SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 7
1
#6
Cruz, Ma. Ellaine M.
TA 4-A
Dula
Storyline
Kaanu-ano ko kayo?
1. Sa isang kwarto, nakaupo si Ben at tumitingin ng photo album.
2. Papasok ang nanay nyang si Teresa at magkakaroon ng usapan ang mag-ina.
3. Lalabas si Ben at maiiwan ang kanyang ina sa kwarto.
4. Tahimik na may malalim na iniisip si Teresa papunta sa isang sulok. Kukuha ng ng
notebook at ballpen, uupo, at magsusulat.
5. Maririnig niya na may paparating kaya’t ililipat sa ibang pahina ang notebook at magsusulat
ulit.
6. Papasok ang kanyang anak, ang asawa na si Benito at isa pang kasama, ang ama ni Ben.
7. Mapapatayo si Teresa, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at kaba. Gayon din ang
reaksyon ng kasama ng kanyang asawa at anak.
8. Kukunin nya ang nakaipit na punit na larawan sa pahinang unang sinulatan, tinitigan ito at
ibinalik ang tingin sa kasama ng anak at ama na si Mang Benjamin.
9. Biglang tumakbo palabas nang kwarto si Teresa, nalaglag ang hawak na litrato. Mapapansin
at pupulutin ito ng kanyang anak.
10. Susundan ni Benito si Teresa palabas ng bahay ngunit pipgilan ito ng kanyang ama at
ipapakita sa kanya ng anak ang hawak na litrato at mapapansing may kakaiba sa litrato na
ito.
11. Mamumukhaan ang nasa litrato at ihaharap sa kanyang ama, makikita at mababasa ang
nakasulat sa likod ng itrato.
12. May maririnig na hiyaw at pagbangga mula sa labas.
13. Mag-iiba ang timpla ng kanyang mukha. Lalapit sa isang drawer at kukunin ang isang
bagay, baril.
14. Itututok ang baril sa umiiyak na anak at nagmamakaawang ama.
15. Magkakaroon ng sagutan ang mag-ama at ipuputok nang apat na beses ang baril.
16. Papasok sa loob ng silid si Teresa. Lalapitan ang anak.
17. Magmamakaawa sa asawang nawalan na ng bait.
18. Magtatalo ang dalawa.
19. Babarilin ang asawa
20. Magbabaril sa sarili.
2
Cruz, Ma. Ellaine M.
TA-4A
Dula
Dulang Kagyat
Kaanu-ano ko kayo?
TERESA, 32, asawa ni Ben Jr.
BENJAMIN, 56, tatay ni Ben Jr.
BENITO. , 33, baog na asawa ni Teresa
BEN, 7, anak nina Ben Jr. at Teresa
TAGPUAN: Study Room
PANAHON: Kasalukuyan
Sa kanang bahagi ng silid ay may hanay ng isang cabinet na puno ng libro at photo album. Sa
ibabaw ng cabinet ay dalawang larawang naka—kwadro. Larawan ng mag-asawang sina
Teresa at Benito at solong larawan ni Ben, Makikita sa kaliwang bahagi ay mesang may drawer,
at upuan. Sa ibabaw ng mesa ay patong ng limang notebook, at tusukan ng mga panulat. Sa
gitnang bahagi ng pader ng silid ay nakasabit ang naka-kwadrong larawan ng buong pamilya.
Unang Tagpo
(Tumitingin ng mga larawan sa photo album si Ben, may pagtataka at may halong ngiti ang
makikita sa kanyang mga mata at labi)
Ben: Ako. Si nanay. Si Tatay. SI Lola.. Bakit kaya wala si lolo? Ayaw kaya nya sa akin?
(Ililipat ang pahina ng photo album). Si Nanay. Si Tatay. Si Lola. Si lolo…wala ulit?
(Magtataka)
Papasok si Teresa.
Teresa: Ben, anak. Anong ginagawa mo? (Makikitang hawak ni Ben ang photo album). Ah!
Tumitingin ka pala ng mga pictures natin. Baby ka pa dyan, ngayon ang laki-laki mo na. Pogi-
pogi ng baby ko. Hmmmp. (Yayakapin nang may gigil ang anak).
Ben: Mommy, bakit wala si lolo sa mga pictures? Ayaw nya po ba sa akin? Galit po ba sila ni
daddy? (Ititigal ang paglipat ng pahina ng photo album)
3
