3. • Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng
prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar
kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang
sagot sa marami niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa niyang ikonsumo.Sa kabilang
dako ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing
tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang
ikonsumo ng mga tao.
6. • Ito ang nagtatakda sa dami ng handa at kayang
bilhin na produkto at serbisyo ng konsyumer Ang
siyang batayan ng prodyuser ng kanilang
kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng
mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo
8. • Mga Estruktura ng Pamilihan- Ang
estruktura ng pamilihan ay tumutukoy
sa balangkas na umiiral sa sistema ng
merkado kung saan ipinapakita ang
ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
9. Dalawang pangunahing balangkas ng
estruktura ng pamilihan:
• 1.Pamilihan na may ganap na
Kompetisyon (Perfectly
Competitive Market (PCM)
• 2. Pamilihan hindi ganap ang
Kompetisyon (Imperfectly
Competitive Market (ICM)
10. • Pamilihang May Ganap Na
Kompetisyon –
Ito ang estruktura na kinikilala
bilang walang sino man sa
prodyuser at konsyumer ang
maaring makakontrol sa takbo ng
pamilihan partikular sa presyo.
11. Katangian ng may Ganap na kompetisyon ayon
kay Paul Krugman at Robin Wells
• Maraming maliit na konsyumer at
prodyuser – dahil marami ang konsyumer at
prodyuser, walang kakayahan na
maimpluwensyahan ang presyo na papabor
sa interes ng sinoman sa pamilihan.
• Magkakatulad ang produkto
(homogenous)- nangangahulugang
maraming produkto ang pagpipilian o
magkakatulad lang kaya’t ang konsyumer ay
maraming pagpipilian.
12. • Malayang paggalaw ng sangkap ng
produksyon- dahil walang direktang kontrol sa
mga salik ng produksyon, maraming
napagkukunan ng mga sangkap para makabuo
ng mga produkto.
• Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
– Sinumang negosyante ay may kakayahang
makapili ng mga produkto na nais nyang
ibenta at ang pamilihan ay bukas sa lahat ng
kapasidad na makapagbahagi.
• Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan-
malayang kaalaman patungkol sa presyo ng
produkto.
13. • Pabili o Patawad
-Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag
at tukuyin kung tama ang mensahe o mali. Ilagay ang
pabili kapag tama at Patawad kapag mali.
1. Ang pamilihan ang lugar kung saan nagtatagpo ang
konsyumer at prodyuser.
2. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang
presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
14. 3. Ang Presyo ang pangunahing salik ng pagbabago ng
demand at supply sa pamilihan.
4. Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang
konsyumer ay nagtataas ng kabuuang dami ng
produktong bibilin.
5. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan
ang konsyumer, prodyuser at produkto.