SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 64
• Kahulugang Pansemantika – ang pandiwa
ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-
buhay sa isang lipon ng mga salita.
Halimbawa:
Nagdarasal siya sa diyos na
makatulong pa sa kapwa.
• Pananaw na Istruktural – ang
pandiwa ay nakikilala sa
pamamagitan ng mga
impleksyon nito sa iba’t ibang
aspekto ayon sa uri ng kilos na
isinasaad nito.
Halimbawa:
Perpektibo – Nagdasal na ang
mag-anak.
Imperpektibo – Nagdarasal ang
mag-anak.
Kontemplatibo – Magdarasal na
ang mag-anak.
 KAYARIAN NG PANDIWA
Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa
pamamagitan ng pagsasama ng isang
salitang –ugat at ng isa o higit pang panlapi.
Halimbawa:
nagdasal = nag- (mag-) + dasal
kumain = -um- + kain
 KAGANAPAN NG PANDIWA
-ang tawag sa bahagi ng panaguri na
bumubuo o nagbibigay ng ganap na
kahulugan sa pandiwa at magagawang
paksa ng pangungusap kung babaguhin ang
pokus ng pandiwa.
Pitong Uri ng Kaganapang Pandiwa
1. Kaganapang tagaganap
2. Kaganapang layon
3. Kaganapang tagatanggap
4. Kaganapang ganapan
5. Kaganapang kagamitan
6. Kaganapang sanhi
7. Kaganapang direksyunal
Kaganapang Tagaganap
- Bahagi ng panaguri na gumaganap sa
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Ipinagdiwang ng mga kabataan
ang unang anibersaryo ng kanilang
samahang pansibiko.
Kaganapang Layon
- Nagsasaad kung ano ang bagay o
mga bagay na tinutukoy sa pandiwa.
Halimbawa:
Nagpasadya ako sa Parañaque ng
binurdahang husi.
Kaganapang Tagatanggap
- Nagsasaad kung sino ang
nakikinabang sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nagluto sina Ingga ng halayang ube
para sa aking mga panauhin.
2. Nagluto si Mila ng tinolang manok
para sa kanyang bunsong kapatid.
Kaganapang Ganapan
- Nagsasaad ng lugar na ginaganapan
ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Naglaro ng basketbol sa Rizal
Stadium ang koponan ng aming
pamantasan.
2. Nagpunta sa Quiapo ang mga
deboto ng Itim na Nazareno.
Kaganapang Kagamitan
- Nagsasaad kung anong bagay,
kagamitan o instrumento ang
ginamit upang magawa ang kilos ng
pandiwa.
Halimbawa:
Binungkal ng tatay ang lupa sa
pamamagitan ng asarol.
Kaganapang Sanhi
- Nagsasaad kung ano ang dahilan ng
pagkakapangyari ng kilos ng
pandiwa.
Halimbawa:
1. Yumaman siya dahil sa mina ng
langis.
2. Gumaling siya dahil sa resetang
gamot ng doktor.
Kaganapang Direksyunal
- Nagsasaad ng direksyon ng kilos na
taglay ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Nagtungo siya sa Baguio.
2. Pumunta si Ate Lani sa palengke.
MGA POKUS NG PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap. Naipapakita ito
sa pamamagitan ng taglay na panlapi
ng pandiwa.
Pitong Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa tagaganap
2. Pokus sa layon
3. Pokus sa ganapan
4. Pokus sa tagatanggap
5. Pokus sa gamit
6. Pokus sa sanhi
7. Pokus sa direksyon
Pokus sa Tagaganap
- Ang pandiwa ay nasa pokus na
tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap
ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Iba pang
Sangkap
mag- Nagtayo ang
karpintero
ng bahay.
-um / -um- Kumain siya ng mais.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Iba pang
Sangkap
mang- Nanguha siya ng bulaklak.
maka- Nakakita sila ng ahas.
makapag- Nakapaglaba ang bata ng kumot.
Pokus sa Layon
- Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon
kung ang layon ng paksa ang binibigyang
diin sa pangungusap.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Layon
i- Iluluto nila ang gulay.
-an Bantayan natin ang sinaing.
ipa- Ipatapon mo ang radyo.
-in Diligin ninyo ang halaman.
Pokus sa Gaganapan
- Ang pandiwa ay nasa pokus sa
kaganapan kung ang paksa ay lugar o
ganapang kilos.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Ganapan
-an/-han Tinakpan niya ang basurahan.
pag…
-an/-han
Pinaglutuan
Pinagprituhan
ko ang kaldero.
mapag…
-an/-han
Napagtamnan
Napag-anihan
nila ang batuhan.
pang…
-an/-han
Pinangisdaan
Pinaglabahan
namin ang batis.
Pokus sa Tagatanggap
- Ang pandiwa ay nasa pokus sa
tagatanggap kung ang pinaglalaanan ng
kilos ang siyang simuno ng pangungusap.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Tagatanggap Layon
i- Ikuha natin si Marta ng
inumin.
Ipang- Ipanahi mo si Karla ng damit
Ipag- Ipagluto ninyo si nanay ng sopas.
Pokus sa Gamit
- Ang mga pandiwang may pokus sa
gamit ay nagsasaad na ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa ay isang simuno ng
pangungusap.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Gamit
ipang- Ipampunas/
Ipamunas
mo ang basahan.
Ipantali/
Ipanali
natin ang lubid.
Ipangguhit ninyo ang lapis.
Pokus sa Sanhi
- Ang pandiwang ay nakapokus sa sanhi
kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan
o sanhi ng kilos.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Sanhi
i- Iniluha niya ang pag-alis mo.
ika- Ikinagalit ni Rosa ang biro niya.
ikapang- Ikinapamayat ko ang pagkakasakit.
Pokus sa Direksyon
- Nasa pokus direksyunal ang
pandiwang kung ang paksa ay nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng pandiwa.
Panlapi Pandiwa Tagaganap Direksyon
