Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Lp1
1. Layunin:
A. Natutukoy at nailalarawan ang tatlong layunin ng katipunan,
B. Naipaliliwanag ang mga sinulat ni Emilio Jacinto at Andres Bonifacio na mga Kartilya ng
Katipunan,
C. Nakikilala ang mga uri ng namamahala sa katipunan; at
D. Nailalahad ang mga pagkakaiba iba ng mga namuno sa katipunan.
Nilalaman:
A. Paksa: Layunin ng Katipunan at Kayarian ng Katipunan
B. Sanggunian: Pilipinas “Isang Sulyap at Pagyakap” pp. 139 – 143
nina Michael DC. Rama, et.al
C. Kagamitan: libro at visual aid
Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag aaral
1. Balitaan
Mangangalap ng balita ang guro sa
mga mag- aaral.
(Ang mga mag- aaral ay
magbibigay ng kanilang
balita.)
A. Pagganyak
Noong itinatag ng mga propagandista
ang Kilusang Propaganda ay nagkaroon
din sila ng kani kanilang ga layunin.
B. Paglalahad
Ngayon naman ay ating alamin kung ano
– ano ang mga layunin ng Katipunan.
C. Pagtatalakay
Ano ang unang layunin ng Katipunan?
Ang layuning politikal po sir.
Tama. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Ito ay ang paghahangad ng
kalayaan mula da Spain.
Magaling. Ano ang pangalawang layunin?
Ang layuning moral na
naglalayong baguhin ang
nilolob ng bawat Katipunero.
Ok. Ito rin ay bumubuo ng pagtuturo at
2. pag aaral ng kagandahang asal, kalinisan,
mabuting pakikipagkapwa, at ang pakikibaka
sa panatisismo at mga aral ng prayle na
nagpapalabo sa halip na nakapagpapaliwananag
sa isipan ng mga Pillipino. Ano ang huling layunin
ng Katipunan?
Ang layuning sibiko na binubuo
ng pagpapairal ng kapatiran sa
mga kapwa kasapi,
pagtatanggol, at pagtulong sa
mahihirap at naaapi.
ok klas. Maglabas kayo ng kalahating papel. Ang gagawin
niyo lamang ay ipaliwanag sa sarili ninyong opinyon ang mga
nilalaman ng kartilya ng katipunan ni Emilio Jacinto at Andres
Bonifacio. Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto para
gawin ito.
(Natapos ang aktibidad)
Ngayon klas ay dumako na tayo sa mga seksyon na namahala
sa katipunan. Ano ang unang seksyon?
Ang unang seksyon ay ang
Kataas taasang Sanggunian.
Tama. Ito ay ang pinakamataas na pamunuan ng samahan.
Ano ang pangalawa?
Ang Sangguniang Bayan.
Ano naman ang pang huling seksyon?
Ang Sangguniang Balangay.
Itong seksyon na ito klas ay kumakatawan sa lalawigan o
munisipalidad.
Ano nga ba ang Sangguniang Hukuman klas?
Ito ay isang korte na kung saan
dinadala ang mga kasapi na
nakakaapekto sa samahan.
Tumpak. Ito rin ay ang nagsisilbing korte ng katarungan na
nagbibigay ng hatol sa kahit na sinong kasapi upang mamagitan
sa dalawang magkalabang pangkat at hindi rin ito nagbibigay ng
hatol na kamatayan.