Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 2 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 2 (Si Crisostomo Ibarra)
1. PAGBASA NG BIBLIYA:
(MGA SALMO 40: 2-5)
Nilay-Karunungan:
Kapag tayo ay nadapa o nawala sa
landas, ay tutulungan tayo ng Panginoon
para tayo ay manumbalik sa kanyang
kadakilaan
3. Natulala si Padre Damaso, hindi dahil sa magagandang dalaga,
hindi rin dahil sa Kapitan Heneral at sa mga alalay nito, kundi
sa pagpasok ni Kapitan Tiyago na hawak ang kamay ang isang
nakaluksang binata. Bumati ang binata. Pinakilala ni Kapitan
Tiyago na ang binata ay si Don Crisostomo Ibarra, anak ni Don
Rafael Ibarra. Nilapitan ni Tenyente Guevarra ang nagluluksang
binata. Nilapitan ni Ibarra si Padre Damaso, at inabot ang
kanyang kamay sa kura pero tinanggihan ito ni Padre Damaso.
Kinausap ng Tenyente si Ibarra at masaya siyang sinalubong at
sinabing siya ay mas mapalad pa sa kanyang ama. Sinabi ni
Ibarra na nawala ang kanyang alinlangan tungkol sa mga
bagay-bagay na hindi siya maliwanagan.
4. Nilapitan ni Ibarra ang mga nagkukwentuhan na mga lalaki, at
sinabi niya na may kaugalian sa Alemanya na kapag walang
gustong magpakilala sa panauhin ay siya na rin mismo ang
magpapakilala sa kanyang sarili. Pinakilala ni Ibarra ang
kanyang sarili bilang Don Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.
Sinabi rin niya na siya ay nanirahan sa Europa sa loob ng
pitong taon para siya ay makapag-aral. Kinausap siya ni
Kapitan Tinong, kaibigan ni Don Rafael Ibarra at Kapitan
Tiyago, at iniimbitahan si Ibarra na makisalo sa isang salo-salo
kinabukasan. Malugod na tinanggap ni Ibarra ang imbitasyon
pero sabi niya na siya ay aalis kinabukasan patungong San
Diego.
5. • Racial Superiority
• Crab Mentality
• Pagka-inggit sa kapwa
Mga Kanser sa Lipunan na
katatagpuan sa kabanata:
6. • Bakit napatigagal o natulala si Padre
Damaso noong nakita niya si Don
Crisostomo Ibarra? Ipaliwanag.
Mga Katanungan:
7. • Ilarawan ang anyo ni Don Crisostomo
Ibarra. Alin sa kanyang mga katangian
ang lubos mong hinahangaan? Bakit?
Mga Katanungan:
8. • Bakit nagpakilala si Crisostomo Ibarra
sa kanyang sarili sa mga panauhin?
Ipaliwanag.
Mga Katanungan: