SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 13
Descargar para leer sin conexión
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 2 - Module 3a
Opinyon Mo, Igagalang Ko
5
1
Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay dinisenyo at sinulat para sa batang katulad mo
upang malaman kung paano makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa
anumang ideya/opinion. Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan ang aralin.
Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay naglalaman ng aralin: Opinyon Mo, Igagalang Ko.
( ESP 5P –lld-e-25)
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
1. makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa anumang
ideya/opinion.
Panimula
2
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding
pasubalian ng iba.
A. Sagot
B. Opinyon
C. Kagustuhan
D. Katanungan
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba?
A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya.
B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro.
C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya.
D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral.
3. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao?
A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon.
B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon.
C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao.
D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba.
4. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao?
A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo.
B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan.
C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili.
D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa
kapwa.
5. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng
ibang tao.
A. awa
B. galit
C. respeto
D. wala sa nabanggit
6. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
A. Pagtitiis
B. Pagsisilbi
C. Paggalang
D. Pagmamahal
7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba?
A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan.
B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro.
C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo.
D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang
mungkahi nito.
8. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao?
3
A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin.
B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa.
B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao.
9. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik
sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit
10. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang
kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit
4
Bawat nilalang ng Diyos ay binigyan Niya ng iba’t – ibang kaalaman, karunungan,
kahusayan at kaisipan. Bilang tao na may mataas na antas ng kaalaman ay mayroon tayong
pagkakataon na magbigay ng sari – sarili nating ideya / opinyon. Sa kadahilanang mayroon
tayong iba’t – ibang kaisipan kung kaya may iba’t –iba rin tayong ideya / opinyon.
Ano ang marapat na gawin sa mga pagkakataong sumalungat ang iyong ideya /
opinyon sa pananaw ng ibang tao?
Basahin at Unawain!
Isang umaga habang nagbabasa ng dyaryo si Gng. Anacay ay napansin niya ang
headline nito tungkol sa usapin ng K – 12 Porgram. Dahil dito ay napagpasyahan niyang
ipasok ito sa kanyang leksyon.
Sa pagsisimula ng kanyang klase ay hiningi, inaalam niya ang opinyon ng mga mag –
aaral hinggil sa K – 12 Program at mula dito ay hinati niya ang mga bata sa dalawang grupo
lahat ng pabor sa K – 12 ay ang mga “PRO” at ang mga hindi pabor naman ay mga “ANTI”.
Sa pagsisimula ng debate ang lahat ay naging aktibo bawat isa may sinsabi. At para pormal
na pasimulan ang debate nagbigay ng ilang pamantayan ang guro para maging maganda at
maayos ang takbo ng gawain.
Gng. Anacay: Ngayon ang lahat ay nandito upang pagtibayin ang iba’t – ibang opinyon ng
mga mag – aaral tungkol sa maugong na usapin ng K – 12 Program. Atin nang pasimulaan
ang “DEBATIHAN 2016: ALIN ANG MAS MABISA SA SISTEMA NG EDUKASYON, K – 12 O
TRADISYUNAL? IKAW KABATAAN SAAN KA?”
Pro: Magandang umaga po sa inyong lahat. Kami po ang grupo na Pro K – 12. Bilang isang
mag –aaral mahalaga po sa amin ang magkaroon ng isang magandang pondasyon ng
edukasyon at sa aking palagay ito ay makakamtam ko sa ilalaim ng K – 12 Program. Ang
programang ito ay isang magandang tugon ng gobyerno para sa makalumang sistema ng
edukasyon ng ating bansa.
Anti: Kami naman po ang Anti K – 12. Hindi po ako sang –ayon sa tinuran ng aking kamag –
aral. Bago pa man umusbong ang programang K – 12 ay marami ng mga magagaling na
Pilipino ang kinilala sa loob at labas ng ating bansa. Ito’y isang patunay lamang na hindi K –
12 ang sagot upang magkaroon ng isang magandang sistema ng edukasyon.
Pro: Ang mga kaganapan na iyan ay noong mga nakakaraang panahon pa. Sa kasalukuyan,
hindi na angkop ang mga istratehiya ng guro sa pagtuturo ng mga leksyon. Iba na ang interes
ng mga mag –aaral ngayon. Karamihan sa atin ay umiikot na ang buhay sa modernong
