SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 46
FILIPINO 7
Unang Markahan
Mga Nilalaman
Kwentong Bayan
Paghihinuha ng mga
Pangyayari batay sa
Akda
Sanhi at Bunga Maikling Kwento
Pagsusuri ng
Pagkamakatotohanan
ng Pangyayari Batay
sa Karanasan
Retorikal na Pang-
ugnay
Proyektong
Panturismo
KUWENTONG-
BAYAN
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi na nang ating katutubong
panitikan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap
at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila.
Ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang
marunong na lalaki at babae, o kaya sa isang hangal na tao.
Ang karaniwang paksa ng mga kuwentong-bayan ay mga hindi
pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o
kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng
mga diyos o diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy
at iba pa.
Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang mga akdang ito ay
karaniwang may ibinibigay na mensaheng ubod ng kaalaman katulad ng
salawikain.
May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.
Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito
nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye na
nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng
mga tauhan.
Mga halimbawa ng
kuwentong-bayan sa iba’t
ibang pulo ng Pilipinas.
• Si Mariang Mapangarapin
• Si Malakas at si Maganda
• Mga Kuwento ni Juan Tamad
Mga kuwentong-bayan
mula sa Luzon
• Ang Kataksilan ni Sinogo
• Ang Bundok ng Kanlaon
• Ang Batik ng Buwan
Mga kuwentong-bayan
mula sa Kabisayaan
• Pinagmulan ni Guimad
• Si Manik Buangsi
• Si Usman, Ang Alipin
Mga kuwentong-bayan
mula sa Mindanao
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay
• Ang pagbibigay ng mga patunay tungkol sa isang paksa ay isa sa mga uri ng
pagpapahayag. Naipakikita sa mga pahayag ng isang nagsasalita na siya’y isang
makilatis at mapagmasid sa kapaligiran kung ito ay naglalahad ng mga patunay. Ang
mga pang-abay na pagsang-ayon ay ginagamit sa pagbibigay ng patunay.
Paghihinuha ng mga Pangyayari batay
sa Akda
• Ang pabula ay nagsimula sa panitikang pasalita na nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon. Ito ay mga kuwento na ang gumaganap o mga tauhan ay hayop. Bagama’t
hayop ang mga tauhan ay masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao gaya ng
pag-uugali, pagiging masiyahin, sakim, malupit at marami pang iba.
• May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga.
Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka
ito sasakmalin at gugutay-gutayin.
• Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung
paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.
• Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa
katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang
Pusa. Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig
ito at mayabang na nagsalita.
“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”
Umaatikabong bulungan ang naganap.
“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung
tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa
atin.”
“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,” natutuwang
sabat ng Dagang Lalawigan.
Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.
“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.
“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako ng
Pusa.”
“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa lamang ako
ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!”
Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at
gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring
narinig na anuman.
Aral
• Balewala ang isang magandang
mungkahi kung wala namang may
gustong gumawa o tumulong sa
paggawa para makamit iyon.
• Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit
ano pang ganda ng mga salitang
sinabi nya kundi sa kanyang mga
gawa.
• LINK: https://pinoycollection.com/sino-
ang-magtatali-ng-kuliling/
Sanhi at Bunga
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na
nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap
ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito.
• Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga
pangyayari. Sinasagot ang katanungang “Bakit ito nangyari?”.
Ang mga panandang ginagamit sa paglalahad ng sanhi ay
sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, kasi.
Halimbawa:
• Ang bata ay nadulas dahil basa ang daan.
• Nakamit ni Alex ang kaniyang pangarap kasi nagsumikap siya.
• Hinahangaan ng mga tao si Aling Mary sapagkat siya ay
mabuting tao.
• Maraming tao ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa
dahilan sa kahirapan.
• Sumakit ang tiyan ni Warren dahil kumain siya ng marami.
• Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng
pangyayari. Ito ang epekto ng kadahinanan ng pangyayari.
Sinasagot naman ang tanong na “Ano ang naging epekto ng
naturang pangyayari? Ang mga panandang ginagamit
naman sa paglalahad ng bunga ay kaya/kaya naman, dahil
dito, bunga nito, tuloy.
Halimbawa:
• Napakalakas ng ulan kaya naman nagbaha sa daan.
• Hindi maingat sa pagmamaneho si G. Alvarez bunga nito
siya ay naaksidente.
• Mabilis magtiwala sa mga tao si Karen tuloy lagi siyang
naloloko.
• Nahulog ang kendi ng bata dahil dito umiyak siya nang
malakas.
• Hindi nag-aral nang mabuti si Lito kaya nakakuha siya ng
mababang marka.
FILIPINO 7
Unang Markahan
PAGSUSURI NG ISANG
DOKYU-FILM AT
PAGSASALAYSAY NANG
MAAYOS NA BANGHAY NG
KUWENTO, MITO, ALAMAT
AT KUWENTONG BAYAN
• Dokyu-film / Dokumentaryong
Pampelikula- Anumang bagay na
ating nakikita at napapanood ay may
malaking impluwensiya sa ating mga
kaisipan, gawi at pananaw sa buhay.
Lalo na’t kung ang ating mga
pinanonood ay yaong makabuluhan at
maiuugnay sa ating pangaraw-araw na
pamumuhay. Ito rin ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang
makita ang realidad at katotohanan.
Pangunahing layunin nito ang
magbigay impormasyon,manghikayat,
magpamulat ng mga kaisipan at
magpabago ng lipunan.
Mga elemento ng dokumentaryong
pampelikula:
• 1. Sequence iskrip – tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng
kuwento sa pelikula. Dito makikita ang
layunin ng kuwento.
• 2. Sinematograpiya – paraan ng pagkuha ng
wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at
lente ng kamera.
• 3. Tunog at musika – pagpapalutang ng
bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw
ang interes at damdamin ng mga manonood.
Iba pang elemento:
• Pananaliksik o riserts – Mahalagang sangkap sa
pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa
pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
• Disenyong pamproduksyon – Nagpapanatili sa
kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng masining na biswal
na pagkukuwento.
• Pagdidirehe – Mga pamamaraan at diskarte ng
direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa pelikula.
• Pag-eedit- Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong
muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng
istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang
isang pelikula.
DIMENSYONG PANLITERATURA: Isa sa mga mabisang
paraan ng pagsusuri ng isang pelikula bukod sa mga elemento nito
ay batay sa aspeto o dimensyon:
• Panlipunan / Sosyolohikal - Pagsusuri sa dinanas ng tauhan sa
lugar na kinabibilangan at sa nakasasalamuha na sumasalamin sa
tunay na pangyayari sa lipunan.
• Pangkaisipan / Sikolohikal - Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o
mensahe hango sa napanuod at kaugnayan sa tunay na
pangyayari sa buhay.
• Kalagayang pang-ekonomiya - Pagsusuri sa kalagayan at
kabuhayan ng tauhan sa pelikula.
• Pansarili o Personalisasyon - Pagsusuri sa napanuod batay sa
kaugnayan nito sa sarili o personal na karanasan at kalagayan sa
buhay.
• Pangkasaysayan / Historikal - Pagsusuri sa kaugnayan sa
nakalipas na pangyayari o sa kasaysayan. Isang halimbawa ng
dokumentaryong pampelikula ay ang “Manoro” (The Teacher).
Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o
“guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta.
Maikling Kwento
• Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang nagsasalaysay nang madali, maikli, at masining
na paraan. Ito rin ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng
Maikling Kwentong Tagalog”
Mitolohiya
• Ito ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga normal na karakter ay
naniniwala o sumasamba sa mga diyos at diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay-
bagay sa kanilang kapaligiran.
Alamat
• Ang alamat ay kuwento na kathang-isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di
pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t
ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.
Kuwentong Bayan
• Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang
mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o
pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at
tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
MGA ELEMENTO
• TAUHAN– ang nagbibigay buhay sa maikling kuwento. Hal. protagonista– mabuti,
anatagonista–masama
• TAGPUAN- panahon o lugar kung ano ang lagay ng panahon at kung saan ang
tagpuan na nakapaloob sa akda, hal. Tag-ulan, tag-init, tanghali o gabi, lungsod, lala
wigan, bundok o ilog.
• BANGHAY- tumutukoy ito sa maayos at wastong pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maunawaan ng mambabasa ang mga detalye o pangyayari sa
akda.
Mga bahagi ng banghay:
• SIMULA - may taglay na kawilihan at ipinapakilala ang mga tauhan.
• TUNGGALIAN- pakikitunggali ng mga tauhan o suliranin na kakaharapin.
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
• KASUKDULAN- pinakamataas na pangyayari, maaksiyon. Sa bahaging ito
ay unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
• KAKALASAN- Sa bahaging ito ay bumababa ang takbo ng kuwento at
nagbibigay daan sa wakas.
• WAKAS- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o
malungkot.
Mga bahagi ng banghay:
• SIMULA - may taglay na kawilihan at ipinapakilala ang
mga tauhan.
• TUNGGALIAN- pakikitunggali ng mga tauhan o
suliranin na kakaharapin.
• Tao laban sa tao
• Tao laban sa sarili
• Tao laban sa lipunan
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
• KASUKDULAN- pinakamataas na pangyayari,
maaksiyon. Sa bahaging ito ay unti-unting nabibigyang
solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
• KAKALASAN- Sa bahaging ito ay bumababa ang takbo
ng kuwento at nagbibigay daan sa wakas.
• WAKAS- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na
maaaring masaya o malungkot.
Mga Uri ng Maikling Kuwento
• Kuwento ng Tauhan - Inilalarawan dito ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang mambabasa.
• Kuwento ng Katutubong Kulay - Binibigyang diin
dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing lugar.
• Kuwentong Bayan - Inilalahad dito ang mga
kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.
• Kuwento ng Kababalaghan - Dito pinag-uusapan
ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
• Kuwento ng Katatakutan - Naglalaman naman ito
ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
• Kuwento ng Madulang Pangyayari - Binibigyang
diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari
na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
• Kuwento ng Sikolohiko - Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa
mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan.
• Kuwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas
ng pangyayari ang interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
• Kuwento ng Katatawanan - Ito ay nagbibigay-aliw
at nagpapasaya sa mambabasa.
• Kuwento ng Pag-ibig - Ito naman ay tungkol sa pag-
iibigan ng dalawang tao.
FILIPINO 7
Unang Markahan
Pagsusuri ng
Pagkamakatotohanan
ng Pangyayari Batay sa
Karanasan
Ang Mahiwagang Tandang
Isinulat ni Arthur P. Casanova Kuwento ng mga
Maranao (Bahagi lamang)
(Patutunugin ng isang guwardiya ang isang agong,
hudyat ng pagtawag ng kapulungan ng mga taumbayan,
lalaki, babae, bata’t matanda)
• Sultan Abdullah: Nais kong ipaalam sa inyo na ang
inyong prinsesa ay makaisang-dibdib ni Bagoamama
sa lalong madaling panahon.
• Mahiwagang Tandang: At lahat kayo ay
makatatanggap ng bigay-kaya.
• Korong lalaki: At tumilaok ng tumilaok ang
Mahiwagang Tandang.
• Korong Babae: Maraming tela ang lumabas sa bibig
ng Mahiwagang Tandang.
• Taumbayan 1: Ang gaganda ng kulay.
• Taumbayan 2: Ang gagara.
• Taumbayan 3: Elegante,Panreyna at pansultan ang