Teresa: Anak, kasi ganito ‘yun. Si Lolo, nasa.. malayong lugar. Malayung-malayo. Iniwan kasi
ni lolo sila daddy at lola mo, nung eight years old pa lang ang daddy mo. May dahilan siguro si
lolo mo nung umalis siya. Kahit nga si mommy, hindi pa nakikita si lolo mo e. At saka anak,
hindi nya ayaw sa’yo at hindi rin sila galit ni daddy. Okay baby?
Ben: Ah. E ilan taon na po si daddy ngayon? Hindi na po niya hinanap si lolo?
Teresa: Thirty three years old na si daddy mo. (Habang nagsasalita, ililipat muli ni Ben ang
pahina ng photo album). Hinahanap rin nya si lolo mo, magdadalawang linggo na rin. Syempre,
gusto nyang makasama at makita ang lolo mo, at ipakilala ka. Matutuwa yun panigurado dahil
may apo na sya na kamukhang kamukha ng anak nya.
Titigil si Ben sa ginagawa.
Ben: Sana makita na ni daddy si lolo, para makita ko na rin sya. Si lola lang po kasi ang laging
nakikipaglaro sa akin e. Sabi po kasi ng mga kaklase ko, masaya rin ang may lolo. (Matatahimik
habang nakatitig ang inang si Teresa na may ngiti sa mga labi habang inaayos ang buhok ng
anak)
Babagsak ang mukha na parang may gusto pang itanong sa ina.
Ben: Mommy, may kuya po kayo?
Teresa: Hmm. Oo. May ate ako saka kuya. Bakit mo natanong, anak?
Ben: Wala naman po. Bakit ako po walang kuya?
Maba-blangko ang mukha ni Teresa, balisang tatayo at mag-aayos kunwari ng mga bagay-
bagay sa loob ng silid.
Teresa: (Balissa). Ah, anak, kasi. Hmm. Hirap magkababy sina mommy at daddy. Sabi nga ng
doktor, hindi kami magkakaanak, kaya sobrang saya namin nung dumating ka sa buhay namin.
(Kakalma). Kami na ata ang pinakamasayang mommy at daddy sa buong mundo.
Mauupo sa upuan si Teresa.
Teresa: Halika ka nga rito.
Lalapit si Ben sa ina.
Ben: Ganun po ba, mommy? Ako naman po ang pinakamasayang anak sa buong mundo. I love
you, mommy. (Magyayakapan ang mag-ina)
Teresa: Mahal din kita, anak. Mahal na mahal. O sige na,
punta ka muna sa room mo, play ka muna dun, may gagawin lang si mommy.
4
Lalabas si Ben.
Ikalawang Tagpo
Hahanapin ni Teresa ang isang notebook na kabilang sa mga notebook na nakasalansan sa
ibabaw ng mesa. Kukuha ng isang panulat.
Teresa: (Magsisimulang magsulat sa kanyang notebook) Pitong taon na ang lumipas mula nang
kalimutan ko ang nangyari sa aking nakaraan. Malaki na si Ben ko. Pero bakit bumalik na naman
ang mga ala-alang hindi ko na gustong maalala pa. Hindi namin anak ng asawa ko si Ben. Baog
ang asawa ko. Marumi akong babae. Pinagsamantalahan ng gagong lasing, ginahasa ako at
nabuo si Ben. Masama akong tao dahil hindi ko sinabi sa asawa ko ang nangyari. Hindi dahil sa
gusto ko siyang lokohin, kundi dahil gusto kong isipin niyang amin ang dinadala kong bata, kahit
na alam naming baog siya. Gusto kong isipin at maramdaman naming kahit papaano ay may pag-
asang magkaanak kami. Pinalaki namin ng buong pagmamahal si Ben. Kitang-kita ko kung
paano arugain at kalingain ng asawa ko ang anak na akala niya ay sa kanya. Maswerte ako at
habang lumalaki si Ben ay medyo hawig nito ang kanyang ama.
Kukunin ang nakaipit na litrato sa notebook.
(Sa litrato habang sinusulat sa likod). Hayop ka! Binaboy mo ako at nabuntis ako! Oo! Ikaw ang
ama ng anak ko! Pero salamat na rin sa bata at ngayon ay may itinuturing na anak ang asawa ko!
Mula sa likod ay maririnig ang boses ng dumating na asawa. Maririnig ni Teresang kausap ni
