Se ha denunciado esta presentación.
Utilizamos tu perfil de LinkedIn y tus datos de actividad para personalizar los anuncios y mostrarte publicidad más relevante. Puedes cambiar tus preferencias de publicidad en cualquier momento.

Ang paghahanap-ng-spices

kasaysayan

  • Sé el primero en comentar

Ang paghahanap-ng-spices

  1. 1. ANG PAGHAHAHANAP NG SPICES Spices- ito ay ang mga sangkap o pampalasa ng pagkain.
  2. 2. UNANG YUGTO NG KOLONISASYON
  3. 3. Mula noon ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa Spices na matatagpuan sa Asya. Ang Ilan sa mga Spices na may malaking Demand para sa mga Europeo ay ang: 1. Paminta 2. Cinnamon-isang spice na nakuha mula sa inner bark ng ilang mga puno na ginagamit sa parehong matamis at malasang pagkain. 3. Nutmeg- ay ang binhi ng puno, halos hugis itlog habang ang tungkod ay ang tuyo "lacy" namumulang pantakip o aril ng buto.
  4. 4. Ang kalakalan ng Spices ay kontrolado ng mga Muslim at mga Venetian ito ay nagadadala sa kanila ng malaking kita. Naghangad ang ibang bansa sa Europa na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng hindi dumedepende sa Italya at Arabia. Ang panlupang kalakalan ay di garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan.
  5. 5. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang maka hanap ng spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.
  6. 6. • Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. ito ang nagpakilala na maaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. • Bartholomeu Dias- isang Portuguese, isang maharlikang tagapagsilbi , siya rin ay isang Portuguese explorer.
  7. 7. • Noong 1497 naglakbay si Vasco da Gama isang Portuguese explorer at unang European na nakaaabot sa India sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat. • Umikot sa Cape of Good hope ang nasabing Expedisyon. • Tumigil sa ilang mga Trade Post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan, sa Calicut, India. • DITO NATAGPUAN NI DA GAMA ANG MGA MUSLIM AT HINDU NA NAKIKIPAGKALAKALAN NG MAHUHUSAY NA SEDA, PORSELANA, AT PAMPALASA NA PANGUNAHING KAILANGAN NILA SA KANILANG BANSA. • HINIMOK NYA ANG MGA ASYANONG MANGANGALAKAL NA MAGKAROON NG DIREKTANG PAKIKIPAGKALAKALAN SA KANILA NGUNIT DI SYA MASYADONG NAGTAGUMPAY DITO. ITINURING SYANG BAYANI DAHIL NALAMAN NG MGA PORTUGES ANG YAMAN NA MAYROON SA SILANGAN AT GANOON DIN ANG MAUNLAD NA KALAKALAN.
  8. 8. • PRINSIPE HENRY- nagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag- aanyaya ng mga mandaragat. • gathered together Portugal’s best sea captains, astronomers, chart makers, and navigators to develop new principles of sailing and navigation. “The Navigator”-patron ng mga manlalakbay. Sya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa • Monumento sa Lisbon Port
  9. 9. Ang paghahangad ng Spain ng Kayamanan mula sa Silangan • ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa silangan. - Ang kanilang pag-aasawa ay naging batayan para sa pampulitikang pag-iisa ng Espanya. - Nagpadala sila ng ekspidesyon sa silangan (Asya).
  10. 10. • CHRISTOPHER COLUMBUS -isang Italyanong manlalayag na namuno sa ekspidesyon ipinadala nina haring Ferdinand V at Reyna Isabell I. -Nakarating sa Bahamas na inakala nyang India. Tinawag nyang Indians ang mga tao doon (akala nya narating na nya ang Asya na napuntahan ni Marco Polo. -narating din nya ang Cuba, Haiti, at Dominican Republic (nakakuha ng maraming ginto para sa Espanya) -binigyan sya ng titulong “Admiral of the Ocean Sea”, viceroy, at Gobernador ng mga natagpuan isla.