mga telang ito.
• Mahiwagang Tandang: Sige mamimli kayo ng gusto
ninyo. Huwag kayong mag-aagawan. Lahat kayo’y
makakatanggap ng tela buhat sa akin.
• Korong Babae: Nang magkaroon ng tela ang bawat
taumbayan ay nagsimula nang dumumi ang
Mahiwagang Tandang.
• Mahiwagang Tandang: (Pagtilaok)
• Taumbayan 4 : Ai-dao! Ginto”t pilak ang lumalabas
sa puwit ng tandang!
• Taumbayan 5:Ai-dao! Oo nga, Ginto’t pilak.
• Taumbayan 6: Para sa atin ba ang mga iyan?
• Mahiwagang Tandang:Oo, paghahatian lahat iyan.
• Korong lalaki: Tuwang-tuwa namulot ng mga ginto’t
pilak ang mga taumbayan.
• Korong babae: Naging masaya ang lahat.
• Mahiwagang Tandang: Bagoamama, sa palagay ko
ay tapos na ako sa aking misyon.Panahon na upang
ako’y lumisan.Dalangin ko ang masaya at masaganang
pamumuhay ninyo dito sa kaharian ng Agamaniog.
• Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila
ka! Sana ay dalawin mo kami sa hinaharap.salamat!
• Babae:Hindi naming malilimutan kailan man ang
iyong labis na kabutihan.Salamat sa ginintuan mong
puso.
• Korong Lalaki:Masayang lumipad ang Mahiwagang
Tandang sa himpapawid. (Ang lahat ay kumaway sa
Mahiwagang Tandang sa himpapawid)
• Bagoamama: Salamat muli kaibigan, Utang na loob
ko sa iyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon.Sana’y
patnubayan ka ni Allah.
FILIPINO 7
Unang Markahan
RETORIKAL
NA PANG-
UGNAY
• Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng
pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang
pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap
o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga
pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan
ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
• Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay
sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri ng pangangkop.
Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang
unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at panuring.
Halimbawa: mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n
tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang -ng
Halimbawa: huwarang pinuno
• Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang
salita ay nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.
• Halimbawa: mabuting kapatid
• Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-
uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
mga salita sa pangungusap. Narito ang
mga kataga/pariralang malimit na
gamiting pang-ukol. ( sa, ng, kay/kina,
alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon
sa/kay, hinggil sa/kay, ukol sa/kay, para
sa/kay, tungkol sa/kay)
Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay
• Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag
ng impormasyon.
• Halimbawa: at, pati
• Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay.
• Halimbawa: o, ni, maging
• Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang
nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
• Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
• Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan.
• Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman
• Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
• Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
• Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba,
pagkontra o pagtutol.
• Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagamat
PROYEKTONG
PANTURISMO
• Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura’t tradisyon at maging
sa mga magagandang pook o tanawin ay di maikakailang
may taglay itong angking kagandahan,dahil dito maraming
turistang dayuhan ang naaakit at naghahangad na mamasyal
dito sa ating bansa. Isa sa mayamang pulo ng bansa ay ang
Mindanao.Sa rehiyong ito,masasabing maraming nahalina
sa taglay nitong likas na kagandahan kung kaya’t ito’y
binigyang nang mas ibayong pagpapahalaga ng mga taong
naninirahan dito.Kung may naririnig na “It’s More Fun in
the Philippines”, masasabi ring “It’s more fun in
Mindanao”,dahil sa pisikal na kagandahan nito. Ngayon ay
gusto mong patunayan na “It’s more fun in Mindanao”,
ikaw ay isang advertising executive na kinausap ng
Departamento ng Turismo sa Mindanao upang bumuo ng
travel brochure na makapang-aakit ng mga turista upang
dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng
Makabuluhan at Mapanghikayat na
Proyektong Panturismo (Travel Brochure)
Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel
Brochure”
• Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito
ang aakit sa mga turista upang ito ay pasyalan.Alamin ang uri
ng turista na target ng iyong travel brochure.Sila ba’y mga
kabataan na mahilig sa adventure,mga mag-aaral na gusto ng
educational fieldtrip,pamilyang may mga anak o mga
nakakatanda o mga retirado.
Pagpili ng mga Larawang Isasama sa “Travel Brochure”
• Pumili ka ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel
brochure.Ang mga larawang ay inaasahang lalo pang
makapang-aakit sa target mong uri ng turista.Makabubuti kung
mas maraming larawan ang iyong ihahanda para mas marami
kang pagpipilian dahil hindi naman lahat ay isasama mo.
Pagbuo ng Burador para sa Iyong “Travel Brochure”
• Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay
makatutulong ang pagbuo muna ng burador para maging
huwaran o template ng iyong bubuoin, kahit wala
munang mga larawan o teksto,iguhit lang muna kung
saan ilalagay ang mga ito.
Pagbuo ng aktuwal na Travel Brochure
• Mula sa burador ay handang- handa ka na sa pagbuo ng
aktuwal na travel brochure.Gagamitin mo na ngayon ang
mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga
larawang pinili mo.Tiyaking malinaw at nababasa ang
mga teksto sa travel brochure.
Mga Sanggunian
• Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esguerra, Alma M. Dayag Pinagyamang
Pluma 7. 927 Quezon Avenue, Quezon City
• https://pinoycollection.com/sino-ang-magtatali-ng-kuliling/
• https://pinoycollection.com/regalo-sa-guro/
• Ang Mahiwagang Tandang: Buod Ng Kuwento Ng Mahiwagang Tandang. “Ang Mahiwagang
Tandang: Buod Ng Kuwento Ng Mahiwagang Tandang.” Philippine News, February 25, 2020.
https://philnews.ph/2020/02/25/ang-mahiwagang-tandang-buod-ng-kuwento-ng-
mahiwagangtandang/.
• Mga Learning Activity Sheets mula sa TCSD

