Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
Paaralan
Masbate National Comprehensive High
School
Baitang 9
Guro GLENN G. RIVERA Asignatura Araling Panlipunan
Oras & Petsa MARCH 14, 2023 (2:00-3:00 PM & 3:00-4:00 PM) Markahan IKATLONG MARKAHAN
I.LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Ang mag-aaral ay makapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung
papaano ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Mula sa
MELC)
1. Naipahahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok
(AP9MAK-lllc-6)
2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at pag-iimpok
(AP9MAK-llc-7)
Tiyak na Layunin
1. Natatalakay ang ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan;
2. Natataya ang kahalagahan ng tamang pagbabadyet at pag-iimpok.
II.NILALAMAN Paksa: Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan
III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
LRMDS Teacher’s Guide o Gabay sa Pagtuturo Yunit 3 - Ugnayan ng
Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
BE-LCP Most Essential Learning Competencies (MELCs) Pahina 54
Prototype and Contextualized Daily Lesson Plan (DLPs) Araling
Panlipunan 9 (Ikatlong Markahan), Pahina 23-27
2. Mga pahina sa
kagamitang pang mag-
aaral
Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Pahina 259-
268
Gawaing Pagkatuto Bilang 6, Pag-iimpok at Pamumuhunan
3. Mga pahina sa teksbuk
Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, (Bagong
Edisyon), Pahina 287-301
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources o nilalaman.
LRMDS Sample Daily Lesson Log - Ugnayan ng Pangkalahatang Kita,
Pag-iimpok at Pagkonsumo
B. Iba pang
Kagamitang Panturo
Manila paper, marking pen, adhesive tape, larawan, larawan sa
pagganyak, laptop at projector o TV monitor
IV.PAMAMARAAN
A. Pagsasaayos ng mga Upuan (Seating Arrangement)
Susundin ng mga bata ang panuntunan sa pag-upo sa mga upuang may
distansya na naaayon sa IATF Health and Safety Protocols. May isang
metro ang pagitan ng bawat upuan sa gilid, harap, at sa likod.
Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal na mga
pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa mula sa malayo ay
uupo sa harapan, habang ang mga nakababasa kahit na mula sa malayo
ay uupo sa likod. Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay uupo sa
harap, habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo sa bandang
hulihan.
Tandaan: Kung sakaling lumindol, huwag mataranta at agad na sundin ang
duck, cover and hold. Patuloy na magmatyag at maghintay sa mga hudyat
tulad ng alarm at panawagan ng paglikas.
B. Pagdarasal
Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal. Isusunod agad ang
pagwawasto ng attendance at pagtatala ng liban sa klase. Sasabihan ang
mga liban sa klase na magkakaroon ng enhancement/remedial activities.
C. Balitaan
Sabihin ang mga balitang may kinalaman sa ekonomiks o ekonomiya ng
bansang Pilipinas.
A. Balik-aral sa
nakaraang
aralin o pag sisimula
ng bagong aralin
D. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral tayo sa tinalakay kahapon.
1. Paano sila nagkakatulad?
Average Learner Advanced Learner
1. Ano ang dalawang panukat
sa pambansang kita? Ibigay
ang kanilang kahulugan
1. Isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng GNI at GDP.
Lahat ng sagot na ibinigay ninyo ay tama. Natutuhan natin na ang
dalawang panukat sa pagsulong ng eknomiya ay ang GDP at GNI. Ang
GDP ay Gross Domestic Product na sinusukat ang kabuuang kita ng
mga mamamayan ng bansa na nasa loob nito sa buong taon o kwarter.
GDP GNI
GDP
GNI
Samantala ang GNI/GNP ay kabuuang produkto sa buong taon ng
mamamayang Pilipino at dayuhan sa loob at labas ng Pilipinas.
Pagganyak: Larawan Suri!
Panuto: Kilalanin ang larawan at buuin ang word puzzle sa ibaba.
https://tinyurl.com/y3gbwoql
M_N_G_G_W_
http://tinyurl.com/3qwf889
P_G_I_P_K
https://tinyurl.com/yybk64j8
P_R_
https://tinyurl.com/mf5ks5bk
P_G_O_S_M_
1. Anu-ano ang mga nabuong konsepto sa word puzzle?
2. May kaugnayan ba ang mga ito sa buhay ng tao?
3. Bakit mo nasabi ang mga ito?
B. Paghahabi sa
layunin ng aralin.
