Publicidad
Publicidad

Más contenido relacionado

Publicidad

ESP 9 3rd Qtr Week 14 Day 1 MODYUL 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS.pptx

  1. MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS Ika – 14 na linggo, Unang Araw
  2. Panimulang Gawain
  3. Pambungad na Panalangin Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo ang aming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin ang aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen
  4. Pagkilala at pagtala sa mga mag-aaral Magandang buhay! Mabuting tao! Sino-sino po ang mga nakadalo? Sino-sino naman po ang nakaliban?
  5. Pamamaraan at Talakayan
  6. A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipalabas at bigkasin ang kanilang inihandang mga tula. 1. Ano ang mga pagpapahalaga at katangian na inyong ipinamalas sa inyong mga tula?
  7. B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak. 1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pamamahala ng paggamit ng oras. a. Nasasagutan ang talahanayan ukol sa paraan ng pamamahala sa paggamit ng oras. b. Natutukoy ang lebel ng kasanayan sa paggamit ng sariling oras gamit ang talahanayan. EsP9-KP- IIIe-12.1
  8. 1. Ano-ano ang sinisimbolo ng orasan? 2. Bakit mahalaga ang oras sa buhay ng tao?
  9. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin A. Isulat sa freedom wall ang inyong opinyon tungkol sa kasabihang Ang Oras ay Ginto. 1. Paano nakatutulong sa atin ang wastong pamamahala ng oras? 2. Paano mo pinahahalagahan ang sarili mong oras?
  10. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Minsan, may isang hari at isang tamad na lalaki na nagngangalang Haria. Mabuti silang magkaibigan. Isang umaga, tinanong ng hari ang kanyang kaibigan, “bakit hindi ka humanap ng trabaho upang ikaw ay kumita ng pera?” Sumagot si Haria, “Wala kasing nagbibigay ng trabaho sa akin. Pinagsabi ng mga kaaway kong hindi daw ako marunong gumawa sa takdang oras.”
  11. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Ang mabuting hari ay tumugon, “Maaari kang pumunta sa imbakan nang aking mga yaman at doon mamulot ka ng kayamanan hanggang sa paglubog ng araw.” Nagmadaling umuwi si Haria upang ibalita sa kanyang asawa ang utos ng hari. Inutusan siya ng asawa: “Sige pumunta ka na ngayon at kunin mo ang mga ginto at mga mamahaling bato”.
  12. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Tumugon si Haria. “Huwag muna, pakainin mo muna ako ng tanghalian.” Matapos ang pananghalian ay nagpahinga pa ng isang oras si Haria. Sa bandang hapon na niya kinuha ang kanyang kagamitan at nagtungo sa palasyo.
  13. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Sa kanyang paglalakad, nakaramdam siya ng matinding init at nagpasyang maupo sa ilalim ng puno upang magpahinga. Makalipas ang dalawang oras, bumalikwas siya para ipagpatuloy ang paglalakbay ngunit nakakita siya ng isang lalaki na nagtatanghal ng mahika. Huminto siya upang manood. Nakaisang oras siya sa panonood.
  14. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Nang siya ay makarating sa palasyo ang araw ay palubog. Ang mga pintuan ng palasyo ay sarado na.
  15. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #1 Sagutan ang mga tanong sa inyong kuwaderno. a. Ilarawan ang dalawang pangunahing tauhan sa maikling kuwento. b. Sa paanong paraan ginamit ng dalawa ang oras? Pinahalagahan ba nila ang takdang oras? Ipaliwanag ang sagot. c. Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kuwento?
  16. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad bagong kasanayan #2 Kung ikaw ang tatanungin... 1.Gaano kahalaga sa iyo ang oras? • Isulat sa kwaderno ang kahalagahan ng oras para sa iyo. • Ibahagi ang iyong sagot sa iyong dalawang kamag-aral. Ipaliwanag na mabuti kung bakit mahalaga para sa iyo ang oras.
  17. F. Paglinang sa Kabihasahan 1. Paano mo pinamamahalaan ang paggamit ng iyong oras? 2. Ano ang natuklasan mo sa iyong paraan ng paggamit ng oras? 3. Mula sa lebel ng kasanayan sa pamamahala ng oras, anong lebel ka nabibilang? 4. Anong binabalak mong gawin upang mapataas pa ang lebel ng iyong kasanayan sa paggamit ng oras?
  18. G.Paglalapat sa aralin sa pang- araw- araw na buhay Gumawa ng Time Diary para sa araw ng Sabado at Linggo upang pangasiwaan ang iyong panahon. Isulat ito sa inyong notbuk gamit ang format sa ibaba. Oras Gawain (Sabado) Gawain (Linggo) 5:00AM-6:00AM 6:00AM-7:00AM 7:00AM-8:00AM 8:00AM-9:00AM
  19. H. Paglalahat sa aralin Ang taong may pagpapahalaga sa oras ay may pagpapahalaga sa kaayusan. Ang pamamahala ng oras ay kailangan sakaayusan ng paggawa upang magampanan ang mga tungkulin ng may prayoritisasyon.
  20. I. Pagtataya ng Aralin Punan ng angkop na salita upang mabuo ang bawat pahayag. 1. Ayon sa kasabihan ang oras ay ____. 2. Ang wastong __________ ng oras ay nangangahulugan ng wastong pamamahala. 3. Ang panahon ay ginto hindi dapat ___________. 4. Ang paggamit ng oras at panahon ay mabisang instrumento sa pamamahala sa __________. 5. Ang disiplinang pansarili ay nasasalamin sa mabisang pagsasaayos at responsableng pamamahala ng _______ at _______.
  21. J. Karagdagang gawain para sa takdang- aralin at Remediation Humanap ng Video Clip ng: Value of Time- 86,400 Second in a Day, Don't Waste Time!
  22. Hanggang sa muling pagkikita… Paalam, Salamat! God Bless!

