SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 29
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
Kabanata 1
Ulirat
Luisito Gomez
“ISANG guni guni ang nagpatindig
ng aking gunita”, ang ingay na
nagmumula sa ibayong dulo ng daanang
mahaba, sira-sira ang mga dingding ng
tahanang tila walang naninimdim, ang
mga huni ng hayop, sa dulo ng aking
tainga ay aking nauulinigan, ang aking
paningin ay nandidilim, mabilis ang
tibok ng aking puso, tagatak ang pawis
sa aking noo, ang pisngi ko’y may
dungis na di ko mawari ang dahilan ng
pagkahapdi, ang aking dila ay umuurong
na tila ayokong magsalita, ang
kalamnan ko’y nanghihina, ang bisig
ko’y nanginginig, napapalunok ako sa
sobrang pagkakadapa, sa lupa ay subsob
ang aking mukha, ang tuhod ko’y
namamaga at ramdam ko ang pagdapo ng
mga langaw sa ’king paanan na hindi ko
man lang mahawakan. “Umiiling ako,
para akong napipipi at nabibingi.”
Sa sobrang katahimikan, hininga na
lamang ang tanging lumalaban. “Bahagya
akong tumagilid, sa sobrang pagkahapo
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
ng aking buong katawan, napapaaray ako
sa hindi ko malamang karamdaman.”
Sa ilang saglit nakaramdam ako na
may taong nagmamasid, papalapit sa
aking kinaroroonan, dinig ko ang
pagyapak ng kanyang paa sa lupa, sa
aking isip ay may tao sana sa aki’y
makakita, hindi ko man siya masipat,
ngunit ramdam kong unti-unti siyang
lumalapit, nawindang ang aking isip
gusto kong isigaw ang salitang tulong,
pero nananatiling nakatikom ang aking
bibig, nagsalita siya sa aking
harapan, pilit kong sinisipat ang
aking paningin mula sa kaniya.
“Bigla niya akong hinaltak, doon
nagising ako sa mahimbing na
pagkakatulog, si itay pa la ang taong
ito, “anak ng tokwa!, Potpot gumising
ka na kabata mo pa batugan ka na!”
pasigaw na gising sa akin ni itay
Selo, bakas sa kaniyang mukha ang
pagkainis, umaga na naman at wala pa
akong delihensya, ano kaya ang
kakainin ko mamaya, tiyak na sa inuman
na naman si itay, hating gabi na naman
kong siya ay umuwi sa bahay,
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
samantalang ako ay pagala-gala sa
lansangan, daig ko pa ang sisiw na
basang basa sa ulan.
“Sa sobra kong pagkainis,
nasigawan ko si itay, “opo babangon na
ang sabi ko!” pero tila wala siyang
narinig, tuloy-tuloy siyang lumabas sa
bahay, di man magpaalam alam ko kung
saan siya tutungo”.
Tila ako’y naalipungatan, ako’y
naghikab, lilinga-linga sa paligid
baka kasi bumabalik si itay, hindi nya
alam, muli akong umidlip sa higaan,
hindi ko din alam kung bakit ng
umagang iyon tirik na ang araw ay nais
ko pang humimbing.
Ngayon yata eh! Mga bata na ang
pinipilit para magtrabaho, sa pilitan
kahit hindi makatarungan, “mahirap
talaga ang maging mahirap”, nadinig ko
‘yan kagabi sa inuman malapit sa
tindahan ni aling Porita, yung minsang
kainuman ni tatay si kuya baldo napaka
lasenggo, laging inaaway yung asawa,
kasi nanlalalaki daw, “eh sa kabaret
naman nagtatrabaho”.
Yung isang batang kalye na
nakasama ko kagabi, siya si Nonoy,
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
tansya koy mga sampung taong gulang
na, mas matanda lang ako ng isang
taon, nagbibilang sya ng napagbentahan
niya, ang tanong ko pa “Oh marami ka
yatang na delihensya ngayon ah?” ang
tanging sagot nya, “Oo kailangan lang
kung hindi, kawawa si inay baka kami
saktan na naman ni itay.”
Nagsalita ang isang lalaki, sa
kausap nitong batang lalaki,
“Pinipilit ng matandang lalaki na
hablutin ng bata ang bag ng isang
babae, di kalayuan mula sa tapat ng
tidahan”. “Sige na! kunwari ay
mamamalimos ka, tapos bigla mong
hablutin yung bag ng babae, ang utos
ng matanda, “ayoko po! Ang tanggi ng
bata, biglang hinawakan ng matanda ang
kaliwang braso ng bata at mapapansing
humihigpit ang pagkakahawak ng
matanda, Na mamalipit ang bata sa
pagpiga ng matanda, kaya walang nagawa
ang bata kung hindi sumunod sa
masamang balak ng matanda.”
Kalaunan ay hindi ko masyadong
marinig ang sinasabi ng batang lalaki,
dahil mahina ang tinig ng kaniyang
boses, sa matandang lalaki narinig ko
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
ang salitang “Nasaan ang pera? tanong
ng matandang lalaki sa bata, hindi ko
narinig ang tugon ng bata, batid kong
tumakbo ito papalayo, sa ilang saglit,
bigla akong nagulat sa sobrang
pagbukas ng isang pintuan, malapit
kung saan ako naroroon, nangingilo ako
sa langitngit ng bakal na sa aki’y
nakapaligid. Doon ko lang napagtanto,
ako pala ay nakakulong sa isang lugar
na hindi daluyong.
“Para akong isda na bigla na
lamang inahon sa dagat, nabitag sa
pamamagitan ng lambat, hindi ako
makahinga na ang tanging alam ay
magpumiglas, hanggat maubos ang lakas,
hahayaan lang ako sa hirap”
“Bumangon ka diyan”!
Ang sigaw sa akin ng lalaking asul
ang kasuotan, bigla na lang akong
tinadyakan, hindi ko alam ang dahilan,
bastat ang tangi kong alam, ako ay di
dapat sinaktan.
Galit na galit sya sa akin, na
para bagang malala ang aking ginawa.
Isa…. Dalawa….. tatlo…. Tatlong tadyak
ang inabot ko sa kaniya, hindi na ako
makagulapay, daig ko pa ang gulay na
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
nilalamog-lamog, na sa anumang oras ay
maaari nang mabulok.
Dahil na sa huli ang pagsisisi,
hindi ko na alam kung magbabago pa ang
tingin sa akin ng mundo, marami sa mga
batang katulad ko ang patuloy na
minamaltrato at inaabuso na parang
isang hayop, inuutus utusan ng walang
pakundangan, magnakaw man daw ay
ligtas naman.
Ang mundo ay napakalaking quipo,
kung saan maraming magnanakaw,
manloloko, mamamatay tao, at biktima
ng gulo, dahil sa dumadaming tao, pati
bata ginagawang matanda para gumawa ng
masama. Sa bata kong ito alam ko na
ang takbo ng mundo, maya maya sa
matinding pagkakahimbing, may tinig ng
babae ang sa akin ay nagpagising.
Idinilat ko ang aking mata, may
tumatawag sa aking pangalan, “Potpot
ang tawag ng babae sa harap ng
pintuang makitid, doon ko na silayan
ang babaeng, kawangis ng aking ina.
Nakaramdam ako ng tuwa, di
napigilan ang sarili, agad kong
hinagkan ang tiya kong may paggiliw,
sa kabila ng aking maruming kasuotan,
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
hindi tumanggi at hinayaan akong
lumapit sa kanyang tabi.
“Tiya Isabel… ang nakangiti kong
tawag sa kaniya, kasabay ang mahigpit
kong pagyakap sa kanya” Oh Potpot,
kanina pa ako tumatawag sa’yo, kumusta
ka na? Mabuti naman po, ang sagot sa
tanong ni tiya, pumasok at umupo si
tiya malapit sa butas-butas na
dingding ng aming bahay, lilinga-linga
