Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano

54.168 visualizaciones

Publicado el

Naglalaman ng mga nangyayari sa nakaraan sa panahon ng amerikano, mga tula, at manunulat sa panahong yaon.

Publicado en: Educación
  • Inicia sesión para ver los comentarios

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano

  1. 1. Pagbabalik sa Kasaysayan sa Panahonng Amerikano
  2. 2. M g a I m p l u w e n s y a s a p a n a h o n n g A m e r i k a n o : 1. Pagpapatayo ng mga paaralan 2. Binago ang sistema ng edukasyon 3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan 4. Ipinagamit ang wikang Ingles 5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sapamamalakad ng pamahalaan 6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
  3. 3. Mga Katangian ng Panitikan: 1. Hangaring makamit ang kalayaan 2. Marubdob na pagmamahal sa bayan 3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
  4. 4. Diwang Nanaig: 1. Nasyonalismo 2. Kalayaan sa pagpapahayag 3. Paglawak ng karanasan 4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan.
  5. 5. Nahahati ang panahon ito sa tatlo (1901-1942): (a)Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b)Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.
  6. 6. Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan
  7. 7. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga “paghihimagsik” tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.
  8. 8. Ang nakapaloob sa batas sedisyonay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na angong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
  9. 9. Panahon ng Romantisismo
  10. 10. Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa. malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan;pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan, at ito ay mahiwaga at may kababalaghan.
  11. 11. Lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.
  12. 12. . Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.
  13. 13. Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksang pag- ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay, ito’y tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman.
  14. 14. Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon.
  15. 15. Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o iyong tinatawag na mga romantikong bayani.
  16. 16. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa ispan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang gantimpala.
  17. 17. Panahon ng Aklatang-Bayan (1900-1921)
  18. 18.  Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay.
  19. 19. Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
  20. 20. Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan
  21. 21.  Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon.
  22. 22. Ang mga Manunulat ng Panahon
  23. 23.  Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nakamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. (Huseng Batute)
  24. 24.  BAYAN KO Jose Corazon de Jesus  Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa.  Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika,  Makita kang sakdal laya!
  25. 25.  Lope K. Santos ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santos sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at di pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain
  26. 26. Pagtatapat ni Lope K.Santos Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,  Sa ulo mo'y ako ang buong masilid.  Ibig kong kung iyang mata'y tumititig,  Sa balintataw mo ako'y mapadikit. Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,  Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;  Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib,   Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.  Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos,  Akung-ako lamang ang makasusunod.  Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,  Kaluluwa ko lang ang makpupulot.  Hangad kong sa harap ng iyong alindog,  Ay diwa ko lamang ang makaaluluod. Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,
  27. 27.  Kamanyang ko lamang ang naisusuob.  Nassa kong kung ika'y may tinik sa puso,  Dini sa puso ko maunang tumimo.  Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y,  Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;  Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y,  Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;  Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo,  Ay mabayaran ko ng libong pangako;   Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo,  Ay mga labi ko ang gamiting panyo.   Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,  Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.  Nais kong sa mukha n gating ligaya,
  28. 28.  Batik man ng hapis ay walang Makita.  Nais kong ang linis ng ating panata'y,  Huwag marungisan ng munting balisa,   Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y,   Walang makatagpong anino ng dusa.   Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y  Hamog ng halik mo ang magpapasariwa;  Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,  Ay wala nang ulap na makagambala;  Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y,  Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.  Mithi kong kung ko'y mabalik sa wala,  Ay sa walang yao'y huway kang mawala.  
  29. 29. Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan.
  30. 30. Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.
  31. 31.  BUGTONG May isang dalagang may buwan sa dibdib, may tala sa noo na kaakit-akit, nang aking makita’y natutong humibik, nabinhi sa puso ang isang pag-ibig. May isang binatang may luha sa mata, may tinik sa puso at tigib ng dusa, ang binatang ito nang iyong makita nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa May isang babaing matigas aug puso, sa ano mang taghoy, hindi kumikibo, kapag nag-iisa, luha’y tumutulo may lihim na awa sa namimintuho... May isang lalaking matibay aug dibdib, sa bayo ng dusa’y marunong magtiis; ma-gabi, ma-araw walang iniisip kundi makarating sa pinto ng langit. Ito’y isang bugtong na may-kagaanan, nguni’t pusta tayo, di mo matuturan, ang dalihan ay di sa hindi mo alam kundi sa ugaling matimpiing tunay. Nguni’t balang araw di mo matitiis na di ipagtapat ang laman ng dibdib, ang bugtong ko naman sabay isusulit na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.
  32. 32. Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.
  33. 33.  ANG HALIK Ni Florentino Collantes May nangagsasabing ang halik ng tao Ay isang pagkaing lutong paraiso Anang iba naman ay lutong impyerno Ewan ko kung alin dito ang totoo, Marahil sa langgam ang tao natuto Sapagkat una na ang hayop na ito. At tayong Pilipino sa Kastila lamang Umano natuto ng paghahalikan Sa Amerikano tayo nasanay Ng gawang paghalik kahit sa lansangan. Datapwat sa aking ganang pagkabatid Tayo’y may sarili’t katutubong halik May halik Pilipino may halik Ingles May halik Kastila at may halik Intsik.
  34. 34.  Ang halik ng Intsik ay pahigup-laway Pisngi’y ginagawang mangkok ng linugaw Parang humuhithit sa kwako ng apyan Parang pumapangos ng tubong sinambay Ang halik ng Ingles ay pasipsip-suso Dikdikan ng labi’t ngudnguran ng nguso Datapwa ang atin, ang halik Pilipino Ay hindi pasipsip ni hindi pasupsop Kung hindi pasiil, paamoy, pasinghot. Ang halik ay bugtong na kataka-taka Pabango ng puso at ng kaluluwa Sa iisang tao ay walang halaga Ngunit pulot gata kapag sa dalawa. Ang halik ay mahal,banal at dakila Ngunit nahihingi kung sa munting bata Ito’y ninanakaw ng mga binata Ngunit binibili ng mga matanda.
  35. 35.  Ang halik sa sanggol isang kautangan Sa mutyang kasuyo ito’y karapatan Tanda ng pag-ibig, ng damdaming banal Ngunit balatkayo ng pusong tulisan. Ang halik sa sinta pag-asang sariwa Sa mutyang asawa’y pagsintang dakila Datapwat sa isang dalagang matanda Ang halik ay isang pagkakawanggawa.
  36. 36. Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947.
  37. 37.  Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, ang mga nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
  38. 38. Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.
  39. 39.  Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute.  Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na “Ama ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog.
  40. 40. Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.
  41. 41.  Nagsimula sa paglitaw ng magsaing Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Nagwakas sa taong 1932, sa pagkakaatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.
  42. 42.  Katangian ng Pampanitkan Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang romantisismo bagam’t masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.
  43. 43. Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.
  44. 44.  Ang mga Makata:  Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.  Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siya’y isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.  Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag.
  45. 45. Panahonng Malasariling Pamahalaan
  46. 46. Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.
  47. 47.  Ang Tula Ang panahong ito ay ay pinakanaging makulay na tinatawag na “paghihimagsik “ ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma at hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma” subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang panulaan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na guniguni.
  48. 48.  Ang tula’y nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinunga’y magkahalong katuwaan at pag-aagam- agam sa sambayanang mahilig tumula.
  49. 49. SALAMAT SA PAKIKINIG 

×