SlideShare una empresa de Scribd logo
1 de 2
Maraming taon na’ng pinagdidiskusyunan ang pagmamay-ari sa isang maliit na grupo ng mga isla sa West Philippine Sea na diumano’y may malaking
deposito ng langis at enerhiya. Ang Spratly Group of Islands o ang Kalayaan Group of Islands – isang pulutong ng mga pirasong lupa na bahagyang
makikita kapag low tide at nawawala sa paningin kapag high tide – pero magkagayunman ay pinag-aagawan ng mga bansang nakapaligid sa karagatang
dati’y tinatawag na South China Sea. Sa lahat ng nakikiagaw na bansa, ang hindi ko maintindihan ay ang pakikisali ng bansang Tsina sa pang-aangkin ng
Spratlys. Paano? Bakit? Ano ang gusto nilang ipamukha sa atin?

 Daan-daang taon na ang tagal ng pinagsamahan ng Tsina at Pilipinas sa napakaraming larangan ng buhay. Para sa atin, hindi na lamang basta-basta
dayuhan ang tingin natin sa kanilang mga mamamayan kundi bahagi na rin ng ating kasaysayan at kultura. Milyun-milyong patunay ang nagpapakita ng
impluwensiyang ito – sa pagkain, sa pilosopiya, sa pagpapatakbo ng mga negosyo’t industriya at marami pang iba.

Pero sa likod ng makulay na pagkakapatiran ng dalawang bansa sa matagal na panahon, hindi nito natakpan ang mga masasaklap na di-pagkakasundo ng
mga Tsino at Pilipino sa napakaraming pagkakataon. Nariyan ang mga isyu ng pisikal na pang-aapi, pambabastos sa pagkakakilanlan ng mga pinagmamalaki
nilang lahi, banggaan ng mga pinaniniwalaan at pagwaksi sa mga di magandang gawain ng isa’t isa. Marami sa mga ito ang muntikan nang makasira sa
magandang diplomatiko’t pang-ekonomiyang ugnayan ng Tsina at Pilipinas, pero sabi nga ng marami, mas mahalaga pa rin ang matagal nang
pinagsamahan kaysa pagtalunan ang mga bagay na maaari namang pag-usapan at solusyunan.

Tulad ng sabi ko kanina, hindi na dayuhan ang tingin natin sa mga Tsino. Sila ang mga pangunahing namumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas kaya’t bukas-
palad natin silang tinatanggap sa ating lupain. Marami nang Tsino ang dito na nanirahan, nagkaanak, bumuo ng pamilya’t namuhunan sa kanilang mga
negosyo. Ang iba nga sa kanila’y nakilala na dahil sa pagiging primera klaseng negosyante ng ating bansa. Sino ba ang mga may-ari ng SM, Robinson’s,
Philippine Airlines, Manila Bulletin, 168 at ng napakarami pang malalaking korporasyon?

Kung tutuusin, mga Tsino ang pangunahing nagpapatakbo ng komersyo sa Pilipinas. Pero sa kabila nito, inaabuso ng iilan sa kanila ang kalayaang binibigay
natin sa kanila. Kontraktwalisasyon, labis na oras ng trabaho, kulang sa non-wage benefits, at minsan pa’y sinasamantala ang kahirapan, ang ating pagiging
mabait at masipag para maitawid ang kanilang mga gawaing hindi naaayon sa batas ng Republika. Hinahayaan nating pagalawain sa kanilang mga palad
ang kapalaran ng ating mga kakayahan para lang maging progresibo ang ating ekonomiya. Ang iba pa sa kanila ay malayang nakakapasok ng bansa nang
walang kaukulang dokumento. Sila pa ang may layang gumawa ng mga ilegal na aktibidad at mismong mga inosenteng Pilipino pa ang kanilang ginagamit
upang isakatuparan ang mga ito.

