042009 Cdm In The Philippines Promises And Realities Neth Dano
042009 W S1 Input Upland Communities, Landslides And Flashfloods
1. Workshop: Problems and proposed solutions
Upland Communities,
Flashfloods and Landslides
1st National Grassroots Conference on Climate Change
20-22 April 2009
Balay Kalinaw, UP Diliman, Quezon City
2. Balangkas
• Batayang kaalaman
• Flashflood
• Landslide
• Climate change, flashflood at landslide
• Pagtugon sa panganib
3. Flashflood
A. Ano ang flashflood?
B. Paano nagkakaroon ng flashflood?
C. Mga dapat isaalang-alang sa panganib
ng flashflood
6. Flashflood
A. Ano ang flashflood?
– Ang flashflood ay ang biglaang paglaki at
pag-apaw ng tubig sa isang ilog patungo
sa karatig na mababa o patag na lugar
7. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Biglaang malakas na pag-ulan
2. Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa
kabundukan
3. Biglaang paglipat ng aktibong channel ng
ilog
4. Iba pang salik:
a. Pagkasira/pagkaubos ng kagubatan
b. Matarik na watershed
c. Dami ng ilog sa watershed
8. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
– Dahil sa biglaang malakas na ulan,
• ang ibabaw ng lupa ay mabilis na napupuno ng
tubig
• lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng
lupa at masipsip ng mga ugat ng halaman
• mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa
mga sapa at ilog flashflood
11. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Biglaang pagtagas ng naipong tubig
• dam
– natural (landslide o log jam na nagbara sa
ilog)
– Artipisyal na istruktura
• lawa sa kabundukan
12. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Biglaang paglipat ng aktibong channel (daluyan)
ng ilog
• Kapag malakas ang agos ng tubig sa ilog,
maaaring mag-iba ng dinadaluyan ang tubig, at
pumunta ito sa lugar na hindi karaniwang
dinadaluyan ng ilog.
• Kadalasang nangyayari sa
– Alluvial fan (bahagi ng ilog na nasa hangganan ng
matarik na kabundukan at ng kapatagan)
– Alluvial plain (kapatagang binabagtas ng malaking ilog)
13. Flashflood
Kapag lumaki ang tubig sa ilog
sa kabundukan, maaaring
biglang lumipat ang aktibong kabundukan
channel ng ilog saanmang
bahagi ng alluvial fan.
Alluvial fan
kapatagan
kabundukan
Alluvial fan
Mga alluvial fan sa Laur at
kapatagan Gabaldon, Nueva Ecija
14. Flashflood
Alluvial plain
Bagong bahagi ng aktibong
Dating channel ng ilog channel pagkatapos ng baha
15. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Iba pang salik:
• Kapag nasira o nawala ang kagubatan…
– Walang mga puno at halamang nagpapabagal sa
pagbagsak at pag-agos ng ulan sa lupa
– Sinisiksik ng direktang patak ng ulan ang ibabaw
ng lupa lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa
ilalim ng lupa
– Walang mga punong sisipsip ng tubig mula sa
lupa
– Mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa
mga sapa at ilog flashflood
18. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Iba pang salik:
• Kadalasang nangyayari ang flashflood sa mga ilog
na nasa matatarik na lugar (hal. kabundukan)
– Kapag mas matarik ang kalupaan, mas mabilis na
nakakababa ang tubig patungo sa mga ilog at sapa
Mabagal na pagbaba Mabilis na pagbaba sa
sa ilog ng tubig ulan ilog ng tubig ulan
19. Flashflood
A. Paano nagkakaroon ng flashflood?
1. Iba pang salik:
• Kapag mas maraming ilog sa watershed, mas
mabilis na nakakababa ang tubig at mas
malaki ang pagbabaha
Mabilis na pagbaba sa
Mabagal na pagbaba
ilog ng tubig ulan
sa ilog ng tubig ulan
20. Flashflood
A. Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng
flashflood
1. Mabilis na rumaragasa
– Maaaring di sapat ang panahon para lumikas
2. Kadalasang may dalang putik, buhangin,
bato, at/o puno
– Mas may kakayanang tumangay (highly erosive)
kaysa bahang kalakhan ay tubig lamang.
– Maaaring mabaon sa mga ito paghupa ng baha
21. Flashflood
A. Mga dapat isaalang-alang sa panganib ng
flashflood
1. Malayo ang nararating
– Malawak na apektadong lugar
– Maaaring makaranas ng flashflood ang lugar na
hindi nakaranas ng malakas na ulan.
2. Madaling magbago ng active channel ang
flashflood
3. Maaaring magdulot ng landslide ang
flashflood dahil sa pag-uka ng mga
matatarik at matataas na pampang ng ilog
22. Landslide
A. Ano ang landslide?
B. Paano nagkakaroon ng landslide?
C. Mga dapat isaalang-alang sa panganib
ng landslide
26. Landslide
A. Ano ang landslide?
– Ang landslide ay ang paggalaw ng mga bato,
buhangin, putik at/o lupa pababa ng isang slope.
– Ang paghila ng gravity ang pangunahing dahilan ng
landslide.
– Maaring mabagal o mabilis ang paggalaw
– Ang paraan ng paggalaw ay bilang
• Isa/ilang malaking tipak o bloke (block failure)
• Buhaghag at tuyong pag-agos (dry flow o avalanche)
• Buhaghag at may kahalong tubig (wet flow o debris flow)
27. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
– Sa isang slope, may timbangan ng
pwersang nagpapagalaw (driving force) at
pwersang pumipigil sa paggalaw (resisting
force).