  11. 11. • POPE ALEXANDER VI- naglabas ng Papal Bull at Gumuhit ng LINE OF DEMARCATION –(isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa North pole hanggang South Pole.) • Ipinapaliwanag nito na ang lahat ng matatagpuang kapuluan at katubigan sa kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa silangan ay para sa Portugal. • Papal Bull- special letter or document bearing the pope's own seal. Bull means seal.
  12. 12. PORTUGALSPAIN
  13. 13. NAGPETISYON ANG MGA PORTUGUESE NA BAGUHIN ANG NAUNANG LINYA, NAKIKITA NILA NA BAKA LUMAWAK ANG PAGGALUGAD NG SPAIN SA KANLURAN AT MAARING MAAPEKTUHAN ANG KANILANG KALAKALAN SA SILANGAN. KASUNDUAN SA TORDESILLAS-(1494) -napagkasunduan nila na baguhin at ilayo pakanluran ang line of demarcation. -Ipinakikita dito na noong panahong iyon pinaghahatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang mga bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga Europe.
  14. 14. ANG PAGLALAKBAY NI MAGELLAN
  15. 15. 1519- NAGSIMULA ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN. • ISANG PORTUGUESE NA PINUNDUHAN NG SPAIN. • NAKATAGPO NG GINTO AT PAMPALASA. • NAGTAGUMPAY NA MADALA ANG KOTOLISISMO SA MGA BANSANG NAPUNTAHAN. • NAPATUNAYAN NG EKSPEDISYON NA MAARING LIBUTIN ANG MUNDO
  16. 16. VICTORIA- NAG-IISANG BARKO NA NAKABALIK SA ESPANYA. HINDI NA NAKAUWI SI MAGELLAN DAHIL?
  17. 17. ANG MGA DUTCH
  18. 18. THE NETHERLANDS • SA PAGPASOK NG IKA-17 SIGLO NAPALITAN NG MGA DUTCH ANG MGA PORTUGUESE BILANG PANGUNAHING BANSANG KOLONYAL SA ASYA. INAGAW NILA ANG MOLUCCAS. NAGTATAG NG BAGONG SISTEMANG PLANTASYON KUNG SAAN ANG MGA LUPAIN AY PINATANIMAN NG MGA HALAMANG MABILI SA PAMILIHAN. ANG NAGING EPEKTO NITO AY ANG SAPILITANG PAG GAWA NA NAGING PATAKARAN NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS.
  19. 19. NAGKAROON SILA NG KOLONYA SA NORTH AMERICA, ASYA AT AFRICA. HENRY HUDSON- NANGUNA SA PAGLALAKBAY PARA SA MGA MANGANGALAKAL NA DUTCH.
  20. 20. MAS NAGTAGAL ANG KANILANG KAPANGYARIHAN SA ASYA DAHIL SA PAGKATATAG NG EAST INDIA COMPANY NOONG 1602. ANG MGA DAUNGAN NITO AY NAGBIGAY NG PROTEKSYON SA MONOPOLYO NG MGA DUTCH SA PAMINTA AT IBA PANG MG A REKADO.
  21. 21. • NOONGIKA 17 SIGLO, HUMINA ANG KAPANGYARIHANG KOMERSYONG MGADUTCH AT ITO’YNAPALITANNG ENGLAND BILANGPINAKAMALAKAS NA IMPERYONGPANGKATUBIGANNG EUROPE. • KASAGSAGAN NG PAG-USBONG NG REBULOSYONG INDUSTRIYAL SA ENGLAND.
  22. 22. EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON • 1. PAGLAKAS NG UGNAYAN NG SILANGAN AT KANLURAN. DULOT NG PAGKAKATUKLAS SA MGA LUPAING HINDI PA NAGAGALUGAD AT MGA SIBILISYONG HINDI PA NATUTUKLASAN) • 2. PAGPAPALAGANAP NG SIBILISASYONG KANLURANIN SA SILANGAN. • 3. PAGBABAGO NG ECOSYSTEM NG DAIGDIG BUNGA NG PAGPAPALITAN NG HAYOP, HALAMAN, AT SAKIT SA PAGITAN NG OLD WORLD AT NEW WORLD.
  23. 23. 4.PAGLINANG NG MGA KANLURANIN SA LIKAS NA YAMAN NG MGA BANSANG NASAKOP.NAGDULOT DIN ITO NG SULIRANIN SA MGA BANSANG NASAKOP TULAD NG PAGKAWALA NG KASARINLAN , PANINIKIL,AT PAGSASAMANTALA SA KANILANG LIKAS NA YAMAN. 5.INTERES SA MGA BAGONG PAMAMARAAN AT TEKNOLOHIYA SA HEOGRAPIYA AT PAGLALAYAG.
  24. 24. SINO ANG HIGIT NA NAKINABANG ANG KANLURANING BANSA? O ANG MGA SINAKOP NA BANSA? BAKIT?
  25. 25. PABOR KA BA NA MULING MAPASAILALIM SA MGA MANANAKOP ANG ATING BANSA? BAKIT?

×