-an Pinasyalan nila ang bagong tayong
mall.
-han Pinuntahan namin ang katimugan.
MGA ASPEKTO NG PANDIWA
1. Aspektong Pangnakaraan o
Perpektibo
2. Aspektong Perpektibong Katatapos
3. Aspektong Pangkasalukuyan o
Imperpektibo
4. Aspektong Panghinaharap o
Kontemplatibo
Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo
- Nagpapahayag na ang kilos ay
nasimulan at natapos na.
• Kapag ang panlapi ay may inisyal na
ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
Pawatas Pangnakaraan
magsaliksik nagsaliksik
manghakot nanghakot
maunawaan naunawaan
• Kapag ang panlapi ay banghay sa –um-
/um-, ito ay nananatili sa pangnakaraan.
Halimbawa:
Pawatas Pangnakaraan
umunlad umunlad
yumuko yumuko
umawit umawit
pumunta pumunta
• Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –
an/-han(nag-iisa o may kasamang ibang
panlapi), ito ay nananatili ngunit
nadaragdagan ng unlaping in- kung ang
pandiwa ay nagsisimula sa patinig at
gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa katinig.
Halimbawa:
Pawatas Pangnakaraan
alatan inalatan
iwasan iniwasan
sabihan sinabihan
pagbawalan pinagbawalan
• Tandaan:
Ang panlaping –in- na idinaragdag sa
pandiwang pangnakaraan ng may –an/-han ay
nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa
/l/. Opsyonal ang ganitong pagpapalit kung ang
pandiwa ay nagsisimula sa /r/, /w/ o /y/.
Halimbawa:
Pawatas Pangnakaraan
lagutan nilagutan
ligawan niligawan
regaluhan niregaluhan – rinegaluhan
walisan niwalisan – winalisan
yapakan niyapakan - yinapakan
• Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -in/-
hin(nag-iisa o may kasamang ibang panlapi),
ang hulaping –in/-hin ay nagiging unlaping –in
kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at
nagiging gitlaping –in- kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa katinig.
Halimbawa:
Pawatas Pangnakaraan
antuking inantok
anihin inani
sabihin sinabi
pagtanimin pinagtanim
Aspektong Perpektibong Katatapos
- Nagsasaad ng kilos na katatapos pa lang
bago nangyari ang pagsasalita. Maihahanay rin
ito sa aspektong pangnakaraan. Ang kayarian
ng aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan
ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng
unang katinig o patinig ng salitang – ugat.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
tumula katutula
maglakbay kalalakbay
uminog kaiinog
Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo
- Nagpapahayag na ang kilos ay
nasimulan na at kasalukuyan pang
ipanagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan
ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang
patinig ng salitang-ugat at ang mga tuntunin
sa aspektong perpektibo.
Pawatas Pangnakaraan Pangkasalukuyan
magsaliksik nagsaliksik nagsasaliksik
umunlad umunlad umuunlad
sabihan sinabihan Sinasabihan
pagbilhan pinagbilhan Pinagbibilhan
ligawan niligawan Nililigawan
pagtawanan pinagtawanan pinagtatawanan
anihin inani inaani
alatan inalatan inaalatan
manghakot nanghakot nanghahakot
Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo
- Ang aspektong ito ay naglalarawan ng
kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-
patinig o unang patinig ng salitang ugat. Dapat
tandaan na ang pandiwang banghay sa
panlaping um-/-um- ay nawawala ang –um/-
um- sa aspektong panghinaharap.
Halimbawa:
Pawatas Panghinaharap
magsaliksik magsasaliksik
umunlad uunlad
lagutan lalagutan
yumuko yuyuko
Kumpletuhin ang tsart.
magbasa sabihin uminom
Perkpektibo
Perpektibong
Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
umukit magdikdik iwasan
Perkpektibo
Perpektibong
Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
 MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN
- Pandiwang di-karaniwan ang tawag
sa pandiwang nagkakaroon ng pagbabagong
morpoponemikong pagkakaltas ng ponema
o mga ponema, pagpapalit ng ponema o
metatesis.
Halimbawa: Pagkakaltas ng ponema
Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang
Anyo ng Pandiwa
buhos + -an = buhusan = busan
Dumi + -han = dumihan = dumhan
Higit + ma…an = mahigitan = mahigtan
Dama + pa…hin = padamahin = padamhin
Halimbawa: Metatesis
Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang
Anyo ng Pandiwa
atip + -an = atipan = aptan
silid + -an = silidan = sidlan
tanim + pag…an = pagtaniman = pagtamnan
Halimbawa: Ponemang napapalitan ng ibang ponema
Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang
Anyo ng Pandiwa
tawa + -han = tawahan = tawanan
Halili + -han = halilihan = halinhan
pawis + pag…an = pagpawisan = pagpusan
Isulat ang Tama kung wasto ang pagkabanghay sa di-
karaniwang pandiwa na may salungguhit at kung mali ay
isulat ang wastong baybay.
1. Malayo at mataas ang nilipad ng saranggola ni KC.
2. Yinaya niya si Arnold upang ipakitang kaya niyang
magpalipad ng saranggola.
3. Biglang tinakipan ni Mara ang kanyang mga tainga ng
nagpapalipad na sila.
4. Nais tawidin ng dalawa ang kabilang palaruan.
5. Niyaya ni Isabel si May na sundan ang mga anak na
naglalaro.
6. Nilakaran nila ang tabi ng mga luntiang damo at
magagandang bulaklak.
7. Isa-isa nilang lininisan ang marurungis na mga anak.