at ikinakalat ang kaniyang paningin sa
buong bahay.
“Potpot nasaan ang iyong ama”
malungkot na tanong sa ’kin ni tiya,
lumapit ako sa kanya na di tiyak ang
dapat kong isagot, na pa iling na
lamang ako at napakamot.
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
KABANATA 2
Dangal
Luisito Gomez
“BIGLANG dumating sa bahay si Tiya
Isabel, dahilan ng tuluyan kong
pagkagising”.
“Potpot, magsabi ka nga sa akin ng
totoo, inaalagaan ka ba talaga ng
tatay mo?” “Kaya ko naman po ang aking
sarili, si itay po ay laging na sa
inuman.
“Ano! Biglang tumindig at
napasigaw si Tiya mula sa pagkakaupo.”
Yan talagang tatay mo ay lulong na sa
bisyo, kung sinunod lang ng ‘yong
yumaong ina, ang sinabi kong huwag na
si Selo ang pakasalan, hindi nya ako
pinakinggan. “Ano pa nga ba ang aking
magagawa.”
Titingin-tingin sa akin si Tiya
Isabel, bakas sa kaniyang mukha at
matang sa akin ay naaawa.
Si tiya ay minsan lamang dumalaw
sa amin. “Hindi ka ba pumapasok sa
eskwela?” ang tanong sa akin ni tiya?
Hindi po ang sabi ko naman, habang
kinakamot ang ulo kong namumugalgal sa
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
alikabok, “ano pa nga ba ang aasahan
ko diyan sa magaling mong ama” pang-
uuyam ni tiya. Si tiya ay may tatlong
anak, minsang dumalaw kami sa Bulacan,
kasama ko noon si inay mga limang taon
na ang nakakalipas, ang pinakamalapit
sa akin ay si Lino ang panganay na
anak ni tiya, lagi ko siyang kalaro sa
tuwing dadalaw kami noon sa Bulacan.
Ng minsan ngang naglalaro kami ni
Lino ay biglang lumapit sa akin si
Tiyo Berting ang asawa ni tiya Isabel,
sinigawan niya ako, ang natatandaan
kong sinabi nya “Isa daw akong Latak”
hindi ko alam kung bakit nya nasabi
‘yon, inisip ko nalang, na ang sigaw
ay para sa kakulitan namin noon ni
Lino dahil sa paglalaro.
Bigla naming naulinigan na may
sumisigaw sa daanan, patungo sa aming
tumbok na tahanan, nagsisigawan ang
mga kapitbahay na tila may kaguluhang
nagaganap. “Dali-dali kaming lumabas
ni Tiya Isabel at nakita ko ang aking
ama na susuray suray mula sa makipot
na daanan.
Walang tigil sa pagtungga sa bote
ng alak, nagwawala at sinasambit ang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
mga salitang “Wala kayong kuwenta.
Lahat kayo walang kuwenta!” paulit-
ulit niya itong sinisigaw, na hindi ko
alam kung dulot lang ng kaniyang
kalasingan o may iba pang dahilan.
Nananatili akong nakatingin sa kanya,
gusto ko siyang sigawan at sumbatang
tumigil ka nakakahiya sa mga
kapitbahay, pero hindi ko maaaring
gawin dahil wala pa akong kakayahan
para lumaban.
“Namewang si Tiya Isabel at
sinumbatan si itay “Hoy! Selo, mahiya
ka naman sa mga tao dito! Hindi mo ba
nakikita? Ikaw na lang ang
pinagtitinginan ng mga tao!” “Si Selo
ay lilinga-linga sa paligid, habang
papikit-pikit at tila anumang oras ay
maaaring humandusay.”
“Ano bang pakiaalam mo!” sino ka
ba? Ang sabi ni itay kay tiya” hayan
sa sobra mong katakawan sa alak ni
hindi mo na ako makilala, kahit kailan
talaga, dapat lang sayo ang salitang
walang kuwenta!” pagalit na sabi ni
tiya na matalas ang tingin.
“Hoy! Selo, para sabihin ko sayo,
kung nabubuhay lang si Elena, hindi
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
nya hahayaang ganito ang buhay nyo ni
Potpot, at hindi nya hahayaang hindi
nag-aaral itong anak nyo!” Ang
pangungunsensya ni Tiya kay itay. “Ah
‘yon ba, eh di kung gusto mo ikaw na
ang magpaaral, kung noon mo pa sana
ginawa yan eh di nakapag-aral sana
itong bata na ‘to.” sabay duro sa akin
ni itay na walang pakundangang
pagbuhatan ako ng kamay. Samantalang
ramdam ko naman ang lubos na pagkaawa
sa akin ni Tiya Isabel, hindi ko
maunawaan si itay, bakit ganoon na
lamang niya ako ituring parang hindi
tunay na anak, “Huwag mo ng pansinin
ang wala mong kuwentang ama, ngayon
mismo ay isasama kita sa pag-uwi ko sa
Bulacan, huwag kang mag-alala pag-
aaralin kita, “ang sambit ni tiya
Isabel na may buong pag-asa”.
Dahil sa takot kong maiwan sa
puder ni itay, nagdesisyon na akong
sumama sa Bulacan. Hindi ko alam ang
magiging kinabukasan ko, basta’t ang
tanging batid ko, nailigtas ako ni
tiya sa lugar, kung saan namamayani
ang mga taong buwaya, mga taong hayok
na hayok sa pera, sa lugar na walang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
pag-unlad, sa lipunan na mas marami
ang mahihirap kaysa sa nakaaangat.
Sa pagpanhik sa sasakyan, maraming
tao akong nasilayan tulad sa lugar
kung saan ako isinilang, wala akong
anumang dala, suot ko sa paglalakbay
ang tsinelas na ang swelas ay malapit
nang mapugtas.
Sa pagtakbo ng sasakyan, kasabay
nito ang pag-iwan sa buhay na aking
nakagisnan, tulad ng mga sakuna na
dumating sa panahong nagdaan, lubos
kong nauunawaan na hindi lang ako ang
dapat na makinabang.
Sa sasakyan para kaming sardinas
na nagsisiksikan, sa gitna kami na upo
ni tiya sa kanang bahagi, at sa dulong
bahagi mapapansin ang isang ina na
kalong ang kaniyang anak, mababakas sa
mukha ng babae ang pagkapuyos sa hindi
malamang kadahilan.
Umiyak ang bata, na noon ay hudyat
ng tuluyang pagkabalisa ng babae, na
mumugtong ang mata. Panay ang hikbi ng
bata, sa ilang saglit may matandang
babae ang lumapit sa babae “Pwede bang
patahimikin mo ‘yang anak mo
nakakaabala kasi sa mga nagpapahinga”.
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
Hindi kumibo ang babae, panay pa rin
ang hele nito sa anak.
May mga tao talagang hindi
makaunawa sa sitwasyon ng iba,
nananatiling manhid at nagbibingi
bingihan, dahil mas nais nilang isipin
ang pansariling kapakanan.
Sa harapang bahagi ng sasakyan,
masisipat na may matandang babae ang
nagsusumamo na paupuin, sya ng isang
lalaki, pero ang lalaki ay sumigaw.
“Nagbayad ako sa upuang ito! ang gusto
mo ikaw ang paupuin ko” ang matanda ay
maluha luha sa sinabi ng lalaki.
Isang babae ang tumawag sa
matanda, mula sa gitnang bahagi ng
sasakyan, “Nay, dito na po kayo umupo”
alok ng isang ginang at hindi naman
tumanggi ang matanda. Kung may mga
taong natitiis ang kapwa, mayroon ding
mga tao na may tunay na pagkalinga,
hindi man kadugo, pero may malasakit
sa iba.
Patuloy ang aming paglalakbay,
napansin kong si tiya ay nakaidlip na
sa sasakyan, pinikit ko ang aking mga
mata, at dinama ang bilis ng sasakyang
diridiretso sa pagtakbo, panatag ang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
loob ko dahil na sa mabuti akong
estado.
Ano mang dangal ay nadudungisan,
dahil sa pagsisiwalat sa hindi maayos
na pamamaraan. Ang mga katiwalian sa
lipunan ay nananig sa panahong
kasalukuyan, patuloy ang talamak na