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
chelsiejadebuan
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
Mean6
 
Ang Munting Ibon
Ang Munting IbonAng Munting Ibon
Ang Munting Ibon
Mckoi M
 

La actualidad más candente (20)

ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
 
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
KUWENTONG-BAYAN FILIPINO 7
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
 
Parabula (Filipino 10) .pptx
Parabula (Filipino 10) .pptxParabula (Filipino 10) .pptx
Parabula (Filipino 10) .pptx
 
MGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KAHULUGAN.pptx
MGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KAHULUGAN.pptxMGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KAHULUGAN.pptx
MGA PARAAN SA PAGBIBIGAY KAHULUGAN.pptx
 
Fil-Trailer.pptx
Fil-Trailer.pptxFil-Trailer.pptx
Fil-Trailer.pptx
 
Alamat ni Prinsesa Manorah.pptx
Alamat ni Prinsesa Manorah.pptxAlamat ni Prinsesa Manorah.pptx
Alamat ni Prinsesa Manorah.pptx
 
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxdulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
 
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdfGrade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
 
Noli Me Tangere Kabanata 2.pptx
Noli Me Tangere Kabanata 2.pptxNoli Me Tangere Kabanata 2.pptx
Noli Me Tangere Kabanata 2.pptx
 
LP-Filipino 7-Week 1,2.docx
LP-Filipino 7-Week 1,2.docxLP-Filipino 7-Week 1,2.docx
LP-Filipino 7-Week 1,2.docx
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoAralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
 
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptxPagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
Si Mangita at Larina g7
Si Mangita at Larina g7Si Mangita at Larina g7
Si Mangita at Larina g7
 
