2. Juan 4:23-24
23 Datapuwa't dumarating ang oras,
at ngayon nga, na sasambahin ng
mga tunay na mananamba ang
Ama sa espiritu at katotohanan:
sapagka't hinahanap ng Ama ang
mga gayon na maging mananamba
sa kaniya.
24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga
sa kaniya'y nagsisisamba ay
kinakailangang magsisamba sa
espiritu at sa katotohanan.
3. Gawa 17:22-24
22 At tumindig si Pablo sa gitna
ng Areopago, at sinabi, Kayong
mga lalaking taga Atenas, sa
lahat ng mga bagay ay
napapansin kong kayo'y
lubhang relihioso.
•
4. 23 Sapagka't sa aking pagdaraan, at
sa pagmamasid ng mga bagay na
inyong sinasamba, ay
nakasumpong din naman ako ng
isang dambana na may sulat na
ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI
KILALA. Yaon ngang inyong
sinasamba sa hindi pagkakilala, siya
ang sa inyo'y ibinabalita ko.
5. 24 Ang Dios na gumawa ng
sanglibutan at ng lahat ng mga
bagay na naririto, siya,
palibhasa'y Panginoon ng langit
at ng lupa, ay hindi tumatahan sa
mga templong ginawa ng mga
kamay;
6. Roma 1:21-25
21 Sapagka't kahit kilala nila ang
Dios, siya'y hindi niluwalhati
nilang tulad sa Dios, ni
pinasalamatan; kundi bagkus
niwalang kabuluhan sa kanilang mga
pagmamatuwid at ang mangmang
nilang puso ay pinapagdilim.
7. 22 Ang mga nangagmamarunong ay
naging mga mangmang,
23 At pinalitan nila ang
kaluwalhatian ng Dios na hindi
nasisira, ng isang katulad ng larawan
ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at
ng mga hayop na may apat na paa,
at ng mga nagsisigapang.
8. 24 Dahil dito'y sa karumihan ng mga
pita ng kanilang mga puso ay ibinigay
sila ng Dios sa kahalayan, upang
alisan nila ng puri ang kanilang mga
katawan sa kanikanilang sarili:
9. 25 Sapagka't pinalitan nila ang
katotohanan ng Dios ng
kasinungalingan, at sila'y
nagsisamba at nangaglingkod sa
nilalang kay sa Lumalang, na
siyang pinupuri magpakailan man.
Siya nawa.
10. Mateo 15:09
• 15:9 Datapuwa't walang
kabuluhan ang pagsamba nila
sa akin, Na nagtuturo ng
kanilang pinakaaral ang mga
utos ng mga tao.
11. Colosas 2:20-23
20 Kung kayo'y nangamatay na
kalakip ni Cristo mula sa mga
pasimulang aral ng sanglibutan,
bakit, na waring kayo'y
nangabubuhay pa sa sanglibutan,
kayo'y nangapasasakop sa mga
palatuntunan,
12. 21 Gaya ng: Huwag dumampot, ni
huwag lumasap, ni huwag humipo;
22 (Ang lahat ng mga bagay na ito
ay mangasisira sa paggamit), ayon sa
mga utos at mga aral ng mga tao?
13. 23 Ang mga bagay na iya'y
katotohanang mayroong anyo ng
karunungan sa pagsambang kusa, at
sa pagpapakababa, at sa
pagpapakahirap sa katawan; nguni't
walang anomang kabuluhan laban sa
ikalalayaw ng laman.
14. Roma 12:1,2
1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik
ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan
ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga
katawan na isang haing buhay, banal, na
kaayaaya sa Dios, na siya ninyong
katampatang pagsamba.
2 At huwag kayong magsiayon sa
sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa
pamamagitan ng pagbabago ng inyong
pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung
alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na
kalooban ng Dios.
15. Colosas.3:16
“Manahanan nawang sagana sa inyo
ang salita ni Cristo; ayon sa buong
karunungan, kayo'y mangagturuan at
mangagpaalalahanan sa isa't isa sa
pamamagitan ng mga salmo at ng
mga himno at mga awit na ukol sa
espiritu, na magsiawit kayong may
biyaya sa inyong puso sa Dios.”
16. Awit 47:1
“Oh ipakpak ang inyong mga
kamay ninyong lahat na mga
bayan; magsihiyaw kayo sa Dios
ng tinig ng pagtatagumpay.”
17. Awit 150:3-6
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya ng pandereta at
sayaw: purihin ninyo siya ng mga
panugtog na kawad at ng flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga matunog na
simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka
matunog na mga simbalo.
6 Purihin ng bawa't bagay na may hininga
ang Panginoon. Purihin ninyo ang
Panginoon.
18. Awit 134:2
“Itaas ninyo ang inyong mga
kamay sa dakong santuario, at
purihin ninyo ang
Panginoon.”
19. 2 Samuel 6:14-16
14 At nagsayaw si David ng
kaniyang buong lakas sa harap ng
Panginoon; at si David ay
nabibigkisan ng isang epod na lino.
15 Sa gayo'y iniahon ni David at ng
buong sangbahayan ng Israel ang
kaban ng Panginoon, na may
hiyawan, at may tunog ng pakakak.
20. 16 At nagkagayon, sa pagpapasok
ng kaban ng Panginoon sa bayan ni
David, na si Michal na anak ni Saul ay
tumitingin sa dungawan, at nakita na
ang haring si David ay naglulukso at
nagsasayaw sa harap ng Panginoon;
at kaniyang niwalan ng kabuluhan
siya sa kaniyang puso.
21. Awit 51:10-12
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na
puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang
matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa iyong
harapan; at huwag mong bawiin ang iyong
santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng
iyong pagliligtas: at alalayan ako ng
kusang espiritu.