Narinig mo na ba ang magulang mong nag-dialogue nang ganito:
“Saka ko na ibibigay yung hinihingi mo pagdating ng sweldo” o kaya’y “Tiis-
tiis muna wala pang pera ang tatay niyo, sa makalawa pa ang sweldo.”
Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito?
Ibig lamang sabihin nito na sakto lamang ang kita ng magulang ninyo sa
pang araw-araw na pangangailangan. Samakatwid, wala kayong ipon!
Madalas, iisa lang ang napupuntahan ng kita ng isang tao, ang pagkonsumo.
Hindi natin alintana na maliban sa pagkonsumo mayroon pang isang bagay
na maaari nating gawin sa ating kita na higit na kapaki-pakinabang, ito ay
ang pag-iimpok. Ang layunin ng ating gawain ngayong araw ay ang mga
sumusunod: (Ipapaskil ng guro ang mga layunin at tatawag ng mag-aaral
upang basahin ito sa klase. Sisikaping mabalikan ito pagkatapos ng gawain
upang matiyak ang pagkamit nito.)
Pagpapakita ng “video presentation:”
“Ipon-Ipon Din: A Savings Video (W/ English Subtitles)”
https://www.youtube.com/watch?v=dIuslRE8gQ
EXPLORE
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa
bagong aralin.
Suriin natin ang graph kaugnay ng mga salitang hinulaan mula sa
naunang gawain.
Pamprosesong tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng grap?
2. Bakit mahalaga ang pag-iimpok?
3. Sadya nga bang mahirap ang mag-impok dahil maliit ang kita?
4. Saan dapat inilalagak ang pera o savings? Bakit?
4. Sa bangko at sa iba pang financial intermediaries, tulad ng mga
kooperatiba, mutual funds, modified pag-ibig savings 2 (MP2), tayo dapat
mag-ipon dahil ito lamang ang mga institusyon na may sapat na
kakayahan para pangalagaan at palaguin ang ating pera sa pamamagitan
ng tubo, interes at dibidendo. kung itatago natin ito sa bahay o alkansiya,
hindi ito lalago. Maaari pa itong makadagdag sa implasyon at
magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng salapi sa pamilihan. subalit
kung nasa financial intermediaries, ito ay babalik sa pamilihan.
D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
Paano tayo magiging matalino sa pag-iimpok?
Para lalo pa nating maunawaan ang katangian ng isang matalinong pag-
iimpok, magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa apat
(4) na pangkat. Bawat pangkat ay may teksto akong ibibigay. Ngayon,
susuriin ninyo kung papaano makatutulong ang Habits of a Wise Saver at
ipaliliwanag ng kinatawan ng bawat pangkat gamit ang graphic organizer.
I
P
O
N
K
U
R
Y
E
N
T
E
T
U
B
I
G
P
A
G
K
A
I
N
Simulan natin ang pag-uulat ng:
Unang Pangkat
Ikalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
Ikaapat na Pangkat
E. Paglalahad ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
Pagsusuri at bukas na talakayan tungkol sa Habits of a Wise Saver
1. Bakit kailangan nating kilalanin ang ating bangko?
2. Kailangan bang malaman ang nilalaman ng kontrata mo sa
bangko?
3. Ano ang ibig sabihin ng confidentiality at ATM?
4. Ano ang ginagampanang papel ng PDIC, SEC, at BSP?
EXPLAIN AND ELABORATE
F. Paglinang sa
kabihasaan (Tungo
sa Formative
Assessment) #3
Ngayon lalo pa nating linangin ang ating nalaman sa mga tinalakay.
Punan ng impormasyon ang mga sumusunod:
PERA
Ano ang Pera?
KITA
Saan nanggagaling ang kita?
PAGKONSUMO
Ano ang pagkonsumo?
PAG-IIMPOK
Paano tayo nag-iimpok?
FINANCIAL INTERMEDIARIES
Ano ang papel ng Financial
Intermediaries?
PDIC
Ano ang tungkulin ng PDIC?
INTEREST
Paano tumatanggap ng interes
ang nag-iimpok?