pagpatay, at pang aabuso sa mga
kabataan na biktima din ng
panlilinlang. Dumaing man kaming mga
kabataan, sino ang handang makinig sa
aming pinaniniwalaan, nagsisilbing
takot ang minsang pagsunod sa mga
taong inaakala nating gabay, sa
kamalayang mayroon tayo sa buhay.
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
KABANATA 3
Kabalintunaan
Luisito Gomez
“NASILAYAN ko na ang tunay na
mundo, naramdaman ko na ako’y malaya
sa kung nasaan ako, para akong sanggol
na kapapanganak lang kahapon at tila
ngayon lang namulat sa ganda nitong
mundo.”
“Ok ka lang ba Potpot? Opo tiya,
ang sagot ko na may paggiliw, at bakas
ang ngiti sa aking labi”. “Malapit na
tayong makarating sa bahay, sana’y
huwag kang mahihiya at ituring mo na
akong tunay mong magulang.” Tulad ng
aking inaasahan naging bukas ang
pintuan ng bahay ni tiya para sa akin,
kalinga at pag-aaruga, turing nya sa
akin ay parang tunay niyang anak.
Kasundo ko ang kaniyang mga anak,
na parang kong tunay na mga kapatid.
Sila ang naging katuwang ko sa buhay
na mayroon ako ngayon, nagpatuloy ang
magandang pakikitungo nila sa akin.
(Lumipas ang ilang buwan)
Pinag-aral, binihisan, at
inalagaan ako ni tiya, hindi ko
sinayang ang pagkakataong iyon,
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
nagsumikap ako sa aking pag-aaral, ang
dunong na sa akin ay ibinigay hindi ko
sasayangin bagkus ay aking inspirasyon
sa buhay.
Sa isang lamesa kung saan
nagsusulat si tiya, nilapitan ko siya
ng may ngiti. “Oh Fred, may kailangan
kaba? Gusto ko lang po magpasalamat sa
pagkupkop ninyo sa akin “ano ka ba,
ilang ulit ka ng nagpapasalamat sa
akin, gusto kong tulungan ka dahil
alam kong ‘yon din ang gusto ng iyong
ina, bastat ipapangako mo sa akin na
pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral
hanggang sa makatapos ka” ang mga
salitang lalo pang nagbigay ng
inspirasyon sa akin, tumimo sa aking
puso at isip at tila sinasabing kaya
mong malagpasan ang lahat ng bagay. Sa
pagsama ko kay tiya, kasabay nito ang
bagong buhay na aking inaasam, hindi
na nagparamdam si itay, at alam kung
akoy kinalimutan na nya. “Frederick
Asuncion, ang aking bagong
pagkakakilanlan, ang Patricio na aking
pangalan ay pinalitan, hindi ko
kagustuhan ngunit alam kong nararapat
lamang na akin ng kalimutan, dahil
pinapaalala lamang nito ang tunay kong
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
pinagmulan, wala man akong
maipagmamalaki, hindi tulad ng iba na
may buong pamilya, nariyan naman sila
tiya para ako’y ituring na tunay
nilang kapamilya.
May kumakatok sa pintuan, ang
lakas ng kaniyang presensya aking
nararamdaman, hindi ko pa siya
nakikita ngunit bakit bigla akong
nakaramdam ng biglang pagkakaba.
Binuksan ni tiya ang pintuan at
bumungad nga si Tiyo Berting na anim
na taon ng nasa ibang bansa. Malayo pa
lamang siya ay sipat ko na ang
kaniyang matalas na pagtingin na tila
naninibugho.
“Pakibaba mo na lang muna yung mga
gamit ko, magpapahinga muna ako at
napagod ako sa biyahe, sige umupo ka
muna ang sabi ni Tiya, nasaan ang mga
bata? Tanong ni tiyo nasa labas
naglalaro, tatawagin ko ba? Hindi
mamaya na tanggi ni Tiyo, “Fred…
Frederick…. halika dito at dumating na
yung Tiyo mo. Tawag sa akin ni tiya.
Lumapit ako kay tiyo at nagmano,
hinayaan lamang niya na idampi ko ang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
aking noo sa kaniyang kamay, ni wala
man lang reaksyon. (Gulat na gulat)
Isabel bakit nandito si Potpot,
tila mayroon kang hindi sinasabi sa
akin. Bigla akong kinabahan sa
pananalitang ‘yon ni Tiyo.
“Pumasok ka muna sa kuwarto Fred”
ang utos sa akin ni Tiya, kaya naman
pumasok na ako sa kuwarto, ngunit mula
doon ay dinig ko ang pinag-uusapan
nila, “Bakit nandito ang anak ni Selo?
Bugsong tanong ni Tiyo kay tiya, Balak
ko naman talagang sabihin sayo… na
kinupkop ko na si Frederick dahil
napapabayaan na sya ni Selo at hindi
nag-aaral yung bata… aba! Hindi na
natin problema ‘yon! Baka mas
naaalagaan mo pa yang anak ng iba
kaysa tunay mong mga anak..! (Pagalit
na sabi ni Tiyo) Ano ka ba naman
Berting, hindi iba sa akin ang batang
iyan, baka na kakalimutan mo anak siya
ng aking kapatid si Elena. “Baka na
kakalimutan mo rin kung anong ginawa
sa akin ng asawa niya?” biglang putol
ni tiyo, hindi mo parin ba
nakakalimutan, matagal na ‘yon
berting, ang sabi ni tiya, hindi ko
makakalimutan ang mga araw na muntik
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
na akong mamatay dahil sa kagustuhan
ni Selo na ipaghiganti ang nangyari
kay Elena, na wala naman akong
kinalaman.. wala nga ba? Ang sabi ni
Tiya lalo kong tinalasan ang aking
pandinig sa kagustuhang malaman ang
tunay na nangyari kay inay ng mga araw
na saksi ako mismo sa pagkamatay nya.
“Isabel alam mong aksidente ang
nangyari? Oo! alam kong aksidente!
tulad ng paulit-ulit mong sinasabi at
ipinamumukha sa akin noon pa! pero
alam nating dalawa na kung hindi mo
tinulak noon si Elena! Hindi sana sya
mababagok? hindi ko masisisi si Selo
kung gustuhin niyang maghiganti sayo
at pagtangkaan kang patayin! Dahil
marami ang nakasaksi nang tunay na
nangyari, pinilit ko lang na tumistigo
at panindigan na aksidente nga ang
nangyari, dahil iniisip kita lalo na
ang mga anak natin, paano nalang kung
nakulong ka? Paano na ang buhay naming
ng mga bata? Umiiyak na sabi ni Tiya,
habang ako’y lihim na humihikbi sa
loob ng kuwarto, buhat sa katotohanang
hindi ko akalaing tunay na nangyari.
“Pinilit kong pag-aralin at
patirahin dito si Frederick dahil ito
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
na lang ang maitutulong ko sa kaniya,
upang kahit papaano matulungan ko
naman ang aking sarili upang
magpatawad, dahil alam kong may
pagkakamali din ako…. “Kaya kung labag
sa kalooban mo na nandito sa puder ko
si Frederick, wala na tayong dapat
pang pag-usapan.”
Labis akong nagulantang sa
pangyayaring matagal ko na dapat
nalaman, hindi lamang pamilya ang
nawala sa akin, pati narin ang dangal
na mabuhay nang tunay, hindi huwad at
walang ikinukubli.
KABANATA 4
Sagwan ngKahapon
Luisito Gomez
“KUNG kailan nga naman ako
lumaki sa ka pa ako natutong
magsinungaling, kasi nga ang sabi
noong ako’y bata, ang batang
sinungaling ay hindi pupunta sa
langit”
Tunay ngang magulo ang mundo
natututo tayo ng mabuting asal, ngunit
paglaon nama’y nawawala din
kinakalimutan na lamang at
minamabuting isantabi.
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
Tulad ng hindi inaasahang
pagkakasala ko sa aking mahal na si
Magdalena, nakilala ko siya sa isang