Ang isyu ng pag-agaw ng Tsina sa Spratlys ay isang sitwasyong nagdadala sa aking hinala na tila gusto nilang sakupin ang ating lupain. Mukhang nais nilang
ulitin ang ginawa sa atin noon ng Espanya at Amerika, na kahit milya-milya ang layo sa atin ay kinokonsidera nila tayong kolonya. Mahigit 500 NM ang
distansya ng Tsina mula sa Spratlys. Ito ay sobrang layo kung ikukumpara sa distansya natin dito na 80 NM LANG ang layo mula sa Palawan. Ayon pa sa
United Nations Convention on Law of the Seas, lahat ng nasasakupan ng 200 NM mula sa kalupaan ng bansa ay PAMAMAHALAAN AT PANGANGALAGAAN
NG PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. Ibig lang sabihin nito, PASOK sa territorial jurisdiction natin ang Spratlys.

Kung ang pang-aangkin nilang ito ay kabayaran sa mga tinulong ng kanilang pamahalaan at ng kanilang mga mamamayan sa loob ng napakaraming taon,
ito ay hindi katanggap-tanggap na dahilan. Gayundin, kung ang masyadong pagtutulak nila na mapasakanila ang Spratlys ay kabayaran sa mga nangyari sa
Manila Hostage Crisis noong isang taon at ang pag-aangkat ng droga ng mga Pilipinong kanilang binitay sa kanila noong Marso, hindi pa rin ito sapat na
kadahilanan. Noon pa man, sila ang unang tumuntong sa lupain natin upang ikalakal sa ibang lahi ang kanilang mga produkto. Ang mga mamamayan nila
ang pumapasok sa mga gawaing di-kaaya-aya na pati Pilipino o kung sinumang nangangailangan ay dinadamay nila sa mga ito. Ang masakit pa, ang mga
nadadamay ang nagbabayad sa kanilang kasalanan at tuluyang nagpapalayo sa kanilang mga pamilya na narito sa bansa. Sila ang dumadayo rito kaya’t sila
ang dapat sumunod sa pinapairal nating batas at sa mga pandaigdigang batas na sinusunod din natin.

Walang humpay ang pasasalamat natin dahil isa ang Tsina sa mga nagdala sa Pilipinas sa modernong pamumuhay ngayon at sa mga susunod pang
panahon. Maaaring nakagawa sila ng monopolyo ng negosyo sa ating bansa na nagkakaroon naman ng magagandang epekto sa buhay nating mga Pilipino.
Pero sa usapang pananakop ng teritoryo, sana, maisip ng Tsina na wala na tayo sa panahong barbaro na nananakop ng mga lupain upang makahuthot ng
kayamanang hindi para sa kanila. Lubos ang kapangyarihang pampulitikal at kakayahang pangmilitar ng Tsina, kumpara sa atin na ang pinanghahawakan
lang ay ligal na kasunduang pang-teritoryal at paanyayang magkaroon ng pag-uusap sa isang maayos na diplomatikong pamamaraan.

Sana maisip ng Tsina na ang Spratlys, kung ito man ay may tinatagong ‘kayamanan’, at kung pinapahalagahan nila ang pagkakaibigang meron sila ng
ating bansa, ay dapat na nilang ibalato sa atin dahil atin talaga ito at tayo ang mas nangangailangan ng mga ito.

Ang mga 'isla ng Spratly, o tinatawag ding Kalayaan Group of Islands, ay matatagpuan sa bandang South China Sea o kilala na ngayon sa tawag na West
Philippine Sea. Ang kontrobersiyal na mga islang ito ay binubuo ng mga tangrib, mga maliliit na pulo, at mga pulo na nagtataglay ng likas-yamanyaman na
pinagaagawan ng pamahalaan at ekonomiya ng mga bansang umaangkin nito. Ang West Philippine Sea, kung saan matatagpuan ang mga isla ng Spratly,
ang pangalawa sa pinakaabalang karagatan sa buong mundo kung saan madalas dumadaan ang mga malalaking bapor na nagsasakay ng mga langis pang-
kalakal. Bukod pa rito, ang bahagi ng karagatang iyon ay mayaman sa gaas at langis kung kaya't isang malaking potensiyal para sa isang bansa ang lokasyon
ng mga isla ng Spratly. Inaangkin ito ng mga bansang Brunei, Malaysia, Vietnam, Taiwan, Tsina, at Pilipinas. Walang naitalang naninirahan sa mga isla ng
Spratly ngunit may makikitang mga kwartel ng militar mula sa iba't ibang bansang umaangkin nito.