Benito ang anak. Madaling iiipit ang litrato at ililipat ang pahina ng notebook. Ililigpit ang mga
nakalabas na photo album at babalik sa kinauupuan.
Benito: Teresa! Ben, anak ko! May surprise si daddy!
Benito: Ben, anak. Siya ang daddy ni daddy, si lolo mo, si Lolo Benjamin.
Ben: (Sabik) (kay Benjamin) Hi Lolo Benjamin! Kamusta po kayo? (kay Benito)Daddy! Ang
bait naman po ni Lord, nahanap ninyo na po si Lolo. Hinahanap ko po siya kay mommy kanina
e. Tara po, ipakilala po natin siya kay mommy. Nandoon po siya sa study room.
Ikatlong Tagpo
Nakayuko at nagsusulat ng mga bayarin si Teresa sa parehong notebook ngunit sa ibang pahina.
Benito: (May labis na kaligayahan at pananabik. Papasok sina Ben, Benito at Mang Benjamin)
Teresa. Ang tatay natagpuan ko na.
Teresa: Talaga Benito? (Titigil sa pagsulat at iaangat ang mukha nang nakangiti. Magugulat at
mapapatitig sa kasama ng asawa. Yuyuko at hahanapin ang inipit na litaratong hawak kanina.
Tititigan ang litrato at ibabalik ang tingin sa kasama ni Benito)
5
(Tatayo at lalapit kay Benito) Ba.. bakit mo kasama ang hayop na yan?!
(Kay Benjamain) Hayop ka!? Baboy ka!(Paulit-ulit ang sigaw. Lalapit at susuntukin si Mang
Benjamin sa dibdib.)
Iiyak si Ben pero aaluhin ito ni Benjamin. Kita sa mukha ni Mang Benjamin ang gulat at kaba
habang nakatitig sa nagsisisigaw na si Teresa.
Benito: (Hahawakan ang asawa sa balikat) Teresa! Ano ba ang nangyayari sa’yo?! Siya ang
tatay na matagal ko nang hinahanap! Teresa!
Tatakbo si Teresa palabas ng silid at ng buong bahay. Hindi mapapansing nalalag ang hawak
na litrato. Mapapansin ito g umiiyak na si Ben at pupulutin.
Ikaapat na Tagpo
Mang Benjamin: (Hahawakan sa braso ang patakbong si Benito. Yuyuko) Anak, patawarin mo
ako. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyo. Sa iyo.
Benito: Tay, wala ho kayong kasalanan. Hindi ko ho alam kung anong mayroon sa asawa ko
para masabi ang mga bagay na ‘yun. Paumanhin ho. (Hawak at tinitignan ni Ben ang hawak na
litrato)
Ben: Daddy! Nahulog ni mommy!(Hawak ang likurang bahagi ng damit ni Banito, iaabot ang
hawak na larawan)
Kukunin ni Benito ang litrato. Tititigan at magtataka.
Benito: (Hawak ang litrato. Nagtataka at kinakabahan) Tay, ikaw ‘to hindi ba? Bakit mayroon
si Teresa ng litrato ninyo? (Ihaharap sa ama, kaya makikita ang nakasulat sa likod. Kukunot-noo
at unti-unting maluluha) Anong ibig sabihin nito?! Anong.. anong anak ng nasa litratong ito ang
anak ko?! Ikaw ‘to, hindi ba?! Tay!! (Tutulo ang mga luha)
May maririnig na sigaw.
Teresa! May sasakyan!
Magugulat ang tatlo sa loob ng silid dahil sa malakas na pagbangga. Lalakas ang iyak ni Ben.
Mang Benjamin: (Nangingig at umiiyak) Pa-patawarin mo ako, anak. Hindi ko alam na siya ay
asawa mo. Pitong taon na ang nakaraan. Sirang-sira ang buhay ko mula nang iwan ako ng
babaeng ipinalit ko sa inyo ng ina mo. Walan tigil sa pag-inom. Nagsimula akong gumamit ng
droga. Isang gabing nalasing ako, may nakita akong babae, pinagsamantalahan ko. Pero hindi ko
alam na nabuntis ko ang babaeng ‘yo na asawa pala ng anak ko. At siyang anak mong si Ben
pala, ang apo ako, ang bunga ng pangwawalanghiyang nagawa ko noon.
6
Nakayuko, tahimik at nakakuyom ang nanginginig na kamao, Dahan-dahang lumapit sa mesa.
Binuksan ang drawer at kinuha ang baril.
Nanginginig, umiiyak at takot na takot umatras si Mang Benjamin habang yakap si Ben.