teknolohiya at iyan ang binibigyang pansin sa programa ng K – 12. Isang makabagong
pamamaraan ng pagtuturo ng guro gamit ang teknolohiya na tiyak na pupukaw sa interes ng
mga mag – aaral na isang mahalagang sangkap para sa kanilang pagkatuto.
Anti: Hindi ako sang – ayon sa ganyang kaisipan. Para saan pa at may guro. Kaya nga sila
nandiyan ay para mag –isip ng iba’t – ibang pamamaraan upang mailahad at maipaunawa
ang leksyon sa mga mag – aaral. Isa pa hindi lahat ng guro ay may kasanayan pagdating sa,
modernong teknolohiya. Paano sila makapagsasagawa ng leksyon kung hindi nila alam ang
paggamit ng mga kagamitang multimedia at marami pang iba.
Pag-aralan
5
Pro: Kung ang bata nga nagagawang pag –aralan ang mga pagbabagong ito ano pa kaya ang
mga guro. Papayag ba sila na mas magagaling pa ang mga mag –aaral kaysa sa kanila?
Siyempre hindi, dahil ngayon bata man o matanda basta ginusto mo magagawa mo. Ayon
nga sa kasabihan, “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan. At para sa akin
K – 12 ang sagot upang makasabay ang mga Pilipino sa lahat ng mga pagbabagong
nagaganap sa mundo. Dapat ay handa at armado tayo ng mga kaalaman upang tayo’y
makilala bilang isang 21st
Century na mag –aaral: matapang, matalino, malikhain at magaling
kayang sumabay sa lahat at ito ay dahil sa K – 12 Program.
Anti: Magaling sa iyo na din mismo nanggaling kapag ginusto. Ito ay wala sa mga mag –aaral
ngayon ang kagustuhan nilang matuto at mag – aral. Kasi kapag ang isang bagay ay iyong
ginusto makukuha at makukuha mo ito. Gaya sa pag –aaral kung talagang nanaisin ng bata
na makatapos tradisyunal man na programa o K – 12 siya’y makapagtatapos. Nasa
disposisyon at pagtitiyaga ito ng mag –aaral.
Gng. Anacay: Matapos ninyong maipahayag ang kanya – kanya ninyong mga ideya / opinyon
masasabi kong ang dalawang pangkat ay matagumpay na nakabuo at nakapagpahayag ng
kanilang mga ideya / opinyon na naayon sa kani – kanilang mga pananaw. Ngunit marapat
na inyong tandaan Pro man o Anti yan ay batay sa inyong opinyon dapat ninyong igalang.
Muli ang aking pagbati sa inyong lahat.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasang seleksiyon?
2. Bakit kaya sa palagay mo ay magkaiba ng ideya / opinyon ang mga bata sa
kuwentong binasa?
3. Sa iyong palagay, ano ang pinagbatayan ng mga mag –aaral sa kanilang mga
opinyon na ibinigay hinggil sa naturang usapin? Pagtibayin ang iyong sagot.
4. Kung ikaw ang kalahok sa naturang debate, ano ang marapat mong gawin upang
maiwasan ang conflict sa pagitan ng dalawang pangkat?
Tandaan Natin!
Kanya –kanyang kahusayan, kaalaman, karunungan at higit sa lahat ideya / opinyon.
Ang bawat taong nilalang ay may ideya / opinyon na tanging sarili lamang niya ang
masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan. Subalit
dapat nating tandaan na ano mang ideya / opinyon ng bawat isa ay dapat nating isaalang –
alang at igalang upang hindi pagmulan ng ano mang kaguluhan. “Respeto” ang dapat itanim
sa ating puso at damdamin upang matanggap natin ang ideya / opinyon ng kapwa natin.
Para naman sa ating sarili, mas makabubuti na pakinggan natin ang ideya / opinyon
ng iba upang magamit natin bilang gabay at pamantayan natin sa ating pang – araw – araw
na pamumuhay.
6
Gawain 1
Panuto. Lagyan ng (√ ) ang patlang kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong
kaisipan at (X) naman kung hindi.
______1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya
ay mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilig siyang
maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais.
______2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni
Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay
magkasamang ipinagbigay-alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot
na pitaka.
______3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi
pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya.
______4. Ang mag-asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa
darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na
kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napagdesisyunan.
______5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang
pag-kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayag si Bea,
ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
Gawain 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang mabuting pagtanggap
sa opinyon nang ibang tao at MALI naman kung hindi.
__________1. Nagalit si Nina sa kanyang kapatid dahil sa sinabi nitong mas mainam kung
uunahin niya ang paglilinis ng kanyang silid dahil ito ay makalat bago niya gawin ang kayang
takdang-aralin.
__________2. Nakinig at sumang-ayon si Gng. Reyes sa opinyon ng kanyang kapitbahay
tungkol sa proyektong tinatrabaho nila para sa kanilang barangay.
__________3. Hindi nakinig si Josephine sa mungkahing binigay ni Astrid, bagkus sinunod
nya ang kanyang kagustuhan para sa kanilang pangkatang gawain sa paaralan.
__________4. Nagbigay ng iba’t ibang opinyon ang mga miyembro ni Karen sa kanilang grupo
upang makagawa sila nang maganda at maayos na proyekto.
