2. Layunin:
Nagagamit ang paghahambing sa
pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan
(eupemistikong pahayag).
3. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. _________ng palay, naging mainam na
hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga
sa Guimaras.
a. Kasing c.Katulad
b.Kapwa d.Higit
4. 2. Sa pangungusap na “ Mayaman ang
kultura ng mga Pilipino na minana pa
nila sa kanilang mga ninuno.”, ano ang
salitang naglalarawan o pang-uri?
a. kultura c.Pilipino
b.mayaman d.minana
5. 3. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng naglalarawang
pasahol?
a. kapwa maganda
b. mas maganda
c. di-gaanong maganda
d. parehong maganda
6. 4. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng naglalarawang
palamang?
a. kapwa maganda
b. mas maganda
c. di-gaanong maganda
d. parehong maganda
7. 5. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita kung ang
inilalarawan ay magkatulad?
a. higit
b. mas
c. di-gaano
d. pareho
9. PAGHAHAMBING
Ito ay paglalarawan ng antas o lebel
ng katangian ng tao, bagay, hayop,
ideya o pangyayari.
Pang-uring pahambing ang tawag sa
pang-uri na ginamit sa paglalarawan
10. 2 Uri ng Paghahambing
Hambingang
Magkatulad
Hambingang
Di-
Magkatulad
11. 1. Hambingang Magkatulad
Ito ay paghahambing ng
dalawang tao, bagay,
hayop, ideya o
pangyayari na may
magkatulad,pareho o
timbang na katangian.
12. Ginagamit ang salitang kapwa at pareho
Halimbawa: kapwa maganda, parehong
matalino
Ginagamit ang mga panlaping sing-,
kasing-, magsing-, magkasing-,ga-
Halimbawa: singhusay, kasingganda,
magsintaas, magkasingyaman,gamunggo
13. Tandaan na gagamitin ang sim, kasim,
magsim at magkasim sa unahan kapag
ang salitang ugat ay nag-uumpisa sa titik
p at b.
Halimbawa nito ay simputi,
kasimbango, magsimbait at
magkasimpait.
14. Samantala, gagamitin naman natin
ang sin, kasin, magsin at magkasin
kung ang salitang ugat ay nag-
uumpisa sa titik d, l, r, s, t.
Halimbawang salita ay
sindami, kasinlapad,
magsinsama at
magkasintalino.
15. Panghuli, gagamitin natin ang sing,
kasing, magsing at magkasing sa mga
salitang- ugat na nag- uumpisa sa mga
natitirang titik.
Tandaan lamang na kapag ang salitang-
ugat ay nag- uumpisa sa patinig (a, e, i,
o, u) gagamitan natin ng gitling.
Halimbawa ng salita ay singgaling,
kasing- alat, magsingganda at
magkasinghalimuyak.
16. 2. Hambingang Di-Magkatulad
Ang pinaghahambing na dalawang tao, bagay,
hayop, ideya o pangyayari ay di-
magkatulad,di-pareho o di-patas ang
katangian.
May 2 uri:
1. Hambingang Palamang
2. Hambingang Pasahol
17. 1. Hambingang Palamang
Kapag malaki o mataas ang uri/katangian
ng inihahambing sa pinaghahambingan
Ginagamit ang mga salitang mas o higit
Halimbawa: mas matalino, higit na
malaki
18. 2. Hambingang Pasahol
Kapag maliit o mababa ang uri/katangian
ng inihahambing sa pinaghahambingan
Ginagamit ang mga salitang di-gasino,
di-gaano, di-lubha
Halimbawa: di gaanong malaki, di-
lubhang palakibo, di-gasinong makisig
19.
20.
21. Gamitin ang paghahambing sa pagbuo ng
alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan. Gumamit ng pahayag eupimistiko.
Halimbawa:
Tulad ng isang taong pantay na ang paa
Ang mga adhikaing hindi sinamahan ng sipag
at tiyaga.
layunin natin sa araw na ito na sa pagtatapos ng ating aralin ay inaasahan na…...
Bago simulan ang pagtalakay sa ating paksa, sagutin muna natin ang ilang mga katanungan. Isulat ito sa inyong papel.Pipiliin lamang ang titik……
Magandang araw!Sa araw na ito ay may bago ka na namang matutuhan na tiyak na mapakikinabangan mo sa araw-araw. Ang paksa natin ngayon ay tungkol sa mga…..
Simulan na natin ang pagtalakay sa ating paksa. Mahalaga ang paglalarawan bilang isang paraan upang ipahayag ang isang damdamin at saloobin . Isa ang paghahambing upang mas maging tiyak ang mga paglalarawan ng mga katangiang taglay ng isang indibiduwal. . Ano nga ba ang paghahambing?
Para alamin kung talagang naunawaan ang aralin, sagutin ang mga pagsasanay.