Bar, matapos akong makapagtapos ng
pag-aaral sa kolehiyo, “Frederick.
Pare, nakikita mo ba ‘yang sumasayaw
sa harapan, ang ganda diba? Ano gusto
mo ilakad kita, ang sabi sa akin ng
kaibigan kong si Jonathan may
pagkapilyo at minsan mahirap
maunawaan.
“Nagkakilala kami ni Magda, at
nahulog ang loob ko sa kaniya at alam
kong ganoon din sya, sa dalawang taon
kong pagsuyo sa kaniya, naging
magkasintahan kami at kalaunan ay
nagpakasal.
Tulad ng ipinangako ko kay Magda,
inilayo ko siya sa ganoong trabaho at
sinabing ako ang mag-aalaga sa kaniya
at magpapaligaya buhat sa walang
hanggang paraiso.
“Mahal, gusto ko ng magkaroon tayo
ng sarili nating bahay” ang hiling sa
akin ni Magda, “Mahal kaunti nalang at
matutupad na ang pangarap mo” ang
tugon ko naman kay Magda.
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
Pagkalipas ng limang buwan ay
nakalipat na kami ng bahay ni Magda,
Pare, maraming salamat sa pagpapatira
mo sa amin dito ni Mahal, ayos lang
‘yon pare ang sabi naman ni Jonathan.
Sa aming bagong tahanan, nabuo ang
tumitindi at lumalalim pa naming pag-
iibigan, walang sinuman ang maaring
makapaghihiwalay sa amin.
Ngunit isang araw nagdesisyon
akong umalis at pumunta sa Palawan
para doon magtrabaho, tutol man si
Magda ay pinagbigyan parin niya ako
para magtrabaho, dahil para naman ito
sa magandang kinabukasan ng aming
binubuong pamilya.
Umaga ng ika-13 ng Nobyembre taong
1994, nagising ako sa isang bahay na
gawa sa pawid, ang aking ulo ay may
benda, hindi ko maigalaw ng maayos ang
aking mga kamay, hanggang sa dumating
ang isang babae na may dalang pamunas,
tumabi siya sa akin at pinunasan ang
nagpapawis kong katawan, “Huwag ka
munang maggagalaw, sariwa pa ang mga
sugat mo, ako nga pala si Samantha,
nakatitig lamang ako sa kanyang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
mapupungay na mata na tila anghel sa
ganda, at nakaaakit na tunay.
“Bakit ako nandito? Anong nangyari sa
akin, natagpuan kita sa dalampasigan
at hindi ako nagdalawang isip na
tulungan ka bakit wala ka bang na
aalala? Tanong sa akin ni Samantha,
walang bakas ng alaala ang namamayani
sa akin, kundi ang kirot na aking
nararamdaman. Lumipas ang tatlong
taon, at batid kong tuluyan ng nawala
ang akin alaala, pag-uwi ko galing sa
laot, nasipat ng aking paningin na may
kausap ang aking asawa si Samantha,
isang babae na sa aking panaginip ay
laging nagpapakita, lumapit ako sa
kanila hanggang sa makapasok ako sa
bahay, at doon ko nakita ang babaeng
nagpabalik ng aking alaala, labis ang
kaniyang pag-iyak.
“Magda, tanging pangalan ng tunay
kong minamahal ang una kong sinambit”
Tumakbo ng papalayo si Magda at doon
na alala ko na ang lahat, ngunit tila
huli na, gusto kong habulin si Magda
para magpaliwanag, alam kong
nasaksihan niya dahil nagbunga ang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
pagmamahalan namin ni Samantha sa
katauhan ko bilang si Antonio.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang
buong katotohanan” ang sabi ko kay
Samantha, patawarin mo ako Antonio,
natakot lang ako, na kapag nalaman mo
namay asawa ka ay iiwanan mo na ako,
umiiyak na pagsusumamo ni Samantha,
“mali parin na nagsinungaling ka sa
akin, pupuntahan ko si Magda,
kailangan niya ako, “Antonio huwag
kang umalis “Frederick, Frederick ang
tunay kong pangalan at hindi Antonio!
“Frederick huwag mo kaming iwan, huwag
mo kaming iwan ng magiging anak mo?
Ang pagmamakaawa sa akin ni Samantha,
Hinagkan ko siya bago ako tuluyang
umalis, “Minahal kita, pero mas mahal
ko ang tunay kong asawa”. “Pinuntahan
ko si Magda, upang magpaliwanag,
“Mahal, patawarin mo ako, hindi ko
alam na, “anong hindi mo alam! Alam mo
Frederick! Sinabi mo sa akin na
magtatrabaho ka sa Palawan, alam kong
sumabog ang barkong sinasakyan mo,
halos mamatay ako sa kaiisip sayo,
hinanap kita dahil alam ko sa puso ko
na buhay ka! at hindi ako nagkamali
dahil natagpuan kita, nagpumilit ang
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
aking mga paa, para hanapin ka at
mukhang nagkamali ako dahil manloloko
ka! Ang buong sambit sa akin ni Magda.
“Hindi ko alam nawala ang aking alaala
at si Samantha ang nagligtas ng aking
buhay” tatlong taon Frederick! Tatlong
taon! Akong naghintay sayo, tinangka
kong magpakamatay ng malaman kong
sumabog ang sinasakyan mong barko.
“Niyakap ko si Magda ngunit pilit
siyang kumawala sa mga bisig ko” tapos
na tayo Frederick, hindi mo ako
pwedeng iwan, ikaw ang mahal ko Magda!
“Buntis si Samantha,anak mo ang
pinagbubuntis niya, ngayon sabihin
mong ako ang mahal mo! kaya mo bang
kalimutan namay anak ka! kaya mo bang
iwan ang babaeng ‘yon para sa akin,
wala kang kuwenta! Wala kang kuwenta!
Tuluyan na akong iniwan ni Magda. Muli
akong nagising sa katotohan, dapat nga
ba akong pagmalupitan ng mundo, sino
nga ba ang dapat kong sisihin sa
pangyayaring ito sa buhay ko, ang
aking mga pabayang magulang, mga
kamag-anak na mapanlinlang, o ang pag-
ibig na tunay kong kahinaan. Huli na
ng ako’y gumising, gusto ko mang
pigilan ang bawat oras na nagdaan,
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
hindi ko na mababago ang tunay kong
kapalaran.
“Kapag tunay kang umiibig
Hinahamak ang iyong pananalig
Kahit pagkakamali ay iginigiit
Dinidikta parin ang tama at ito’y
itinutuwid”
-Sinag
“Ang taong may Paninindigan
Nilikha para Lumaban
Gumabay at Umantabay
Sa kapwa maging huwarang tunay”
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
-Sinag
“Ang kaalaman ay kasangkapan
Sa mabuting gawi at
pamamaraan
Kabataan sila ay dapat gabayan
Ipamulat ang tunay na
katotohanan”
-Sinag
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
“Kapag ang bata ay inalagaan
Pagmamahal sa iba’y sukdulan
Paglaruan man ng Kapalaran
Mananatiling Anghel maging sa
Kalupaan”
-Sinag
PASASALAMAT
Lubos na pasasalamat ang ipinaparating ng may
akda sa lahat ng mga taong gumabay at sumuporta sa
kaniya, nag-ambag ng panahon sa pagsulat ng
natatanging nobela na pinamagatang “Kamalayang
WalangDangal”.
Sa kaniyang guro Gng. Joemelyn B. Sapitan, gayundin
angkaniyangmagulang,mgakaibigan,atkamag-arallalo
na angPoongmaylikha sa lahat ngbagay.
MaramingSalamat!
KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal
MayAkda
DEDIKASYON
Sa mga kaibigan,kapwa mag-aaral sa Fil 250
M11 -“Dula at NobelangFilipino”sa mga guro
Gng. Joemelyn Sapitan,Bb. Nelia A. Pagoso, sa
kanyang mga magulangJoselito Gomezat Femy
Gomezmaging sa kaniyang pinakamamahala na
lola Gng.Aida Gomezangnobelangito ayinaalay
sa inyo ng may akda.
-Sinag

