring may partikular na gamit o
pandekorasyon .
Pamilihan ang kanilang daigdig.
Galing sa industriya ang kanilang yaman at
hindi galing sa lupa.
Hindi sila nakadepende sa sistemang
piyudal at binabayaran sila sa kanilang
paggawa.
4. Naging isang makapangyarihang puwersa ang
bourgeoisie sa Europe.
Banker ang tawag sa nagmamay-ari o
namamahala ng banko.
Shipower ang nagmamay-ari ng
mga barko.
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng
kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban
sa mga landlord.
5. Maiuugat ang English Revolution, American
Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng
bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng
piyudalismo.
Nagkaroon ng politikal na kapangyarihan ang mga
bourgeoisie noong ika-19 siglo.
Nagkamit sila ng karapatang politikal,
panrelihiyong, at sibil sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng liberalismo.
Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng
sistemang merkantilismo ay naging daan upang
manumbalik ang kapangyarihan ng hari.
6. Pagtatag ng National Monarchy
Malaki ang naitulong ng pagtatag ng national
monarchy sa paglakas ng Europe.
Noble ang naghahari dito at sila rin ang mga
panginoong maylupa.
Nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng
mga bourgeoisie.
Unti-unting namayagpag ang dating mahinang hari
sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at
pagbubuo ng matatatag na sentralisadong
pamahalaan.
7. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo
ang hari upang magbayad ng mga sundalo.
Nakalaya ang hari mula sa proteksyon na dating
ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa.
Maaaring gamitin ang mga sundalo laban sa mga
knight ng panginoong maylupa.
Maaari ding humirang ang hari ng mga edukadong
mamamayan bilang kolektor ng mga buwis,
hukom, sekretarya, at administrator.
8. Pag-usbong ng mga Nation-state
Naitatag ang mga batayan ng mga Nation-state
sa Europe sa pagbabago sa konsepto ng
monarkiya.
Ang Nation-state ay tumutukoy sa isang estado
na pinananahanan ng mamamayan na may
mag kakatulad na wika, kultura, relihiyon, at
kasaysayan.
Ang mga mamamayan ay isang nagkaka isang
lahi dahil sa kanilang pagkakahalintulad na
kultural.
9. May Soberanidad o kasarinlan ang kanilang
pamahalaan.
Ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan
sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may
kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng
batas sa buong nasasakupan ang mahahalagang
katangian ng Nation-state.
May mga bagong institusyon na umusbong bunga
ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng
isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na
tapat sa hari.
Palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng
monarkiya ang tungkulin ng hukbo.
10. Sa opisyal o kawani na may kasanayan para sa
patakbuhin ang pamhalaan ayon sa kautusan
ng monarkiya nag simula ang institusyon ng
burukrasya.
Pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng
batas, at pagkakaloob ng hustisya ay isa sa
mga katungkulan ng mga opisyal at kawani.
11. Paglakas ng Simbahan at ang Papel
Nito sa Paglakas ng Europe
Ang simbahan ang naging bagong sentro ng
debosyon.
Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang
institusyon sa panahon ng Middle Ages.
Sa loob ng simbahan tinuligsa ang pang-
aabuso ng mga hari na naging dahilan upang
lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.
12. Naging mas makapangyarihan ang simbahan nang
itakda ni Papa Gregory VII sa pagsapit ng taong
1073.
Ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan
sa pananampalataya at doktrina.
Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa
tunggalian ng interest ng simbahan at pamahalaan
kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII.
Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon kay
Henry IV.
Tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng
palasyo ng canossa sa hilagang italy ng tatlong
araw noong 1077.
13. Nang lumaon pinatawad ng Papa si Henry at ang
insedenteng iyon ay lalong nagpatibay sa
kapangyarihan ng simbahan.
Upang malutas ang nasabing isyu nagkaroong ng
kompremiso sa pagitan ng simbahan at ni Henry IV
at ito ay tinatawag na Concordat of Worms noong
1122.
Bilang lider- espiritwal ng Simbahan at panginoong
maylupa ang dalawang tungkulin ng Obispo.
Sa pangunguna ng simbahan, naboo ang imahen ng
Europe bilang isang malawak na kabuuang
kristyano- ang republika christiana na
pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.