10. Gramatika sa Proseso ng Mabisang
Pagpapahayag
Ang retorika ay may tungkuling
pagandahin at patimyasin ang isang
pahayag, samantalang ang gramatika
ay pinangangalagaan ang kawastuhan
para maging malinaw ang
pagpapahayag.
11. Tatlong (3) mahahalagang bagay
ang sinasaklaw ng wika:
Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita.
Tamang paggamit ng salita
Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang
pahayag upang makabuo ng malinaw na
kaisipan o ideya.
12. 1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita
.Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga salita,
nagkakaroon ng pagkakataong makapili at makagamit ng
isang angkop na salita.
Halimbawa:
A. Siniliran niya ng mga pinamili ang bag.
(Mahina)
B. Sinidlan niya ng mga pinamili ang bag.
(Pinalakas)
13. 2. Tamang Paggamit ng Salita
.Ang maling gamit ng salita ay maaaring makabawas sa kalinawan ng
pagpapahayag at nakapagpapamali sa isang pahayag.mayroong salitang
magkasing-anyo o magka-uri subalit may tiyak at ibang pinaggagamitan.
Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap.
A. Tingin - mababaw na pagbibigay-pansin
B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri.
C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo.
D. Sulyap - panakaw na tingin
14. 3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita
Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakaktulong
upang maging maayos ang pagpapahayag.
Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng
magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa isa’t isa.
A. Bumaba ng bahay ang mga bata.
(Mahina)
B. Nanaog ng bahay ang mga bata..
(Pinabuti)
15. Semantika
May kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at
pangungusap.
Denotasyon
Konotasyon
Sinonim
Antonim
Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na
magka-ugnay
Hal: marka
16. Galing sa salitang ‘’rhetor’’ na mula sa Griyego na
ang ibig sabihin ay guro o isang taong magaling na
mananalumpati o isang mahusay na orador.
Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o
pasulat na pagpapahayag.
Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o agham ng
paghihimok o panghihikayat.
19. May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito
ay:
1. Pangngalan 6. Pantukoy
2. Panghalip 7. Pangatnig
3. Pandiwa 8. Pang-ukol
4. Pang-uri 9. Pang-angkop
5. Pang-abay
20. 1. Mga Nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghalili sa
pangngalan.
-Panao, Pamatlig, Panaklaw at Pananong
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
Pokus, aspekto
21. 3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip.
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa
nito pang-abay.
22. Mga Uri ng Pang-abay :
1. pang-abay na kataga o ingklitik
2. pang-abay na pamanahon
3. pang-abay na panlunan
4. pang-abay na pamaraan
5. pang-abay na panggaano
6. pang-abay na pang-agam
7. pang-abay na panang-ayon
8. pang-abay na pananggi
23. Pang-abay na kataga o ingklitik
- mga katagang laging sumusunod sa unang salita
ng kayariang kinabibilangan.
• ba daw/raw pala man
• kasi din/rin tuloy
muna
• kaya naman nga pa
• na yata lamang/lang
• sana
24. Halimbawa :
-Nailigtas daw ang mga minerong nadaganan sa
minahan.
-Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring
sakuna.
-Kumain muna sila bago umalis.
-Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
25. Pang-abay na Pamanahon
ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May pananda: nang, sa, noon,
kung, kapag, buhat, mula, umpisa,
hanggang
26. Walang pananda: kahapon,
kanina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali,atb.
Nagsasaad ng dalas: araw-araw,
tuwing umaga, taun-taon atb.
27. Pang-abay na Panlunan
Tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang
pariralang sa, kay o kina. Ito ay
sumasagot sa tanong SAAN.
28. Pang-abay na Pamaraan
Naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit
ang panandang nang o na/-ng.Ito ay
sumasagot satanong na PAANO.
29. Pang-abay na Panggaano
Nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na Gaano o Magkano.
Pang-abay na Pang-agam
Nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit
ang mga pariralang
marahil, siguro, tila, baka, wari, parang,
atb.
30. Pang-abay na Panang-ayon
Nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit
dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya,
talaga, syempre atb.