Más contenido relacionado

La actualidad más candente (20)

Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Felix the great
Felix the greatFelix the great
Felix the great
 
Falloutoflove
FalloutofloveFalloutoflove
Falloutoflove
 
11 digits
11 digits11 digits
11 digits
 
Sunset in the Airport
Sunset in the AirportSunset in the Airport
Sunset in the Airport
 
Diary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosaDiary ng ambisyosa
Diary ng ambisyosa
 
Sa Ospital
Sa OspitalSa Ospital
Sa Ospital
 
Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoMga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
 
Crazy first love
Crazy first loveCrazy first love
Crazy first love
 
You are my life
You are my lifeYou are my life
You are my life
 
What am i for you
What am i for youWhat am i for you
What am i for you
 
Story ko
Story koStory ko
Story ko
 
PANGITAIN
PANGITAINPANGITAIN
PANGITAIN
 
Dream code
Dream codeDream code
Dream code
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
 
Project
ProjectProject
Project
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento
Pagsusuri ng Maikling KwentoPagsusuri ng Maikling Kwento
Pagsusuri ng Maikling Kwento
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
 

Similar a Nobela - kamalayang walang dangal

Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Jeremiah Nayosan
 
The "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching historyThe "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching history
Redge R.
 
The loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchiThe loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchi
enmacchi
 

Similar a Nobela - kamalayang walang dangal (20)

Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
 
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
"Katalinuhan"- Ryan C. Pata
 
Unang Kabanata - Sa Hapag ng Munting Pangarap
Unang Kabanata - Sa Hapag ng Munting PangarapUnang Kabanata - Sa Hapag ng Munting Pangarap
Unang Kabanata - Sa Hapag ng Munting Pangarap
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
"Kape" (Coffee)
"Kape" (Coffee)"Kape" (Coffee)
"Kape" (Coffee)
 
8th World Wonder
8th World Wonder8th World Wonder
8th World Wonder
 
"Titig" - Danny Boy Velez
"Titig" - Danny Boy Velez"Titig" - Danny Boy Velez
"Titig" - Danny Boy Velez
 
The "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching historyThe "Mahica" in teaching history
The "Mahica" in teaching history
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Maliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na IsdaMaliit at Maitim na Isda
Maliit at Maitim na Isda
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
The loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchiThe loveletter collection by enmacchi
The loveletter collection by enmacchi
 
Si maestrong bino
Si maestrong binoSi maestrong bino
Si maestrong bino
 
DECLAMATION-POEM RECITATION.docx
DECLAMATION-POEM RECITATION.docxDECLAMATION-POEM RECITATION.docx
DECLAMATION-POEM RECITATION.docx
 
Lolit, lamok ng dengue
Lolit, lamok ng dengueLolit, lamok ng dengue
Lolit, lamok ng dengue
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
a story
a storya story
a story
 
Chapter 6 20
Chapter 6 20Chapter 6 20
Chapter 6 20
 

Más de gluisito1997 (10)

Spoken poetry respeto
Spoken poetry  respetoSpoken poetry  respeto
Spoken poetry respeto
 
Mapagbagong wika ng bansa
Mapagbagong wika ng bansaMapagbagong wika ng bansa
Mapagbagong wika ng bansa
 
Likhang tanaga
Likhang tanagaLikhang tanaga
Likhang tanaga
 
Dakila
DakilaDakila
Dakila
 
Talumpati
Talumpati  Talumpati
Talumpati
 
Ang tala
Ang tala    Ang tala
Ang tala
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Field Study - Learning Assessment Strategies.
Field Study - Learning Assessment Strategies.Field Study - Learning Assessment Strategies.
Field Study - Learning Assessment Strategies.
 
FS 3 - technology used in learning
FS 3 - technology used in learningFS 3 - technology used in learning
FS 3 - technology used in learning
 
Fs 2 Experiencing Teaching Learning Process BY luisito
Fs 2 Experiencing Teaching Learning Process BY  luisitoFs 2 Experiencing Teaching Learning Process BY  luisito
Fs 2 Experiencing Teaching Learning Process BY luisito
 