__________5. Napagkasunduan nang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ang ideya na
binigay ni Bb. Santos para sa kanilang Christmas Party.
Gawain 3
Mga Gawain
7
Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya /
opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyon sa ibaba
1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may nakita kang grupo ng mga raliyista na
nanawagan sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Si Kapitan Francisco Alimagno ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng
mga alagang hayop ay hindi na maaaring magpakalat kalat sa buong barangay ng Sala.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan mang dako, bilang pagtugon dito ay
ipinagbawal na sa Lungsod ng Cabuyao ang paggamit ng iba’t – ibang uri ng plastic gaya ng
straw, bag at marami pang iba.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag – anunsiyo ang inyong punongguro na tatanggalin
na sa kantina lahat ng mga panindang hindi masustansya gaya ng junkfood, tetra pack na
juice, hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito
mong kinakain tuwing recess.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Sa wakas ikaw ay papasok na nang kolehiyo inakala mong matutupad na ang iyong
pangarap na maging guro ngunit biglang nagdesisyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw
ay maging inhinyero dahil wala pa daw inhinyero sa inyong pamilya samantalang ang guro
nandiyan ang nanay at ate mo.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Puntos Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
3 Napakalinaw ang pagkakabuo
2 Malinaw ang pagkakabuo ng ideya
1 Hindi gaanong malinaw ang pagkakabuo
Repleksiyon
8
1 bagay na
nakapagpalito
Panuto: Kumpletuhin ang 3-2-1 na tsart tungkol sa iyong kaalaman sa paggalang sa
anumang ideya/opinion ng iba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
.
Ang natutunan ko…
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
__
Ang bagay na nakapukaw ng aking interes…
1. __________________________________
2. __________________________________
Kailangan ko pang matutunan ang…
1. _________________________________
2 bagay na
nakapukaw ng
interes
2
3 bagay na
natutunan
1
3
9
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng
ibang tao.
A. Awa
B. Galit
C. Respeto
D. Wala sa nabanggit
2. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
A. Pagtitiis
B. Pagsisilbi
C. Paggalang
D. Pagmamahal
3. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik
sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit
4. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang
kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Wala sa nabanggit
5. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding
pasubalian ng iba.
A. Sagot
B. Opinyon
C. Kagustuhan
D. Katanungan
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba?
A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya.
B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro.
C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya.
D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral.
7. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao?
A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon.
B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon.
C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao.
D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba.
Panapos na Pagtataya
10
8. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao?
A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo.
B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan.
C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili.
D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa
kapwa.
9. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao?
A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin.
B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa.
B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao.
10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba?
A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan.
B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro.
C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo.
D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang
mungkahi nito.
11
Susi sa Pagwawasto
Paunang
Pagtataya
1.
B
2.
B
3.
C
4.
D
5.
C
6.
C
7.
C
8.
B
9.
B
10.
A
Gawain
1
1.
√
2.
√
3.
X
4.
√
5.
X
Gawain
2
1.
MALI
2.
TAMA
3.
MALI
4.
TAMA
5.
TAMA
Repleksiyon
Maaring
magkaiba
ang
mga
sagot.
Panapos
na
Pagtataya
1.
C
2.
C
3.
B
4.
A
5.
B
6.
B
7.
C
8.
D
9.
B
10.
C
Gawain
3
Maaring
magkaiba
ang
mga
sagot.
12
Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)
Manunulat : Marites S.Ensomo
Editor : Rowena Ebero
Tagasuri : Linda T. Geraldino
Venessa C. Cantojos
Taga Pamahala : Karen L. Galanida
Elizabeth S. Larase
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Noemi D. Lim
Linda T. Geraldino
Kagamitan ng Mag-aaral. Region IV-A Calabarzon. Division of
Laguna.
Published by the Department of Education, Caraga Region
Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden
Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City
Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph
Sanggunian

