ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
"Simbahan" - Miracent A. Tanbelda
1. Simbahan
ni Miracent A. Tanbelda
Sa lingo ng gabi,may isang dalagitang ubod ng ganda na nakaupo sa gilid ng
simbahan na nagngangalang Maria. Katatapus lang kasi niyang magsimba kaya nagpasya ang
dalagita na umupo muna para masdan ang magandang tanawin.
Hindi maiiwasan na walang titingin sa dalagita dahil lubhang kaakit-akit ang
kanyang mukha,mapupulang labi,matangos na ilong,at ang kanyang mga mata ay parang isang
anghel na nagniningning sa ibabaw ng kalangitan. Maraming manliligaw si Maria.Palagi siyang
dinadalhan ng mararangyang gamit,rosas,tsokolate,at iba pa.Sa dami ng kanyang
maniligaw,may isang tanging lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. At sa lahat ng manliligaw
kay maria si leo lang ang nagpapagising sa natutulog na damdamin ng dalagita.
Hindi naglaon ay naging magkasintahan rin sila.Napakasaya ni maria na tila nasa
paraiso sila na kahit kalian ay hindi magwawagas ang kanilang pag-iibigan.Maraming mga
pangakong binitawan si leo para kay maria,at ang mga lunggating ito ay siyang lalong dahilan
para umibig ng lubusan ang dalagita sa binata.
Sigurado na ang dalawa sa kanilang pag-iibigan.kaya nagpasya ang sila na ipakilala
na ang bawat isa sa kani-kanilang pamilya.
Nang pumunta na sila sa bahay.Napatda at hindi makapaniwala ang pamilya ni leo
dahil si maria ang pinakaunang babaeng ipinakilala sa binata.Kaya lubos na nasiyahan ang
pamilya ni leo.,lalo na’t bihira ang kariktang taglay ni maria.
Habang tumagal ang panahon mas tumibay ang kanilang pagmamahalan.
Isang araw nahagilap ni leo na may kausap si maria...sa pagbulay-bulay sa binata bigla
niyang nagunita na ang taong kausap ni maria ay isa sa mga manliligaw nito.Naghahalong galit
at takot ang nadama sa binata.
Pagkaraan ng lang araw,napansin ng dalagita na hindi na nagpaparamdam ang
kanyang iniirog,kaya agad niya itong hinanap.Nababahala na si maria.Hanggang sa nakita niya
ito sa simbahan.Agad itong pinuntahan at niyakap.Nagulat ang binata.kahit nagpupuyos pa ang
2. damdamin nito,nang kayakap na niya ang taong kinakailangan niya ay agad napawi lahat ng
kanyang dinaramdam.Humingi ng tawad ang binata at nagpaliwanag na siya’y nanaghili
lamang.Labis ang katuwaang namumuo sa damdamin ng dalaga...kaya hinagkan niya ito sa noo
at sinabing “tara ipapakilala kita na walang pag-aalinlangan sa aking pamilya”at tumango ang
binata na may kasamang ngiti.
Sa lingo ng gabi,pagkatapos magsimba.Pumunta na si leo sa bahay ng kanyang
kasintaha.At siya’y tinaggap naman na walang pag-aalinlangan,dahil nakikita naman sa pamilya
ni maria na magalang at responsablin nobyo si leo.
Ang ama’t ina ni maria ay parang mga imbestigador dahil palagi nilang tinitanong si
leo.Nang ikinuwento na ni leo ang kanyang buhay na pinagdaanan,biglang namutla ang ama’t
ina ni maria. Hindi sila mapakali. Kaya nagpasya ang binata na uuwi nalang.Ang namumuo sa
isipan ng binata na baka naawa sila sa kanyang istorya ng buhay.
Kinaumagahan,pinatawag si maria sa kanyang mga butihing magulang.Hindi alam
ng ina kung paano niya ito sasabihin sa kanyang anak na si maria.Pautal itong
magsalita,nababahala na si maria.Hanggang sa nasabing “layuan mo na si leo anak hanggang
maaga pa”.Nang marinig ni maria ang mga salitang binaggit niyon,ay tinakasan siya ng lakas
hanggang sa nawalan ng malay.
Hindi sinabi ang pangyayaring ito sa nobyo ng dalagita ,dahil nais mo nang
magpaliwanag ang mga mga magulang ni maria kung bakit ganito nangyari.
Nang magkamalay na ang dalagita,agad itong niyakap ng ina upang humingi ng
kapatawaran at para maibsan din ang sakit na dinaramdam ng dalagita.
At nagpaliwang na may nakatatandang kapatid si maria.Kapos na kapos ang ama’t
ina ni maria noon at hindi at hindi nila kayang palakihin at tustusan ang mga pangangailangan
ng kawawang bata.Kaya nagpasya ang magulang ni maria na ipaubaya nalang muna ito sa
simbahan kahit labag man sa kanilang kalooban.Walang wala sila noon,"gusto naming kunin
ang kuya mo pagdating ng araw na kaya na naming alagaan at matustusan ang kanyang mga
pangangailangan ngunit...sinabi ng tagapagbantay na may umampon na sa batang yaon. Hindi
kami nawalan ng pag-asa,hinanap namin ang kuya mo...ngunit ni isang bakas ay wala kaming
natagpuan......kaya ,patawad anak!
