SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 8
Descargar para leer sin conexión
Ang Sinasabi Nila Tungkol Kay
                 Muhammad
          (Ang Pagpapala at Biyaya ng Allah Nawa'y Mapasakanya)



Sa panahon ng mga dantaon ng mga krusada, ang lahat ng uri
ng paninirang puri ay isinagawa laban sa Propetang si
Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Subalit sa
pagdatal ng makabagong panahon na tinampukan ng
pangrelihiyong pagsang-ayon at kalayaan ng isipan, dito’y
nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtuklas ng mga
kanluraning manunulat sa kanilang paglalarawan ng kanyang
buhay at pag-uugali. Ang mga pananaw ng mga di-Muslim na
iskolar tungkol sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa
ang kapayapaan), na ibinigay sa hulihan nito, ay nagbibigay
katarungan sa ganitong kuru-kuro.

Subalit ang Kanluran ay nararapat pa rin na humakbang ng
pasulong upang matuklasan nila ang pinakamalaking
katotohanan tungkol kay Muhammad at ito ay ang kanyang
pagiging lantay at huling Propeta ng Allah para sa buong
sangkatauhan. Subalit sa kabila ng lahat ng kanyang layunin at
kapaliwanagan (Islam), ay hindi pa nagkaroon ng matapat at
makabuluhang pagtatangka ang Kanluran upang maunawaan
ang pagka-Propeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang
kapayapaan). Tunay ngang pambihira na ang mga
nagliliwanag na mga papuring iginawad sa kanya dahilan sa
kanyang integridad at mga naisagawa, subalit ang kanyang
pag-aangkin bilang isang Propeta ng Allah ay tinalikdan ng
hayagan at di hayagan. Dito nga ay kinakailangan ang
paghahanap ng puso at pagbabalik-aral ng tinatawag na mga
‘layon’ ay nararapat. Ang mga sumusunod na nagliliwanag na
mga katotohanan mula sa pamumuhay ni Muhammad
(sumakanya nawa ang kapayapaan) ay inilathala upang
mapadali ang isang walang kinikilingan, batay sa katotohanan,
at makatuturang pasya tungkol sa kanyang pagka-Propeta.



1
Hanggang sa gulang na apatnapu, si Muhammad ay di
kinikilala bilang isang mambabatas, mangangaral o bilang
isang mananalumpati. Kailanman ay di siya natunghayang
nakikiisang-usapan tungkol sa mga prinsipyo ng pisika,
kagandahang loob, pulitika, pangangalakal o panglipunan.
Walang pasubali na siya ay nagtataglay ng pambihirang pag-
uugali, nakalulugod na pagkilos at may mataas na pagkatao.
Gayunpaman, ay walang masasabi sa kanyang pagiging
kamangha-mangha o isang pangunahing kaangkinan na
kagila-gilalas na magbibigay pag-asa sa mga tao na may
napipintong bagay na pambihira at mahimagsik na nalalaan sa
kanya sa hinaharap. Subalit nang lumabas siya mula sa
Yungib (HIRA) ng may bagong mensahe, siya ay ganap na
nagpanibagong bihis. Mangyayari nga kaya sa gayong tao na
may kaangkinang katangian tulad sa itaas ang di kaginsa-ginsa
ay naging ‘impostor’ at nagpamarali na siya ay Propeta ng
Allah at nag-aanyaya sa lahat ng pagkapoot ng kanyang
pamayanan? Maaaring maitanong sa anong kadahilanan na
siya’y nagdurusa sa lahat ng gayong pagpapakasakit? Ang
kanyang pamayanan ay nag-alok na tanggapin siya bilang
kanilang Hari at ialay na lahat sa kanya ang mga yaman sa
lupa sa kanyang paanan, itigil lamang niya ang pangangaral
ng kanyang relihiyon. Subalit pinili niya na tanggihan ang
lahat ng nakatutuksong alok at mag-isa siyang nagpatuloy sa
pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng
mga pag-aglahi at kalahatang paninikis, gayundin naman ang
pananalakay sa kanya ng kanyang pamayanan. Hindi ba na
ang tanging pag-aalay kay Allah at ang kanyang matibay na
layunin na maiparating ang mensahe ng Allah at ang kanyang
matiim na pananalig na di magtatagal ang Islam ang tanging
mamamayaning daan para sa lahat ng sangkatauhan, na
nakatindig siya na tila isang bundok sa harap ng lahat ng mga
pagsalangsang at pagsasangkutan na mailigpit siya? Bukod pa
rito, kung ang kanyang pagdatal ay upang gumawa at
makatunggali ang mga Kristiyano at ang mga Hudyo, bakit
niya iniutos na manalig kay Hesukristo at Moises at sa ibang
mga Propeta ng Allah (sumakanila nawa ang kapayapaan), na


2
isa sa pinakapunong pangangailangan ng pananampalataya na
kung wala nito, ang sino man ay di maaaring maging Muslim?

Hindi ba na di mapapasubaliang katibayan ng kanyang pagka-
Propeta na sa kabila ng kanyang pagiging isang mangmang,
nakapamuhay siya ng normal at matahimik sa loob ng
apatnapung taon; nang magpasimula siyang mangaral ng
kanyang mensahe, ang lahat ng Arabia ay napatindig ng may
pangangamba at panggigilalas at napamangha sa kanyang
kagila-gilalas na pananalumpati at pananalita. Tunay ngang
walang makakapantay na ang lahat ng mga pulutong ng mga
manunulang Arabe, mangangaral at mananalumpati na may
mataas na katangian ay nangabigong lahat na maipakita ang
maihahalintulad sa kanya. Bukod pa sa lahat ng mga ito,
paano siya maaaring makapagsaysay ng lahat ng mga
katotohanan na may pang-agham na kalikasan na
napapalaman sa Qur’an na walang sinumang tao ang maaaring
makagawa sa panahong yaon.