8. Hinagkan sila ng mga anak bilang pasasalamat sa
paglilinis sa kanila.
9. Tininginan nilang mabuti ang masasayang bata upang
kumain at magpahinga.
10.Kinunan nila ng litrato ang mga bata nang hindi nila
alam.
 MGA PANDIWANG KATAWANIN AT PALIPAT
Pandiwang Katawanin
- Ang pandiwang katawanin ay hindi na
kailangang lagyan ng tuwirang layon.
Halimbawa:
1. Kumulo ang tubig.
2. Sumisikat ang araw.
3. Umiihip ang hangin.
Pandiwang Palipat
- Pandiwang palipat ang tawag sa
pandiwang maaaring lagyan ng tuwirang layon.
Halimbawa:
1. Nagpagawa siya ng bag na abaka sa Bicol.
2. Humihila ng kalesa ang kabayo.
Halimbawa: Pandiwang Palipat na walang
kasamang layon
1. Nagpagawa siya sa Bicol.
Tukuyin ang pandiwang nakasalungguhit kung PL (palipat) o KT
(katawanin).
1. Nag-aaral si Sally upang maraming matutuhan.
2. Nais niyang makakuha ng mataas na marka.
3. Nagdarasal siyang magtagumpay sa paaralan.
4. Nagbabasa siya ng mahuhusay na aklat upang lalong
madagdagan ang kanyang kaalaman.
5. Nagtatanong siya kapag malabo pa sa kanya ang leksyon.
6. Ang mga guro ay nagpapaliwanag ng leksyon.
7. Nagbibigay siya ng maraming halimbawa.
8. Nakikinig ang lahat dahil kailangang matuto.
9. Tumunog ang bell, hudyat na natapos ang klase.
10.Naglabasan ang masasayang mag-aaral.
Lapatan ng tamang pandiwa ang bawat pangungusap upang
mabuo ang diwa mula sa salitang-ugat sa loob ng panaklong.
1. (likha) ng Diyos ang lahat sa simula ng daigdig.
2. (salita) at nangyari nga ang kanyang tinuran.
3. Ang lahat ay (ganap) sa loob ng anim na araw.
4. Sa ikapitong araw, Siya ay (pahinga).
5. (masid) niya ang kanyang nilikha.
6. Siya ay (lugod) sa nakita.
7. Ang tao ay kanyang (sabi) namamahala sa lahat ng bagay.
8. (bigay) ng pangalan ng tao ang mga nilikha ng Diyos.
9. Ang tao ay (hanap) ng makakasama sa buhay.
10.(sama) sa paraiso ang dalawa.
 MGA PANLAPING MAKADIWA
um-/-um-
Ginagamit sa pokus sa tagaganap at nagsasaad ng
karaniwang kilos.
Halimbawa:
lumindol lumaki tumubo
kumidlat tumaba gumaling
mag-(1)
Laging ginagamit na unlapi ito. Naglalagay ng
gitling sa pagitan ng salitang inuunlapian kung
nagsisimula sa patinig ang salita. Ginagamit din sa
pokus na tagaganap at nagsasaad din ng kilos
Halimbawa:
magligpit mag-aral maghulog
mag-(2)
Nagsasaad ng paulit-ulit na kilos. Maaaring ulitin
ang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
magluluha magbabasa maghihiwa
mag- (3)
Nagsasaad ng pagiging isang may angking
propesyon o gawaing isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
magdoktor magguro magdekano
mag-…-an - -han
Nagsasaad ng tambingang kilos o kilos na sabayan.
Halimbawa:
magkainan magsulatan maglundagan
magka-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
pagkakaroon ng bagay o pagkaganap ng diwang
isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
magkasalapi magkakotse magkaaklat
magkatitulo magkatrabaho magkagulo
magma-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
pagpipilit o pagpanggap na maging tulad ng isinasaad ng
salitang-ugat.
Halimbawa:
magmabuti magmagaling magmarunong
magmaganda magmalinis magmabilis
magpa-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
pagpapagawa sa iba ng kilos na isinasaad ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
magpatanim magpasingaw magpaagiw
magpalaba magpasaing magpapintura
magpaka-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
pagpipilit o pagpanggap na maging tulad ng isinasaad ng
salitang-ugat sa masidhing kaantasan.
Halimbawa:
magpakabait magpakasawa magpakadunong
Magpakasama magpakayaman magpakasipag
magpati-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
boluntaryong paggawa sa kilos na isinasaad ng salitang-
ugat dahil sa sitwasyong di maiiwasan.
Halimbawa:
magpatihulog magpatiwakal magpatianod
magsa-
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
paggaya sa kilos o katangian ng tinutukoy sa salitang-
ugat.
Halimbawa:
magsaahas magsamahirap magsamarunong
magsi-
Unlaping nasa pokus tagaganap at anyong
maramihan ng mag-.
Halimbawa:
magsiwait magsitulong magsikain
magsitulog magsikuha magsisungkit
ma-(1)
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng
kakayahang gawin ang kilos na isinasaad sa salitang-ugat.
Halimbawa:
maawit maibig matawag
maluto malinis makain
mà-(2)
Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng di-
sinasadyang pagganap sa kilos ng salitang-ugat.
Halimbawa:
madulas masabi mauntog
masabi maibukas mapatay
ma-…-an - -han
Panlaping hango sa ma-, nasa pokus na tagaganap
at nagsasaad ng kakayahang sa iba o sa isang lunan ang
kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
maawitan matatakan maturuan
matawagan masabihan mawikaan
mai-
Hango rin sa ma-, nasa pokus tagatanggap at
nagsasaad ng kilos na ginaganapan sa isang bagay o para
sa iba.
Halimbawa:
mailabas maisulat maigisa
maikuha maitago maiutang
maipa-
Hango rin sa ma-,nasa pokus ng tuwirang layon, at
nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ang isang kilos.
Halimbawa:
maipaluto maipahiwa maipapulot
maipahulog maipabungkal maipadangkal
maipag-(1)
Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagatanggap o
benepaktib ng pagpapagawa sa iba ng kilos na isinasaad
ng salitang-ugat.
Halimbawa:
maipagluto maipagsigang maipaglinis
maipaglitson maipaglugaw maipagpunla
maipag-(2)
Hango rin sa ma-, nasa pokus ng tuwirang-layon at
nagsasaad ng paggawa sa isang bagay ng kilos na
isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
maipagbili maipagtanggi maipagtago
maipagpalit maipaglako maipagsabit
maka-
Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap at
nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na nasa
salitang-ugat.
Halimbawa:
makatagal makasagot makatulong
makasulat makaalis makahingi
maká-
Hango rin sa panlaping ma-,nasa pokus na
tagaganap, at nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap.
Halimbawa:
makasamapal makakain makaamoy
makasuntok makatusok makakuha
makapag-
Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at
nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa salitang-
ugat.
Halimbawa:
makapagsalita makapagsulat
makapaghiwa makapagpako
makapang- - makapan- - makapam-
Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagaganap at
nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
makapang-umit makapandaya makapamatok
makapang-uto makapandagok makapamigay
mapa-
Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagaganap at
nagsasaad ng kakayahang magawa sa isang tao o sa isang
bagay ang kilos o diwang isinasaad ng nilalapian.
Halimbawa:
mapadulas mapatango mapauwi
mapakintab mapaibig mapabasa
maki-
Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at
nagsasaad ng pakikiusap upang sumama sa ibang tao sa
pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
makipulot makiani makihukay
makibayo makitulong makitayo
magkipag-
Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at
nagsasaad ng kilos na ginaganapan ng may kasama.
Halimbawa:
makipagsayaw makipaglaba makipagbasa
makipaglaro makipag-away
mang- - man- - mam-
Kasingkahulugan at katulad ng mag- sa pokus
Halimbawa:
manghaltak mandabog mambutas
mangharang manakot mambigwas
mangag-
Maramihang anyo ng mang-. Marami ang
gumaganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
mangag-aral mangagbalik mangagdilig
mangag-uwi mangagsandok mangagbalot
-an - -han
Hulaping nasa pokus ng ganapan at nagsasaad na
gawin sa isang tao, bagay, hayop o lunan ang kilos o
diwang isinasaad sa nilalapian.
Halimbawa:
gawan pakuan lipstikan
gandahan gupitan kutuhan
i- (1)
Unlaping nasa pokus na kaggamitan at nagsasaad
ng paggamit ng isang bagay.
Halimbawa:
isulat ikayod isuyod
itusok isuklay isungkit
i- (2)
Unlaping nasa pokus na tagatanggap at nagsasaad
na gawin para sa iba ang isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
ikanta itingin itango
isulat ibasa isagot
i- (3)
Unlaping nasa pokus sa layon, nagsasaad ng
paggawa sa isang bagay ng kilos na nasa pandiwa.
Halimbawa:
isabit ipukol ilakad
ilaga iakyat itaas
-in - -hin
Hulaping nasa pokus sa direksyon. Nagsasaad ng
pagganap ng kilos sa paksa nito.
Halimbawa:
mahalin guluhin tirintasin
punitin alisin burahin
ipa-
Unlaping nasa pokus sa layon. Nagpapahayag ng
pagpapagawa sa iba ng kilos sa salitang-ugat.
Halimbawa:
ipahuli ipaawit ipapunas
ipakulong ipasanib
ipaki-
Kasingkahulugan at katulad ng ipa- sa pokus ngunit
may dagdag na kahulugang pakikiusap.
Halimbawa:
ipakisundo ipakibabad ipakihanay
ipakisibak ipakiurong
ipakipa-
Katulad ng ipaki- sa pokus. May kahulugang
nakikiusap na ipagawa sa iba ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
ipakipasabi ipakipabilin ipakipasundo
ipakipatawag ipakipautos
isa-
Unlaping nasa pokus sa layon. May kahulugang
ilagay sa kalagayang nasa salitang-ugat ang paksa.
Halimbawa:
isaayos isa-Pilipino isapelikula
isakahon isanobela isagawa
ka-…-an - -han
Nasa pokus na direksyunal. May kahulugang gawin
sa paksa ang kilos na nasa pandiwa.
Halimbawa:
kagalitan kainisan kabagutan
katuwaan kabaliwan kagiliwan
pa-…-in - hin
Nasa pokus sa layon. May kahulugang gawin sa
paksa o ipagawa sa paksa ang kilos na nasa pandiwa.
Halimbawa:
padulasin pagandahin palakarin
pakinisin palambutin paluhain
pag-…-an - -han
Nasa pokus sa ganapan. May kahulugang gawin ang
kilos o bagay sa paksa ng pandiwa.
Halimbawa:
pagsakahan paglugawan paggilingan
paghanapan pagsampayan
papag-…-an - -han
Nasa pokus sa ganapan at may kakayahang
pagawin ang isang tao ng kilos na isinasaad ng salitang-
ugat sa isang lugar o sa isang tao.
Halimbawa:
papagsayawan papaglutuan
papagbayuhan papagkulahan
papag-…-in - -hin
Nasa pokus na direksyunal, may kahulugang
payagan o utusan ang tinutukoy sa paksa na gawin ang
kilos na isinasaad sa salitang-ugat.
Halimbawa:
papag-aralin papag-awayin papagbayuhin
papaglakbayin papagdalahin
paka-…-an - -han
Nasa pokus sa layon. Nagsasaad ng kilos na
pinagbubuti o may katindihan
Halimbawa:
pakahabaan pakadamihan pakaiklian
pakakinisan pakagandahan
paki-…-an - -han
Nasa pokus direksyunal. May kahulugang
nakikiusap na gawin sa paksa ang kilos sa salitang-ugat.
Halimbawa:
pakiputulan pakilagyan pakitusukan
pakisabihan pakisulatan pakitaasan