Nang marinig niya ang lahat...at ang hagulhol ng kanyang ina,ay hindi niya
maiwasang mapaluha.Napakabuti at napakamaunawain ni maria kaya ginawa niaya kung ano
ang nararapat at sinabing “totoong ako’y nabulaga,ang aking nadarama’y naghahalong galit at
sakit na siyang dahilang nagpupuyos ang aking ligaw na damdamin.
3. Ilang beses na nagbubulay-bulay si maria,na kailangan niyang layuan ang kanyang
pinakamamahal na lalaki sa balat ng lupa upang maibalik lang ang kanyang kapatid na matagal
nang hinahanap.Ang sakit pang isipin na ang matagal na nawawalang kapatid niya ay ang taong
pinaglalaanan niya ng pagmamahalang na walang labis at walang kulang.
Hindi nagtagal nalaman na rin ni leo ang katotohanan!hindi siya
makapaniwala.Kaya agad niyang pinuntahan si maria upang linawin ang lahat.Nang dumatal na
ang binata..nakaharang ang magulang ni maria na siyang magulang din ng binata....at
ipinaliwanag ang lahat...........saka humingi ng tawad.Nangulimlim ang mukha ng binata ng
marinig na ito.Hindi niya na alam ang kanyang gagawin...hindi na niya na alam kung saan siya
tutungo.
Si maria ang nag-iisa niyang babae.Si maria ang mundo niya.........ngunit sa isang
kislap lang ay naging kapatid niya sa dugo.Halos mawala na sa katinuan sa pag-iisip si leo,kaya
pumunta siya sa simbahan upang tapusin ang kanyang buhay,dahil wala nang kabuluhan ang
kanyang buhay kung wala si maria.Ngunit may isang madreng pumigil sa kanya at sinabing
“hindi kamatayan ang solusyon sa dagok ng buhay eho...,”Pinayuhan ng maigi sa madre ang
binata at pinapunta ito sa Pari para mabigyan ng basbas upang malinawan ang kanyang pag-
iisip at para rin gabayan siya sa bawat desisyon na kanyang tinatahak.
Nang Makita na ni leo ang isang binata ngunit nakasuot pampari at bago ito sa
kanyang paningin.Tinanong niya ito..at isa nga siyang Pari na kakarating lang sa pook na
yaon.Humingi ng pabor ang binata na nais niyang magkumpisal at hindi naman nag aatubili ang
binatang Pari.
Nang marinig lahat ng pari ang lahat ng hinanakit ni leo.Hindi mapigil na pumatak
ang luha ng binatang pari,at wala siyang ibang sinabi kundi “sundin mo ang sigaw ng iyong
puso.Pakasalan mo ang babaeng nagpapatibok at nagbibigay kulay sa buhay mo”.Biglang umalis
ang binatang pari.
Yaon pala’y ang binatang pari na iyon ay siya palang nawawalang anak na matagal
nang hinahanap.
May dalawang sanggol na nakalapat sa kumbento.Nais sanang dalhin ang dalawang
sanggol sa kataas-taasang kumbento.Mayroong mayamang mag asawa na sabi na sabik
magkaroon ng isang anak ngunit hindi sila nabibiyaan.Kaya nagmakaawa ang mag-asawa sa
madre na nais nilang ampunin ang batang niyon.At yon si leo.
At ang lkalawang sanggol ay tanging nadala ng madre..na siyang kapatid ni maria na
naging isang disipolo ng Panginoon.
4. Alam ng binatang pari na mayroon siyang mga magulang.Hindi nilihim ng mga madre
kundi ipinapaalam ang dapat malaman ng bata.Hindi na nagpapakilala ang binatang pari dahil
ayaw niyang gambalain ang kanyang pamilya,ngunit sa sitwasyong kinkaharap ng dalawang nag-
iibigan ay pumunta ng may lakas na loo bang binatang pari upang ipagtapat ang tunay niyang
pagkatao.Nang nasabi na ito sa binatang pari,labis ang kagalakang nadarama ni maria.Tumakbo
at hinanap ang kanyang pinakamamahal na kasintahan....,ngunit hindi niya ito natagpuan.Sa
kanyang paghahanap,parang kidlat na gumuguhit sa kanyang alaala...........sa simbahan!...Oo sa
simbahan. Tumakbo ng mabilis ang dalagita patungong simbahan,hanggang sa nakita niya ang
inaasam-asam niyang nobyo.
Hindi nakapagsalita agad ang dalagita dahil sa sobrang paghihingal nito.Sa hindi
inaasahang pangyayari ,lumuhod at nagyaya ang binata na sana’y magpakasal na sila.
Lumuha sa kagalakan ang dalagita.Hinalikan niya ang mapupulang labi sa binata na ang
ibig sabihin nito’y.......buong puso niyang tinatanggap na maging kabiyak ang binata sa pang
habang buhay.....