Grade10- Parabula
Grade10- ParabulaGrade10- Parabula
Grade10- Parabula
 
Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
 
Ang Munting Ibon
Ang Munting IbonAng Munting Ibon
Ang Munting Ibon
 
Talasalitaan kolokasyon
Talasalitaan kolokasyonTalasalitaan kolokasyon
Talasalitaan kolokasyon
 

Similar a FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx

1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
botchag1
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
CherJovv
 

Similar a FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx (20)

Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Pagsasalaysay
PagsasalaysayPagsasalaysay
Pagsasalaysay
 
1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
1Uri_ng_Akdang_Pampanitikan.pptx
 
Akdang pampanitikan
Akdang pampanitikanAkdang pampanitikan
Akdang pampanitikan
 
Maikling Tugmang Ganap Na Tula
Maikling Tugmang Ganap Na TulaMaikling Tugmang Ganap Na Tula
Maikling Tugmang Ganap Na Tula
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
hukuman-ni-sinukuan, alamat at mito.pptx
hukuman-ni-sinukuan, alamat at mito.pptxhukuman-ni-sinukuan, alamat at mito.pptx
hukuman-ni-sinukuan, alamat at mito.pptx
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
 
1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx
 
MGA URI NG TEKSTO PDF COPY BY DR. MARGIE R. NUNEZ.pdf
MGA URI NG TEKSTO PDF COPY BY DR. MARGIE R. NUNEZ.pdfMGA URI NG TEKSTO PDF COPY BY DR. MARGIE R. NUNEZ.pdf
MGA URI NG TEKSTO PDF COPY BY DR. MARGIE R. NUNEZ.pdf
 
MGA URI NG TEKSTO PPT BY DR. MARGIE R. NUNEZ final.pptx
MGA URI NG TEKSTO PPT BY DR. MARGIE R. NUNEZ final.pptxMGA URI NG TEKSTO PPT BY DR. MARGIE R. NUNEZ final.pptx
MGA URI NG TEKSTO PPT BY DR. MARGIE R. NUNEZ final.pptx
 
MODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptxMODYUL-1.pptx
MODYUL-1.pptx
 
Elemento ng Mito 4th quarter - Copy.pptx
Elemento ng Mito  4th quarter - Copy.pptxElemento ng Mito  4th quarter - Copy.pptx
Elemento ng Mito 4th quarter - Copy.pptx
 
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
 
filipino 10.pptx
filipino 10.pptxfilipino 10.pptx
filipino 10.pptx
 
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng AlamatElemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
Elemento ng Alamat Elemento ng AlamatElemento ng Alamat
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Alamat.pptx
Alamat.pptxAlamat.pptx
Alamat.pptx
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 

Más de Roel Agustin (7)

Why Christianity according to Jesus.pptx
Why Christianity according to Jesus.pptxWhy Christianity according to Jesus.pptx
Why Christianity according to Jesus.pptx
 
John 20 and the Deity of Christ: An Analysis.pptx
John 20 and the Deity of Christ: An Analysis.pptxJohn 20 and the Deity of Christ: An Analysis.pptx
John 20 and the Deity of Christ: An Analysis.pptx
 
Alamin ang mga Katibayan may Kinalaman sa Existence ng Diyos
Alamin ang mga Katibayan may Kinalaman sa Existence ng DiyosAlamin ang mga Katibayan may Kinalaman sa Existence ng Diyos
Alamin ang mga Katibayan may Kinalaman sa Existence ng Diyos
 
An Analysis to a Christian Leader’s Rants.pptx
An Analysis to a Christian Leader’s Rants.pptxAn Analysis to a Christian Leader’s Rants.pptx
An Analysis to a Christian Leader’s Rants.pptx
 
Apologia (Thrusday Preaching).pptx
Apologia (Thrusday Preaching).pptxApologia (Thrusday Preaching).pptx
Apologia (Thrusday Preaching).pptx
 
To Love your Fellowmen as Yourself (Sunday Sermon).pptx
To Love your Fellowmen as Yourself (Sunday Sermon).pptxTo Love your Fellowmen as Yourself (Sunday Sermon).pptx
To Love your Fellowmen as Yourself (Sunday Sermon).pptx
 
Why Christianity (Presentation).pptx
Why Christianity (Presentation).pptxWhy Christianity (Presentation).pptx
Why Christianity (Presentation).pptx
 

Último

ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 

Último (20)

curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 

FILIPINO 7 Unang Markahan.pptx

  • 2. Mga Nilalaman Kwentong Bayan Paghihinuha ng mga Pangyayari batay sa Akda Sanhi at Bunga Maikling Kwento Pagsusuri ng Pagkamakatotohanan ng Pangyayari Batay sa Karanasan Retorikal na Pang- ugnay Proyektong Panturismo
  • 4. Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi na nang ating katutubong panitikan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila. Ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang marunong na lalaki at babae, o kaya sa isang hangal na tao. Ang karaniwang paksa ng mga kuwentong-bayan ay mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos o diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy at iba pa.
  • 5. Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang mga akdang ito ay karaniwang may ibinibigay na mensaheng ubod ng kaalaman katulad ng salawikain. May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan.
  • 6. Mga halimbawa ng kuwentong-bayan sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas. • Si Mariang Mapangarapin • Si Malakas at si Maganda • Mga Kuwento ni Juan Tamad Mga kuwentong-bayan mula sa Luzon • Ang Kataksilan ni Sinogo • Ang Bundok ng Kanlaon • Ang Batik ng Buwan Mga kuwentong-bayan mula sa Kabisayaan • Pinagmulan ni Guimad • Si Manik Buangsi • Si Usman, Ang Alipin Mga kuwentong-bayan mula sa Mindanao
  • 7. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay • Ang pagbibigay ng mga patunay tungkol sa isang paksa ay isa sa mga uri ng pagpapahayag. Naipakikita sa mga pahayag ng isang nagsasalita na siya’y isang makilatis at mapagmasid sa kapaligiran kung ito ay naglalahad ng mga patunay. Ang mga pang-abay na pagsang-ayon ay ginagamit sa pagbibigay ng patunay.
  • 8.
  • 9. Paghihinuha ng mga Pangyayari batay sa Akda
  • 10. • Ang pabula ay nagsimula sa panitikang pasalita na nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon. Ito ay mga kuwento na ang gumaganap o mga tauhan ay hayop. Bagama’t hayop ang mga tauhan ay masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao gaya ng pag-uugali, pagiging masiyahin, sakim, malupit at marami pang iba.
  • 11. • May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin. • Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa. • Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa. Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita.
  • 12. “May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.” Umaatikabong bulungan ang naganap. “Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa atin.” “Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,” natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan. Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga. “Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.
  • 13. “Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako ng Pusa.” “Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!” Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.
  • 14. Aral • Balewala ang isang magandang mungkahi kung wala namang may gustong gumawa o tumulong sa paggawa para makamit iyon. • Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit ano pang ganda ng mga salitang sinabi nya kundi sa kanyang mga gawa. • LINK: https://pinoycollection.com/sino- ang-magtatali-ng-kuliling/
  • 16. Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito. • Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Sinasagot ang katanungang “Bakit ito nangyari?”. Ang mga panandang ginagamit sa paglalahad ng sanhi ay sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, kasi. Halimbawa: • Ang bata ay nadulas dahil basa ang daan. • Nakamit ni Alex ang kaniyang pangarap kasi nagsumikap siya. • Hinahangaan ng mga tao si Aling Mary sapagkat siya ay mabuting tao. • Maraming tao ang napipilitang magtrabaho sa ibang bansa dahilan sa kahirapan. • Sumakit ang tiyan ni Warren dahil kumain siya ng marami.
  • 17. • Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadahinanan ng pangyayari. Sinasagot naman ang tanong na “Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang mga panandang ginagamit naman sa paglalahad ng bunga ay kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy. Halimbawa: • Napakalakas ng ulan kaya naman nagbaha sa daan. • Hindi maingat sa pagmamaneho si G. Alvarez bunga nito siya ay naaksidente. • Mabilis magtiwala sa mga tao si Karen tuloy lagi siyang naloloko. • Nahulog ang kendi ng bata dahil dito umiyak siya nang malakas. • Hindi nag-aral nang mabuti si Lito kaya nakakuha siya ng mababang marka.
  • 19. PAGSUSURI NG ISANG DOKYU-FILM AT PAGSASALAYSAY NANG MAAYOS NA BANGHAY NG KUWENTO, MITO, ALAMAT AT KUWENTONG BAYAN
  • 20. • Dokyu-film / Dokumentaryong Pampelikula- Anumang bagay na ating nakikita at napapanood ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ito rin ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Pangunahing layunin nito ang magbigay impormasyon,manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan.
  • 21. Mga elemento ng dokumentaryong pampelikula: • 1. Sequence iskrip – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa pelikula. Dito makikita ang layunin ng kuwento. • 2. Sinematograpiya – paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng kamera. • 3. Tunog at musika – pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga dayalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.