Más contenido relacionado

La actualidad más candente (20)

Pares minimal
Pares minimalPares minimal
Pares minimal
 
Diptonggo sa-filipino
Diptonggo sa-filipinoDiptonggo sa-filipino
Diptonggo sa-filipino
 
Kayarian ng pang uri
Kayarian ng pang uriKayarian ng pang uri
Kayarian ng pang uri
 
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit (Filipino I)
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit (Filipino I)Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit (Filipino I)
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit (Filipino I)
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 
Pangatnig
PangatnigPangatnig
Pangatnig
 
kayarian ng mga salita
kayarian ng mga salitakayarian ng mga salita
kayarian ng mga salita
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
PANGATNIG
PANGATNIGPANGATNIG
PANGATNIG
 
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa PandiwaPanlaping Makadiwa sa Pandiwa
Panlaping Makadiwa sa Pandiwa
 
Kayarian ng salita
Kayarian ng salitaKayarian ng salita
Kayarian ng salita
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
Kambal katinig o klaster
Kambal katinig o klasterKambal katinig o klaster
Kambal katinig o klaster
 
Pangngalan
PangngalanPangngalan
Pangngalan
 
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 
Pang -angkop
Pang -angkopPang -angkop
Pang -angkop
 
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP""AYOS NG PANGUNGUSAP"
"AYOS NG PANGUNGUSAP"
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 

Similar a Pandiwa..97

YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxBasconCalvinFrancis
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500Tyron Ralar
 
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGY
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGYSINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGY
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGYArmida Fabloriña
 
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptxyunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptxEDNACONEJOS
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfAprilG6
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoJorebel Billones
 
PANDIWA (VERB)
PANDIWA (VERB)PANDIWA (VERB)
PANDIWA (VERB)Johdener14
 
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxlesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxjanemorimonte2
 
Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, LeksikalPonoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, LeksikalCarloPMarasigan
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptYollySamontezaCargad
 
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptx
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptxcupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptx
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptxDaisydiamante
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoAirez Mier
 

Similar a Pandiwa..97 (20)

Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500
 
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGY
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGYSINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGY
SINTAKSIS Y1A MANAGEMENT TECHNOLOGY
 
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptxyunit 3 gramatika vs retorika.pptx
yunit 3 gramatika vs retorika.pptx
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf
 
Pandiwa grade 6
Pandiwa grade 6Pandiwa grade 6
Pandiwa grade 6
 
Ang pandiwa
Ang pandiwaAng pandiwa
Ang pandiwa
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
 
PANDIWA (VERB)
PANDIWA (VERB)PANDIWA (VERB)
PANDIWA (VERB)
 
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptxlesson 1 kayarian ng salita.pptx
lesson 1 kayarian ng salita.pptx
 
Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, LeksikalPonoloji, Morpoloji, Leksikal
Ponoloji, Morpoloji, Leksikal
 
KAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdfKAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdf
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptx
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptxcupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptx
cupdf.com_uri-ng-pangungusap.pptx
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 

Último

Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 

Último (20)

Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 

Pandiwa..97

  • 1. • Kahulugang Pansemantika – ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay- buhay sa isang lipon ng mga salita. Halimbawa: Nagdarasal siya sa diyos na makatulong pa sa kapwa.
  • 2. • Pananaw na Istruktural – ang pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito. Halimbawa: Perpektibo – Nagdasal na ang mag-anak. Imperpektibo – Nagdarasal ang mag-anak. Kontemplatibo – Magdarasal na ang mag-anak.
  • 3.  KAYARIAN NG PANDIWA Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang –ugat at ng isa o higit pang panlapi. Halimbawa: nagdasal = nag- (mag-) + dasal kumain = -um- + kain
  • 4.  KAGANAPAN NG PANDIWA -ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.
  • 5. Pitong Uri ng Kaganapang Pandiwa 1. Kaganapang tagaganap 2. Kaganapang layon 3. Kaganapang tagatanggap 4. Kaganapang ganapan 5. Kaganapang kagamitan 6. Kaganapang sanhi 7. Kaganapang direksyunal
  • 6. Kaganapang Tagaganap - Bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng kanilang samahang pansibiko.
  • 7. Kaganapang Layon - Nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy sa pandiwa. Halimbawa: Nagpasadya ako sa Parañaque ng binurdahang husi.
  • 8. Kaganapang Tagatanggap - Nagsasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: 1. Nagluto sina Ingga ng halayang ube para sa aking mga panauhin. 2. Nagluto si Mila ng tinolang manok para sa kanyang bunsong kapatid.
  • 9. Kaganapang Ganapan - Nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: 1. Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan. 2. Nagpunta sa Quiapo ang mga deboto ng Itim na Nazareno.
  • 10. Kaganapang Kagamitan - Nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o instrumento ang ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa. Halimbawa: Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan ng asarol.
  • 11. Kaganapang Sanhi - Nagsasaad kung ano ang dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: 1. Yumaman siya dahil sa mina ng langis. 2. Gumaling siya dahil sa resetang gamot ng doktor.
  • 12. Kaganapang Direksyunal - Nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa. Halimbawa: 1. Nagtungo siya sa Baguio. 2. Pumunta si Ate Lani sa palengke.
  • 13. MGA POKUS NG PANDIWA Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
  • 14. Pitong Pokus ng Pandiwa 1. Pokus sa tagaganap 2. Pokus sa layon 3. Pokus sa ganapan 4. Pokus sa tagatanggap 5. Pokus sa gamit 6. Pokus sa sanhi 7. Pokus sa direksyon
  • 15. Pokus sa Tagaganap - Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi Pandiwa Tagaganap Iba pang Sangkap mag- Nagtayo ang karpintero ng bahay. -um / -um- Kumain siya ng mais.
  • 16. Panlapi Pandiwa Tagaganap Iba pang Sangkap mang- Nanguha siya ng bulaklak. maka- Nakakita sila ng ahas. makapag- Nakapaglaba ang bata ng kumot.
  • 17. Pokus sa Layon - Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ng paksa ang binibigyang diin sa pangungusap. Panlapi Pandiwa Tagaganap Layon i- Iluluto nila ang gulay. -an Bantayan natin ang sinaing. ipa- Ipatapon mo ang radyo. -in Diligin ninyo ang halaman.
  • 18. Pokus sa Gaganapan - Ang pandiwa ay nasa pokus sa kaganapan kung ang paksa ay lugar o ganapang kilos. Panlapi Pandiwa Tagaganap Ganapan -an/-han Tinakpan niya ang basurahan. pag… -an/-han Pinaglutuan Pinagprituhan ko ang kaldero. mapag… -an/-han Napagtamnan Napag-anihan nila ang batuhan. pang… -an/-han Pinangisdaan Pinaglabahan namin ang batis.
  • 19. Pokus sa Tagatanggap - Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagatanggap kung ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap. Panlapi Pandiwa Tagaganap Tagatanggap Layon i- Ikuha natin si Marta ng inumin. Ipang- Ipanahi mo si Karla ng damit Ipag- Ipagluto ninyo si nanay ng sopas.
  • 20. Pokus sa Gamit - Ang mga pandiwang may pokus sa gamit ay nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay isang simuno ng pangungusap. Panlapi Pandiwa Tagaganap Gamit ipang- Ipampunas/ Ipamunas mo ang basahan. Ipantali/ Ipanali natin ang lubid. Ipangguhit ninyo ang lapis.
  • 21. Pokus sa Sanhi - Ang pandiwang ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Panlapi Pandiwa Tagaganap Sanhi i- Iniluha niya ang pag-alis mo. ika- Ikinagalit ni Rosa ang biro niya. ikapang- Ikinapamayat ko ang pagkakasakit.
  • 22. Pokus sa Direksyon - Nasa pokus direksyunal ang pandiwang kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. Panlapi Pandiwa Tagaganap Direksyon -an Pinasyalan nila ang bagong tayong mall. -han Pinuntahan namin ang katimugan.
  • 23. MGA ASPEKTO NG PANDIWA 1. Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo 2. Aspektong Perpektibong Katatapos 3. Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo 4. Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo
  • 24. Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo - Nagpapahayag na ang kilos ay nasimulan at natapos na. • Kapag ang panlapi ay may inisyal na ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/. Halimbawa: Pawatas Pangnakaraan magsaliksik nagsaliksik manghakot nanghakot maunawaan naunawaan
  • 25. • Kapag ang panlapi ay banghay sa –um- /um-, ito ay nananatili sa pangnakaraan. Halimbawa: Pawatas Pangnakaraan umunlad umunlad yumuko yumuko umawit umawit pumunta pumunta
  • 26. • Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping – an/-han(nag-iisa o may kasamang ibang panlapi), ito ay nananatili ngunit nadaragdagan ng unlaping in- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig. Halimbawa: Pawatas Pangnakaraan alatan inalatan iwasan iniwasan sabihan sinabihan pagbawalan pinagbawalan
  • 27. • Tandaan: Ang panlaping –in- na idinaragdag sa pandiwang pangnakaraan ng may –an/-han ay nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/. Opsyonal ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /r/, /w/ o /y/. Halimbawa: Pawatas Pangnakaraan lagutan nilagutan ligawan niligawan regaluhan niregaluhan – rinegaluhan walisan niwalisan – winalisan yapakan niyapakan - yinapakan
  • 28. • Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -in/- hin(nag-iisa o may kasamang ibang panlapi), ang hulaping –in/-hin ay nagiging unlaping –in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at nagiging gitlaping –in- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig. Halimbawa: Pawatas Pangnakaraan antuking inantok anihin inani sabihin sinabi pagtanimin pinagtanim
