SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 16
FLORANTE AT
LAURA
(Saknong 290-315)
TALASALITAAN:
Pagal
Moog
Matatap
Soldados
Hirap
Tore
Makilala
Sundalo
290
"Tatlong araw noong piniging ng hari
sa palasyo real na sa yama't bunyi
ay di nakausap ang punong pighati
na inaasahang iluluwalhati.
291
“Dito ko natikman ang lalong hinagpis,
higit sa dalitang naunang tiniis;
at binulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
292
"Salamat at noong sa kinabukasan,
hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan,
sandaling pinalad na nakapanayam
ang prinsesang bumihag niring katauhan.
293
"Ipinahayag ko ng wikang mairog,
ng buntunghininga, luha at himutok,
ang matinding sintang ikinalulunod
magpahanggang ngayon ng buhay kong
kapos.
294
"Ang pusong matibay ng himalang dikit,
nahambal sa aking malumbay na hibik;
dangan ang kaniyang katutubong bait
ay humadlang disin sinta ko'y nabihis.
295
"Nguni't kung oo'y di man binitiwan,
naliwanagan din sintang nadirimlan;
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan
ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal.
296
"Dumating ang bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit;
dini sa puso ko'y alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng kaniyang kalis.
297
"May sakit pa kayang lalalo ng tindi
na ang sumisinta'y mawalay sa kasi;
guniguni lamang di na ang mangyari,
sukat ikalugmok ng pusong bayani.
298
"O, nangag-aalay ng mabangong suob
sa dakilang altar ni kupidong diyos,
sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok
noong maulila sa Laura kong irog!"
299
"At kung hindi luhang pabaon sa akin,
namatay na muna bago ko naatim;
dusang di lumikat hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.
300
"Kuta'y lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang talagang pangwalat,
siyang paglusob ko't ng hukbong akibat,
ginipit ang digmang kumubkob sa syudad.
301
"Dito'y ang masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal
sa paggapas nila't pagkitil ng buhay
ng naghihingalong sa dugo'y naglutang
302
"Makita ng piling Heneral Osmalic
ang aking marahaas na pamimiyapis,
pitong susong hanay na dulo ng kalis,
winahi ng tabak nang ako'y masapit.
303
"Sa kaliwa't kanan niya'y nalaglag
mga soldados kong pawang mararahas;
lumapit sa aking mata'y nagniningas,
Halika, aniya't kita ang maglamas.
304
"Limang oras kaming hindi naghiwalay,
hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
nagluksa ang langit nang aking mapatay...
habag sa gererong sa mundo'y tinakpan.
305
"Siya nang pagsilid ng pangingilabot
sa kalabang hukbong parag sinasalot
ng pamuksang tabak na Minandrong bantog...
ang kampo't biktorya'y napa-aming lubos.
306
"Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbay
ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso'y naging katuwaan,
ang pinto ng syudad pagdaka'y nabuksan.
307
"Sinalubong kami ng haring dakila,
kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula
sa di magkawastong nagpupuring dila.
308
"Yaong bayang hapo't bagong nakatighaw
sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang,
malapit sa aki't damit ko'y mahagkan.
309
"Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,
vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong salamat, nagtanggol sa amin
dininig sa langit ng mga bituin.
310
"Lalo ang tuwa nang ako'y matatap
na apo ng hari nilang nililiyag;
ang monarko nama'y di-munti ang galak,
luha ang nagsabi ng ligayang ganap
311
"Nagsiakyat kami sa palasyong bantog
at nangapahinga ang soldadong pagod;
datapwa't ang baya'y tatlong araw halos
na nakalimutan ang gawaing pagtulog.
312
"Sa ligaya namin ng nuno kong hari,
nakapagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
malaon nang lanta'y nanariwang muli.
313
"Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo'y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya't tali nang nakasunod
makapitong lumbay o hanggang matapos.
314
"Naging limang buwan ako sa Krotona
nagpilit bumalik sa Reynong Albanya;
di sinong susumang sa akay ng sinta
kung ang tinutungo'y lalo't isang Laura.
315
"Sa gayong katulin ng aming paglakad,
naiinip ako't ang nasa'y lumipad;
aba't nang matanaw ang muog ng syudad,
kumutob sa aking puso'y lalong hirap!
Thank you 

Más contenido relacionado

La actualidad más candente

Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
Lykka Ramos
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
jergenfabian
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Mary Rose Ablog
 
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang PandaigdigAng Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Jeanlyn Arcan
 

La actualidad más candente (20)

Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Florante at laura buod
Florante at laura buodFlorante at laura buod
Florante at laura buod
 
Sa Babasa Nito
Sa Babasa NitoSa Babasa Nito
Sa Babasa Nito
 
Hinagpis ni florante
Hinagpis ni floranteHinagpis ni florante
Hinagpis ni florante
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at LauraKaligirang kasaysayan ng florante at Laura
Kaligirang kasaysayan ng florante at Laura
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Kay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaarKay estella-zeehandelaar
Kay estella-zeehandelaar
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang gintoKung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
Kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Kabanata 13
 Kabanata 13 Kabanata 13
Kabanata 13
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
 
Florante at Laura: Gererong Matikas
Florante at Laura: Gererong MatikasFlorante at Laura: Gererong Matikas
Florante at Laura: Gererong Matikas
 
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang PandaigdigAng Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 

Destacado (9)