Ang lahat ng isla ng Spratly ay inaangkin ng Tsina, Taiwan, at Vietnam. Ang ibang isla naman ay inaangkin ng Pilipinas, Brunei, at Malaysia. Nagsimula ang
pagtatalo ukol sa tunay na nagmamay-ari nang madiskubre ang likas-yamang makukuha sa mga isla. Kahit na ang Spratly ay hindi maaring sakahin, at hindi
nakakabuhay ng anumang produkto at mga hayop, pinagtibay ng mga umaangking bansa ang kagandahan ng lokasyon nito para sa pamamaraang militar.
Bukod pa rito, mayaman sa reserba ng langis ang Spratly. Tinatayang 25 bilyon toneladang reserba ng langis ang taglay ng Spratly katumbas ng
pinagsamang reserba ng langis sa Kuwait at Nigeria. Sa kasalukuyan, wala pang nagagawang teknolohiyang may kapangyarihang hatakin ang mga
reserbang natutulog sa oceanic crust. Nais ng Tsina na makipatulungan sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa pagkilatis sa mga yamang
maaring makuha mula sa Spratly. Tulad ng Pilipinas, sinabi ng Tsina na nais nila nang isang mapayapang pagkikipag-ayos hinggil sa debate upang
mapanatili ang kapayapaan at istabilidad ng rehiyon. Upang maisakatuparan ito, pumirma sa isang kasunduan na pinamagatang Declaration of the Code of
Conduct ang Tsina at ang mga bansang kasapi ng ASEAN noong Nobyembre 2002. Ang kasunduang ito ay upang mapagtibay rin ang relasyon ng Tsina sa
mga kasaping bansa ng ASEAN. Noong Marso 2005, ang mga kompanya ng langis sa Tsina, Pilipinas, at Vietnam ay pumirma ng kasunduan ng
pagkakaunawaan na manguna sa mga marine seismic activity sa mga isla ng Spratly.
Spratly island

Más contenido relacionado

Destacado

Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Kurio // The Social Media Age(ncy)
 

Destacado (20)

AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 
ChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slidesChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slides
 
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike RoutesMore than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
 