At ang panghuli ngunit hindi kapos, bakit siya namuhay ng
may pagpapakasakit kahit na pagkaraang makapagtamo siya
ng kapangyarihan at kapamahalaan? Magnilay-nilay na
lamang sa mga salitang kanyang binitawan habang siya’y nasa
bingit ng kamatayan: “Kami na pamayanan ng mga Propeta
ay di namamana. Kung anuman ang aming iwanan ay para sa
kawanggawa.”

Bilang isang bagay ng katotohanan, si Muhammad
(sumakanya nawa ang kapayapaan) ang panghuli sa sagka sa
kawil ng mga Propeta na isinugo sa iba’t-ibang mga lupain at
mga panahon sapul pa sa pinakasimula ng buhay ng tao sa
daigdig na ito.

Kung kadakilaan ng layunin, kakaramputan ng panustos at
katanyagan ng kinalabasan ang siyang tatlong pamantayan
ng katalinuhan ng tao, sino kaya ang makapangangahas na
maghalintulad ng sino mang dakilang tao kay Muhammad sa


3
makabagong kasaysayan? Ang pinakatanyag na mga lalaki ay
nakalikha ng mga sandata, mga batas at mga kaharian
lamang. Sila’y nakapagtatag, kung mayroon mang ganap ng
hindi hihigit pa sa mga materyal na kapangyarihan na
malimit na gumuguho sa harap ng kanilang paningin. Ang
taong ito’y hindi lamang nakapagpagalaw ng mga sundalong
sandatahan, nakapagsagawa ng mga batas, mga kaharian,
pamayanan at pampamilyang may kapamahalaan bagkus ay
laksang tao sa ikatlong bahagi nang noon ay
napapamuhayang mundo; at tangi pa roon, ginalaw niya ang
mga dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga
pananampalataya at mga kaluluwa… Ang kanyang
katiyagaan sa pagwawagi, sa kanyang ambisyon, na ganap na
nalalaan sa isang layunin at hindi sa anupaman ay
naghahangad ng isang kaharian; ang kanyang walang
humpay na pananalangin, ang kanyang mahimalang
pakikipag-ugnay sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang
kanyang pananagumpay sa kabila ng kanyang kamatayan;
ang lahat ng ito ay nagpapatunay hindi ng pagbabalatkayo
kundi ng matatag na pagsalungat na nagbigay sa kanya ng
lakas upang maibalik muli ang wastong pananampalataya.
Ang wastong pananampalatayang ito ay nahahati sa dalawa,
ang Kaisahan ng Diyos at imateryalidad ng Diyos; ang una
ay nagsasaysay kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay
nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng
espada, ang isa pa ay nagpapasimula ng kaisipan sa
pamamagitan ng mga salita.

Siya ay pilosopo, mananalumpati, apostol, tagapagsagawa ng
batas, mandirigma, manlulupig ng mga kaisipan,
tagapagpanibagong bihis ng katotohanang pananampalataya,
ng isang paraan ng pananampalatayang walang mga
larawan; ang nagtatag ng dalawang pangmundong kaharian
at ng isang pang-ispiritwal na kaharian, ito ay si Muhammad.
Kung isasaalang-alang ang lahat ng pamantayan upang ang
kadakilaan ng tao ay ating masukat, maitatanong nga natin,
mayroon pa ba kayang tao ang hihigit pa kaysa kanya?


4
- Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol. 11, pp.
276-277.

Hindi ang pagpapalaganap kundi ang kapanatilian ng
kanyang relihiyon ang pinag-uukulan ng aming
pagkamangha; ang dati ring dalisay at lantay na impresyon
na iniukit niya sa Makkah at Madina ay nananatili,
pagkaraan ng mga rebolusyon ng ikalabindalawang dantaon
ng mga Indian, ng Aprikano at Turkong nagsiyakap sa
Qur’an… Ang mga Muhammedan ay pantay-pantay na
nakapagwagi sa tukso na mapanghina ang layon ng kanilang
pananampalataya at debosyon sa antas ng mga pandama at
imahinasyon ng tao. “Ako ay nananampalataya sa Nag-iisang
Diyos at si Muhammad ang Sugo ng Diyos.” ay ang payak at
di nababahirang pagsasaysay ng Islam. Ang katalinuhang
larawan ng Diyos ay hindi kailanman ibinaba ng anumang
hayag na idolo; ang karangalan ng mga propeta ay hindi
kailanman lumabag sa sukatan ng makatao; at ang kanyang
buhay na mabuting pag-uugali ay nakapigil sa may
pasasalamat na pagpapahalaga ng kanyang mga tagasunod
ng ayon sa nasasakop ng pang-unawa at relihiyon.
- Edward Gibbon and Simon Ocklay, History of the Saracen
Empire, London 1870, p. 54.

