5. Ang mga sumusunod ang sinasabing mga dahilan ng pag-usbong ng repormasyon: 1. Paghina ng kapangyarihan ng mga Santo Papa dahil na rin sa pagtutunggalian ng mga ito sa kapangyarihan at pagpapahayag ng mga kautusan. 2. pagkamulat ng mga tao bunsod ng panahon ng Renaissance. 3. Pagtuligsa ng ilang grupong kabilang sa estado sa kapangyarihan ng Santo Papa at ng simbahan. REPORMASYON
6.
7. Si John Wycliffe ay isang guro sa Unibersidad ng Oxford. Tinuligsa niya ang kapangyarihan ng Santo Papa at ng mga Obispo. Ayon sa kanya, kinakailangang mamuhay nang simple ang mga pari. Iminungkahi niyang gamitin ng lahat ng tao ang Bibliya bilang gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Isinalin rin niya ang Bibliya sa wikang Ingles. Ang mga tagasunod niya ay tinatawag na Lollards.
8. Isang pari sa Bohemia na naging rektor ng Unibersidad ng Praque. Sinusuportahan ni Hus ang mga aral at mga tuntunin ni John Wycliffe. Tinuligsa niya ang karangyaan ng mga pinuno ng simbahan at ang pagbebenta ng indulhensiya. John Hus
9. Ang pagtututol niyang ito sa sistema habang namumuhay bilang isang pari sa simbahan ang nagaing naging dahilan upang ipatawag siya sa Konseho ng Contance. Dahil sa hindi niya pagpayag na bawiin ang kanyang mga sinabing di maganda ukol sa simbahan, itinuring siyang erehe at hinatulang mamatay sa pamamagitan ng pagsunog.
13. Isang mongheng Augustinian na isinilang sa Alemanya. Siya ay nakapagtapos sa Unibersidad ng Erfurt at naging propesor sa Unibersidad ng Wittenberg. Ang unang-una niyang tinuligsa sa simbahan ay ang itinuro nitong konsepto sa mga tao ukol sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Tinuligsa niya ang mga maling panuntunan ng simbahan gaya ng idulhensiya ay sinasabing kabawasan ng kaparusahan sa purgatoryo. Martin Luther
15. (1517) Ipinalabas niya ang kanyang Ninety-Five Theses na tumutukoy sa 95 puntos laban sa mga gawain at paniniwalang Katoliko. Tinuligsa rin dito ang pang-aabuso ng simbahan sa mga salaping nalilikom nito. Dahil dito, binansagang erehe si Luther. Naging matigas si Luther dahil sa kanyang paniniwalang ang Bibliya ang tunay na batayan ng pananampalataya at hindi ang mga utos ng Santo Papa. Dahil na rin sa Kanyang magaling na pagtatalumpati, maraming taong yumakap sa paniniwalang Lutheranismo.
21. Nabahala ang simbahan at itiniwalag si Luther mula sa kanilang hanay. Si Frederick the Wise, ang prinsipe ng Saxony, ang tumulong kay Luther. Itinago niya ito sa kastilyo ng Wartburg. Sa panahon ng pag-iisa at pagmumuni-muni, isinalin ni Luther ang Bibliya sa wikang Aleman. Ito ang naging paraan upang lalong makahikayat ng mga miyembro si Luther.
29. Huldreich Zwingli Si Huldreich Zwingli ang itinuturing na tagapagtatag ng Protestantismo sa Switzerland. Naging panuntunan ni Zwingli ang kalayaan. Para sa kanya, ang Bibliya ang saligan ng pananampalataya ng mga Kristiyano. Hindi siya sumasang-ayon sa debosyon sa mga santo at sa pagbibigay ng malaking kapangyarihan sa Papa. Si Zwingli ay namatay nong 1531 sa isang digmaan sa pagitan ng mga Protestante at Katoliko.
30. John Calvin Si john Calvin ay isang abogadong Pranses. Siya ay nakapag-aral sa mahuhusay na paaralan. Sa Paris, naimpluwensyahan siya ng mga pilosopiya ni Erasmus. Sinulat niya ang Institutes of the Christian Religion na naging batayan ng mga tuntunin ng Protestantismo. Hindi siya naniniwala sa mga imahen ng mga santo at krusipiho. Itinuturing siyang pinuno ng repormasyon sa Geneva. Nakarating din at lumaganap ang Calvinismo sa Alemanya, lalo na nang sakupin ni Frederick II ang nasabing bansa.
35. ANG KONSEHO (KONSILYO) NG TRENT Ang Konsilyo ng trent ay itinuturing na malaking hakbang sa Repormasyong Katoliko na ipinatawag ni Papa Pablo III noong 1545. tumagal ang konsilyo hanggang 1564. Nakabuo ito ng mga dikreto para sa mga Katoliko at sa simbahan, tulad ng: 1. Ang kasulatan at tradisyon ay kapwa tanggap ng pang-gagalingan ng doktrinang Katoliko. 2. Itinuturing na mahalagang bahagi ng simbahan ng Banal na Misa, mga sakramento, paggalang sa mga santo at iba pang doktrina. 3.Ang pagtakda sa mataas na antas ng kaasalan.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47. MGA BUNGA NG REPORMASYON AT KONTRA REPORMASYON 1. Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisang bayan sa Europa na may relihiyong Katoliko. Ang mga bayang ito ngayon ay nahahati sa pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante. 2. Pagkakaroon ng maliit na sekta ng Kristiyanismo gaya ng Presbyterians,Puritians at Protestante. Ang repormasyon at ang Kontra Repomasyon na ipinantapat dito ay nagbunga ng mga sumusunod:
48.
49. IBA PANG MGA DIGMAAN SA PAGITAN NG MGA PROTESTANTE AT KATOLIKO