Pwersang Pwersang pumipigil
nagpapagalaw < sa paggalaw
Pwersang Pwersang pumipigil
nagpapagalaw > sa paggalaw LANDSLIDE!!!
30. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
– Ang timbangan ng pwersa ay naaapektuhan ng
• Pressure ng tubig sa loob ng slope
• Pagyanig
• Tibay (strength) ng bato o lupa
• Pagkakaroon ng mga bitak o puwang (discontinuities) na
maaaring pagdulasan ng bato o lupa at ang katangian ng
mga ito
• Tarik at taas ng slope
• Dagdag na bigat sa slope
• Pagbabago sa tarik ng slope
• “Anchoring” ng mga ugat ng puno
31. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang pressure ng
tubig sa loob ng
slope ay
nagpapaliit sa
pwersang pumipigil
sa paggalaw
32. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang epekto ng pagyanig
ay tulad din ng epekto ng
tubig sa slope. Lumiliit ang
pwersang pumipigil sa
paggalaw.
Ang pagyanig ay maaaring
dulot ng lindol, pagsabog
ng bulkan, mga artipisyal
na pagpapasabog o
transportasyon.
Mga landslide sa Hilagang Luzon
dahil sa lindol noong July 16 1990 .
33. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang pag-uka sa ibaba ng slope dahil sa paggawa ng
kalsada ay bumabawas sa pwersang pumipigil sa
paggalaw ng slope.
34. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang pag-uka
sa ibaba ng
slope dahil sa
erosion ng ilog
ay bumabawas
sa pwersang
pumipigil sa
paggalaw.
35. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang dagdag na bigat
sa slope (mula sa
mga istruktura at sa
irrigation
tubig) ay nagpapalaki
sa pwersang
nagpapagalaw, at pool or
pond
kung gayon ay
maaaring magresulta septic
system
sa landslide.
39. Landslide
A. Paano nagkakaroon ng landslide?
Ang pagkasira o
pagkaubos ng
kagubatan ay
nagdudulot ng
pagbawas sa
pwersang
pumipipigil sa
paggalaw.
Mga landslide sa kalbong bundok ng New Zealand
40. Landslide
A. Mga dapat isaalang-alang sa panganib
ng landslide
– Saan maaaring mag-landslide?
– Kailan nagkakaroon ng landslide?
– Laki ng landslide (magnitude)
• Mas malaki mas mabilis ang landslide, mas
malaki ang lugar na maaapektuhan
– Dalas ng pag-landslide (frequency)
• Mas malaki mas madalang
• mas maliit mas madalas
41. Landslide
A. Mga dapat isaalang-alang sa panganib
ng landslide
– Bilis ng landslide (velocity)
• Mas mataas at mas matarik ang pinanggalingan
mas mabilis
• May nakikita bang mabagal o maliitang paggalaw
ng slope ilang oras o araw bago magkaroon ng
malaking landslide?
– Pinakamalayong maaabot ng landslide
(runout)
• Mas mataas at mas malaki mas malayo ang
maaabot
• Aabutan ba ang komunidad?
42. Climate change,
flashflood at landslide
• Ang climate change ay magdudulot
ng
– mas madalas at/o malakas
na mga pag-ulan
– pagtaas ng temperatura
– Pagtaas ng sea level
43.
44. Climate change,
flashflood at landslide
Inaasahang magiging mas madalas at/o
malawakan ang mga flashflood at landslide
dahil sa climate change.
Nangangahulugan ito ng mas malaking panganib
sa mga mahirap na komunidad na nasa
kabundukan o matataas na lugar at sa iba
pang sektor na bulnerable sa naturang mga
panganib.
45.
46. Climate change,
flashflood at landslide
Ang mga polisiya, programa at proyekto
ng gobyernong sumisira sa mga
kabundukan at kagubatan ay higit na
magpapalala sa epekto ng climate
change.
47. Pagtugon sa panganib
• Hazard mapping
– Saan maaaring maganap ang flashflood o
landslide?
– Gaano kadalas?
– Gaano kalaki?
– Aling mga lugar ang pwedeng maapektuhan?
48. Pagtugon sa panganib
• Hazard monitoring
– Landslide
• Ano’ng kondisyon ng pag-ulan ang nagdudulot nito? (rain
gauge network)
• Pag-rekord sa mga depormasyong nagaganap sa kalupaan
– Flashflood
• Ano’ng kondisyon ng pag-ulan ang nagdudulot nito? (rain
gauge network)
• Ano ang palugit na panahon sa pagitan ng peak rainfall at
peak flow? (rain gauge at stream gauge network)
49. Pagtugon sa panganib
• Hazard warning
– Nakabatay sa resulta ng mapping at
monitoring
– Pagpapaabot ng impormasyon para sa pagpili
ng akmang aksyon batay sa antas ng
panganib
50. Pagtugon sa panganib
• Hazard mitigation
– Structural
• Slope and bank protection; drainage improvement;
bioengineering
– Non-structural
• Appropriate land use
• Rehabilitation/protection of forest lands and
watersheds
51. Pagtugon sa panganib
• Vulnerability reduction and capacity-
building
– Improve livelihood and promote welfare of
vulnerable communities
– Instill awareness of hazards
– Develop organizational capability in CBDM