G. Paglalapat ng aralin
sa pang araw-araw
na buhay.
Alin ang angkop o nararapat na pormula sa pag-iimpok?
Pangatwiranan ang iyong napili.
Integrasyon sa Mathematics, Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP),
Technology Livelihood Education (TLE), Grade 11/12 Empowerment
Technologies and Grade 11/12 Business Finance:
1. Ilan sa inyo ang nag-iimpok? Maaari bang itaas ang kanang kamay?
Ngayon, ilang bahagdan o porsiyento sa inyo ang nag-iimpok? Ilang
posiyento rin ba ang inyong naiimpok mula sa inyong kita o baon kada
buwan? Paano ka nag-iimpok at bakit? (M5NS-llla-140 – Week 1 and 2 –
Habits of a Wise Saver
1 3 5 7
2 4 6
Pormula 1
Income – Expenses =
Savings
Pormula 2
Income – Savings =
Expenses
Solves routine and non-routine problems involving percentage using
appropriate strategies and tools; M6NS-llc-142 – Week 3 – Finds the
percentage or rate or percent in a given problem)
2. Anu-ano ang mga bagay na pinahahalagahan ng isang taong nag-iimpok
dahil sa hanapbuhay o maging sa pagnenegosyo? Paano mo isinasabuhay
ang mga ito? (EsP9KP-llle-12.1/1.2 – Week 5 – Natutukoy ang mga
indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok)
3. Ano ang mga bagay na nagawa mo na ukol sa pagbabadyet ng iyong
sariling kita at gastusin, lalo na kung ikaw ay may hanapbuhay, trabaho o
negosyong ginagawa? Paano ka nagbabadyet? (TLE7/TLE8 Week 2 – Use
calculations involving fractions, percentage, and mixed numbers to complete
workplace tasks; CS_ICT11/12-ICTPT-llm-p18 – Weeks 2-4 Savings and
financial literacy drives; ABM_BF12-Ivo-p-27 – Week 3-4 – Illustrate the
money management cycle and give examples of sound practices in earning,
spending, saving, and investing money; TLE6HE-0b-3 – Week 1 – Allocates
budget for basic and social need and Savings/emergency budget such as
health, house repair)
H. Paglalahat ng Aralin
Kumpletuhin ang concept map ng mga salita na nagpapahiwatig sa
kahalagahan ng pag-iimpok. Isang salita lamang sa bawat bilog.
EVALUATE
I. Pagtataya ng Aralin
Tukuyin kung ang mga sumusuod na pangungusap ay TAMA o MALI.
Ipaliwanag ang sagot at sabihin kung PAANO ang proseso upang ang bawat
aytem ay magiging tama sa paningin ng nakararami.
1. Ang perang naimpok sa bangko ay kumikita ng interes.
2. Kapag nagsara ang bangko, ang perang naimpok ay hindi na
makukuha.
3. Ang gastos ng tao ay dapat nakabatay sa matalinong pagdedesisyon
sa kaniyang kita.
4. Mahalaga ang may ipon para may magagamit kung kinakailangan.
5. Hindi masama ang pagiging impulse buyer dahil nasusunod mo ang
uso at gusto mo.
EXTEND
J. Karagdagang gawain
para sa takdang-
aralin at remediation
1. Tanungin ang mga magulang o tagapag-gabay ukol sa badyet ng inyong
pamilya.
2. Gumawa ng chart ng badyet ng inyong pamilya na nagpapakita ng mga
nakalaang pondo o pera sa bawat aytem na kanilang babanggitin.
Halimbawa: pagkain, tubig, tirahan, mga kasuotan o damit, pamasahe,
kuryente, LPG o panggatong, mga espesyal na bayarin, mga kagustuhan o
Pag-
iimp
ok
luxury items, ipong pera, mga gamot at bayarin sa ospital, mga kagamitan
sa pag-aaral, atbp.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
VII. OTHERS
A. Bilang ng mga mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagsusulit.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy ng
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nabuo
na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:
GLENN G. RIVERA
JHS-Teacher
Sinuri ni:
JANETH F. ALMOGUERRA
MT-II, JHS
Binigyang-pansin:
ROSALIE M. LUBATON
T-III/OIC, AP Department