Michael Alfaro
Michael AlfaroMichael Alfaro
Michael Alfaro
 
Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Armas
ArmasArmas
Armas
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Kabanata 18: Mga Kadayaan
Kabanata 18: Mga KadayaanKabanata 18: Mga Kadayaan
Kabanata 18: Mga Kadayaan
 
Cold war
Cold warCold war
Cold war
 
Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 

Último

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 

Último (20)

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 

FLORANTE AT LAURA

  • 3. 290 "Tatlong araw noong piniging ng hari sa palasyo real na sa yama't bunyi ay di nakausap ang punong pighati na inaasahang iluluwalhati. 291 “Dito ko natikman ang lalong hinagpis, higit sa dalitang naunang tiniis; at binulaan ko ang lahat ng sakit kung sa kahirapan mula sa pag-ibig.
  • 4. 292 "Salamat at noong sa kinabukasan, hukbo ko'y lalakad sa Krotonang Bayan, sandaling pinalad na nakapanayam ang prinsesang bumihag niring katauhan. 293 "Ipinahayag ko ng wikang mairog, ng buntunghininga, luha at himutok, ang matinding sintang ikinalulunod magpahanggang ngayon ng buhay kong kapos.
  • 5. 294 "Ang pusong matibay ng himalang dikit, nahambal sa aking malumbay na hibik; dangan ang kaniyang katutubong bait ay humadlang disin sinta ko'y nabihis. 295 "Nguni't kung oo'y di man binitiwan, naliwanagan din sintang nadirimlan; at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal.
  • 6. 296 "Dumating ang bukas ng aking pag-alis, sino ang sasayod ng bumugsong sakit; dini sa puso ko'y alin ang hinagpis na hindi nagtimo ng kaniyang kalis. 297 "May sakit pa kayang lalalo ng tindi na ang sumisinta'y mawalay sa kasi; guniguni lamang di na ang mangyari, sukat ikalugmok ng pusong bayani.
  • 7. 298 "O, nangag-aalay ng mabangong suob sa dakilang altar ni kupidong diyos, sa dusa ko'y kayo ang nakatatarok noong maulila sa Laura kong irog!" 299 "At kung hindi luhang pabaon sa akin, namatay na muna bago ko naatim; dusang di lumikat hanggang sa dumating sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.
  • 8. 300 "Kuta'y lulugso na sa bayong madalas ng mga makinang talagang pangwalat, siyang paglusob ko't ng hukbong akibat, ginipit ang digmang kumubkob sa syudad. 301 "Dito'y ang masidhing lubhang kamatayan at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal sa paggapas nila't pagkitil ng buhay ng naghihingalong sa dugo'y naglutang
  • 9. 302 "Makita ng piling Heneral Osmalic ang aking marahaas na pamimiyapis, pitong susong hanay na dulo ng kalis, winahi ng tabak nang ako'y masapit. 303 "Sa kaliwa't kanan niya'y nalaglag mga soldados kong pawang mararahas; lumapit sa aking mata'y nagniningas, Halika, aniya't kita ang maglamas.
  • 10. 304 "Limang oras kaming hindi naghiwalay, hanggang sa nahapo ang bato ng tapang; nagluksa ang langit nang aking mapatay... habag sa gererong sa mundo'y tinakpan. 305 "Siya nang pagsilid ng pangingilabot sa kalabang hukbong parag sinasalot ng pamuksang tabak na Minandrong bantog... ang kampo't biktorya'y napa-aming lubos.
  • 11. 306 "Tagumpay na ito'y pumawi ng lumbay ng mga nakubkob ng kasakunaan; panganib sa puso'y naging katuwaan, ang pinto ng syudad pagdaka'y nabuksan. 307 "Sinalubong kami ng haring dakila, kasama ang buong bayang natimawa; ang pasasalamat ay di maapula sa di magkawastong nagpupuring dila.
  • 12. 308 "Yaong bayang hapo't bagong nakatighaw sa nagbalang bangis ng mga kaaway, sa pagkatimawa ay nag-aagawang, malapit sa aki't damit ko'y mahagkan. 309 "Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil, vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw; ang gulong salamat, nagtanggol sa amin dininig sa langit ng mga bituin.
  • 13. 310 "Lalo ang tuwa nang ako'y matatap na apo ng hari nilang nililiyag; ang monarko nama'y di-munti ang galak, luha ang nagsabi ng ligayang ganap 311 "Nagsiakyat kami sa palasyong bantog at nangapahinga ang soldadong pagod; datapwa't ang baya'y tatlong araw halos na nakalimutan ang gawaing pagtulog.
  • 14. 312 "Sa ligaya namin ng nuno kong hari, nakapagitan din ang lilong pighati; at ang pagkamatay ng ina kong pili, malaon nang lanta'y nanariwang muli. 313 "Dito naniwala ang bata kong loob na sa mundo'y walang katuwaang lubos; sa minsang ligaya't tali nang nakasunod makapitong lumbay o hanggang matapos.
  • 15. 314 "Naging limang buwan ako sa Krotona nagpilit bumalik sa Reynong Albanya; di sinong susumang sa akay ng sinta kung ang tinutungo'y lalo't isang Laura. 315 "Sa gayong katulin ng aming paglakad, naiinip ako't ang nasa'y lumipad; aba't nang matanaw ang muog ng syudad, kumutob sa aking puso'y lalong hirap!