2. Bulkang Mayon
Ang bulkang Mayon
ay may hugis kono na
halos perpekto, kung
kaya dinarayo ito ng
mga turista. Aktibo
ang bulking ito na
matatagpuan sa
lalawigan ng Albay.
3. Bulkang Taal
Ang Bulkang Taal ang isa sa pinakamaliit
na bulkan sa buong mundo. Makikita ang
bulkang taal sa lawa ng Taal na paborito
ring tanawin sa lalawigan ng Batangas
4. CHOCOLATE HILLS
Matatagpuan ang Chocolate
Hills sa Bohol. Tla kumpol-
kumpol na tsokolate ang
mga burol na ito.
Karaniwang berde ang mga
burol dahil malago ang mga
damo rito. Nagiging kulay
tsokolate naman ito kapag
natutuyo ang mga damo
dahil sa init.
5. BUNDOK APO
Ito ang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas.
Maraming mga turista at
ibat ibang pangkat ng mga
mountaineer ang
dumadayo upang
marating ang tuktok nito.
6. Matatagpuan ang mga
hagdanang-palayan sa
lalawigan ng Ifugao at naging
tagapag-alaga nito ang mga
taong Ifugao. Umiikot ang
kultura ng Ifugao sa palay, at
nagbubunga ang kultura ng
mga masalimuot na
pagdiriwang na konektado sa
ritong pansaka mula sa
paglilinang ng palay hanggang
pagkakain ng kanin.
BANAUE RICE TERRACES
7. MARLBORO COUNTRY
Unti unti nang nakikilala ang
Racuh a Payaman
(Malawak na pastulan) sa
Batanes, ang lalawigang
matatagpuan sa
pinakadulong hilaga ng
bansa. Ang Racuh a
Payaman ay mas kilala sa
mga turista bilang Marlboro
Country.
8. HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK
isang destinasyong
panturista na matatagpuan
sa Lungsod ng
Alaminos, Pangasinan.Ito
ang unang pambansang
parke ng Pilipinas.
Binubuo ito ng humigit-
kumulang 124 na malalaki
at maliliit na pulo, ngunit 100
pulo lamang ang makikita
tuwing tataas na paglaki ng
tubig.
9. LOOK NG MAYNILA
isa sa mga
pinakamainam na likas
na daungan sa mundo
na nagsisilbing puerto
ng Maynila (sa Luzon),
sa Pilipinas.
10. TALON NG MARIA CRISTINA
Isa sa mga pinakatanyag na
talon sa bansa. Matatagpuan
ito sa Iligan City,Lanao del
Norte. Dinarayo rin ito ng mga
turista. Nakamamanghang
panoorin ang pagbagbagsak
ng tubig nito.
Napagkukunan ng kuryente
ang malaking bahagi ng
Mindanao ang lakas ng tubig
na bumabagsak dito.
11. HINATUAN ENCHANTED RIVER
Isa sa mga ipinagmamalaki ng
bayan ng Hinatuan,Surigao
del Sur. Maraming nabibighani
rito dahil sa napakalinaw na
tubig rito. Sinasabing may
misteryong bumabalot sa ilog
dahil tila walang hangganan
ang lalim nito at di matukoy na
pinagmulan ng tubig nito.
12. BORACAY BEACH
Matatagpuan sa lalawigan ng
Aklan ang Boracay Beach.
Dinarayo ito ng maraming
Pilipino at mga dayuhang turista.
Nong 2016, pinangalanang Best
Island ang Boracy beach dahil
sa maputi at napakapinong
buhangin nito. Ang karangalang
ito ay mula sa isang tanyag na
pandaigdigang babasahin, ang
Conde Nast Traveler.
13. TINAGO FALLS
Matatagpuan sa Iligan City,
Lanao del Norte ang Tinago
Falls. Hango ang panagalan
nito sa salitang “tinago” dahil
tila nakatago ito sa isang
matarik at makipot na
lambak. Sa kabila nito,
patuloy pa rin itong dinarayo
ng mga turista dahil sa likas
nitong kagandahan.
14. PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN
RIVER NATIONAL PARK
Kabilang sa World
Heritage Site ng UNESCO
ang Puerto Princesa
Subterranean River
National Park sa Palawan.
Noong 2012, napabilang
sa New Seven wonders of
Nature ng grupong New 7
Wonders Foundation ang
prke na ito na higit na
nagpatanyag sa Pilipinas.
15. TUBBATAHA REEF NATIONAL MARINE PARK
Matatagpuan ang Tubbataha
Reef National Marine Park sa
Cagayancillo, Palawan.
Pinangangalagaan ito dahil sa
ibat ibang yamang dagat tulad ng
ibat ibang uri ng isda, mga ibon,
at makukuklay na korales na
matatagpuan dito.
Noong 1993, idineklara ng
UNESCO ang Tubbataha Reef
National Marine Park bilang isang
World Heritage Site.