Siya ay naging Cesar at Papa na magkasama; subalit siya ay
naging Papa ng walang pagpapakita o pag-aangkin bilang
papa (sa Roma), bilang Cesar na walang mga pulutong ni
Cesar, na walang nakahimpil na sandatahan, na walang
tagapananggalang, na walang palasyo, na walang takdang
pinagkakakitaan; kung mayroon man ang kahit sino mang tao
na magkaroon ng karapatang magpahayag na siya ay
pinatnubayan ng maka-Diyos na katumpakan, siya ay si
Muhammad, sapagkat siya ay nanangan ng lahat ng
kapangyarihan na wala ang mga instrumento nito gayundin
ang pang-aalay nito.
- Bosworth Smith, Mohammad & Mohammadanism, London
1874, p. 92.


5
Magiging kataka-taka sa sinuman na nag-aral ng buhay at
pag-uugali ng dakilang Propeta ng Diyos, na nakababatid
kung papaano siya nagturo at namuhay, ang makadama nga
ng anupamang bagay maliban sa mataas na paggalang sa
ganitong makapangyarihang Propeta, ang isa sa
pinakadakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na sa
anumang ilagay ko sa inyo ay makapagsasabi ako ng
maraming bagay na maaaring pangkaraniwan na lamang sa
marami, gayunpaman, ako na rin sa aking sarili ang
nakadarama, kailanman at aking babasahin iyong muli, isang
bagong daan ng paghanga, isang bagong kaisipan ng mataas
na paggalang sa ganoong makapangyarihang guro ng Arabia.
- Annie Besant, The Life and Teachings of Muhammad,
Madras 1932, p. 4.

Ang kanyang kahandaan na mapailalim sa mga pag-uusig
dahilan sa kanyang mga pananampalataya, ang mataas na
moral na pag-uugali ng mga tao na nananalig sa kanya at
tumatanaw sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan
ng kanyang mga naisagawa - ang lahat ng ito ay nagbibigay
paliwanag sa kanyang pundamental na integridad. Ang mag-
akala na si Muhammad ay isang nagpapanggap ay lalong
nagbibigay lamang ng mga suliranin kaysa ang makahanap
ng kalutasan doon. Higit pa sa roon, walang sino mang
larawan ng kasaysayan na tulad ni Muhammad ang may
pinakamatipid na pagpapahalagang iginawad ng Kanluran.
- W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford, 1953, p. 52.

Si Muhammad, ang pinagkaloobang tao na nagtatag ng Islam
ay ipinanganak noong taong 570 A.D. mula sa isang
pamayanang Arabe na sumasamba sa mga idolo at diyus-
diyosan. Siya’y lagi nang may natatanging malasakit sa mga
mahihirap at nangangailangan, sa mga balo at sa mga ulila,
sa mga alipin at mga naaapi. Sa gulang na dalawampu, siya
ay isa nang matagumpay na mangangalakal, at di nagtagal ay
naging tagapamahala siya ng mga biyahero ng kamelyo na


6
pag-aari ng isang mayamang balo. Nang siya’y sumapit na sa
gulang na dalawampu’t lima, ang kanyang pinaglilingkuran
na nakamamalas sa kanyang katapatan at kabaitan ay nag-
alok sa kanya na sila’y magsama. Bagama’t ang babae ay
matanda sa kanya ng labinglimang taon ay pinakasalan niya
at habang ang kanyang asawa ay nabubuhay siya ay
namalaging isang butihing asawa.

Tulad din ng lahat ng mga dakilang propeta na nanga-una sa
kanya, si Muhammad ay nakikibaka sa kanyang pagiging
kimi, dahilan na rin sa kanyang kabatiran ng kanyang
kakapusan, upang makapaglingkod bilang tagapagpalaganap
ng mga salita ng Diyos. Subalit ang anghel ay nag-utos sa
kanya ng “Basahin”. Kagaya na nga ng aming nalalaman, si
Muhammad ay di nakakabasa at nakakasulat, subalit siya’y
nagpasimulang magpahayag ng mga pinatnubayang Salita na
di maglalaon ay siyang magbibigay himagsikan sa malaking
bahagi ng daigdig: “Iisa lamang ang Diyos.” Sa lahat ng
bagay, si Muhammad ay ganap na praktikal. Nang mamatay
ang kanyang pinakamamahal na anak na si Abraham, ay
nagkaroon ng eklipse, at kumalat ang bali-balitang ang Diyos
ay nagpaparating sa kanya ng Kanyang pakikiramay. Kagyat
nga, si Muhammad ay nagbadya: “Ang eklipse ay isang
pangyayari na gawa ng kalikasan. Isang kabaliwan na
isangkot ang ganitong bagay sa kamatayan o pagsilang ng
isang tao.”

Sa kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang ninais
upang i-angat siya sa pagkadiyos, subalit ang tao na siyang
magiging kanang kapalit na tagapamahala ay pumutol sa mga
pagkakamayaw nila sa pamamagitan ng isa sa mga
pinakadakilang pangungusap ng kasaysayan: “Kung sino
man sa inyo ang sumasamba kay Muhammad, siya ay patay.
Ngunit kung ang Allah ang inyong sinasamba, Siya ay
magpasawalang hanggang nabubuhay.”




7
- James A. Michener, “Islam: The Misunderstood Religion, in
the Reader’s Digest (American Edition) for May, 1995, pp.
68-70.

Ang aking pagkapili kay Muhammad bilang pangunahin sa
hanay ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay
maaaring makagitla sa maraming mambabasa at maaaring
mausisa ng iba, subalit siya lamang ang tanging tao sa
kasaysayan na may pinakamatayog na tagumpay sa parehong
pangrelihiyon at di pangrelihiyong kaantasan.