Benito: (Itinutok niya ang baril sa dalawa. Galit na galit at walang tigil ang pagtulo ng mga
luha.) MGA PUTANG INA NYO!
Ben: (Walang igil sa pag-iyak at pagsigaw) Mommy! Mommy! Daddy, tama na, daddy!
Moommmyy!!
Mang Benjamin: (Lumuhod) Anak, ibaba mo ang baril. Patawarin ninyo ako. Aalis ako at hindi
na magpapakita pa. Nakikiusap ako, anak, ibaba mo yan. Lalayuan ko ang asawa at anak mo.
Benito: (Mas lalong gigil ang hawak sa nakatutok na baril sa ama at sa anak) Hindi ko anak
ang batang ‘yan! (Ipuputok ang baril kay Ben) Itinatakwil kita bilang ama ko! (Ipuputok ang
baril kay Mang Benjamin) Hayop! (Ipuputok ang baril kay Mang Benjamin) Magsama kayo sa
impyerno ng anak mo! (Ipuputok ang baril kay Ben)
Ikalimang Tagpo
Papasok sa silid si Teresa at mabibigla sa makikita.
Teresa: (Tatakbo at yayakapin an katawan ng anak na wala nang buhay) Ben! Anak ko! (Aagos
ang luha, punung-puno ng hinagpis ang mukha)
Itataas ang mukha at titingin sa asawa, may nangungusap at nagmamakaawang mga mata.
Teresa: Benito! Parang awa mo na! Tigilan mo na ‘to! Ibaba mo ang baril. Nagmamakaawa ako
sa’yo.
Benito: (Nanghihina pero nakatutok ang baril kay Teresa. Lumuluha) Pinagmukha mo akong
tanga! Pitong taon.. Pitong taon mo akong pinagmukhang tanga at ginawang ama sa batang hindi
ko anak! Batang bunga ng pananamantala ng salaula kong ama!
Teresa: (Dahan-dahang tatayo at lalapit sa asawa) Oo. Pitong taon kong itinago ang lahat
sa’yo. Ginahasa ako ng ama mo! Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Gusto kong ibigay kung
ano ang makakapagpasaya sa’yo. Itinuring ko si Ben bilang isang biyaya mula sa Panginoon
kaya inilihim ko ang nakaraan! (Magtataas ng boses). Inilihim ko sa’yo dahil ayokong ibaon mo
dyan sa kokote mong ...
Benito: Ano!? Sabihin mo kung ano?!
Teresa: (Matatauhang may nasabing hindi maganda) Benito.. itigil mo na ‘to. Patawarin mo
ako. Patawarin mo ako, Benito. (Hahagulgol)
7
Benito: (Nakatingin sa larawan ng kanilang pamilay na naka-kwadro na nakasabit sa gitnang
pader.) Ano?! Ano?! Inilihim mo sa akin dahil ayaw mong ibaon ko sa kokote ko ang ano?!
(Haharap kay Teresa at itututok ang baril.) Sabihin mo!? (Ibabaling ang baril sa larawang
nakasabit at ipuputok.) Ano!?
Teresa: Na baog ka! Hindi ka magkakaanak! Baog ka! At ‘yung ang katotohanang hindi na
mababago pa! (Iiyak)
Benito: Tama na! (Ipuputok ang baril kay Teresa). Tama na! (Ipuputok ulit ang baril). Tama na!
Oo, baog ako! Inutil ako. Pero niloko ninyo ako. Mga hayop kayo! Magsama-sama kayo!
(Ipuputok ulit ang baril)
Manghhina si Benito. Ibaba ang braso uupo sa upuan. Iiyak at sasapuhin ang iyuyukong ulo.
Mapapansin ang nakabukas na pahina ng notebook na sinulatan ni Teresa. Babasahin ang
nakasulat.
Benito: Gigil. Titigin kay Mang Benjamin. Siya ang ama ko! Ibabaling ang tingin kay Teresa.
Ikaw ang mahal kong ginahasa at pinagsamantalahan ng ama ko. Itutuont kay Ben ang matang
puno ng luha. At ikaw Ben ang bunga ng kahayupang ‘yon. Anong itatawag ko sa’yo? Kaanu-
ano kita…? Kaanu-ano ko kayo…?
Lalakas ang pag-iyak at ililibot ang tingin sa mga mahal sa buhay na wala nang hininga.
Hahawakan muli ang baril. Titignan ito. Iyuyuko ang ulo at ikakalang sa baril na nakatutok sa
gitna ng noo.
Magsasara ang telon.
May maririnig na putok ng baril.
Wakas.