Pang-abay na Pananggi
Nag-sasaad ng pagtanggi tulad ng hindi/di at
ayaw.
31. 1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
-mga salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-
nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay.
at pati saka o ni maging subalit
ngunit kung bago upang sana
32. Mga Pang-ugnay (Connectives)
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang
nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. (na,ng,g)
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang
nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita
33. Pang-ukol (preposition)
ng
ni/nina
kay/kina
laban sa
ayon sa
para sa
alinsunod sa
laban kay
ayon kay
para kay
ukol kay
tungkol kay
tungkol sa
hinggil sa
hinggil kay
alinsunod kay
34. 2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga katagang
nangunguna sa pangngalan o panghalip na
ginagamit bilang simuno. (ang, ang mga/si, sina)
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) -
salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri. (ay)
35.
36. Idyoma
Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang
pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga.
Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng
konotatibo at malalim na pagpapakahulugan.
Halimbawa:
putok sa buho -anak sa
pagkadalaga
mababaw ang luha -madaling
naglulubid ng buhangin -
hilong talilong -litung-lito
pabalat-bunga -hindi totoo
37. Asong-pungge — susunod-sunod sa
dalaga
Balat-kalabaw — Matibay ang hiya;
walanghiya
Balat-sibuyas — maramdamin; madaling
umiyak
Basang-sisiw — api-apihan; kalagayang
sa hirap
Buhay-alamang — laging nasusuong sa
panganib; hikahos
Buhay-pusa — mahaba ang buhay; laging
38. Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta
Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa
Dagang-bahay — taksil sa kasambahay
Kakaning-itik —api-apihan
Kutong-lupa — bulakbol; walang
hanapbuhay
Lakad-kuhol — mabagal utusan
Ligong-uwak — hindi naghihilod; ulo lamang
ang binabasa.
39. Maryakapra (marya-kapra) — babaing
masagwa; baduy magbihis
Mataas ang lipad — hambog
Matang-manok — malabo ang paningin
kung gabi;
May sa-palos— Hindi mahuli. Mahirap
salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.
Nagmumurang kamatis — nagdadalaga
40. Paang-pato — tamad; makupad; babagal-bagal
Pagpaging alimasag — walang laman
Puting-tainga — maramot
Putok sa buho — anak sa labas
Sangkahig, sangtuka — Ginagasta ang siyang
kinikita.
Tagong-bayawak — madaling makita sa
pangungubli
Tawang-aso — tawang nakatutuya
41. Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi;
Kadaupang-palad— kaibigang matalik
Kumindat sa dilim — nabigo; nilubugan ng pag-asa
Lawit ang pusod — balasubas
Ligaw-tingin — torpe
Mababaw ang luha — iyakin; bawat kalungkutan
ay iniiyak
Mabigat ang dugo — kinaiinisan
Magaan ang bibig – palabati; magiliw
makipagkapuwa
42. Mainit ang mata —nagdadala ng kamalasan kapag
nagmiron sa sugalan
Manipis ang balát—madaling masaktan kapag
sinabihan
Marumi ang noo — taong may kapintasan
May balahibo ang dila — sinungaling
May bálat sa batok — malas
May bituin sa palad — masuwerte sa lahat ng bagay
May kuko sa batok —di-mapagkakatiwalaan
May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin
May nunal sa paa — Layás; mahilig maglagalag
43. May tala sa noo — babaeng ligawin o malimit suyuin
ng mga lalaki
Nakadikit ng laway — tanggalin; madaling tanggalin
Namuti ang talampakan — tumakbo palayo dahil sa
natakot o naduwag.
Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi; hindi
matandaan, bagama’t alam na alam
Naulingan ang kamay — nagnakaw; kumupit ng salapi
Puting tainga — maramot
44.
45. Tayutay
Ito ay ang sinadyang paglayo sa
karaniwang paraan ng paggamit ng mga
salita sa layuning gawing makulay, kaakit-
akit at lalong mabisa sa pagpapahayag.