Nobela - kamalayang walang dangal

  • 1. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal Kabanata 1 Ulirat Luisito Gomez “ISANG guni guni ang nagpatindig ng aking gunita”, ang ingay na nagmumula sa ibayong dulo ng daanang mahaba, sira-sira ang mga dingding ng tahanang tila walang naninimdim, ang mga huni ng hayop, sa dulo ng aking tainga ay aking nauulinigan, ang aking paningin ay nandidilim, mabilis ang tibok ng aking puso, tagatak ang pawis sa aking noo, ang pisngi ko’y may dungis na di ko mawari ang dahilan ng pagkahapdi, ang aking dila ay umuurong na tila ayokong magsalita, ang kalamnan ko’y nanghihina, ang bisig ko’y nanginginig, napapalunok ako sa sobrang pagkakadapa, sa lupa ay subsob ang aking mukha, ang tuhod ko’y namamaga at ramdam ko ang pagdapo ng mga langaw sa ’king paanan na hindi ko man lang mahawakan. “Umiiling ako, para akong napipipi at nabibingi.” Sa sobrang katahimikan, hininga na lamang ang tanging lumalaban. “Bahagya akong tumagilid, sa sobrang pagkahapo
  • 2. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal ng aking buong katawan, napapaaray ako sa hindi ko malamang karamdaman.” Sa ilang saglit nakaramdam ako na may taong nagmamasid, papalapit sa aking kinaroroonan, dinig ko ang pagyapak ng kanyang paa sa lupa, sa aking isip ay may tao sana sa aki’y makakita, hindi ko man siya masipat, ngunit ramdam kong unti-unti siyang lumalapit, nawindang ang aking isip gusto kong isigaw ang salitang tulong, pero nananatiling nakatikom ang aking bibig, nagsalita siya sa aking harapan, pilit kong sinisipat ang aking paningin mula sa kaniya. “Bigla niya akong hinaltak, doon nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog, si itay pa la ang taong ito, “anak ng tokwa!, Potpot gumising ka na kabata mo pa batugan ka na!” pasigaw na gising sa akin ni itay Selo, bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis, umaga na naman at wala pa akong delihensya, ano kaya ang kakainin ko mamaya, tiyak na sa inuman na naman si itay, hating gabi na naman kong siya ay umuwi sa bahay,
  • 3. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal samantalang ako ay pagala-gala sa lansangan, daig ko pa ang sisiw na basang basa sa ulan. “Sa sobra kong pagkainis, nasigawan ko si itay, “opo babangon na ang sabi ko!” pero tila wala siyang narinig, tuloy-tuloy siyang lumabas sa bahay, di man magpaalam alam ko kung saan siya tutungo”. Tila ako’y naalipungatan, ako’y naghikab, lilinga-linga sa paligid baka kasi bumabalik si itay, hindi nya alam, muli akong umidlip sa higaan, hindi ko din alam kung bakit ng umagang iyon tirik na ang araw ay nais ko pang humimbing. Ngayon yata eh! Mga bata na ang pinipilit para magtrabaho, sa pilitan kahit hindi makatarungan, “mahirap talaga ang maging mahirap”, nadinig ko ‘yan kagabi sa inuman malapit sa tindahan ni aling Porita, yung minsang kainuman ni tatay si kuya baldo napaka lasenggo, laging inaaway yung asawa, kasi nanlalalaki daw, “eh sa kabaret naman nagtatrabaho”. Yung isang batang kalye na nakasama ko kagabi, siya si Nonoy,
  • 4. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal tansya koy mga sampung taong gulang na, mas matanda lang ako ng isang taon, nagbibilang sya ng napagbentahan niya, ang tanong ko pa “Oh marami ka yatang na delihensya ngayon ah?” ang tanging sagot nya, “Oo kailangan lang kung hindi, kawawa si inay baka kami saktan na naman ni itay.” Nagsalita ang isang lalaki, sa kausap nitong batang lalaki, “Pinipilit ng matandang lalaki na hablutin ng bata ang bag ng isang babae, di kalayuan mula sa tapat ng tidahan”. “Sige na! kunwari ay mamamalimos ka, tapos bigla mong hablutin yung bag ng babae, ang utos ng matanda, “ayoko po! Ang tanggi ng bata, biglang hinawakan ng matanda ang kaliwang braso ng bata at mapapansing humihigpit ang pagkakahawak ng matanda, Na mamalipit ang bata sa pagpiga ng matanda, kaya walang nagawa ang bata kung hindi sumunod sa masamang balak ng matanda.” Kalaunan ay hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ng batang lalaki, dahil mahina ang tinig ng kaniyang boses, sa matandang lalaki narinig ko
  • 5. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal ang salitang “Nasaan ang pera? tanong ng matandang lalaki sa bata, hindi ko narinig ang tugon ng bata, batid kong tumakbo ito papalayo, sa ilang saglit, bigla akong nagulat sa sobrang pagbukas ng isang pintuan, malapit kung saan ako naroroon, nangingilo ako sa langitngit ng bakal na sa aki’y nakapaligid. Doon ko lang napagtanto, ako pala ay nakakulong sa isang lugar na hindi daluyong. “Para akong isda na bigla na lamang inahon sa dagat, nabitag sa pamamagitan ng lambat, hindi ako makahinga na ang tanging alam ay magpumiglas, hanggat maubos ang lakas, hahayaan lang ako sa hirap” “Bumangon ka diyan”! Ang sigaw sa akin ng lalaking asul ang kasuotan, bigla na lang akong tinadyakan, hindi ko alam ang dahilan, bastat ang tangi kong alam, ako ay di dapat sinaktan. Galit na galit sya sa akin, na para bagang malala ang aking ginawa. Isa…. Dalawa….. tatlo…. Tatlong tadyak ang inabot ko sa kaniya, hindi na ako makagulapay, daig ko pa ang gulay na
  • 6. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal nilalamog-lamog, na sa anumang oras ay maaari nang mabulok. Dahil na sa huli ang pagsisisi, hindi ko na alam kung magbabago pa ang tingin sa akin ng mundo, marami sa mga batang katulad ko ang patuloy na minamaltrato at inaabuso na parang isang hayop, inuutus utusan ng walang pakundangan, magnakaw man daw ay ligtas naman. Ang mundo ay napakalaking quipo, kung saan maraming magnanakaw, manloloko, mamamatay tao, at biktima ng gulo, dahil sa dumadaming tao, pati bata ginagawang matanda para gumawa ng masama. Sa bata kong ito alam ko na ang takbo ng mundo, maya maya sa matinding pagkakahimbing, may tinig ng babae ang sa akin ay nagpagising. Idinilat ko ang aking mata, may tumatawag sa aking pangalan, “Potpot ang tawag ng babae sa harap ng pintuang makitid, doon ko na silayan ang babaeng, kawangis ng aking ina. Nakaramdam ako ng tuwa, di napigilan ang sarili, agad kong hinagkan ang tiya kong may paggiliw, sa kabila ng aking maruming kasuotan,
  • 7. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal hindi tumanggi at hinayaan akong lumapit sa kanyang tabi. “Tiya Isabel… ang nakangiti kong tawag sa kaniya, kasabay ang mahigpit kong pagyakap sa kanya” Oh Potpot, kanina pa ako tumatawag sa’yo, kumusta ka na? Mabuti naman po, ang sagot sa tanong ni tiya, pumasok at umupo si tiya malapit sa butas-butas na dingding ng aming bahay, lilinga-linga at ikinakalat ang kaniyang paningin sa buong bahay. “Potpot nasaan ang iyong ama” malungkot na tanong sa ’kin ni tiya, lumapit ako sa kanya na di tiyak ang dapat kong isagot, na pa iling na lamang ako at napakamot.
  • 8. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal KABANATA 2 Dangal Luisito Gomez “BIGLANG dumating sa bahay si Tiya Isabel, dahilan ng tuluyan kong pagkagising”. “Potpot, magsabi ka nga sa akin ng totoo, inaalagaan ka ba talaga ng tatay mo?” “Kaya ko naman po ang aking sarili, si itay po ay laging na sa inuman. “Ano! Biglang tumindig at napasigaw si Tiya mula sa pagkakaupo.” Yan talagang tatay mo ay lulong na sa bisyo, kung sinunod lang ng ‘yong yumaong ina, ang sinabi kong huwag na si Selo ang pakasalan, hindi nya ako pinakinggan. “Ano pa nga ba ang aking magagawa.” Titingin-tingin sa akin si Tiya Isabel, bakas sa kaniyang mukha at matang sa akin ay naaawa. Si tiya ay minsan lamang dumalaw sa amin. “Hindi ka ba pumapasok sa eskwela?” ang tanong sa akin ni tiya? Hindi po ang sabi ko naman, habang kinakamot ang ulo kong namumugalgal sa
  • 9. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal alikabok, “ano pa nga ba ang aasahan ko diyan sa magaling mong ama” pang- uuyam ni tiya. Si tiya ay may tatlong anak, minsang dumalaw kami sa Bulacan, kasama ko noon si inay mga limang taon na ang nakakalipas, ang pinakamalapit sa akin ay si Lino ang panganay na anak ni tiya, lagi ko siyang kalaro sa tuwing dadalaw kami noon sa Bulacan. Ng minsan ngang naglalaro kami ni Lino ay biglang lumapit sa akin si Tiyo Berting ang asawa ni tiya Isabel, sinigawan niya ako, ang natatandaan kong sinabi nya “Isa daw akong Latak” hindi ko alam kung bakit nya nasabi ‘yon, inisip ko nalang, na ang sigaw ay para sa kakulitan namin noon ni Lino dahil sa paglalaro. Bigla naming naulinigan na may sumisigaw sa daanan, patungo sa aming tumbok na tahanan, nagsisigawan ang mga kapitbahay na tila may kaguluhang nagaganap. “Dali-dali kaming lumabas ni Tiya Isabel at nakita ko ang aking ama na susuray suray mula sa makipot na daanan. Walang tigil sa pagtungga sa bote ng alak, nagwawala at sinasambit ang
