Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipino

38.847 visualizaciones

Publicado el

,s

Publicado en: Educación
  • Inicia sesión para ver los comentarios

Banghay Aralin sa pagtuturo ng filipino

  1. 1. Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Para sa Ikatlong Taon I. Layunin Pagkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na: a. Baybayin ang kahulugan ng Maikling Kwento; b. Isa-isahin ang sangkap ng Maikling Kwento; at c. Isa-isahin ang uri ng maikling kwento. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kalikasang Handog ng May Kapal II. Paksang Aralin “Maikling Kwento” III. Kagamitan Kartolina, Pentel Pen Approach: Deductive IV. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimula Magandang Umaga mga Mag-aaral Magandang Umaga din po Tayo muna ay magdasal Opo ma’am B. Asignatura Nagbigay ba ako ng asignatura ninyo? Opo ma’am Sige, ipasa sa unahan. C. Repasuhin Ano nga ulit yung tinalakay natin kahapon? Ang elemento po ng tula
  2. 2. Ok. Anu-ano nga ang elemento ng tula? Sukat, Tugma, Tayutay, Larawang diwa at simbolismo. Magaling! D. Paglalahad Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na may isang kakintalan ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali, maikli, at masining kaya’t sa isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng pananabik, aliw at maging aral. May iba’t ibang sangkap ang maikling kwento. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan Banghay, Pananalita at Tema. Ano ang kahulugan ng mga ito? Tauhan ay tumutukoy sa pangunahing tauhan at ang iba pang nasasangkot sa pangyayari nito. Tagpuan ito ay ang pinangyarihan ng kwento kasama ang panahon kung kalian ito naganap. Banghay ay ang mga pangyayaring nagaganap o magaganap sa kwento mula sa simula hanggang wakas.
  3. 3. Pananalita ito ang buhay at diwa ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa kwento. Tema ito ang paksa o kaisipang hangad maibahagi ng manunulat sa mga mambabasa. Dumako naman tayo sa uri nito. Ano ang unang uri ng maikling kwento? At ano ang ibig sabihin nito? Kwento ng Katutubong kulay. Binibigyan din ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan at ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao ng sa nasasabing pook. Ikalawa naman ang Kwento ng Pakikipagsapalaran. Ano ang kahulugan nito? Ito ay nasa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ng kawilihan o interes sa kwentong ito. Pangatlo ang Kwento ng Kababalaghan. Ito ang di kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa katatakutan na siyang diin sa kwentong ito. Ano ang ikaapat na uri ng maikling kwento? Kwento ng Tauhan Sa kwentong tauhan ang interes at diin ay nasa pangunahing tauhan.
  4. 4. Panglima ang kwento ng katatawa. Ano ang ibig sabihin nito? Ang diin ng kwentong ito’y magpatawa at bigyang aliw ang mambabasa. Pang anim ang kwento ng pag-ibig. Ang diwa ng kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng panginahing tauhan sa katambal niyang tauhan. Pangpito ang kwento ng Sikolohiko. Sa kwentong ito sinisikap pasukin ang kasukluk-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa. Pangwalo ang Kwento ng Talino. Ang kwento na ito ay pumupuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng mga mambabasa. Pangsiyamang kwento ng Pampagkakataon. Kwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari. Gaya ng Pasko, Bagong Taon at iba pa. At ang huli ay ang kwento ng kapaligiran. Kwentong ang paksa ay ang mga pangyayaring mahalaga sa lipunan.
  5. 5. Naintindihan mga bata? Opo ma’am. E. Pangkalahatan Ano ang kahulugan ng Maikling Kwento? Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na may isang kakintalan ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali, maikli, at masining kaya’t sa isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng pananabik, aliw at maging aral. Anu-ano ang mga sangkap ng Maikling kwento? Ang mga sangkap ng maikling kwento ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Pananalita at Tema. Anu-ano naman ang mga uri ng Maikling Kwento? Kwento ng Katutubong Kulay, Kwento ng Pakikipag- sapalaran, Kwento ng Kababalaghan, Kwento ng Tauhan, Kwento ng Katatawa, Kwento ng Pag- ibig, Kwento ng SIkolohiko, Kwento ng Talino, Kwento ng Pampagkakataon at Kwento ng Kapaligiran. Magaling!
  6. 6. V. Ebalwasyon Piliin sa hanay B kung anong uri ng Maikling Kweto sa hanay A. Titik lamang ang isusulat sa patlang. Hanay A Hanay B _____1. Ang balangkas ng pangyayaring binibigyang a. kababalaghan diin ang kwento. b. kapaligiran _____ 2. Ang kwentong ito ay nakakapagpatawa sa c. katatawanan mga mambabasa. d. katutubong-kulay _____ 3. Ang tauhan ang binibigyang diin dito. e. pag-ibig _____ 4. Hilig ito ng mga bata. Nakatuon ito sa f. pakikipagsapalaran mga bagay na mahirap paniwalaan. g. pampagkakataon _____ 5. Nagbibigay diin sa kultura ng isang lugar h. sikolohiko o pangkat. i. talino _____ 6. Ang kwentong ito ay tungkol sa pangyayari ng j. tauhan kapaligiran. _____ 7. Ito ang kwentong humahamon sa talino ng mambabasa. _____ 8. Ang kwentong ito ay tungkol sa dalwang tauhang nagmamahalan. _____ 9. Ang kwentong ito ay nasa isip ng pangunahing tauhan. _____ 10. Kwento naman ito hinggil sa isang particular na okasyon. VI. Asignatura Magbasa ng isang uri ng maikling kwentong gustong gusto mo. Gumawa ng buod hinggil dito saka ipaliwanag sa papel kung bakit mo paborito ito.

×