Más contenido relacionado

Destacado

"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse
"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse "I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse
"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse Manojkumar Jaiswal
 
Script midsummer
Script midsummerScript midsummer
Script midsummerBiagio Muto
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINONimpha Gonzaga
 
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)clumsychik
 
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)Christine Joy Pilapil
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 

Destacado (10)

"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse
"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse "I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse
"I AM NOT AN ALCOHOLIC"....Skit on drug abuse
 
Script midsummer
Script midsummerScript midsummer
Script midsummer
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
"ANAK" MOVIE REVIEW (TAGALOG)
 
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)
Halimbawa ng Radyo Komentaryo (Script)
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Fil script
Fil scriptFil script
Fil script
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 

Último

pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 

Último (20)

pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 

Script - "Kaanu-ano ko kayo?"

  • 1. 1 #6 Cruz, Ma. Ellaine M. TA 4-A Dula Storyline Kaanu-ano ko kayo? 1. Sa isang kwarto, nakaupo si Ben at tumitingin ng photo album. 2. Papasok ang nanay nyang si Teresa at magkakaroon ng usapan ang mag-ina. 3. Lalabas si Ben at maiiwan ang kanyang ina sa kwarto. 4. Tahimik na may malalim na iniisip si Teresa papunta sa isang sulok. Kukuha ng ng notebook at ballpen, uupo, at magsusulat. 5. Maririnig niya na may paparating kaya’t ililipat sa ibang pahina ang notebook at magsusulat ulit. 6. Papasok ang kanyang anak, ang asawa na si Benito at isa pang kasama, ang ama ni Ben. 7. Mapapatayo si Teresa, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at kaba. Gayon din ang reaksyon ng kasama ng kanyang asawa at anak. 8. Kukunin nya ang nakaipit na punit na larawan sa pahinang unang sinulatan, tinitigan ito at ibinalik ang tingin sa kasama ng anak at ama na si Mang Benjamin. 9. Biglang tumakbo palabas nang kwarto si Teresa, nalaglag ang hawak na litrato. Mapapansin at pupulutin ito ng kanyang anak. 10. Susundan ni Benito si Teresa palabas ng bahay ngunit pipgilan ito ng kanyang ama at ipapakita sa kanya ng anak ang hawak na litrato at mapapansing may kakaiba sa litrato na ito. 11. Mamumukhaan ang nasa litrato at ihaharap sa kanyang ama, makikita at mababasa ang nakasulat sa likod ng itrato. 12. May maririnig na hiyaw at pagbangga mula sa labas. 13. Mag-iiba ang timpla ng kanyang mukha. Lalapit sa isang drawer at kukunin ang isang bagay, baril. 14. Itututok ang baril sa umiiyak na anak at nagmamakaawang ama. 15. Magkakaroon ng sagutan ang mag-ama at ipuputok nang apat na beses ang baril. 16. Papasok sa loob ng silid si Teresa. Lalapitan ang anak. 17. Magmamakaawa sa asawang nawalan na ng bait. 18. Magtatalo ang dalawa. 19. Babarilin ang asawa 20. Magbabaril sa sarili.