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptxQ2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
JeanneAmper1
 
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siyaGrade 4-filipino-ako-ikaw-siya
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
EDITHA HONRADEZ
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
GeraldCanapi
 

La actualidad más candente (20)

Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptxQ2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
Q2_ARALAIN1_MGA SALITANG HIRAM.pptx
 
Kasarian ng pangngalan
Kasarian ng pangngalanKasarian ng pangngalan
Kasarian ng pangngalan
 
GRADE 4 ESP LESSON PLAN
GRADE 4 ESP LESSON PLANGRADE 4 ESP LESSON PLAN
GRADE 4 ESP LESSON PLAN
 
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop saPaggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
 
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga oTungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
 
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panutoFilipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
 
Yunit 2 aralin 1 pag uugnay ng kapaligiran at uri ng hanapbuhay
Yunit 2 aralin 1 pag uugnay ng kapaligiran at uri ng hanapbuhayYunit 2 aralin 1 pag uugnay ng kapaligiran at uri ng hanapbuhay
Yunit 2 aralin 1 pag uugnay ng kapaligiran at uri ng hanapbuhay
 
opinyon _reaksyon.pptx
opinyon _reaksyon.pptxopinyon _reaksyon.pptx
opinyon _reaksyon.pptx
 
Ang Pang - ukol
Ang Pang - ukolAng Pang - ukol
Ang Pang - ukol
 
Filipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at BungaFilipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at Bunga
 
Gamit at Pinanggagalingan ng Tunog.pptx
Gamit at Pinanggagalingan ng Tunog.pptxGamit at Pinanggagalingan ng Tunog.pptx
Gamit at Pinanggagalingan ng Tunog.pptx
 
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siyaGrade 4-filipino-ako-ikaw-siya
Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya
 
Esp 4 unit 2 aralin 4
Esp 4 unit 2 aralin 4 Esp 4 unit 2 aralin 4
Esp 4 unit 2 aralin 4
 
maikling kwento.pptx
maikling kwento.pptxmaikling kwento.pptx
maikling kwento.pptx
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
 
Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6
 
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yamanAralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 
Kailanan ng pangngalan
Kailanan ng pangngalanKailanan ng pangngalan
Kailanan ng pangngalan
 
Mga Pagbabago sa Paaralan
Mga Pagbabago sa PaaralanMga Pagbabago sa Paaralan
Mga Pagbabago sa Paaralan
 

Similar a SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a .pdf

Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Ezekiel Patacsil
 
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
MaeShellahAbuyuan
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ShydenTaghapBillones
 
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakataoDLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
SarahmaySaguidon
 

Similar a SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a .pdf (20)

Paggalang sa Opinyon ng Iba edukasyon sa pagpapakatao
Paggalang sa Opinyon ng Iba  edukasyon sa pagpapakataoPaggalang sa Opinyon ng Iba  edukasyon sa pagpapakatao
Paggalang sa Opinyon ng Iba edukasyon sa pagpapakatao
 
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeDLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
 
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxDLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
 
Q1-W2-DAY 3.docx
Q1-W2-DAY 3.docxQ1-W2-DAY 3.docx
Q1-W2-DAY 3.docx
 
DLL ESP (MELCs) W4.docxddddddddddddddddd
DLL ESP (MELCs) W4.docxdddddddddddddddddDLL ESP (MELCs) W4.docxddddddddddddddddd
DLL ESP (MELCs) W4.docxddddddddddddddddd
 
modyul5-140823102503-phpapp01.pdf
modyul5-140823102503-phpapp01.pdfmodyul5-140823102503-phpapp01.pdf
modyul5-140823102503-phpapp01.pdf
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
 
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptxESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
ESP8-PAKIKIPAGKAPWA.pptx
 
ideya mo, igagalang ko.pptx
ideya mo, igagalang ko.pptxideya mo, igagalang ko.pptx
ideya mo, igagalang ko.pptx
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docx
 
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docxDLL_ESP-5_Q1_W1.docx
DLL_ESP-5_Q1_W1.docx
 
DLL_ESP 4_Q2_W3.docx
DLL_ESP 4_Q2_W3.docxDLL_ESP 4_Q2_W3.docx
DLL_ESP 4_Q2_W3.docx
 
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docxDLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
 
