2. Ang Misyong Wood at Forbes
Ang misyong naitalaga para mag-imbestiga ng
kalagayan ng Pilipinas.(Warren G. Harding)
William Cameron Forbes : dating gobernador-
heneral; itinalaga ni Harding para mamuna sa
misyon
Heneral Leonard Wood : dating kumander ng mga
puwersang Amerikano sa Mindanao
• Layunin : upang malaman kung handa na ang mga
Pilipino para sa kasarinlan; ang tunay na epekto ng
Pilipinisasyon
• Pinaburan ng Misyong ito ang Patakarang
Republikano na huwag munang pagkalooban ng
independensiya ang mga Pilipino hanggang hindi
pa nila naipapakita ang kakayahang pamahalaan
ang sarili
3. Naging Gobernador si Wood
Nasiyahan si P. Harding sa naging
report ng Misyond Wood-Forbes
kaya gusto niya na maging sunod na
gobernador-heneral si Wood sa
Pilipinas.
Karanasan niya:
Nagsilbing gobernador-militar ng Cuba
Nakipaglaban sa Cuba (panahong digmaang
Espanyol-Amerikano)
(Nung una, nagatubili pa si Wood, ngunit
kalaunan ay natanggap niya ang matinding
katungkulang para pamahalaan ang bansa)
4. Ang Hidwaang Osmena at Quezon
Sergio Osmena
Malawak ang kapangyarihan, kaya
madalas siyang kinokonsulta ng
gobernador-heneral.
Inireklamo siya sa kadahilanang
nagiging diktador na at kinukuha nito
ang lahat ng papuri sa mga
pinagtrabahuhan ng ibang Pilipinong
estadista.
Pinangunahan ang isang partido
(unipersonalistas) – na naniniwalang
dapat iisa lang tao ang dapat
humawak ng liderato at hindi isang
pangkat.
May ikatlong Partido. (Partido
Democrata) kaya nagkasundo sila ni
Quezon at nagsanib puwersa para sa
eleksiyon noong 1925.
Nahalal sa Senado at kapalit na
Ispiker ng Kapulungan ay si Manuel A.
Roxas.
Pangulong Protempore
Manuel Quezon
Inakala niyang malalampasan niya
si Osmena. Naniniwala siyang
dapat mapunta sa Presidente ng
Senado ang liderato ng mga
Pilipino at hindi sa Ispiker ng
Kapulungan.
Alam niya ang lawak ng
impluwensiya ni Osmena kaya
naghintay siya ng tamang panahon
para harapin ang ispiker.
Bumuo ng isang grupo sa loob ng
Partido Nacionalista (kolektibista)
– na naniniwalang dapat ay sama-
samang ginagawa ang pamumuno
sa politika sa bansa at hindi isang
tao ang nagdidikta ng mga
patakaran.
Mas madaming nakuhang puwesto
sa halalan ang kolektibista.
Pangulo ng Senado
5. Ang Krisis sa Gabinete
Nagbitiw sa tungkulin ang mga Pilipinong
miyembro ng gabinete, maging ang mga
miyembro ng Konseho ng Senado.
Inasukasahan sila ni Wood na
kinakalaban ang awtoridad ng Estados
Unidos at tinanggap ang kanilang
pagbibitiw.
Nagbunga ng krisis sa gabinete ang sabay-
sabay na pagbibitiw ng mga Pilipinong
miyembro nito at ng Konseho ng Estado.
6. Iba pang Pakikipag-alitan kay
Wood
Una ay ang pagsubok na gamitin ng mga
Pilipinong lider sa politika ng isang paglabag sa
mga probisyon ng Batas Jones, nakalaban niya
sina Quezon, Osmena at iba pang Pilipino sa
gobyerno. (tungkol sa kaso ng lupong
tagapamahala)
Ikalawa ay ang pagtutol niya sa probisyon ni
Harrison, at sinabing ibinibigay sa kanya ng Batas
Jones ang kontrol ng lupon bilang puno ng sangay
na ehekutibo.
Ikatlo, isa pa ay ang kontrahin ang ipinapasang
batas. Inakusahan nina Quezon at Osmena si
Wood na hindi na pinipili nito kung kailan ito
ginagamit.
7. Mga Misyon para sa Kasarinlan
Pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig noong
1914-1918, nilikha ng Lehislatura ng Pilipinas ang
Komisyong Pangkasarinlan na may layuning pag-
aralan ang mga paraan ng pakikipagnegosasyon
para sa paglaya ng bansa.
Ipinadala ang unang misyon sa Estados Unidos
ngunit wala itong nagawa dahil sa kalagayan noon
ng daigdig bunga ng digmaang katatapos lamang.