  • 22. Iba pang elemento: • Pananaliksik o riserts – Mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. • Disenyong pamproduksyon – Nagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng masining na biswal na pagkukuwento. • Pagdidirehe – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng kuwento sa pelikula. • Pag-eedit- Ito ay pagpuputol, pagdurugtong-dugtong muli ng mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
  • 23. DIMENSYONG PANLITERATURA: Isa sa mga mabisang paraan ng pagsusuri ng isang pelikula bukod sa mga elemento nito ay batay sa aspeto o dimensyon: • Panlipunan / Sosyolohikal - Pagsusuri sa dinanas ng tauhan sa lugar na kinabibilangan at sa nakasasalamuha na sumasalamin sa tunay na pangyayari sa lipunan. • Pangkaisipan / Sikolohikal - Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o mensahe hango sa napanuod at kaugnayan sa tunay na pangyayari sa buhay. • Kalagayang pang-ekonomiya - Pagsusuri sa kalagayan at kabuhayan ng tauhan sa pelikula. • Pansarili o Personalisasyon - Pagsusuri sa napanuod batay sa kaugnayan nito sa sarili o personal na karanasan at kalagayan sa buhay. • Pangkasaysayan / Historikal - Pagsusuri sa kaugnayan sa nakalipas na pangyayari o sa kasaysayan. Isang halimbawa ng dokumentaryong pampelikula ay ang “Manoro” (The Teacher). Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta.
  • 24. Maikling Kwento • Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang nagsasalaysay nang madali, maikli, at masining na paraan. Ito rin ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog” Mitolohiya • Ito ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga normal na karakter ay naniniwala o sumasamba sa mga diyos at diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay- bagay sa kanilang kapaligiran.
  • 25. Alamat • Ang alamat ay kuwento na kathang-isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Kuwentong Bayan • Ang kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
  • 26. MGA ELEMENTO • TAUHAN– ang nagbibigay buhay sa maikling kuwento. Hal. protagonista– mabuti, anatagonista–masama • TAGPUAN- panahon o lugar kung ano ang lagay ng panahon at kung saan ang tagpuan na nakapaloob sa akda, hal. Tag-ulan, tag-init, tanghali o gabi, lungsod, lala wigan, bundok o ilog. • BANGHAY- tumutukoy ito sa maayos at wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari upang maunawaan ng mambabasa ang mga detalye o pangyayari sa akda. Mga bahagi ng banghay: • SIMULA - may taglay na kawilihan at ipinapakilala ang mga tauhan. • TUNGGALIAN- pakikitunggali ng mga tauhan o suliranin na kakaharapin. • Tao laban sa tao • Tao laban sa sarili • Tao laban sa lipunan • Tao laban sa kapaligiran o kalikasan • KASUKDULAN- pinakamataas na pangyayari, maaksiyon. Sa bahaging ito ay unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. • KAKALASAN- Sa bahaging ito ay bumababa ang takbo ng kuwento at nagbibigay daan sa wakas. • WAKAS- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
  • 27. Mga bahagi ng banghay: • SIMULA - may taglay na kawilihan at ipinapakilala ang mga tauhan. • TUNGGALIAN- pakikitunggali ng mga tauhan o suliranin na kakaharapin. • Tao laban sa tao • Tao laban sa sarili • Tao laban sa lipunan • Tao laban sa kapaligiran o kalikasan • KASUKDULAN- pinakamataas na pangyayari, maaksiyon. Sa bahaging ito ay unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. • KAKALASAN- Sa bahaging ito ay bumababa ang takbo ng kuwento at nagbibigay daan sa wakas. • WAKAS- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
  • 28. Mga Uri ng Maikling Kuwento • Kuwento ng Tauhan - Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag- unawa sa kanila ng isang mambabasa. • Kuwento ng Katutubong Kulay - Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar. • Kuwentong Bayan - Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. • Kuwento ng Kababalaghan - Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. • Kuwento ng Katatakutan - Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
  • 29. • Kuwento ng Madulang Pangyayari - Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. • Kuwento ng Sikolohiko - Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. • Kuwento ng Pakikipagsapalaran - Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran. • Kuwento ng Katatawanan - Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. • Kuwento ng Pag-ibig - Ito naman ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang tao.
  • 32. Ang Mahiwagang Tandang Isinulat ni Arthur P. Casanova Kuwento ng mga Maranao (Bahagi lamang) (Patutunugin ng isang guwardiya ang isang agong, hudyat ng pagtawag ng kapulungan ng mga taumbayan, lalaki, babae, bata’t matanda) • Sultan Abdullah: Nais kong ipaalam sa inyo na ang inyong prinsesa ay makaisang-dibdib ni Bagoamama sa lalong madaling panahon. • Mahiwagang Tandang: At lahat kayo ay makatatanggap ng bigay-kaya. • Korong lalaki: At tumilaok ng tumilaok ang Mahiwagang Tandang. • Korong Babae: Maraming tela ang lumabas sa bibig ng Mahiwagang Tandang.
  • 33. • Taumbayan 1: Ang gaganda ng kulay. • Taumbayan 2: Ang gagara. • Taumbayan 3: Elegante,Panreyna at pansultan ang mga telang ito. • Mahiwagang Tandang: Sige mamimli kayo ng gusto ninyo. Huwag kayong mag-aagawan. Lahat kayo’y makakatanggap ng tela buhat sa akin. • Korong Babae: Nang magkaroon ng tela ang bawat taumbayan ay nagsimula nang dumumi ang Mahiwagang Tandang.