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakataoDLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
DLL_ESP-6_Q3_W3-1.docx edukasyon sa pagpapakatao
 
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docxDLL_Edukasyon sa pagkakatao  5_Q1_W8.docx
DLL_Edukasyon sa pagkakatao 5_Q1_W8.docx
 

Más de VanessaMaeModelo

English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
VanessaMaeModelo
 
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdfPEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
VanessaMaeModelo
 
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdfG5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
VanessaMaeModelo
 
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
VanessaMaeModelo
 
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
VanessaMaeModelo
 
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
VanessaMaeModelo
 
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
VanessaMaeModelo
 
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
VanessaMaeModelo
 

Más de VanessaMaeModelo (15)

English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
English5_q1_mod4_lesson4_ComposingSentencesUsingAdverbsOfIntensityAndFrequenc...
 
SCIENCE-5-Q2-Week-6.pdf
SCIENCE-5-Q2-Week-6.pdfSCIENCE-5-Q2-Week-6.pdf
SCIENCE-5-Q2-Week-6.pdf
 
ST_EPP 5_Q2.docx
ST_EPP 5_Q2.docxST_EPP 5_Q2.docx
ST_EPP 5_Q2.docx
 
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdfPEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
PEDRALBA-MOST FINAL-Q2-SLM-ENG5-MODULE 1-MILA-L.CHAVEZ.pdf
 
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdfG5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
G5_PT_Q2_AP Performance Task.pdf
 
SCIENCE-5-Q2-WEEK-7.pdf
SCIENCE-5-Q2-WEEK-7.pdfSCIENCE-5-Q2-WEEK-7.pdf
SCIENCE-5-Q2-WEEK-7.pdf
 
MAPEH-5-Q4.docx
MAPEH-5-Q4.docxMAPEH-5-Q4.docx
MAPEH-5-Q4.docx
 
ST_SCIENCE 5_Q2.pdf
ST_SCIENCE 5_Q2.pdfST_SCIENCE 5_Q2.pdf
ST_SCIENCE 5_Q2.pdf
 
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
Filipino-5-Q4-LAS-Wk-7_Pagsulat ng Iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo ...
 
Math5-Q2-M8-Ratio.pdf
Math5-Q2-M8-Ratio.pdfMath5-Q2-M8-Ratio.pdf
Math5-Q2-M8-Ratio.pdf
 
ST_MAPEH 5_Q2_3.pdf
ST_MAPEH 5_Q2_3.pdfST_MAPEH 5_Q2_3.pdf
ST_MAPEH 5_Q2_3.pdf
 
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
months-of-the-year-activities-promoting-classroom-dynamics-group-form_47981 (...
 
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
499541514-Grade-5-LM-SCIENCE-4th-Quarter.pdf
 
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
toaz.info-detailed-lesson-plan-in-science-updated-pr_8f378b77f9a3b2c9ab025399...
 
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
ordinal-numbers-months-and-days-of-the-week-role-plays-drama-and-improvisatio...
 

Último

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
AlyszaAbecillaPinion
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
JieMartinez1
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
rocinegallegocbam
 

Último (20)

Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 

SLM_ESP5_Q2_MODULE 3a .pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 2 - Module 3a Opinyon Mo, Igagalang Ko 5
  • 2. 1 Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay dinisenyo at sinulat para sa batang katulad mo upang malaman kung paano makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinion. Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang aralin. Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay naglalaman ng aralin: Opinyon Mo, Igagalang Ko. ( ESP 5P –lld-e-25) Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang: 1. makabubuo at makapagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinion. Panimula
  • 3. 2 Paunang Pagtataya Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding pasubalian ng iba. A. Sagot B. Opinyon C. Kagustuhan D. Katanungan 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba? A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya. B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro. C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya. D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral. 3. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao? A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon. B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon. C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao. D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba. 4. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao? A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo. B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan. C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili. D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa kapwa. 5. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng ibang tao. A. awa B. galit C. respeto D. wala sa nabanggit 6. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili. A. Pagtitiis B. Pagsisilbi C. Paggalang D. Pagmamahal 7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba? A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan. B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro. C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo. D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang mungkahi nito. 8. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao?
  • 4. 3 A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin. B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa. B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa. D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao. 9. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa? A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Wala sa nabanggit 10. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto? A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Wala sa nabanggit
  • 5. 4 Bawat nilalang ng Diyos ay binigyan Niya ng iba’t – ibang kaalaman, karunungan, kahusayan at kaisipan. Bilang tao na may mataas na antas ng kaalaman ay mayroon tayong pagkakataon na magbigay ng sari – sarili nating ideya / opinyon. Sa kadahilanang mayroon tayong iba’t – ibang kaisipan kung kaya may iba’t –iba rin tayong ideya / opinyon. Ano ang marapat na gawin sa mga pagkakataong sumalungat ang iyong ideya / opinyon sa pananaw ng ibang tao? Basahin at Unawain! Isang umaga habang nagbabasa ng dyaryo si Gng. Anacay ay napansin niya ang headline nito tungkol sa usapin ng K – 12 Porgram. Dahil dito ay napagpasyahan niyang ipasok ito sa kanyang leksyon. Sa pagsisimula ng kanyang klase ay hiningi, inaalam niya ang opinyon ng mga mag – aaral hinggil sa K – 12 Program at mula dito ay hinati niya ang mga bata sa dalawang grupo lahat ng pabor sa K – 12 ay ang mga “PRO” at ang mga hindi pabor naman ay mga “ANTI”. Sa pagsisimula ng debate ang lahat ay naging aktibo bawat isa may sinsabi. At para pormal na pasimulan ang debate nagbigay ng ilang pamantayan ang guro para maging maganda at maayos ang takbo ng gawain. Gng. Anacay: Ngayon ang lahat ay nandito upang pagtibayin ang iba’t – ibang opinyon ng mga mag – aaral tungkol sa maugong na usapin ng K – 12 Program. Atin nang pasimulaan ang “DEBATIHAN 2016: ALIN ANG MAS MABISA SA SISTEMA NG EDUKASYON, K – 12 O TRADISYUNAL? IKAW KABATAAN SAAN KA?” Pro: Magandang umaga po sa inyong lahat. Kami po ang grupo na Pro K – 12. Bilang isang mag –aaral mahalaga po sa amin ang magkaroon ng isang magandang pondasyon ng edukasyon at sa aking palagay ito ay makakamtam ko sa ilalaim ng K – 12 Program. Ang programang ito ay isang magandang tugon ng gobyerno para sa makalumang sistema ng edukasyon ng ating bansa. Anti: Kami naman po ang Anti K – 12. Hindi po ako sang –ayon sa tinuran ng aking kamag – aral. Bago pa man umusbong ang programang K – 12 ay marami ng mga magagaling na Pilipino ang kinilala sa loob at labas ng ating bansa. Ito’y isang patunay lamang na hindi K – 12 ang sagot upang magkaroon ng isang magandang sistema ng edukasyon. Pro: Ang mga kaganapan na iyan ay noong mga nakakaraang panahon pa. Sa kasalukuyan, hindi na angkop ang mga istratehiya ng guro sa pagtuturo ng mga leksyon. Iba na ang interes ng mga mag –aaral ngayon. Karamihan sa atin ay umiikot na ang buhay sa modernong teknolohiya at iyan ang binibigyang pansin sa programa ng K – 12. Isang makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng guro gamit ang teknolohiya na tiyak na pupukaw sa interes ng mga mag – aaral na isang mahalagang sangkap para sa kanilang pagkatuto. Anti: Hindi ako sang – ayon sa ganyang kaisipan. Para saan pa at may guro. Kaya nga sila nandiyan ay para mag –isip ng iba’t – ibang pamamaraan upang mailahad at maipaunawa ang leksyon sa mga mag – aaral. Isa pa hindi lahat ng guro ay may kasanayan pagdating sa, modernong teknolohiya. Paano sila makapagsasagawa ng leksyon kung hindi nila alam ang paggamit ng mga kagamitang multimedia at marami pang iba. Pag-aralan