May iba’t ibang uri ng tayutay ito ay ang
mga sumusunod:
46. 1. Pagtutulad (simile)
Paggamit ng di-tuwirang
pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri at gumagamit ng mga
parirala tulad ng tulad ng, kawangis
ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
Halimbawa:
Tulad ng isang ibon, tao rin ay
namamatay.
47. 2. Pagwawangis (metaphor)
Paggamit ng mga pahayag na
nagpapahaiwatig ng pagkukumpara ng
dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi
na ito ginagamitan ng mga pariralang tulad
kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
Halimbawa:
Ang kanyang buhay ay isang bukas
na aklat.
50. 5. Pagtawag (apostrophe)
Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang
tao (karaniwang patay o wala sa isang
tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng
kaligtasan na binibigyan ng katangiang
pantao.
Halimbawa:
Tukso, layuan mo ako.
51. 6. Pagpapalit-tawag (metonymy)
Paggamit ng isang salitang panumbas o
nagpapahiwatig ng kahulugan ng di
tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng
katawagan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Igalang natin ang mga
maputing buhok.
52. 7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan; maaari namang nag-iisang tao
ang kumakaktawan sa ibang pangkat.
Halimbawa:
Isang kayumanggi ang
pinangaralan sa larangan ng
53. 8. Paghihimig (onomatopoeia)
Paggamit ng tunog o himig ng salita
ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
Kumabog sa matigas na lupa
ang bumagsak na kargamento
trak.
54. 9. Pagtatambis (oxymoron)
Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat
upang higit na magkatingkad ang bisa ng
pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba.
Halimbawa:
Siya’y isang taon napanday ng panahon.
Naranasan niya ang maghirap at yumaman,
di-napansin, lapitan ng mga kaibigan sa
mayroon siya at itakwil sa kawalan niya. Kaya
naniyang harapin ang pakikibaka sa buhay.
55. 10. Paglulumanay (euphemism)
Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng
pangit na pahayag.
Halimbawa:
Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay
humantong sa isang makabagbag
tagpo sa harap ng kapitbahay.
56. 11. Pag-uyam(Irony o Sarcasm)
paggamit ng mga salitang kabaligtaran na
kahulugan at taliwas sa katotohanan.
Halimbawa:
Siya ay may magandang mukha
na kung saan tanging ina niya lang
humahanga.
57. 15. Pagtanggi (Litotes)
Gumagamit ng panangging HINDI upang
maipahayag ang makabuluhang pagsang-
ayon.
Halimbawa:
Hindi ko sinasabing ayaw ko sa
kanya pero suklam na suklam ako sa
58. 18. Tanong Retorikal
Ito ay isang tanong na hindi naman talaga
kakailanganin ng sagot kundi ang layunin
ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang
mensahe.
Halimbawa:
Pag-ibig nasaan ka, angkinin mo
ang lahat ng emosyong mayroon ako!
59. 18. Pag-uulit (Alliteration)
Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad
na titik o pantig sa inisyal na bahagi ng
salita.
Halimbawa:
Luminga si Romy sa kapaligiran, lumakad ng
ilang hakbang, lumingon sa pinanggalingan at
nagdudumaling lumabas sa lumang gusaling
mahabang panahon na ring naging bilangguan ng
kanyang yayat na katawan.
60. Uri ng Tulang Pasalaysay
EPIKO
- mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng
isang taong may pambihirang katangian.
AWIT
- tulang romansa kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran
ng mga tauhan at hango sa tunay na buhay. Halimbawa: Florante at Laura
61. KORIDO
- tulang romansa kung saan ang mga tauhan ay may
kakayahang supernatural.
Halimbawa:
Ibong Adarna
62. EpikoBago Dumating Ang Mga Kastila
EpikoNg Ifugao
ALIM- kahawig ng Ramayan ng India.
HUDHUD– pakikipagsapalaran ni Aliguyon.
Epikong Muslim
BIDASARI
BANTUGAN
INDARAPATRAat SULAYMAN
Epiko ng Tagalog
KUMINTANG