Michael H. Hart, The 100: A Ranking of the Most Influential
Persons in History, New York: Hart Publishing Company,
Inc., 1978, p. 33.




8

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )
Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )
Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )DialogueTime
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithRic Eguia
 
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalatayaModyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalatayaFaith De Leon
 
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMirasol C R
 
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo obl97
 
Substitution not Transformation
Substitution not TransformationSubstitution not Transformation
Substitution not TransformationBerean Guide
 
Hesus anak ni maria
Hesus anak ni mariaHesus anak ni maria
Hesus anak ni mariaMohammad Ali
 
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at Pananampalataya
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at PananampalatayaEsp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at Pananampalataya
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at PananampalatayaDemmie Boored
 
Trinidad
TrinidadTrinidad
TrinidadFanar
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalCay Vidanes
 

La actualidad más candente (14)

Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )
Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )
Human rights in_islam_and_common_misconceptions ( www.aboutislam.chat )
 
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: IslamAP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: Faith
 
Ikalawang bahagi
Ikalawang bahagiIkalawang bahagi
Ikalawang bahagi
 
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalatayaModyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
Modyul 12 espiritwalidad at pananampalataya
 
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
 
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
Ang mensahe ni kristo at kristiyanismo
 
Substitution not Transformation
Substitution not TransformationSubstitution not Transformation
Substitution not Transformation
 
Hesus anak ni maria
Hesus anak ni mariaHesus anak ni maria
Hesus anak ni maria
 
‘SEX’ SA PANANAW NG ISLAM
‘SEX’ SA PANANAW NG ISLAM‘SEX’ SA PANANAW NG ISLAM
‘SEX’ SA PANANAW NG ISLAM
 
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at Pananampalataya
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at PananampalatayaEsp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at Pananampalataya
Esp 10 Modyul 12 Espiritwalidad at Pananampalataya
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
 
Trinidad
TrinidadTrinidad
Trinidad
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
 

Destacado

Serv box金點設計獎簡報 v2.0
Serv box金點設計獎簡報 v2.0Serv box金點設計獎簡報 v2.0
Serv box金點設計獎簡報 v2.0彭其捷 Jack
 
#4 kingdom blueprint
#4 kingdom blueprint#4 kingdom blueprint
#4 kingdom blueprintSSMC
 
Images from Nøstet, Bergen
Images from Nøstet, BergenImages from Nøstet, Bergen
Images from Nøstet, BergenBirgitte JH
 
Troy Dunnahoe Case Study
Troy Dunnahoe Case StudyTroy Dunnahoe Case Study
Troy Dunnahoe Case Studyguest38051c4
 
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011Gavin Heavyside
 
Solo or together
Solo or togetherSolo or together
Solo or togetherSSMC
 
Father’s Day Sermon 17th June 2012
Father’s Day Sermon 17th June 2012Father’s Day Sermon 17th June 2012
Father’s Day Sermon 17th June 2012SSMC
 
Public School in Perus project
Public School in Perus projectPublic School in Perus project
Public School in Perus projectBirgitte JH
 
Linkedin Gen Script
Linkedin Gen ScriptLinkedin Gen Script
Linkedin Gen Scripthowardhuang
 
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registro
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De RegistroE:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registro
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registromaryum01
 
كيفية انشاء حساب جديد
كيفية انشاء حساب جديدكيفية انشاء حساب جديد
كيفية انشاء حساب جديدainoulmeneinfo
 

Destacado (20)

Social
SocialSocial
Social
 
Kenkuli
KenkuliKenkuli
Kenkuli
 
Serv box金點設計獎簡報 v2.0
Serv box金點設計獎簡報 v2.0Serv box金點設計獎簡報 v2.0
Serv box金點設計獎簡報 v2.0
 
Docker at ACCU2015
Docker at ACCU2015Docker at ACCU2015
Docker at ACCU2015
 
#4 kingdom blueprint
#4 kingdom blueprint#4 kingdom blueprint
#4 kingdom blueprint
 
UC Berkeley
UC BerkeleyUC Berkeley
UC Berkeley
 
DevOps at ACCU 2012
DevOps at ACCU 2012DevOps at ACCU 2012
DevOps at ACCU 2012
 
Images from Nøstet, Bergen
Images from Nøstet, BergenImages from Nøstet, Bergen
Images from Nøstet, Bergen
 
Troy Dunnahoe Case Study
Troy Dunnahoe Case StudyTroy Dunnahoe Case Study
Troy Dunnahoe Case Study
 
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011
Coding Dojo - Surrey Rubyists #2 - 26 April 2011
 
Solo or together
Solo or togetherSolo or together
Solo or together
 
jQuery Mobile
jQuery MobilejQuery Mobile
jQuery Mobile
 
2012 07 24 backbone_1
2012 07 24 backbone_12012 07 24 backbone_1
2012 07 24 backbone_1
 
Father’s Day Sermon 17th June 2012
Father’s Day Sermon 17th June 2012Father’s Day Sermon 17th June 2012
Father’s Day Sermon 17th June 2012
 
Weather abood
Weather aboodWeather abood
Weather abood
 
Public School in Perus project
Public School in Perus projectPublic School in Perus project
Public School in Perus project
 
Linkedin Gen Script
Linkedin Gen ScriptLinkedin Gen Script
Linkedin Gen Script
 
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registro
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De RegistroE:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registro
E:\Documents And Settings\Administrador\Mis Documentos\Arreglo De Registro
 