  • 29. Aspektong Perpektibong Katatapos - Nagsasaad ng kilos na katatapos pa lang bago nangyari ang pagsasalita. Maihahanay rin ito sa aspektong pangnakaraan. Ang kayarian ng aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig o patinig ng salitang – ugat. Halimbawa: Pawatas Katatapos tumula katutula maglakbay kalalakbay uminog kaiinog
  • 30. Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo - Nagpapahayag na ang kilos ay nasimulan na at kasalukuyan pang ipanagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat at ang mga tuntunin sa aspektong perpektibo.
  • 31. Pawatas Pangnakaraan Pangkasalukuyan magsaliksik nagsaliksik nagsasaliksik umunlad umunlad umuunlad sabihan sinabihan Sinasabihan pagbilhan pinagbilhan Pinagbibilhan ligawan niligawan Nililigawan pagtawanan pinagtawanan pinagtatawanan anihin inani inaani alatan inalatan inaalatan manghakot nanghakot nanghahakot
  • 32. Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo - Ang aspektong ito ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig- patinig o unang patinig ng salitang ugat. Dapat tandaan na ang pandiwang banghay sa panlaping um-/-um- ay nawawala ang –um/- um- sa aspektong panghinaharap. Halimbawa: Pawatas Panghinaharap magsaliksik magsasaliksik umunlad uunlad lagutan lalagutan yumuko yuyuko
  • 33. Kumpletuhin ang tsart. magbasa sabihin uminom Perkpektibo Perpektibong Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
  • 35.  MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN - Pandiwang di-karaniwan ang tawag sa pandiwang nagkakaroon ng pagbabagong morpoponemikong pagkakaltas ng ponema o mga ponema, pagpapalit ng ponema o metatesis. Halimbawa: Pagkakaltas ng ponema Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang Anyo ng Pandiwa buhos + -an = buhusan = busan Dumi + -han = dumihan = dumhan Higit + ma…an = mahigitan = mahigtan Dama + pa…hin = padamahin = padamhin
  • 36. Halimbawa: Metatesis Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang Anyo ng Pandiwa atip + -an = atipan = aptan silid + -an = silidan = sidlan tanim + pag…an = pagtaniman = pagtamnan Halimbawa: Ponemang napapalitan ng ibang ponema Salitang-ugat+Panlapi Di-Karaniwang Anyo ng Pandiwa tawa + -han = tawahan = tawanan Halili + -han = halilihan = halinhan pawis + pag…an = pagpawisan = pagpusan
  • 37. Isulat ang Tama kung wasto ang pagkabanghay sa di- karaniwang pandiwa na may salungguhit at kung mali ay isulat ang wastong baybay. 1. Malayo at mataas ang nilipad ng saranggola ni KC. 2. Yinaya niya si Arnold upang ipakitang kaya niyang magpalipad ng saranggola. 3. Biglang tinakipan ni Mara ang kanyang mga tainga ng nagpapalipad na sila. 4. Nais tawidin ng dalawa ang kabilang palaruan. 5. Niyaya ni Isabel si May na sundan ang mga anak na naglalaro. 6. Nilakaran nila ang tabi ng mga luntiang damo at magagandang bulaklak. 7. Isa-isa nilang lininisan ang marurungis na mga anak.
  • 38. 8. Hinagkan sila ng mga anak bilang pasasalamat sa paglilinis sa kanila. 9. Tininginan nilang mabuti ang masasayang bata upang kumain at magpahinga. 10.Kinunan nila ng litrato ang mga bata nang hindi nila alam.
  • 39.  MGA PANDIWANG KATAWANIN AT PALIPAT Pandiwang Katawanin - Ang pandiwang katawanin ay hindi na kailangang lagyan ng tuwirang layon. Halimbawa: 1. Kumulo ang tubig. 2. Sumisikat ang araw. 3. Umiihip ang hangin.
  • 40. Pandiwang Palipat - Pandiwang palipat ang tawag sa pandiwang maaaring lagyan ng tuwirang layon. Halimbawa: 1. Nagpagawa siya ng bag na abaka sa Bicol. 2. Humihila ng kalesa ang kabayo. Halimbawa: Pandiwang Palipat na walang kasamang layon 1. Nagpagawa siya sa Bicol.
  • 41. Tukuyin ang pandiwang nakasalungguhit kung PL (palipat) o KT (katawanin). 1. Nag-aaral si Sally upang maraming matutuhan. 2. Nais niyang makakuha ng mataas na marka. 3. Nagdarasal siyang magtagumpay sa paaralan. 4. Nagbabasa siya ng mahuhusay na aklat upang lalong madagdagan ang kanyang kaalaman. 5. Nagtatanong siya kapag malabo pa sa kanya ang leksyon. 6. Ang mga guro ay nagpapaliwanag ng leksyon. 7. Nagbibigay siya ng maraming halimbawa. 8. Nakikinig ang lahat dahil kailangang matuto. 9. Tumunog ang bell, hudyat na natapos ang klase. 10.Naglabasan ang masasayang mag-aaral.
  • 42. Lapatan ng tamang pandiwa ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa mula sa salitang-ugat sa loob ng panaklong. 1. (likha) ng Diyos ang lahat sa simula ng daigdig. 2. (salita) at nangyari nga ang kanyang tinuran. 3. Ang lahat ay (ganap) sa loob ng anim na araw. 4. Sa ikapitong araw, Siya ay (pahinga). 5. (masid) niya ang kanyang nilikha. 6. Siya ay (lugod) sa nakita. 7. Ang tao ay kanyang (sabi) namamahala sa lahat ng bagay. 8. (bigay) ng pangalan ng tao ang mga nilikha ng Diyos. 9. Ang tao ay (hanap) ng makakasama sa buhay. 10.(sama) sa paraiso ang dalawa.
  • 43.  MGA PANLAPING MAKADIWA um-/-um- Ginagamit sa pokus sa tagaganap at nagsasaad ng karaniwang kilos. Halimbawa: lumindol lumaki tumubo kumidlat tumaba gumaling mag-(1) Laging ginagamit na unlapi ito. Naglalagay ng gitling sa pagitan ng salitang inuunlapian kung nagsisimula sa patinig ang salita. Ginagamit din sa pokus na tagaganap at nagsasaad din ng kilos Halimbawa: magligpit mag-aral maghulog
  • 44. mag-(2) Nagsasaad ng paulit-ulit na kilos. Maaaring ulitin ang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: magluluha magbabasa maghihiwa mag- (3) Nagsasaad ng pagiging isang may angking propesyon o gawaing isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: magdoktor magguro magdekano
  • 45. mag-…-an - -han Nagsasaad ng tambingang kilos o kilos na sabayan. Halimbawa: magkainan magsulatan maglundagan magka- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay o pagkaganap ng diwang isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: magkasalapi magkakotse magkaaklat magkatitulo magkatrabaho magkagulo
  • 46. magma- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng pagpipilit o pagpanggap na maging tulad ng isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: magmabuti magmagaling magmarunong magmaganda magmalinis magmabilis magpa- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ng kilos na isinasaad ng salitang- ugat. Halimbawa: magpatanim magpasingaw magpaagiw magpalaba magpasaing magpapintura
  • 47. magpaka- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng pagpipilit o pagpanggap na maging tulad ng isinasaad ng salitang-ugat sa masidhing kaantasan. Halimbawa: magpakabait magpakasawa magpakadunong Magpakasama magpakayaman magpakasipag magpati- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng boluntaryong paggawa sa kilos na isinasaad ng salitang- ugat dahil sa sitwasyong di maiiwasan. Halimbawa: magpatihulog magpatiwakal magpatianod
