1. Bornales, Juffer Denn C. Fil. 3 Retorika TTh(7:30-9am)
BA-Communication II Ika- 19 ng Marso 2013
Kahit Hindi
Ako’y papasok sa klasing ‘di ko gusto,
Asignaturang Retorika, hindi pa handang matuto,
Akala ko’y paksang ito’y mahirap pakisamahan,
Mali ako, nakakuha nga maraming kaalaman.
Iba’t-ibang pagsubok ang aking naranasan,
Sapagkat pagiging tulog mantika’y ‘di maiwasan,
Umagang-umaga paman din ang asignaturang ito,
Nakisabay pa, gurong nagtambak ng maraming proyekto.
Kahit maraming gawain ang ‘di nagawa,
Sana nama’y butihin naming guro’y pakitaan ako ng awa,
Kahit papaano nama’y ginawa ko ang lahat,
Ngayo’y maraming bagay ang sa aking utak ay batak.
Ang tiwala sa sarili ko’y nabuo,
Sa pagharap sa klase, ‘di na litong-lito,
Mga mabulaklak na salita’y nadagdag sa bokabolaryo,
Sa mga kaalamang ito’y handa nang humarap sa buong mundo.