Mis Trabajos
Mis TrabajosMis Trabajos
Mis Trabajos
 
كيفية انشاء حساب جديد
كيفية انشاء حساب جديدكيفية انشاء حساب جديد
كيفية انشاء حساب جديد
 

Similar a Ang Sinasabi Nila Tungkol Kay Muhammad

MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfCARLOSRyanCholo
 
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling Pagkakaunawa
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling PagkakaunawaAng Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling Pagkakaunawa
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling PagkakaunawaIslamic Invitation
 
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo jackeline abinales
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxJackeline Abinales
 
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyoGrade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyokelvin kent giron
 
Islam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatanIslam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatanMohammad Ali
 
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanIslam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanArab Muslim
 

Similar a Ang Sinasabi Nila Tungkol Kay Muhammad (12)

Ang mga Relihiyon sa Asya.pptx
Ang mga Relihiyon sa Asya.pptxAng mga Relihiyon sa Asya.pptx
Ang mga Relihiyon sa Asya.pptx
 
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
 
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling Pagkakaunawa
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling PagkakaunawaAng Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling Pagkakaunawa
Ang Babae sa Islam At ang Pagpapabulaan sa mga Karaniwang Maling Pagkakaunawa
 
Islam
IslamIslam
Islam
 
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
 
7-ISLAM.pptx
7-ISLAM.pptx7-ISLAM.pptx
7-ISLAM.pptx
 
Holy roman empire
Holy roman empireHoly roman empire
Holy roman empire
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
 
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyoGrade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
 
MGA RELIHIYON SA ASYA.pptx
MGA RELIHIYON SA ASYA.pptxMGA RELIHIYON SA ASYA.pptx
MGA RELIHIYON SA ASYA.pptx
 
Islam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatanIslam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatan
 
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanIslam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
 

Más de Fanar

Tunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonTunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonFanar
 
Quran In The Bible
Quran In The BibleQuran In The Bible
Quran In The BibleFanar
 
Relihiyon Ng Allah
Relihiyon Ng AllahRelihiyon Ng Allah
Relihiyon Ng AllahFanar
 
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni Jesus
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni JesusMuslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni Jesus
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni JesusFanar
 
Importance Of Shahda1
Importance Of Shahda1Importance Of Shahda1
Importance Of Shahda1Fanar
 
Idols And Other Types Of Idolatry
Idols And Other Types Of IdolatryIdols And Other Types Of Idolatry
Idols And Other Types Of IdolatryFanar
 
Faith &Practices
Faith &PracticesFaith &Practices
Faith &PracticesFanar
 
Double Kruz
Double KruzDouble Kruz
Double KruzFanar
 
Daan Sa Kaligtasan
Daan Sa KaligtasanDaan Sa Kaligtasan
Daan Sa KaligtasanFanar
 
Astrology
AstrologyAstrology
AstrologyFanar
 
Ano Ang B Iblia
Ano Ang B IbliaAno Ang B Iblia
Ano Ang B IbliaFanar
 
Abraham Covenant
Abraham CovenantAbraham Covenant
Abraham CovenantFanar
 
Ang Talambuhay Ng Propeta
Ang Talambuhay Ng PropetaAng Talambuhay Ng Propeta
Ang Talambuhay Ng PropetaFanar
 
Ang Pasko
Ang PaskoAng Pasko
Ang PaskoFanar
 
Abraham Covenant
Abraham CovenantAbraham Covenant
Abraham CovenantFanar
 
Balik Tanaw
Balik TanawBalik Tanaw
Balik TanawFanar
 
C:\Fakepath\Abundance Of Fasting
C:\Fakepath\Abundance Of FastingC:\Fakepath\Abundance Of Fasting
C:\Fakepath\Abundance Of FastingFanar
 
C:\Fakepath\Balik Tanaw
C:\Fakepath\Balik TanawC:\Fakepath\Balik Tanaw
C:\Fakepath\Balik TanawFanar
 
Salah For Beginners
Salah For BeginnersSalah For Beginners
Salah For BeginnersFanar
 
Shahada Presentation
Shahada PresentationShahada Presentation
Shahada PresentationFanar
 

Más de Fanar (20)

Tunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonTunay Na Relihiyon
Tunay Na Relihiyon
 
Quran In The Bible
Quran In The BibleQuran In The Bible
Quran In The Bible
 
Relihiyon Ng Allah
Relihiyon Ng AllahRelihiyon Ng Allah
Relihiyon Ng Allah
 
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni Jesus
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni JesusMuslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni Jesus
Muslim Ang Tunay Na Tagsunod Ni Jesus
 
Importance Of Shahda1
Importance Of Shahda1Importance Of Shahda1
Importance Of Shahda1
 
Idols And Other Types Of Idolatry
Idols And Other Types Of IdolatryIdols And Other Types Of Idolatry
Idols And Other Types Of Idolatry
 
Faith &Practices
Faith &PracticesFaith &Practices
Faith &Practices
 
Double Kruz
Double KruzDouble Kruz
Double Kruz
 
Daan Sa Kaligtasan
Daan Sa KaligtasanDaan Sa Kaligtasan
Daan Sa Kaligtasan
 
Astrology
AstrologyAstrology
Astrology
 
Ano Ang B Iblia
Ano Ang B IbliaAno Ang B Iblia
Ano Ang B Iblia
 
Abraham Covenant
Abraham CovenantAbraham Covenant
Abraham Covenant
 
Ang Talambuhay Ng Propeta
Ang Talambuhay Ng PropetaAng Talambuhay Ng Propeta
Ang Talambuhay Ng Propeta
 