  • 48. magsa- Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng paggaya sa kilos o katangian ng tinutukoy sa salitang- ugat. Halimbawa: magsaahas magsamahirap magsamarunong magsi- Unlaping nasa pokus tagaganap at anyong maramihan ng mag-. Halimbawa: magsiwait magsitulong magsikain magsitulog magsikuha magsisungkit
  • 49. ma-(1) Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na isinasaad sa salitang-ugat. Halimbawa: maawit maibig matawag maluto malinis makain mà-(2) Unlaping nasa pokus tagaganap at nagsasaad ng di- sinasadyang pagganap sa kilos ng salitang-ugat. Halimbawa: madulas masabi mauntog masabi maibukas mapatay
  • 50. ma-…-an - -han Panlaping hango sa ma-, nasa pokus na tagaganap at nagsasaad ng kakayahang sa iba o sa isang lunan ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: maawitan matatakan maturuan matawagan masabihan mawikaan mai- Hango rin sa ma-, nasa pokus tagatanggap at nagsasaad ng kilos na ginaganapan sa isang bagay o para sa iba. Halimbawa: mailabas maisulat maigisa maikuha maitago maiutang
  • 51. maipa- Hango rin sa ma-,nasa pokus ng tuwirang layon, at nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ang isang kilos. Halimbawa: maipaluto maipahiwa maipapulot maipahulog maipabungkal maipadangkal maipag-(1) Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagatanggap o benepaktib ng pagpapagawa sa iba ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: maipagluto maipagsigang maipaglinis maipaglitson maipaglugaw maipagpunla
  • 52. maipag-(2) Hango rin sa ma-, nasa pokus ng tuwirang-layon at nagsasaad ng paggawa sa isang bagay ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: maipagbili maipagtanggi maipagtago maipagpalit maipaglako maipagsabit maka- Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap at nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na nasa salitang-ugat. Halimbawa: makatagal makasagot makatulong makasulat makaalis makahingi
  • 53. maká- Hango rin sa panlaping ma-,nasa pokus na tagaganap, at nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa: makasamapal makakain makaamoy makasuntok makatusok makakuha makapag- Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa salitang- ugat. Halimbawa: makapagsalita makapagsulat makapaghiwa makapagpako
  • 54. makapang- - makapan- - makapam- Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagaganap at nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos ng salitang- ugat. Halimbawa: makapang-umit makapandaya makapamatok makapang-uto makapandagok makapamigay mapa- Hango rin sa ma-, nasa pokus na tagaganap at nagsasaad ng kakayahang magawa sa isang tao o sa isang bagay ang kilos o diwang isinasaad ng nilalapian. Halimbawa: mapadulas mapatango mapauwi mapakintab mapaibig mapabasa
  • 55. maki- Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at nagsasaad ng pakikiusap upang sumama sa ibang tao sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: makipulot makiani makihukay makibayo makitulong makitayo magkipag- Hango rin sa ma-,nasa pokus na tagaganap, at nagsasaad ng kilos na ginaganapan ng may kasama. Halimbawa: makipagsayaw makipaglaba makipagbasa makipaglaro makipag-away
  • 56. mang- - man- - mam- Kasingkahulugan at katulad ng mag- sa pokus Halimbawa: manghaltak mandabog mambutas mangharang manakot mambigwas mangag- Maramihang anyo ng mang-. Marami ang gumaganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: mangag-aral mangagbalik mangagdilig mangag-uwi mangagsandok mangagbalot
  • 57. -an - -han Hulaping nasa pokus ng ganapan at nagsasaad na gawin sa isang tao, bagay, hayop o lunan ang kilos o diwang isinasaad sa nilalapian. Halimbawa: gawan pakuan lipstikan gandahan gupitan kutuhan i- (1) Unlaping nasa pokus na kaggamitan at nagsasaad ng paggamit ng isang bagay. Halimbawa: isulat ikayod isuyod itusok isuklay isungkit
  • 58. i- (2) Unlaping nasa pokus na tagatanggap at nagsasaad na gawin para sa iba ang isinasaad ng salitang-ugat. Halimbawa: ikanta itingin itango isulat ibasa isagot i- (3) Unlaping nasa pokus sa layon, nagsasaad ng paggawa sa isang bagay ng kilos na nasa pandiwa. Halimbawa: isabit ipukol ilakad ilaga iakyat itaas
  • 59. -in - -hin Hulaping nasa pokus sa direksyon. Nagsasaad ng pagganap ng kilos sa paksa nito. Halimbawa: mahalin guluhin tirintasin punitin alisin burahin ipa- Unlaping nasa pokus sa layon. Nagpapahayag ng pagpapagawa sa iba ng kilos sa salitang-ugat. Halimbawa: ipahuli ipaawit ipapunas ipakulong ipasanib
  • 60. ipaki- Kasingkahulugan at katulad ng ipa- sa pokus ngunit may dagdag na kahulugang pakikiusap. Halimbawa: ipakisundo ipakibabad ipakihanay ipakisibak ipakiurong ipakipa- Katulad ng ipaki- sa pokus. May kahulugang nakikiusap na ipagawa sa iba ang kilos ng pandiwa. Halimbawa: ipakipasabi ipakipabilin ipakipasundo ipakipatawag ipakipautos
  • 61. isa- Unlaping nasa pokus sa layon. May kahulugang ilagay sa kalagayang nasa salitang-ugat ang paksa. Halimbawa: isaayos isa-Pilipino isapelikula isakahon isanobela isagawa ka-…-an - -han Nasa pokus na direksyunal. May kahulugang gawin sa paksa ang kilos na nasa pandiwa. Halimbawa: kagalitan kainisan kabagutan katuwaan kabaliwan kagiliwan
  • 62. pa-…-in - hin Nasa pokus sa layon. May kahulugang gawin sa paksa o ipagawa sa paksa ang kilos na nasa pandiwa. Halimbawa: padulasin pagandahin palakarin pakinisin palambutin paluhain pag-…-an - -han Nasa pokus sa ganapan. May kahulugang gawin ang kilos o bagay sa paksa ng pandiwa. Halimbawa: pagsakahan paglugawan paggilingan paghanapan pagsampayan
  • 63. papag-…-an - -han Nasa pokus sa ganapan at may kakayahang pagawin ang isang tao ng kilos na isinasaad ng salitang- ugat sa isang lugar o sa isang tao. Halimbawa: papagsayawan papaglutuan papagbayuhan papagkulahan papag-…-in - -hin Nasa pokus na direksyunal, may kahulugang payagan o utusan ang tinutukoy sa paksa na gawin ang kilos na isinasaad sa salitang-ugat. Halimbawa: papag-aralin papag-awayin papagbayuhin papaglakbayin papagdalahin
  • 64. paka-…-an - -han Nasa pokus sa layon. Nagsasaad ng kilos na pinagbubuti o may katindihan Halimbawa: pakahabaan pakadamihan pakaiklian pakakinisan pakagandahan paki-…-an - -han Nasa pokus direksyunal. May kahulugang nakikiusap na gawin sa paksa ang kilos sa salitang-ugat. Halimbawa: pakiputulan pakilagyan pakitusukan pakisabihan pakisulatan pakitaasan