2. Like sign kung tama ang pahayag at dislike sign kung mali.
1. Ang unang mababang paaralang pamparokya ay itinatag sa Bohol
2. Ang unang mataas na paaralang itinatag ng mga Heswita ay ang
San Ignacio
3. Ang unang paaralang pambabae ay ang Kolehiyo de Sta. Rosa
4. Ang pinakamatandang Unibersidad ay ang Unibersidad
ng Sto. Tomas
5. Ang dating Escuela Pia ay angAteneo de Manila
5. Pagbuo ng Tanong
Anu- ano ang epekto ng Edukasyong Kolonyal
sa mga Pilipino?
6. Paglalahad
Ang edukasyong ipinakilala ng mga
Espanyol ay nagdulot ng malaking pagbabago
sa buhay ng mga Pilipino.
Ito ang nagbukas ng isipan ng mga
Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa
kaunlaran at tagumpay sa buhay ng tao.
7. Paglalahad
Naging higit na masigasig ang mga
Pilipinong tumuklas ng karunungan at
magpakadalubhasa sa iba't ibang larangan.
Maraming natatanging Pilipino ang nakilala
dahil sa kahusayan sa pag-aaral kahit na
hinahadalangan pa ito ng mga Espanyol.
11. PagtalakayN
akatulong din ang edukasyon sa
pagbubukas ng mata ng mga Pilipino upang
magising ang kanilang diwang nasyonalismo.
Lumawak ang kanilang kaisipan at pananaw
di lamang para sa sarili kundi maging sa bayan.
Ang mga katuruan ng Simbahang Katoliko
gaya ng kagandahang asal, pagsisimba, at
pananampalataya sa Diyos ay higit na naging
katanggap-tanggap sa buhay ng mga Pilipino.
12. PagtalakayN
agkaroon din ng hindi magandang epekto ang
edukasyong kolonyal sa buhay ng mga Pilipino dahil natanim sa
kanilang isipang higit na maganda ang kulturang banyaga kaysa
sa sariling kultura.
Naging mababa ang pagtingin ng marami sa sariling
kulutura.
Pinilit nilang pag-aralan ang wikang Espanyol at namuhay
na parang mga Espanyol at ikinahiya ang pagka-Pilipino. Ang
damdaming ito'y lumikha ng takot, hiya at mababang pagtingin
sa sarili lalo na sa mga pangkaraniwang Pilipino
13. Paglalahat
Nagkaroon ng mabuti at di-mabuting epekto
ang edukasyong kolonyal sa mga Pilipino.
14. Paglalapat
Sa panahong kayo ay nakapagtapos na ng
inyong pag-aaral, kinakailangan bang ipagyabang
ang inyong nakamit sa buhay? Bakit? Ipaliwanag
ang inyong sagot.