Ang Pasko
Ang PaskoAng Pasko
Ang Pasko
 
Abraham Covenant
Abraham CovenantAbraham Covenant
Abraham Covenant
 
Balik Tanaw
Balik TanawBalik Tanaw
Balik Tanaw
 
C:\Fakepath\Abundance Of Fasting
C:\Fakepath\Abundance Of FastingC:\Fakepath\Abundance Of Fasting
C:\Fakepath\Abundance Of Fasting
 
C:\Fakepath\Balik Tanaw
C:\Fakepath\Balik TanawC:\Fakepath\Balik Tanaw
C:\Fakepath\Balik Tanaw
 
Salah For Beginners
Salah For BeginnersSalah For Beginners
Salah For Beginners
 
Shahada Presentation
Shahada PresentationShahada Presentation
Shahada Presentation
 

Ang Sinasabi Nila Tungkol Kay Muhammad

  • 1. Ang Sinasabi Nila Tungkol Kay Muhammad (Ang Pagpapala at Biyaya ng Allah Nawa'y Mapasakanya) Sa panahon ng mga dantaon ng mga krusada, ang lahat ng uri ng paninirang puri ay isinagawa laban sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Subalit sa pagdatal ng makabagong panahon na tinampukan ng pangrelihiyong pagsang-ayon at kalayaan ng isipan, dito’y nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtuklas ng mga kanluraning manunulat sa kanilang paglalarawan ng kanyang buhay at pag-uugali. Ang mga pananaw ng mga di-Muslim na iskolar tungkol sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), na ibinigay sa hulihan nito, ay nagbibigay katarungan sa ganitong kuru-kuro. Subalit ang Kanluran ay nararapat pa rin na humakbang ng pasulong upang matuklasan nila ang pinakamalaking katotohanan tungkol kay Muhammad at ito ay ang kanyang pagiging lantay at huling Propeta ng Allah para sa buong sangkatauhan. Subalit sa kabila ng lahat ng kanyang layunin at kapaliwanagan (Islam), ay hindi pa nagkaroon ng matapat at makabuluhang pagtatangka ang Kanluran upang maunawaan ang pagka-Propeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Tunay ngang pambihira na ang mga nagliliwanag na mga papuring iginawad sa kanya dahilan sa kanyang integridad at mga naisagawa, subalit ang kanyang pag-aangkin bilang isang Propeta ng Allah ay tinalikdan ng hayagan at di hayagan. Dito nga ay kinakailangan ang paghahanap ng puso at pagbabalik-aral ng tinatawag na mga ‘layon’ ay nararapat. Ang mga sumusunod na nagliliwanag na mga katotohanan mula sa pamumuhay ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay inilathala upang mapadali ang isang walang kinikilingan, batay sa katotohanan, at makatuturang pasya tungkol sa kanyang pagka-Propeta. 1
  • 2. Hanggang sa gulang na apatnapu, si Muhammad ay di kinikilala bilang isang mambabatas, mangangaral o bilang isang mananalumpati. Kailanman ay di siya natunghayang nakikiisang-usapan tungkol sa mga prinsipyo ng pisika, kagandahang loob, pulitika, pangangalakal o panglipunan. Walang pasubali na siya ay nagtataglay ng pambihirang pag- uugali, nakalulugod na pagkilos at may mataas na pagkatao. Gayunpaman, ay walang masasabi sa kanyang pagiging kamangha-mangha o isang pangunahing kaangkinan na kagila-gilalas na magbibigay pag-asa sa mga tao na may napipintong bagay na pambihira at mahimagsik na nalalaan sa kanya sa hinaharap. Subalit nang lumabas siya mula sa Yungib (HIRA) ng may bagong mensahe, siya ay ganap na nagpanibagong bihis. Mangyayari nga kaya sa gayong tao na may kaangkinang katangian tulad sa itaas ang di kaginsa-ginsa ay naging ‘impostor’ at nagpamarali na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya sa lahat ng pagkapoot ng kanyang pamayanan? Maaaring maitanong sa anong kadahilanan na siya’y nagdurusa sa lahat ng gayong pagpapakasakit? Ang kanyang pamayanan ay nag-alok na tanggapin siya bilang kanilang Hari at ialay na lahat sa kanya ang mga yaman sa lupa sa kanyang paanan, itigil lamang niya ang pangangaral ng kanyang relihiyon. Subalit pinili niya na tanggihan ang lahat ng nakatutuksong alok at mag-isa siyang nagpatuloy sa pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng mga pag-aglahi at kalahatang paninikis, gayundin naman ang pananalakay sa kanya ng kanyang pamayanan. Hindi ba na ang tanging pag-aalay kay Allah at ang kanyang matibay na layunin na maiparating ang mensahe ng Allah at ang kanyang matiim na pananalig na di magtatagal ang Islam ang tanging mamamayaning daan para sa lahat ng sangkatauhan, na nakatindig siya na tila isang bundok sa harap ng lahat ng mga pagsalangsang at pagsasangkutan na mailigpit siya? Bukod pa rito, kung ang kanyang pagdatal ay upang gumawa at makatunggali ang mga Kristiyano at ang mga Hudyo, bakit niya iniutos na manalig kay Hesukristo at Moises at sa ibang mga Propeta ng Allah (sumakanila nawa ang kapayapaan), na 2
  • 3. isa sa pinakapunong pangangailangan ng pananampalataya na kung wala nito, ang sino man ay di maaaring maging Muslim? Hindi ba na di mapapasubaliang katibayan ng kanyang pagka- Propeta na sa kabila ng kanyang pagiging isang mangmang, nakapamuhay siya ng normal at matahimik sa loob ng apatnapung taon; nang magpasimula siyang mangaral ng kanyang mensahe, ang lahat ng Arabia ay napatindig ng may pangangamba at panggigilalas at napamangha sa kanyang kagila-gilalas na pananalumpati at pananalita. Tunay ngang walang makakapantay na ang lahat ng mga pulutong ng mga manunulang Arabe, mangangaral at mananalumpati na may mataas na katangian ay nangabigong lahat na maipakita ang maihahalintulad sa kanya. Bukod pa sa lahat ng mga ito, paano siya maaaring makapagsaysay ng lahat ng mga katotohanan na may pang-agham na kalikasan na napapalaman sa Qur’an na walang sinumang tao ang maaaring makagawa sa panahong yaon. At ang panghuli ngunit hindi kapos, bakit siya namuhay ng may pagpapakasakit kahit na pagkaraang makapagtamo siya ng kapangyarihan at kapamahalaan? Magnilay-nilay na lamang sa mga salitang kanyang binitawan habang siya’y nasa bingit ng kamatayan: “Kami na pamayanan ng mga Propeta ay di namamana. Kung anuman ang aming iwanan ay para sa kawanggawa.” Bilang isang bagay ng katotohanan, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang panghuli sa sagka sa kawil ng mga Propeta na isinugo sa iba’t-ibang mga lupain at mga panahon sapul pa sa pinakasimula ng buhay ng tao sa daigdig na ito. Kung kadakilaan ng layunin, kakaramputan ng panustos at katanyagan ng kinalabasan ang siyang tatlong pamantayan ng katalinuhan ng tao, sino kaya ang makapangangahas na maghalintulad ng sino mang dakilang tao kay Muhammad sa 3
  • 4. makabagong kasaysayan? Ang pinakatanyag na mga lalaki ay nakalikha ng mga sandata, mga batas at mga kaharian lamang. Sila’y nakapagtatag, kung mayroon mang ganap ng hindi hihigit pa sa mga materyal na kapangyarihan na malimit na gumuguho sa harap ng kanilang paningin. Ang taong ito’y hindi lamang nakapagpagalaw ng mga sundalong sandatahan, nakapagsagawa ng mga batas, mga kaharian, pamayanan at pampamilyang may kapamahalaan bagkus ay laksang tao sa ikatlong bahagi nang noon ay napapamuhayang mundo; at tangi pa roon, ginalaw niya ang mga dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga pananampalataya at mga kaluluwa… Ang kanyang katiyagaan sa pagwawagi, sa kanyang ambisyon, na ganap na nalalaan sa isang layunin at hindi sa anupaman ay naghahangad ng isang kaharian; ang kanyang walang humpay na pananalangin, ang kanyang mahimalang pakikipag-ugnay sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang kanyang pananagumpay sa kabila ng kanyang kamatayan; ang lahat ng ito ay nagpapatunay hindi ng pagbabalatkayo kundi ng matatag na pagsalungat na nagbigay sa kanya ng lakas upang maibalik muli ang wastong pananampalataya. Ang wastong pananampalatayang ito ay nahahati sa dalawa, ang Kaisahan ng Diyos at imateryalidad ng Diyos; ang una ay nagsasaysay kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada, ang isa pa ay nagpapasimula ng kaisipan sa pamamagitan ng mga salita. Siya ay pilosopo, mananalumpati, apostol, tagapagsagawa ng batas, mandirigma, manlulupig ng mga kaisipan, tagapagpanibagong bihis ng katotohanang pananampalataya, ng isang paraan ng pananampalatayang walang mga larawan; ang nagtatag ng dalawang pangmundong kaharian at ng isang pang-ispiritwal na kaharian, ito ay si Muhammad. Kung isasaalang-alang ang lahat ng pamantayan upang ang kadakilaan ng tao ay ating masukat, maitatanong nga natin, mayroon pa ba kayang tao ang hihigit pa kaysa kanya? 4
  • 5. - Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol. 11, pp. 276-277. Hindi ang pagpapalaganap kundi ang kapanatilian ng kanyang relihiyon ang pinag-uukulan ng aming pagkamangha; ang dati ring dalisay at lantay na impresyon na iniukit niya sa Makkah at Madina ay nananatili, pagkaraan ng mga rebolusyon ng ikalabindalawang dantaon ng mga Indian, ng Aprikano at Turkong nagsiyakap sa Qur’an… Ang mga Muhammedan ay pantay-pantay na nakapagwagi sa tukso na mapanghina ang layon ng kanilang pananampalataya at debosyon sa antas ng mga pandama at imahinasyon ng tao. “Ako ay nananampalataya sa Nag-iisang Diyos at si Muhammad ang Sugo ng Diyos.” ay ang payak at di nababahirang pagsasaysay ng Islam. Ang katalinuhang larawan ng Diyos ay hindi kailanman ibinaba ng anumang hayag na idolo; ang karangalan ng mga propeta ay hindi kailanman lumabag sa sukatan ng makatao; at ang kanyang buhay na mabuting pag-uugali ay nakapigil sa may pasasalamat na pagpapahalaga ng kanyang mga tagasunod ng ayon sa nasasakop ng pang-unawa at relihiyon. - Edward Gibbon and Simon Ocklay, History of the Saracen Empire, London 1870, p. 54. Siya ay naging Cesar at Papa na magkasama; subalit siya ay naging Papa ng walang pagpapakita o pag-aangkin bilang papa (sa Roma), bilang Cesar na walang mga pulutong ni Cesar, na walang nakahimpil na sandatahan, na walang tagapananggalang, na walang palasyo, na walang takdang pinagkakakitaan; kung mayroon man ang kahit sino mang tao na magkaroon ng karapatang magpahayag na siya ay pinatnubayan ng maka-Diyos na katumpakan, siya ay si Muhammad, sapagkat siya ay nanangan ng lahat ng kapangyarihan na wala ang mga instrumento nito gayundin ang pang-aalay nito. - Bosworth Smith, Mohammad & Mohammadanism, London 1874, p. 92. 5
  • 6. Magiging kataka-taka sa sinuman na nag-aral ng buhay at pag-uugali ng dakilang Propeta ng Diyos, na nakababatid kung papaano siya nagturo at namuhay, ang makadama nga ng anupamang bagay maliban sa mataas na paggalang sa ganitong makapangyarihang Propeta, ang isa sa pinakadakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na sa anumang ilagay ko sa inyo ay makapagsasabi ako ng maraming bagay na maaaring pangkaraniwan na lamang sa marami, gayunpaman, ako na rin sa aking sarili ang nakadarama, kailanman at aking babasahin iyong muli, isang bagong daan ng paghanga, isang bagong kaisipan ng mataas na paggalang sa ganoong makapangyarihang guro ng Arabia. - Annie Besant, The Life and Teachings of Muhammad, Madras 1932, p. 4. Ang kanyang kahandaan na mapailalim sa mga pag-uusig dahilan sa kanyang mga pananampalataya, ang mataas na moral na pag-uugali ng mga tao na nananalig sa kanya at tumatanaw sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang mga naisagawa - ang lahat ng ito ay nagbibigay paliwanag sa kanyang pundamental na integridad. Ang mag- akala na si Muhammad ay isang nagpapanggap ay lalong nagbibigay lamang ng mga suliranin kaysa ang makahanap ng kalutasan doon. Higit pa sa roon, walang sino mang larawan ng kasaysayan na tulad ni Muhammad ang may pinakamatipid na pagpapahalagang iginawad ng Kanluran. - W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford, 1953, p. 52. Si Muhammad, ang pinagkaloobang tao na nagtatag ng Islam ay ipinanganak noong taong 570 A.D. mula sa isang pamayanang Arabe na sumasamba sa mga idolo at diyus- diyosan. Siya’y lagi nang may natatanging malasakit sa mga mahihirap at nangangailangan, sa mga balo at sa mga ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa gulang na dalawampu, siya ay isa nang matagumpay na mangangalakal, at di nagtagal ay naging tagapamahala siya ng mga biyahero ng kamelyo na 6
  • 7. pag-aari ng isang mayamang balo. Nang siya’y sumapit na sa gulang na dalawampu’t lima, ang kanyang pinaglilingkuran na nakamamalas sa kanyang katapatan at kabaitan ay nag- alok sa kanya na sila’y magsama. Bagama’t ang babae ay matanda sa kanya ng labinglimang taon ay pinakasalan niya at habang ang kanyang asawa ay nabubuhay siya ay namalaging isang butihing asawa. Tulad din ng lahat ng mga dakilang propeta na nanga-una sa kanya, si Muhammad ay nakikibaka sa kanyang pagiging kimi, dahilan na rin sa kanyang kabatiran ng kanyang kakapusan, upang makapaglingkod bilang tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos. Subalit ang anghel ay nag-utos sa kanya ng “Basahin”. Kagaya na nga ng aming nalalaman, si Muhammad ay di nakakabasa at nakakasulat, subalit siya’y nagpasimulang magpahayag ng mga pinatnubayang Salita na di maglalaon ay siyang magbibigay himagsikan sa malaking bahagi ng daigdig: “Iisa lamang ang Diyos.” Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay ganap na praktikal. Nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na anak na si Abraham, ay nagkaroon ng eklipse, at kumalat ang bali-balitang ang Diyos ay nagpaparating sa kanya ng Kanyang pakikiramay. Kagyat nga, si Muhammad ay nagbadya: “Ang eklipse ay isang pangyayari na gawa ng kalikasan. Isang kabaliwan na isangkot ang ganitong bagay sa kamatayan o pagsilang ng isang tao.” Sa kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang ninais upang i-angat siya sa pagkadiyos, subalit ang tao na siyang magiging kanang kapalit na tagapamahala ay pumutol sa mga pagkakamayaw nila sa pamamagitan ng isa sa mga pinakadakilang pangungusap ng kasaysayan: “Kung sino man sa inyo ang sumasamba kay Muhammad, siya ay patay. Ngunit kung ang Allah ang inyong sinasamba, Siya ay magpasawalang hanggang nabubuhay.” 7
  • 8. - James A. Michener, “Islam: The Misunderstood Religion, in the Reader’s Digest (American Edition) for May, 1995, pp. 68-70. Ang aking pagkapili kay Muhammad bilang pangunahin sa hanay ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay maaaring makagitla sa maraming mambabasa at maaaring mausisa ng iba, subalit siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan na may pinakamatayog na tagumpay sa parehong pangrelihiyon at di pangrelihiyong kaantasan. Michael H. Hart, The 100: A Ranking of the Most Influential Persons in History, New York: Hart Publishing Company, Inc., 1978, p. 33. 8