  • 6. 5 Pro: Kung ang bata nga nagagawang pag –aralan ang mga pagbabagong ito ano pa kaya ang mga guro. Papayag ba sila na mas magagaling pa ang mga mag –aaral kaysa sa kanila? Siyempre hindi, dahil ngayon bata man o matanda basta ginusto mo magagawa mo. Ayon nga sa kasabihan, “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan. At para sa akin K – 12 ang sagot upang makasabay ang mga Pilipino sa lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa mundo. Dapat ay handa at armado tayo ng mga kaalaman upang tayo’y makilala bilang isang 21st Century na mag –aaral: matapang, matalino, malikhain at magaling kayang sumabay sa lahat at ito ay dahil sa K – 12 Program. Anti: Magaling sa iyo na din mismo nanggaling kapag ginusto. Ito ay wala sa mga mag –aaral ngayon ang kagustuhan nilang matuto at mag – aral. Kasi kapag ang isang bagay ay iyong ginusto makukuha at makukuha mo ito. Gaya sa pag –aaral kung talagang nanaisin ng bata na makatapos tradisyunal man na programa o K – 12 siya’y makapagtatapos. Nasa disposisyon at pagtitiyaga ito ng mag –aaral. Gng. Anacay: Matapos ninyong maipahayag ang kanya – kanya ninyong mga ideya / opinyon masasabi kong ang dalawang pangkat ay matagumpay na nakabuo at nakapagpahayag ng kanilang mga ideya / opinyon na naayon sa kani – kanilang mga pananaw. Ngunit marapat na inyong tandaan Pro man o Anti yan ay batay sa inyong opinyon dapat ninyong igalang. Muli ang aking pagbati sa inyong lahat. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang iyong reaksiyon sa nabasang seleksiyon? 2. Bakit kaya sa palagay mo ay magkaiba ng ideya / opinyon ang mga bata sa kuwentong binasa? 3. Sa iyong palagay, ano ang pinagbatayan ng mga mag –aaral sa kanilang mga opinyon na ibinigay hinggil sa naturang usapin? Pagtibayin ang iyong sagot. 4. Kung ikaw ang kalahok sa naturang debate, ano ang marapat mong gawin upang maiwasan ang conflict sa pagitan ng dalawang pangkat? Tandaan Natin! Kanya –kanyang kahusayan, kaalaman, karunungan at higit sa lahat ideya / opinyon. Ang bawat taong nilalang ay may ideya / opinyon na tanging sarili lamang niya ang masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan. Subalit dapat nating tandaan na ano mang ideya / opinyon ng bawat isa ay dapat nating isaalang – alang at igalang upang hindi pagmulan ng ano mang kaguluhan. “Respeto” ang dapat itanim sa ating puso at damdamin upang matanggap natin ang ideya / opinyon ng kapwa natin. Para naman sa ating sarili, mas makabubuti na pakinggan natin ang ideya / opinyon ng iba upang magamit natin bilang gabay at pamantayan natin sa ating pang – araw – araw na pamumuhay.
  • 7. 6 Gawain 1 Panuto. Lagyan ng (√ ) ang patlang kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at (X) naman kung hindi. ______1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilig siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais. ______2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay-alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka. ______3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya. ______4. Ang mag-asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napagdesisyunan. ______5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag-kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayag si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid. Gawain 2 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita nang mabuting pagtanggap sa opinyon nang ibang tao at MALI naman kung hindi. __________1. Nagalit si Nina sa kanyang kapatid dahil sa sinabi nitong mas mainam kung uunahin niya ang paglilinis ng kanyang silid dahil ito ay makalat bago niya gawin ang kayang takdang-aralin. __________2. Nakinig at sumang-ayon si Gng. Reyes sa opinyon ng kanyang kapitbahay tungkol sa proyektong tinatrabaho nila para sa kanilang barangay. __________3. Hindi nakinig si Josephine sa mungkahing binigay ni Astrid, bagkus sinunod nya ang kanyang kagustuhan para sa kanilang pangkatang gawain sa paaralan. __________4. Nagbigay ng iba’t ibang opinyon ang mga miyembro ni Karen sa kanilang grupo upang makagawa sila nang maganda at maayos na proyekto. __________5. Napagkasunduan nang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ang ideya na binigay ni Bb. Santos para sa kanilang Christmas Party. Gawain 3 Mga Gawain