Isa pang misyong ipinadala nang sumunod na taon
para kumbinsihin ang Kongreso ng Amerika na
ang mga kondisyong inilatag ng Batas Jones para
pagkakaloob ng independensiya ay natugunan na
nila; ngunit wala ding nagawa ang misyong ito.
8. Ang Misyong Osmena-Roxas
Inatasan ito ng Lehislatura na lakarin ang
maagang pagkakaloob ng independensiya sa
bansa.
May tatlong grupo na pabor sa pagbibigay ng
kasarinlan sa bansa : a. unang grupo – mga
magsasakang Amerikano; naniniwalang
nakikipagkompetensiya sa mga produktong
Amerikano ang mga produktong agrikultura mula sa
Pilipinas; b. ikalawang grupo – manggagawang
Amerikano; na naniniwalang
nakikipagkompetensiya sa kanila ang mga
manggagawang Pilipino na maluwag na
nakakapasok sa Amerika; c. ikatlong grupo – na nais
mapag-isa ang Amerika; na naniniwala na kung
bibigyan ng kasarinlan ang Pilipinas, kailangang
makipagdigmaan ng Estados Unidos sa Hapon.
9. Ang Batas Hare-Hawes Cutting
Ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-
Hawes-Cutting bunga ng matinding kampanya ng
Misyong Os-Rox at sa tulong ng mga grupong pabor sa
pagkakaloob ng independensiya.
Itinakda ng batas na ito na pagkalipas ng sampung taon,
na tatawaging Panahon ng Commonwealth,
ipagkakaloob na ang kasarinlan ng Pilipinas.
Itinakda rin ng batas na ito na 50 Pilipino ang maaring
makapasok sa Estados Unidos, taon-taon, sa loob ng
sampung taon. Pati produktong Pilipino ay may
limitadong bilang para makapasok sa Estados Unidos.
Pinapayagan din ng batas na manatiling nasa ilalim ng
Estados Unidos ang ilang lupaing mapipili ng Pangulo
ng Amerika para gawing “kampong militar at para sa iba
pang gawain”.
10. Ang Misyon ni Quezon
Pangangatwiran ni Quezon ang tungkol sa Batas Hare-
Hawes-Cutting:
Hindi sinisiguro ng probisyon tungkol sa ugnayang pang-
ekonomiya na magkakaroon ng seguridad pang-
ekonomiya ang Pilipinas kapag naging malaya na ito
Mahigpit at pabor lamang sa Estados Unidos ang
probinsyon sa limitadong bilang ng puwedeng pumasok sa
Estados Unidos
“masyadong maluwag at di tiyak” ang mga
kapangyarihan ng Amerikanong Nakatataas na
Komisyoner
“hindi naaayon sa konsepto ng tunay na kasarinlan” ang
pagpapanatili sa Pilipinas ng mga kampong militar at
hukbong-dagat, at nilalabag nito ang pambansang
kasarinlan at dignidad.
Nagtrabaho si Quezon nang husto upang kontrahin ng
Lehislatura ang nasabing batas.
11. Ang Pagbabalangkas ng Konstitusyon
Batas Tydings-McDuffie - (opisyal na pangalan: Batas sa
Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na
inaprubahan noong Marso 24, 1934 ay isang pederal na batas
ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan
ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos)
matapos ang sampung taon.
Itinakda rin ng Batas Tydings-McDuffie ang pagbabalangkas ng
Konstitusyon para sa pamahalaang Commonwealth.
Alinsunod sa probisyong ito, idinaos ang halalan para sa
Kumbensiyong Pangkonstitusyon noong ikasampu ng Hulyo,
1934.
Noong Pebrero 8, 1935, inaprubahan ng kumbensiyon ang
Konstitusyon. Inaprubahan ito ni Pang. Franklin D. Roosevelt
noong Marso 23, 1935.
12. Karapatang Makaboto ng Kababaihan
Sa pangunguna ni Concepcion Felix ay itinatag
nila ang La Gota de Leche na tumulong upang
mapababa ang bilang ng mga sanggol na
namamatay.
Nang taong ding iyon, binuo nila ang La Asociacion
Feminista Filipina kasama sina Concepcion Felix,
Paz Mendoza Guazon, Rosa Sevilla Alvero, Sofia de
Veyra, Natividad de Almeda, Pilar Hidalgo, nilang
mga miyembro.
Sa kabilang dako, naitatag ni Pura Villanueva
Kalaw ang La Asociacion Feminista Ilonga para
ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan
upang makaboto at maihalal sa tungkuling
pampubliko