  • 10. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal mga salitang “Wala kayong kuwenta. Lahat kayo walang kuwenta!” paulit- ulit niya itong sinisigaw, na hindi ko alam kung dulot lang ng kaniyang kalasingan o may iba pang dahilan. Nananatili akong nakatingin sa kanya, gusto ko siyang sigawan at sumbatang tumigil ka nakakahiya sa mga kapitbahay, pero hindi ko maaaring gawin dahil wala pa akong kakayahan para lumaban. “Namewang si Tiya Isabel at sinumbatan si itay “Hoy! Selo, mahiya ka naman sa mga tao dito! Hindi mo ba nakikita? Ikaw na lang ang pinagtitinginan ng mga tao!” “Si Selo ay lilinga-linga sa paligid, habang papikit-pikit at tila anumang oras ay maaaring humandusay.” “Ano bang pakiaalam mo!” sino ka ba? Ang sabi ni itay kay tiya” hayan sa sobra mong katakawan sa alak ni hindi mo na ako makilala, kahit kailan talaga, dapat lang sayo ang salitang walang kuwenta!” pagalit na sabi ni tiya na matalas ang tingin. “Hoy! Selo, para sabihin ko sayo, kung nabubuhay lang si Elena, hindi
  • 11. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal nya hahayaang ganito ang buhay nyo ni Potpot, at hindi nya hahayaang hindi nag-aaral itong anak nyo!” Ang pangungunsensya ni Tiya kay itay. “Ah ‘yon ba, eh di kung gusto mo ikaw na ang magpaaral, kung noon mo pa sana ginawa yan eh di nakapag-aral sana itong bata na ‘to.” sabay duro sa akin ni itay na walang pakundangang pagbuhatan ako ng kamay. Samantalang ramdam ko naman ang lubos na pagkaawa sa akin ni Tiya Isabel, hindi ko maunawaan si itay, bakit ganoon na lamang niya ako ituring parang hindi tunay na anak, “Huwag mo ng pansinin ang wala mong kuwentang ama, ngayon mismo ay isasama kita sa pag-uwi ko sa Bulacan, huwag kang mag-alala pag- aaralin kita, “ang sambit ni tiya Isabel na may buong pag-asa”. Dahil sa takot kong maiwan sa puder ni itay, nagdesisyon na akong sumama sa Bulacan. Hindi ko alam ang magiging kinabukasan ko, basta’t ang tanging batid ko, nailigtas ako ni tiya sa lugar, kung saan namamayani ang mga taong buwaya, mga taong hayok na hayok sa pera, sa lugar na walang
  • 12. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal pag-unlad, sa lipunan na mas marami ang mahihirap kaysa sa nakaaangat. Sa pagpanhik sa sasakyan, maraming tao akong nasilayan tulad sa lugar kung saan ako isinilang, wala akong anumang dala, suot ko sa paglalakbay ang tsinelas na ang swelas ay malapit nang mapugtas. Sa pagtakbo ng sasakyan, kasabay nito ang pag-iwan sa buhay na aking nakagisnan, tulad ng mga sakuna na dumating sa panahong nagdaan, lubos kong nauunawaan na hindi lang ako ang dapat na makinabang. Sa sasakyan para kaming sardinas na nagsisiksikan, sa gitna kami na upo ni tiya sa kanang bahagi, at sa dulong bahagi mapapansin ang isang ina na kalong ang kaniyang anak, mababakas sa mukha ng babae ang pagkapuyos sa hindi malamang kadahilan. Umiyak ang bata, na noon ay hudyat ng tuluyang pagkabalisa ng babae, na mumugtong ang mata. Panay ang hikbi ng bata, sa ilang saglit may matandang babae ang lumapit sa babae “Pwede bang patahimikin mo ‘yang anak mo nakakaabala kasi sa mga nagpapahinga”.
  • 13. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal Hindi kumibo ang babae, panay pa rin ang hele nito sa anak. May mga tao talagang hindi makaunawa sa sitwasyon ng iba, nananatiling manhid at nagbibingi bingihan, dahil mas nais nilang isipin ang pansariling kapakanan. Sa harapang bahagi ng sasakyan, masisipat na may matandang babae ang nagsusumamo na paupuin, sya ng isang lalaki, pero ang lalaki ay sumigaw. “Nagbayad ako sa upuang ito! ang gusto mo ikaw ang paupuin ko” ang matanda ay maluha luha sa sinabi ng lalaki. Isang babae ang tumawag sa matanda, mula sa gitnang bahagi ng sasakyan, “Nay, dito na po kayo umupo” alok ng isang ginang at hindi naman tumanggi ang matanda. Kung may mga taong natitiis ang kapwa, mayroon ding mga tao na may tunay na pagkalinga, hindi man kadugo, pero may malasakit sa iba. Patuloy ang aming paglalakbay, napansin kong si tiya ay nakaidlip na sa sasakyan, pinikit ko ang aking mga mata, at dinama ang bilis ng sasakyang diridiretso sa pagtakbo, panatag ang
  • 14. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal loob ko dahil na sa mabuti akong estado. Ano mang dangal ay nadudungisan, dahil sa pagsisiwalat sa hindi maayos na pamamaraan. Ang mga katiwalian sa lipunan ay nananig sa panahong kasalukuyan, patuloy ang talamak na pagpatay, at pang aabuso sa mga kabataan na biktima din ng panlilinlang. Dumaing man kaming mga kabataan, sino ang handang makinig sa aming pinaniniwalaan, nagsisilbing takot ang minsang pagsunod sa mga taong inaakala nating gabay, sa kamalayang mayroon tayo sa buhay.
  • 15. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal KABANATA 3 Kabalintunaan Luisito Gomez “NASILAYAN ko na ang tunay na mundo, naramdaman ko na ako’y malaya sa kung nasaan ako, para akong sanggol na kapapanganak lang kahapon at tila ngayon lang namulat sa ganda nitong mundo.” “Ok ka lang ba Potpot? Opo tiya, ang sagot ko na may paggiliw, at bakas ang ngiti sa aking labi”. “Malapit na tayong makarating sa bahay, sana’y huwag kang mahihiya at ituring mo na akong tunay mong magulang.” Tulad ng aking inaasahan naging bukas ang pintuan ng bahay ni tiya para sa akin, kalinga at pag-aaruga, turing nya sa akin ay parang tunay niyang anak. Kasundo ko ang kaniyang mga anak, na parang kong tunay na mga kapatid. Sila ang naging katuwang ko sa buhay na mayroon ako ngayon, nagpatuloy ang magandang pakikitungo nila sa akin. (Lumipas ang ilang buwan) Pinag-aral, binihisan, at inalagaan ako ni tiya, hindi ko sinayang ang pagkakataong iyon,
  • 16. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal nagsumikap ako sa aking pag-aaral, ang dunong na sa akin ay ibinigay hindi ko sasayangin bagkus ay aking inspirasyon sa buhay. Sa isang lamesa kung saan nagsusulat si tiya, nilapitan ko siya ng may ngiti. “Oh Fred, may kailangan kaba? Gusto ko lang po magpasalamat sa pagkupkop ninyo sa akin “ano ka ba, ilang ulit ka ng nagpapasalamat sa akin, gusto kong tulungan ka dahil alam kong ‘yon din ang gusto ng iyong ina, bastat ipapangako mo sa akin na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral hanggang sa makatapos ka” ang mga salitang lalo pang nagbigay ng inspirasyon sa akin, tumimo sa aking puso at isip at tila sinasabing kaya mong malagpasan ang lahat ng bagay. Sa pagsama ko kay tiya, kasabay nito ang bagong buhay na aking inaasam, hindi na nagparamdam si itay, at alam kung akoy kinalimutan na nya. “Frederick Asuncion, ang aking bagong pagkakakilanlan, ang Patricio na aking pangalan ay pinalitan, hindi ko kagustuhan ngunit alam kong nararapat lamang na akin ng kalimutan, dahil pinapaalala lamang nito ang tunay kong
  • 17. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal pinagmulan, wala man akong maipagmamalaki, hindi tulad ng iba na may buong pamilya, nariyan naman sila tiya para ako’y ituring na tunay nilang kapamilya. May kumakatok sa pintuan, ang lakas ng kaniyang presensya aking nararamdaman, hindi ko pa siya nakikita ngunit bakit bigla akong nakaramdam ng biglang pagkakaba. Binuksan ni tiya ang pintuan at bumungad nga si Tiyo Berting na anim na taon ng nasa ibang bansa. Malayo pa lamang siya ay sipat ko na ang kaniyang matalas na pagtingin na tila naninibugho. “Pakibaba mo na lang muna yung mga gamit ko, magpapahinga muna ako at napagod ako sa biyahe, sige umupo ka muna ang sabi ni Tiya, nasaan ang mga bata? Tanong ni tiyo nasa labas naglalaro, tatawagin ko ba? Hindi mamaya na tanggi ni Tiyo, “Fred… Frederick…. halika dito at dumating na yung Tiyo mo. Tawag sa akin ni tiya. Lumapit ako kay tiyo at nagmano, hinayaan lamang niya na idampi ko ang
  • 18. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal aking noo sa kaniyang kamay, ni wala man lang reaksyon. (Gulat na gulat) Isabel bakit nandito si Potpot, tila mayroon kang hindi sinasabi sa akin. Bigla akong kinabahan sa pananalitang ‘yon ni Tiyo. “Pumasok ka muna sa kuwarto Fred” ang utos sa akin ni Tiya, kaya naman pumasok na ako sa kuwarto, ngunit mula doon ay dinig ko ang pinag-uusapan nila, “Bakit nandito ang anak ni Selo? Bugsong tanong ni Tiyo kay tiya, Balak ko naman talagang sabihin sayo… na kinupkop ko na si Frederick dahil napapabayaan na sya ni Selo at hindi nag-aaral yung bata… aba! Hindi na natin problema ‘yon! Baka mas naaalagaan mo pa yang anak ng iba kaysa tunay mong mga anak..! (Pagalit na sabi ni Tiyo) Ano ka ba naman Berting, hindi iba sa akin ang batang iyan, baka na kakalimutan mo anak siya ng aking kapatid si Elena. “Baka na kakalimutan mo rin kung anong ginawa sa akin ng asawa niya?” biglang putol ni tiyo, hindi mo parin ba nakakalimutan, matagal na ‘yon berting, ang sabi ni tiya, hindi ko makakalimutan ang mga araw na muntik