  • 34. • Mahiwagang Tandang: (Pagtilaok) • Taumbayan 4 : Ai-dao! Ginto”t pilak ang lumalabas sa puwit ng tandang! • Taumbayan 5:Ai-dao! Oo nga, Ginto’t pilak. • Taumbayan 6: Para sa atin ba ang mga iyan? • Mahiwagang Tandang:Oo, paghahatian lahat iyan. • Korong lalaki: Tuwang-tuwa namulot ng mga ginto’t pilak ang mga taumbayan. • Korong babae: Naging masaya ang lahat.
  • 35. • Mahiwagang Tandang: Bagoamama, sa palagay ko ay tapos na ako sa aking misyon.Panahon na upang ako’y lumisan.Dalangin ko ang masaya at masaganang pamumuhay ninyo dito sa kaharian ng Agamaniog. • Bagoamama: Paalam Mahiwagang Tandang! Dakila ka! Sana ay dalawin mo kami sa hinaharap.salamat! • Babae:Hindi naming malilimutan kailan man ang iyong labis na kabutihan.Salamat sa ginintuan mong puso. • Korong Lalaki:Masayang lumipad ang Mahiwagang Tandang sa himpapawid. (Ang lahat ay kumaway sa Mahiwagang Tandang sa himpapawid) • Bagoamama: Salamat muli kaibigan, Utang na loob ko sa iyo ang lahat ng tinatamasa ko ngayon.Sana’y patnubayan ka ni Allah.
  • 38. • Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
  • 39. • Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pangangkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at panuring. Halimbawa: mapagmahal na hari Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang -ng Halimbawa: huwarang pinuno • Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. • Halimbawa: mabuting kapatid
  • 40. • Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol. ( sa, ng, kay/kina, alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, ukol sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay)
  • 41. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay • Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon. • Halimbawa: at, pati • Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay. • Halimbawa: o, ni, maging • Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan. • Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa • Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan. • Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman • Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. • Halimbawa: kapag, pag, kung, basta • Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol. • Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagamat
  • 43. • Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura’t tradisyon at maging sa mga magagandang pook o tanawin ay di maikakailang may taglay itong angking kagandahan,dahil dito maraming turistang dayuhan ang naaakit at naghahangad na mamasyal dito sa ating bansa. Isa sa mayamang pulo ng bansa ay ang Mindanao.Sa rehiyong ito,masasabing maraming nahalina sa taglay nitong likas na kagandahan kung kaya’t ito’y binigyang nang mas ibayong pagpapahalaga ng mga taong naninirahan dito.Kung may naririnig na “It’s More Fun in the Philippines”, masasabi ring “It’s more fun in Mindanao”,dahil sa pisikal na kagandahan nito. Ngayon ay gusto mong patunayan na “It’s more fun in Mindanao”, ikaw ay isang advertising executive na kinausap ng Departamento ng Turismo sa Mindanao upang bumuo ng travel brochure na makapang-aakit ng mga turista upang dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao.
  • 44. Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng Makabuluhan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo (Travel Brochure) Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong “Travel Brochure” • Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga turista upang ito ay pasyalan.Alamin ang uri ng turista na target ng iyong travel brochure.Sila ba’y mga kabataan na mahilig sa adventure,mga mag-aaral na gusto ng educational fieldtrip,pamilyang may mga anak o mga nakakatanda o mga retirado. Pagpili ng mga Larawang Isasama sa “Travel Brochure” • Pumili ka ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel brochure.Ang mga larawang ay inaasahang lalo pang makapang-aakit sa target mong uri ng turista.Makabubuti kung mas maraming larawan ang iyong ihahanda para mas marami kang pagpipilian dahil hindi naman lahat ay isasama mo.
  • 45. Pagbuo ng Burador para sa Iyong “Travel Brochure” • Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng burador para maging huwaran o template ng iyong bubuoin, kahit wala munang mga larawan o teksto,iguhit lang muna kung saan ilalagay ang mga ito. Pagbuo ng aktuwal na Travel Brochure • Mula sa burador ay handang- handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure.Gagamitin mo na ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga larawang pinili mo.Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure.
  • 46. Mga Sanggunian • Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esguerra, Alma M. Dayag Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon Avenue, Quezon City • https://pinoycollection.com/sino-ang-magtatali-ng-kuliling/ • https://pinoycollection.com/regalo-sa-guro/ • Ang Mahiwagang Tandang: Buod Ng Kuwento Ng Mahiwagang Tandang. “Ang Mahiwagang Tandang: Buod Ng Kuwento Ng Mahiwagang Tandang.” Philippine News, February 25, 2020. https://philnews.ph/2020/02/25/ang-mahiwagang-tandang-buod-ng-kuwento-ng- mahiwagangtandang/. • Mga Learning Activity Sheets mula sa TCSD