  • 2. 2 Cruz, Ma. Ellaine M. TA-4A Dula Dulang Kagyat Kaanu-ano ko kayo? TERESA, 32, asawa ni Ben Jr. BENJAMIN, 56, tatay ni Ben Jr. BENITO. , 33, baog na asawa ni Teresa BEN, 7, anak nina Ben Jr. at Teresa TAGPUAN: Study Room PANAHON: Kasalukuyan Sa kanang bahagi ng silid ay may hanay ng isang cabinet na puno ng libro at photo album. Sa ibabaw ng cabinet ay dalawang larawang naka—kwadro. Larawan ng mag-asawang sina Teresa at Benito at solong larawan ni Ben, Makikita sa kaliwang bahagi ay mesang may drawer, at upuan. Sa ibabaw ng mesa ay patong ng limang notebook, at tusukan ng mga panulat. Sa gitnang bahagi ng pader ng silid ay nakasabit ang naka-kwadrong larawan ng buong pamilya. Unang Tagpo (Tumitingin ng mga larawan sa photo album si Ben, may pagtataka at may halong ngiti ang makikita sa kanyang mga mata at labi) Ben: Ako. Si nanay. Si Tatay. SI Lola.. Bakit kaya wala si lolo? Ayaw kaya nya sa akin? (Ililipat ang pahina ng photo album). Si Nanay. Si Tatay. Si Lola. Si lolo…wala ulit? (Magtataka) Papasok si Teresa. Teresa: Ben, anak. Anong ginagawa mo? (Makikitang hawak ni Ben ang photo album). Ah! Tumitingin ka pala ng mga pictures natin. Baby ka pa dyan, ngayon ang laki-laki mo na. Pogi- pogi ng baby ko. Hmmmp. (Yayakapin nang may gigil ang anak). Ben: Mommy, bakit wala si lolo sa mga pictures? Ayaw nya po ba sa akin? Galit po ba sila ni daddy? (Ititigal ang paglipat ng pahina ng photo album)
  • 3. 3 Teresa: Anak, kasi ganito ‘yun. Si Lolo, nasa.. malayong lugar. Malayung-malayo. Iniwan kasi ni lolo sila daddy at lola mo, nung eight years old pa lang ang daddy mo. May dahilan siguro si lolo mo nung umalis siya. Kahit nga si mommy, hindi pa nakikita si lolo mo e. At saka anak, hindi nya ayaw sa’yo at hindi rin sila galit ni daddy. Okay baby? Ben: Ah. E ilan taon na po si daddy ngayon? Hindi na po niya hinanap si lolo? Teresa: Thirty three years old na si daddy mo. (Habang nagsasalita, ililipat muli ni Ben ang pahina ng photo album). Hinahanap rin nya si lolo mo, magdadalawang linggo na rin. Syempre, gusto nyang makasama at makita ang lolo mo, at ipakilala ka. Matutuwa yun panigurado dahil may apo na sya na kamukhang kamukha ng anak nya. Titigil si Ben sa ginagawa. Ben: Sana makita na ni daddy si lolo, para makita ko na rin sya. Si lola lang po kasi ang laging nakikipaglaro sa akin e. Sabi po kasi ng mga kaklase ko, masaya rin ang may lolo. (Matatahimik habang nakatitig ang inang si Teresa na may ngiti sa mga labi habang inaayos ang buhok ng anak) Babagsak ang mukha na parang may gusto pang itanong sa ina. Ben: Mommy, may kuya po kayo? Teresa: Hmm. Oo. May ate ako saka kuya. Bakit mo natanong, anak? Ben: Wala naman po. Bakit ako po walang kuya? Maba-blangko ang mukha ni Teresa, balisang tatayo at mag-aayos kunwari ng mga bagay- bagay sa loob ng silid. Teresa: (Balissa). Ah, anak, kasi. Hmm. Hirap magkababy sina mommy at daddy. Sabi nga ng doktor, hindi kami magkakaanak, kaya sobrang saya namin nung dumating ka sa buhay namin. (Kakalma). Kami na ata ang pinakamasayang mommy at daddy sa buong mundo. Mauupo sa upuan si Teresa. Teresa: Halika ka nga rito. Lalapit si Ben sa ina. Ben: Ganun po ba, mommy? Ako naman po ang pinakamasayang anak sa buong mundo. I love you, mommy. (Magyayakapan ang mag-ina) Teresa: Mahal din kita, anak. Mahal na mahal. O sige na, punta ka muna sa room mo, play ka muna dun, may gagawin lang si mommy.
  • 4. 4 Lalabas si Ben. Ikalawang Tagpo Hahanapin ni Teresa ang isang notebook na kabilang sa mga notebook na nakasalansan sa ibabaw ng mesa. Kukuha ng isang panulat. Teresa: (Magsisimulang magsulat sa kanyang notebook) Pitong taon na ang lumipas mula nang kalimutan ko ang nangyari sa aking nakaraan. Malaki na si Ben ko. Pero bakit bumalik na naman ang mga ala-alang hindi ko na gustong maalala pa. Hindi namin anak ng asawa ko si Ben. Baog ang asawa ko. Marumi akong babae. Pinagsamantalahan ng gagong lasing, ginahasa ako at nabuo si Ben. Masama akong tao dahil hindi ko sinabi sa asawa ko ang nangyari. Hindi dahil sa gusto ko siyang lokohin, kundi dahil gusto kong isipin niyang amin ang dinadala