  • 8. 7 Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya / opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyon sa ibaba 1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may nakita kang grupo ng mga raliyista na nanawagan sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 2. Si Kapitan Francisco Alimagno ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng mga alagang hayop ay hindi na maaaring magpakalat kalat sa buong barangay ng Sala. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan mang dako, bilang pagtugon dito ay ipinagbawal na sa Lungsod ng Cabuyao ang paggamit ng iba’t – ibang uri ng plastic gaya ng straw, bag at marami pang iba. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 4. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag – anunsiyo ang inyong punongguro na tatanggalin na sa kantina lahat ng mga panindang hindi masustansya gaya ng junkfood, tetra pack na juice, hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito mong kinakain tuwing recess. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 5. Sa wakas ikaw ay papasok na nang kolehiyo inakala mong matutupad na ang iyong pangarap na maging guro ngunit biglang nagdesisyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw ay maging inhinyero dahil wala pa daw inhinyero sa inyong pamilya samantalang ang guro nandiyan ang nanay at ate mo. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Puntos Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos 3 Napakalinaw ang pagkakabuo 2 Malinaw ang pagkakabuo ng ideya 1 Hindi gaanong malinaw ang pagkakabuo Repleksiyon
  • 9. 8 1 bagay na nakapagpalito Panuto: Kumpletuhin ang 3-2-1 na tsart tungkol sa iyong kaalaman sa paggalang sa anumang ideya/opinion ng iba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. . Ang natutunan ko… 1. _____________________________________ 2. _____________________________________ 3. _____________________________________ __ Ang bagay na nakapukaw ng aking interes… 1. __________________________________ 2. __________________________________ Kailangan ko pang matutunan ang… 1. _________________________________ 2 bagay na nakapukaw ng interes 2 3 bagay na natutunan 1 3
  • 10. 9 Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang kailangan nating ipakita para matanggap natin nang buong puso ang opinyon ng ibang tao. A. Awa B. Galit C. Respeto D. Wala sa nabanggit 2. Ito ay pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili. A. Pagtitiis B. Pagsisilbi C. Paggalang D. Pagmamahal 3. Si Korry ay nagalit sa kanyang kaibigan nang sinabihan siyang kailangan niyang tumahimik sa pagsasalita dahil hindi pa natatapos ang simba. Tama ba ang kayang ginawa? A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Wala sa nabanggit 4. Tama ba ang ginawa ni Sharon sa pagtanggap at paggalang niya sa mungkahi ng kanyang kasamahan upang mas mapadali ang kanilang proyekto? A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Wala sa nabanggit 5. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puweding pasubalian ng iba. A. Sagot B. Opinyon C. Kagustuhan D. Katanungan 6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtanggap ng opinyon ng iba? A. Si Mike na inaway ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya. B. Si Lino na buong pusong tinanggap ang opinyon ng kayang guro. C. Si Mariana na nagalit sa kanyang kaibigan dahil sa sinabi tungkol sa kanya. D. Si Karen na mabigat ang loob dahil sa sinabing opinyon ng kanyang kamag-aral. 7. Paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon/ideya sa ibang tao? A. Hindi makikinig sa mga binigay na opinyon. B. Kalimutan ito at pabayaan sila sa kanilang opinyon. C. Isaalang-alang at igalang ang opinyon ng ibang tao. D. Sundin ang sariling kagustuhan at pabayaan ang opinyon ng iba. Panapos na Pagtataya
  • 11. 10 8. Bakit kailangan igalang ang opinyon ng ibang tao? A. Dahil hindi nila alam ang saloobin mo. B. Dahil nagdudulot ito nang kanilang sariling kabutihan. C. Dahil ito ay nagdudulot nang kasamaan sa iyong sarili. D. Dahil maaaari itong mapagmulan ng kaguluhan at pagkasira ng isang relasyon sa kapwa. 9. Bakit kailangan nating maging magalang sa pagtanggap ng opinion ng ibang tao? A. Dahil ito ay hindi nararapat na gawin. B. Dahil ito ay nagpapakita nang pagrespeto sa kapwa. B. Dahil ito ay nagdudulot ng masamang relasyon sa kapwa. D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita nang paggalang sa opinion ng ibang tao. 10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa ideya ng iba? A. Si Mina na umiyak matapos pagsabihan ng kayang kaibigan. B. Si Lino na masungit sa pagtanggap ng ideya sa kanyang mga miyembro. C. Si Faith na tahimik na isinulat ang lahat ng mungkahi ng kanyang kagrupo. D. Si Joseph na sumigaw sa kanyang manager dahil hindi nya nagustuhan ang mungkahi nito.
  • 13. 12 Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS) Manunulat : Marites S.Ensomo Editor : Rowena Ebero Tagasuri : Linda T. Geraldino Venessa C. Cantojos Taga Pamahala : Karen L. Galanida Elizabeth S. Larase Florence E. Almaden Carlo P. Tantoy Noemi D. Lim Linda T. Geraldino Kagamitan ng Mag-aaral. Region IV-A Calabarzon. Division of Laguna. Published by the Department of Education, Caraga Region Schools Division Office of Surigao City Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington : Surigao City, Surigao del Norte, Philippines Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931 E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph Sanggunian