Notas del editor

  1. (gawin sa loob ng 4 minuto) (Reflective Approach)
  2. A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 1 minuto) B. Pagpapakita ng mga larawan ng iba't ibang obra o likha. (gawin sa loob ng 2 minuto) a. Spolarium b. Mona Lisa c. La Pieta
  3. B. Pasagutan ang mga tanong. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
  4. Isahang Gawain: Tunghayan ang gawain 1 sa LM p.182 Gamit ang talahanayan, tukuyin ang iyong sariling paraan ng pamamahala sa paggamit ng oras. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
  5. Pasagutan ang Gawain 1: Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa LM pahina 150-151. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag-aaral upang ibahagi ang nterpretasyon at resulta sa kanilang ginawang tseklis.
  6. Pasagutan ang Gawain 1: Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa LM pahina 150-151. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag-aaral upang ibahagi ang nterpretasyon at resulta sa kanilang ginawang tseklis.
  7. Pasagutan ang Gawain 1: Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa LM pahina 150-151. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag-aaral upang ibahagi ang nterpretasyon at resulta sa kanilang ginawang tseklis.
  8. Pasagutan ang Gawain 1: Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa LM pahina 150-151. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag-aaral upang ibahagi ang nterpretasyon at resulta sa kanilang ginawang tseklis.
  9. Pasagutan ang Gawain 1: Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa LM pahina 150-151. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag-aaral upang ibahagi ang nterpretasyon at resulta sa kanilang ginawang tseklis.
  10. Magkaroon ng maikling talakayan ukol sa binasa.
  11. Gamit ang metacards, ipakita ng guro ang sumusunod na mga salita. (gawin sa loob ng 12 minuto) (Reflective Approach)
  12. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
  13. (gawin sa loob ng 2 minuto)
  14. (5 puntos bawat isa tanong.) (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Ginto Paggamit Sayangin Buhay Oras at panahon
  15. .(Inquiry- Based Approach)
Publicidad