kong bata, kahit na alam naming baog siya. Gusto kong isipin at maramdaman naming kahit papaano ay may pag- asang magkaanak kami. Pinalaki namin ng buong pagmamahal si Ben. Kitang-kita ko kung paano arugain at kalingain ng asawa ko ang anak na akala niya ay sa kanya. Maswerte ako at habang lumalaki si Ben ay medyo hawig nito ang kanyang ama. Kukunin ang nakaipit na litrato sa notebook. (Sa litrato habang sinusulat sa likod). Hayop ka! Binaboy mo ako at nabuntis ako! Oo! Ikaw ang ama ng anak ko! Pero salamat na rin sa bata at ngayon ay may itinuturing na anak ang asawa ko! Mula sa likod ay maririnig ang boses ng dumating na asawa. Maririnig ni Teresang kausap ni Benito ang anak. Madaling iiipit ang litrato at ililipat ang pahina ng notebook. Ililigpit ang mga nakalabas na photo album at babalik sa kinauupuan. Benito: Teresa! Ben, anak ko! May surprise si daddy! Benito: Ben, anak. Siya ang daddy ni daddy, si lolo mo, si Lolo Benjamin. Ben: (Sabik) (kay Benjamin) Hi Lolo Benjamin! Kamusta po kayo? (kay Benito)Daddy! Ang bait naman po ni Lord, nahanap ninyo na po si Lolo. Hinahanap ko po siya kay mommy kanina e. Tara po, ipakilala po natin siya kay mommy. Nandoon po siya sa study room. Ikatlong Tagpo Nakayuko at nagsusulat ng mga bayarin si Teresa sa parehong notebook ngunit sa ibang pahina. Benito: (May labis na kaligayahan at pananabik. Papasok sina Ben, Benito at Mang Benjamin) Teresa. Ang tatay natagpuan ko na. Teresa: Talaga Benito? (Titigil sa pagsulat at iaangat ang mukha nang nakangiti. Magugulat at mapapatitig sa kasama ng asawa. Yuyuko at hahanapin ang inipit na litaratong hawak kanina. Tititigan ang litrato at ibabalik ang tingin sa kasama ni Benito)
  • 5. 5 (Tatayo at lalapit kay Benito) Ba.. bakit mo kasama ang hayop na yan?! (Kay Benjamain) Hayop ka!? Baboy ka!(Paulit-ulit ang sigaw. Lalapit at susuntukin si Mang Benjamin sa dibdib.) Iiyak si Ben pero aaluhin ito ni Benjamin. Kita sa mukha ni Mang Benjamin ang gulat at kaba habang nakatitig sa nagsisisigaw na si Teresa. Benito: (Hahawakan ang asawa sa balikat) Teresa! Ano ba ang nangyayari sa’yo?! Siya ang tatay na matagal ko nang hinahanap! Teresa! Tatakbo si Teresa palabas ng silid at ng buong bahay. Hindi mapapansing nalalag ang hawak na litrato. Mapapansin ito g umiiyak na si Ben at pupulutin. Ikaapat na Tagpo Mang Benjamin: (Hahawakan sa braso ang patakbong si Benito. Yuyuko) Anak, patawarin mo ako. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyo. Sa iyo. Benito: Tay, wala ho kayong kasalanan. Hindi ko ho alam kung anong mayroon sa asawa ko para masabi ang mga bagay na ‘yun. Paumanhin ho. (Hawak at tinitignan ni Ben ang hawak na litrato) Ben: Daddy! Nahulog ni mommy!(Hawak ang likurang bahagi ng damit ni Banito, iaabot ang hawak na larawan) Kukunin ni Benito ang litrato. Tititigan at magtataka. Benito: (Hawak ang litrato. Nagtataka at kinakabahan) Tay, ikaw ‘to hindi ba? Bakit mayroon si Teresa ng litrato ninyo? (Ihaharap sa ama, kaya makikita ang nakasulat sa likod. Kukunot-noo at unti-unting maluluha) Anong ibig sabihin nito?! Anong.. anong anak ng nasa litratong ito ang anak ko?! Ikaw ‘to, hindi ba?! Tay!! (Tutulo ang mga luha) May maririnig na sigaw. Teresa! May sasakyan! Magugulat ang tatlo sa loob ng silid dahil sa malakas na pagbangga. Lalakas ang iyak ni Ben. Mang Benjamin: (Nangingig at umiiyak) Pa-patawarin mo ako, anak. Hindi ko alam na siya ay asawa mo. Pitong taon na ang nakaraan. Sirang-sira ang buhay ko mula nang iwan ako ng babaeng ipinalit ko sa inyo ng ina mo. Walan tigil sa pag-inom. Nagsimula akong gumamit ng droga. Isang gabing nalasing ako, may nakita akong babae, pinagsamantalahan ko. Pero hindi ko alam na nabuntis ko ang babaeng ‘yo na asawa pala ng anak ko. At siyang anak mong si Ben pala, ang apo ako, ang bunga ng pangwawalanghiyang nagawa ko noon.
