2. 7Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,
ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.
Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,
nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
8Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,
ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.
Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,
nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
3. 9Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay
dalisay,
magpapatuloy ito magpakailanman;
ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na
makatarungan,
patas at walang kinikilingan.
10Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong
lantay,
mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.
4. 11Ang mga utos mo, Yahweh, ay
babala sa iyong lingkod,
may malaking gantimpala kapag aking
sinusunod.
12Walang taong pumupuna sa sarili
niyang kamalian,
iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na
kasalanan.
5. 13Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na
kasalanan,
huwag mong itulot na maghari sa akin ang
kasamaan.
Sa gayo'y mamumuhay akong walang
kapintasan,
at walang bahid ng masama ang aking mga
kamay.
14Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan,
kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at
kanlungan.