Spratly island

  • 1. Maraming taon na’ng pinagdidiskusyunan ang pagmamay-ari sa isang maliit na grupo ng mga isla sa West Philippine Sea na diumano’y may malaking deposito ng langis at enerhiya. Ang Spratly Group of Islands o ang Kalayaan Group of Islands – isang pulutong ng mga pirasong lupa na bahagyang makikita kapag low tide at nawawala sa paningin kapag high tide – pero magkagayunman ay pinag-aagawan ng mga bansang nakapaligid sa karagatang dati’y tinatawag na South China Sea. Sa lahat ng nakikiagaw na bansa, ang hindi ko maintindihan ay ang pakikisali ng bansang Tsina sa pang-aangkin ng Spratlys. Paano? Bakit? Ano ang gusto nilang ipamukha sa atin? Daan-daang taon na ang tagal ng pinagsamahan ng Tsina at Pilipinas sa napakaraming larangan ng buhay. Para sa atin, hindi na lamang basta-basta dayuhan ang tingin natin sa kanilang mga mamamayan kundi bahagi na rin ng ating kasaysayan at kultura. Milyun-milyong patunay ang nagpapakita ng impluwensiyang ito – sa pagkain, sa pilosopiya, sa pagpapatakbo ng mga negosyo’t industriya at marami pang iba. Pero sa likod ng makulay na pagkakapatiran ng dalawang bansa sa matagal na panahon, hindi nito natakpan ang mga masasaklap na di-pagkakasundo ng mga Tsino at Pilipino sa napakaraming pagkakataon. Nariyan ang mga isyu ng pisikal na pang-aapi, pambabastos sa pagkakakilanlan ng mga pinagmamalaki nilang lahi, banggaan ng mga pinaniniwalaan at pagwaksi sa mga di magandang gawain ng isa’t isa. Marami sa mga ito ang muntikan nang makasira sa magandang diplomatiko’t pang-ekonomiyang ugnayan ng Tsina at Pilipinas, pero sabi nga ng marami, mas mahalaga pa rin ang matagal nang pinagsamahan kaysa pagtalunan ang mga bagay na maaari namang pag-usapan at solusyunan. Tulad ng sabi ko kanina, hindi na dayuhan ang tingin natin sa mga Tsino. Sila ang mga pangunahing namumuhunan sa ekonomiya ng Pilipinas kaya’t bukas- palad natin silang tinatanggap sa ating lupain. Marami nang Tsino ang dito na nanirahan, nagkaanak, bumuo ng pamilya’t namuhunan sa kanilang mga negosyo. Ang iba nga sa kanila’y nakilala na dahil sa pagiging primera klaseng negosyante ng ating bansa. Sino ba ang mga may-ari ng SM, Robinson’s, Philippine Airlines, Manila Bulletin, 168 at ng napakarami pang malalaking korporasyon? Kung tutuusin, mga Tsino ang pangunahing nagpapatakbo ng komersyo sa Pilipinas. Pero sa kabila nito, inaabuso ng iilan sa kanila ang kalayaang binibigay natin sa kanila. Kontraktwalisasyon, labis na oras ng trabaho, kulang sa non-wage benefits, at minsan pa’y sinasamantala ang kahirapan, ang ating pagiging mabait at masipag para maitawid ang kanilang mga gawaing hindi naaayon sa batas ng Republika. Hinahayaan nating pagalawain sa kanilang mga palad ang kapalaran ng ating mga kakayahan para lang maging progresibo ang ating ekonomiya. Ang iba pa sa kanila ay malayang nakakapasok ng bansa nang walang kaukulang dokumento. Sila pa ang may layang gumawa ng mga ilegal na aktibidad at mismong mga inosenteng Pilipino pa ang kanilang ginagamit upang isakatuparan ang mga ito. Ang isyu ng pag-agaw ng Tsina sa Spratlys ay isang sitwasyong nagdadala sa aking hinala na tila gusto nilang sakupin ang ating lupain. Mukhang nais nilang ulitin ang ginawa sa atin noon ng Espanya at Amerika, na kahit milya-milya ang layo sa atin ay kinokonsidera nila tayong kolonya. Mahigit 500 NM ang distansya ng Tsina mula sa Spratlys. Ito ay sobrang layo kung ikukumpara sa distansya natin dito na 80 NM LANG ang layo mula sa Palawan. Ayon pa sa United Nations Convention on Law of the Seas, lahat ng nasasakupan ng 200 NM mula sa kalupaan ng bansa ay PAMAMAHALAAN AT PANGANGALAGAAN NG PAMAHALAAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. Ibig lang sabihin nito, PASOK sa territorial jurisdiction natin ang Spratlys. Kung ang pang-aangkin nilang ito ay kabayaran sa mga tinulong ng kanilang pamahalaan at ng