2. • Noong ika-31 ng
Disyembre 2019, naitala
ang ilang kaso ng
pneumonia na hindi pa
gaanong kilala sa Wuhan,
China at naireport sa
WHO. Napag-alaman na
lamang na ang outbreak
ay dulot ng isang uri ng
hindi pa nakikilalang
coronavirus. Ang
coronavirus na ito ay
karaniwang natatagpuan
sa mga hayop lamang, at
hindi pa nakita sa mga tao
noon.
3. • Ang Novel Coronavirus 2019
(COVID-19) ay isang bagong
virus strain na pangunahing
kumakalat mula sa tao-sa-tao
sa pamamagitan ng mga patak
mula sa respiratoryo kapag ang
isang nahawahan na tao ay
umubo o bumahing. Ang mga
sintomas ay maaaring lumitaw
sa loob ng 2-14 na araw
pagkatapos na malantad. Ang
mga nai-ulat na mga sakit ay
sumasaklaw mula sa di-
malubhang mga sintomas
hanggang sa malubhang sakit
at kamatayan sa mga
nakumpirmang kaso.
4. Ilan sa mga sintomas ng
pagkakaroon ng COVID-19
ay:
• Ubo
• Sipon
• Masakit na lalamunan
• Hirap sa paghinga
• Pabalik balik na lagnat
• Pagkawala ng pang-amoy
• Pagkawala ng Panlasa
• Pananakit ng Katawan
• Paulit ulit na panginginig
5. Maaaring mas mataas
ang panganib na
magkaroon ng mas
malalang sakit
mula sa COVID-19 ang
mga mas nakatatanda,
taong anumang edad na
mayroong ibang medikal
na
kondisyon, at buntis na
babae.
6. • Manatili sa bahay kapag ikaw ay may
sakit.
• Iwasang hawakan ang iyong mga mata,
ilong at bibig.
• Hugasan ang iyong mga kamay nang
madalas gamit ang sabon at tubig at
nang hindi bababa sa 20 segundo. Ito
ay lalong mahalaga pagkatapos
suminga, umubo, o bumahing;
pumunta sa banyo; at bago kumain at
maghanda ng pagkain.
• Kung hindi magagamit ang sabon at
tubig, gumamit ng isang alcohol-based
na hand sanitizer na may hindi bababa
sa 60% alkohol, lagyan ang buong
kamay mo at ikuskos ang mga palad
hanggang sa matuyo ito.
• Takpan ang iyong pag-ubo o pagbahing
gamit ang isang tisyu, pagkatapos
itapon ang tisyu sa basurahan. (Ang
paglalagay ng tisyu sa mesa ay
nagkokontamina sa ibabaw ng lamesa
ng mga mikrobyo.)
• Regular na disimpektahin ang madalas
na hinahawakan na mga bagay at mga
ibabaw, gamit ang isang panlinis na
spray o pamunas.
• Panatilihing mag suot ng facemask
kapag nasa labas
• Panatilihin ang Social Distancing
• Magpabakuna laban sa COVID-19