  • 19. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal na akong mamatay dahil sa kagustuhan ni Selo na ipaghiganti ang nangyari kay Elena, na wala naman akong kinalaman.. wala nga ba? Ang sabi ni Tiya lalo kong tinalasan ang aking pandinig sa kagustuhang malaman ang tunay na nangyari kay inay ng mga araw na saksi ako mismo sa pagkamatay nya. “Isabel alam mong aksidente ang nangyari? Oo! alam kong aksidente! tulad ng paulit-ulit mong sinasabi at ipinamumukha sa akin noon pa! pero alam nating dalawa na kung hindi mo tinulak noon si Elena! Hindi sana sya mababagok? hindi ko masisisi si Selo kung gustuhin niyang maghiganti sayo at pagtangkaan kang patayin! Dahil marami ang nakasaksi nang tunay na nangyari, pinilit ko lang na tumistigo at panindigan na aksidente nga ang nangyari, dahil iniisip kita lalo na ang mga anak natin, paano nalang kung nakulong ka? Paano na ang buhay naming ng mga bata? Umiiyak na sabi ni Tiya, habang ako’y lihim na humihikbi sa loob ng kuwarto, buhat sa katotohanang hindi ko akalaing tunay na nangyari. “Pinilit kong pag-aralin at patirahin dito si Frederick dahil ito
  • 20. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal na lang ang maitutulong ko sa kaniya, upang kahit papaano matulungan ko naman ang aking sarili upang magpatawad, dahil alam kong may pagkakamali din ako…. “Kaya kung labag sa kalooban mo na nandito sa puder ko si Frederick, wala na tayong dapat pang pag-usapan.” Labis akong nagulantang sa pangyayaring matagal ko na dapat nalaman, hindi lamang pamilya ang nawala sa akin, pati narin ang dangal na mabuhay nang tunay, hindi huwad at walang ikinukubli. KABANATA 4 Sagwan ngKahapon Luisito Gomez “KUNG kailan nga naman ako lumaki sa ka pa ako natutong magsinungaling, kasi nga ang sabi noong ako’y bata, ang batang sinungaling ay hindi pupunta sa langit” Tunay ngang magulo ang mundo natututo tayo ng mabuting asal, ngunit paglaon nama’y nawawala din kinakalimutan na lamang at minamabuting isantabi.
  • 21. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal Tulad ng hindi inaasahang pagkakasala ko sa aking mahal na si Magdalena, nakilala ko siya sa isang Bar, matapos akong makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, “Frederick. Pare, nakikita mo ba ‘yang sumasayaw sa harapan, ang ganda diba? Ano gusto mo ilakad kita, ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Jonathan may pagkapilyo at minsan mahirap maunawaan. “Nagkakilala kami ni Magda, at nahulog ang loob ko sa kaniya at alam kong ganoon din sya, sa dalawang taon kong pagsuyo sa kaniya, naging magkasintahan kami at kalaunan ay nagpakasal. Tulad ng ipinangako ko kay Magda, inilayo ko siya sa ganoong trabaho at sinabing ako ang mag-aalaga sa kaniya at magpapaligaya buhat sa walang hanggang paraiso. “Mahal, gusto ko ng magkaroon tayo ng sarili nating bahay” ang hiling sa akin ni Magda, “Mahal kaunti nalang at matutupad na ang pangarap mo” ang tugon ko naman kay Magda.
  • 22. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal Pagkalipas ng limang buwan ay nakalipat na kami ng bahay ni Magda, Pare, maraming salamat sa pagpapatira mo sa amin dito ni Mahal, ayos lang ‘yon pare ang sabi naman ni Jonathan. Sa aming bagong tahanan, nabuo ang tumitindi at lumalalim pa naming pag- iibigan, walang sinuman ang maaring makapaghihiwalay sa amin. Ngunit isang araw nagdesisyon akong umalis at pumunta sa Palawan para doon magtrabaho, tutol man si Magda ay pinagbigyan parin niya ako para magtrabaho, dahil para naman ito sa magandang kinabukasan ng aming binubuong pamilya. Umaga ng ika-13 ng Nobyembre taong 1994, nagising ako sa isang bahay na gawa sa pawid, ang aking ulo ay may benda, hindi ko maigalaw ng maayos ang aking mga kamay, hanggang sa dumating ang isang babae na may dalang pamunas, tumabi siya sa akin at pinunasan ang nagpapawis kong katawan, “Huwag ka munang maggagalaw, sariwa pa ang mga sugat mo, ako nga pala si Samantha, nakatitig lamang ako sa kanyang
  • 23. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal mapupungay na mata na tila anghel sa ganda, at nakaaakit na tunay. “Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin, natagpuan kita sa dalampasigan at hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka bakit wala ka bang na aalala? Tanong sa akin ni Samantha, walang bakas ng alaala ang namamayani sa akin, kundi ang kirot na aking nararamdaman. Lumipas ang tatlong taon, at batid kong tuluyan ng nawala ang akin alaala, pag-uwi ko galing sa laot, nasipat ng aking paningin na may kausap ang aking asawa si Samantha, isang babae na sa aking panaginip ay laging nagpapakita, lumapit ako sa kanila hanggang sa makapasok ako sa bahay, at doon ko nakita ang babaeng nagpabalik ng aking alaala, labis ang kaniyang pag-iyak. “Magda, tanging pangalan ng tunay kong minamahal ang una kong sinambit” Tumakbo ng papalayo si Magda at doon na alala ko na ang lahat, ngunit tila huli na, gusto kong habulin si Magda para magpaliwanag, alam kong nasaksihan niya dahil nagbunga ang
  • 24. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal pagmamahalan namin ni Samantha sa katauhan ko bilang si Antonio. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang buong katotohanan” ang sabi ko kay Samantha, patawarin mo ako Antonio, natakot lang ako, na kapag nalaman mo namay asawa ka ay iiwanan mo na ako, umiiyak na pagsusumamo ni Samantha, “mali parin na nagsinungaling ka sa akin, pupuntahan ko si Magda, kailangan niya ako, “Antonio huwag kang umalis “Frederick, Frederick ang tunay kong pangalan at hindi Antonio! “Frederick huwag mo kaming iwan, huwag mo kaming iwan ng magiging anak mo? Ang pagmamakaawa sa akin ni Samantha, Hinagkan ko siya bago ako tuluyang umalis, “Minahal kita, pero mas mahal ko ang tunay kong asawa”. “Pinuntahan ko si Magda, upang magpaliwanag, “Mahal, patawarin mo ako, hindi ko alam na, “anong hindi mo alam! Alam mo Frederick! Sinabi mo sa akin na magtatrabaho ka sa Palawan, alam kong sumabog ang barkong sinasakyan mo, halos mamatay ako sa kaiisip sayo, hinanap kita dahil alam ko sa puso ko na buhay ka! at hindi ako nagkamali dahil natagpuan kita, nagpumilit ang
  • 25. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal aking mga paa, para hanapin ka at mukhang nagkamali ako dahil manloloko ka! Ang buong sambit sa akin ni Magda. “Hindi ko alam nawala ang aking alaala at si Samantha ang nagligtas ng aking buhay” tatlong taon Frederick! Tatlong taon! Akong naghintay sayo, tinangka kong magpakamatay ng malaman kong sumabog ang sinasakyan mong barko. “Niyakap ko si Magda ngunit pilit siyang kumawala sa mga bisig ko” tapos na tayo Frederick, hindi mo ako pwedeng iwan, ikaw ang mahal ko Magda! “Buntis si Samantha,anak mo ang pinagbubuntis niya, ngayon sabihin mong ako ang mahal mo! kaya mo bang kalimutan namay anak ka! kaya mo bang iwan ang babaeng ‘yon para sa akin, wala kang kuwenta! Wala kang kuwenta! Tuluyan na akong iniwan ni Magda. Muli akong nagising sa katotohan, dapat nga ba akong pagmalupitan ng mundo, sino nga ba ang dapat kong sisihin sa pangyayaring ito sa buhay ko, ang aking mga pabayang magulang, mga kamag-anak na mapanlinlang, o ang pag- ibig na tunay kong kahinaan. Huli na ng ako’y gumising, gusto ko mang pigilan ang bawat oras na nagdaan,
  • 26. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal hindi ko na mababago ang tunay kong kapalaran. “Kapag tunay kang umiibig Hinahamak ang iyong pananalig Kahit pagkakamali ay iginigiit Dinidikta parin ang tama at ito’y itinutuwid” -Sinag “Ang taong may Paninindigan Nilikha para Lumaban Gumabay at Umantabay Sa kapwa maging huwarang tunay”
  • 27. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal -Sinag “Ang kaalaman ay kasangkapan Sa mabuting gawi at pamamaraan Kabataan sila ay dapat gabayan Ipamulat ang tunay na katotohanan” -Sinag
  • 28. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal “Kapag ang bata ay inalagaan Pagmamahal sa iba’y sukdulan Paglaruan man ng Kapalaran Mananatiling Anghel maging sa Kalupaan” -Sinag PASASALAMAT Lubos na pasasalamat ang ipinaparating ng may akda sa lahat ng mga taong gumabay at sumuporta sa kaniya, nag-ambag ng panahon sa pagsulat ng natatanging nobela na pinamagatang “Kamalayang WalangDangal”. Sa kaniyang guro Gng. Joemelyn B. Sapitan, gayundin angkaniyangmagulang,mgakaibigan,atkamag-arallalo na angPoongmaylikha sa lahat ngbagay. MaramingSalamat!
  • 29. KamalayangWalangDangal KamalayangWalangDangal MayAkda DEDIKASYON Sa mga kaibigan,kapwa mag-aaral sa Fil 250 M11 -“Dula at NobelangFilipino”sa mga guro Gng. Joemelyn Sapitan,Bb. Nelia A. Pagoso, sa kanyang mga magulangJoselito Gomezat Femy Gomezmaging sa kaniyang pinakamamahala na lola Gng.Aida Gomezangnobelangito ayinaalay sa inyo ng may akda. -Sinag