7. Magturo
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang wasto
at nararapat na konsepto o kaisipan ukol sa isang
paksa, o pagbibigay ng wastong paraan upang
makabuo ng isang bagay.
8. Magbigay-Kabatiran
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang mga
kaalaman o impormasyon ukol sa isang paksa na
hindi pa nalalaman ng mga tagapakinig
9. Manghikayat
Layunin ito ng pagtatalumpati na makapanghimok
tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa isang
paniniwala o hangarin.
10. Manlibang
Layunin ito ng pagtatalumpati na makapagbigay-
aliw at maging kawili-wili sa mga tagapakinig.
11. Magbigay-puri
Layunin ito ng pagtatalumpati na papurihan ang
tao o ahensyang nagbigay ng kaaya-ayang
karanasan sa tagapagsalita.
12. Magbigay-puna
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibibigay
ang mga maling kaganapan sa lipunang
ginagalawan ng mga tagapakinig.