  • 6. 6 Nakayuko, tahimik at nakakuyom ang nanginginig na kamao, Dahan-dahang lumapit sa mesa. Binuksan ang drawer at kinuha ang baril. Nanginginig, umiiyak at takot na takot umatras si Mang Benjamin habang yakap si Ben. Benito: (Itinutok niya ang baril sa dalawa. Galit na galit at walang tigil ang pagtulo ng mga luha.) MGA PUTANG INA NYO! Ben: (Walang igil sa pag-iyak at pagsigaw) Mommy! Mommy! Daddy, tama na, daddy! Moommmyy!! Mang Benjamin: (Lumuhod) Anak, ibaba mo ang baril. Patawarin ninyo ako. Aalis ako at hindi na magpapakita pa. Nakikiusap ako, anak, ibaba mo yan. Lalayuan ko ang asawa at anak mo. Benito: (Mas lalong gigil ang hawak sa nakatutok na baril sa ama at sa anak) Hindi ko anak ang batang ‘yan! (Ipuputok ang baril kay Ben) Itinatakwil kita bilang ama ko! (Ipuputok ang baril kay Mang Benjamin) Hayop! (Ipuputok ang baril kay Mang Benjamin) Magsama kayo sa impyerno ng anak mo! (Ipuputok ang baril kay Ben) Ikalimang Tagpo Papasok sa silid si Teresa at mabibigla sa makikita. Teresa: (Tatakbo at yayakapin an katawan ng anak na wala nang buhay) Ben! Anak ko! (Aagos ang luha, punung-puno ng hinagpis ang mukha) Itataas ang mukha at titingin sa asawa, may nangungusap at nagmamakaawang mga mata. Teresa: Benito! Parang awa mo na! Tigilan mo na ‘to! Ibaba mo ang baril. Nagmamakaawa ako sa’yo. Benito: (Nanghihina pero nakatutok ang baril kay Teresa. Lumuluha) Pinagmukha mo akong tanga! Pitong taon.. Pitong taon mo akong pinagmukhang tanga at ginawang ama sa batang hindi ko anak! Batang bunga ng pananamantala ng salaula kong ama! Teresa: (Dahan-dahang tatayo at lalapit sa asawa) Oo. Pitong taon kong itinago ang lahat sa’yo. Ginahasa ako ng ama mo! Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Gusto kong ibigay kung ano ang makakapagpasaya sa’yo. Itinuring ko si Ben bilang isang biyaya mula sa Panginoon kaya inilihim ko ang nakaraan! (Magtataas ng boses). Inilihim ko sa’yo dahil ayokong ibaon mo dyan sa kokote mong ... Benito: Ano!? Sabihin mo kung ano?! Teresa: (Matatauhang may nasabing hindi maganda) Benito.. itigil mo na ‘to. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Benito. (Hahagulgol)
  • 7. 7 Benito: (Nakatingin sa larawan ng kanilang pamilay na naka-kwadro na nakasabit sa gitnang pader.) Ano?! Ano?! Inilihim mo sa akin dahil ayaw mong ibaon ko sa kokote ko ang ano?! (Haharap kay Teresa at itututok ang baril.) Sabihin mo!? (Ibabaling ang baril sa larawang nakasabit at ipuputok.) Ano!? Teresa: Na baog ka! Hindi ka magkakaanak! Baog ka! At ‘yung ang katotohanang hindi na mababago pa! (Iiyak) Benito: Tama na! (Ipuputok ang baril kay Teresa). Tama na! (Ipuputok ulit ang baril). Tama na! Oo, baog ako! Inutil ako. Pero niloko ninyo ako. Mga hayop kayo! Magsama-sama kayo! (Ipuputok ulit ang baril) Manghhina si Benito. Ibaba ang braso uupo sa upuan. Iiyak at sasapuhin ang iyuyukong ulo. Mapapansin ang nakabukas na pahina ng notebook na sinulatan ni Teresa. Babasahin ang nakasulat. Benito: Gigil. Titigin kay Mang Benjamin. Siya ang ama ko! Ibabaling ang tingin kay Teresa. Ikaw ang mahal kong ginahasa at pinagsamantalahan ng ama ko. Itutuont kay Ben ang matang puno ng luha. At ikaw Ben ang bunga ng kahayupang ‘yon. Anong itatawag ko sa’yo? Kaanu- ano kita…? Kaanu-ano ko kayo…? Lalakas ang pag-iyak at ililibot ang tingin sa mga mahal sa buhay na wala nang hininga. Hahawakan muli ang baril. Titignan ito. Iyuyuko ang ulo at ikakalang sa baril na nakatutok sa gitna ng noo. Magsasara ang telon. May maririnig na putok ng baril. Wakas.