kanilang mga mamamayan sa loob ng napakaraming taon, ito ay hindi katanggap-tanggap na dahilan. Gayundin, kung ang masyadong pagtutulak nila na mapasakanila ang Spratlys ay kabayaran sa mga nangyari sa Manila Hostage Crisis noong isang taon at ang pag-aangkat ng droga ng mga Pilipinong kanilang binitay sa kanila noong Marso, hindi pa rin ito sapat na kadahilanan. Noon pa man, sila ang unang tumuntong sa lupain natin upang ikalakal sa ibang lahi ang kanilang mga produkto. Ang mga mamamayan nila ang pumapasok sa mga gawaing di-kaaya-aya na pati Pilipino o kung sinumang nangangailangan ay dinadamay nila sa mga ito. Ang masakit pa, ang mga nadadamay ang nagbabayad sa kanilang kasalanan at tuluyang nagpapalayo sa kanilang mga pamilya na narito sa bansa. Sila ang dumadayo rito kaya’t sila ang dapat sumunod sa pinapairal nating batas at sa mga pandaigdigang batas na sinusunod din natin. Walang humpay ang pasasalamat natin dahil isa ang Tsina sa mga nagdala sa Pilipinas sa modernong pamumuhay ngayon at sa mga susunod pang panahon. Maaaring nakagawa sila ng monopolyo ng negosyo sa ating bansa na nagkakaroon naman ng magagandang epekto sa buhay nating mga Pilipino. Pero sa usapang pananakop ng teritoryo, sana, maisip ng Tsina na wala na tayo sa panahong barbaro na nananakop ng mga lupain upang makahuthot ng kayamanang hindi para sa kanila. Lubos ang kapangyarihang pampulitikal at kakayahang pangmilitar ng Tsina, kumpara sa atin na ang pinanghahawakan lang ay ligal na kasunduang pang-teritoryal at paanyayang magkaroon ng pag-uusap sa isang maayos na diplomatikong pamamaraan. Sana maisip ng Tsina na ang Spratlys, kung ito man ay may tinatagong ‘kayamanan’, at kung pinapahalagahan nila ang pagkakaibigang meron sila ng ating bansa, ay dapat na nilang ibalato sa atin dahil atin talaga ito at tayo ang mas nangangailangan ng mga ito. Ang mga 'isla ng Spratly, o tinatawag ding Kalayaan Group of Islands, ay matatagpuan sa bandang South China Sea o kilala na ngayon sa tawag na West Philippine Sea. Ang kontrobersiyal na mga islang ito ay binubuo ng mga tangrib, mga maliliit na pulo, at mga pulo na nagtataglay ng likas-yamanyaman na pinagaagawan ng pamahalaan at ekonomiya ng mga bansang umaangkin nito. Ang West Philippine Sea, kung saan matatagpuan ang mga isla ng Spratly, ang pangalawa sa pinakaabalang karagatan sa buong mundo kung saan madalas dumadaan ang mga malalaking bapor na nagsasakay ng mga langis pang- kalakal. Bukod pa rito, ang bahagi ng karagatang iyon ay mayaman sa gaas at langis kung kaya't isang malaking potensiyal para sa isang bansa ang lokasyon ng mga isla ng Spratly. Inaangkin ito ng mga bansang Brunei, Malaysia, Vietnam, Taiwan, Tsina, at Pilipinas. Walang naitalang naninirahan sa mga isla ng Spratly ngunit may makikitang mga kwartel ng militar mula sa iba't ibang bansang umaangkin nito. Ang lahat ng isla ng Spratly ay inaangkin ng Tsina, Taiwan, at Vietnam. Ang ibang isla naman ay inaangkin ng Pilipinas, Brunei, at Malaysia. Nagsimula ang pagtatalo ukol sa tunay na nagmamay-ari nang madiskubre ang likas-yamang makukuha sa mga isla. Kahit na ang Spratly ay hindi maaring sakahin, at hindi nakakabuhay ng anumang produkto at mga hayop, pinagtibay ng mga umaangking bansa ang kagandahan ng lokasyon nito para sa pamamaraang militar. Bukod pa rito, mayaman sa reserba ng langis ang Spratly. Tinatayang 25 bilyon toneladang reserba ng langis ang taglay ng Spratly katumbas ng pinagsamang reserba ng langis sa Kuwait at Nigeria. Sa kasalukuyan, wala pang nagagawang teknolohiyang may kapangyarihang hatakin ang mga reserbang natutulog sa oceanic crust. Nais ng Tsina na makipatulungan sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa pagkilatis sa mga yamang maaring makuha mula sa Spratly. Tulad ng Pilipinas, sinabi ng Tsina na nais nila nang isang mapayapang pagkikipag-ayos hinggil sa debate upang mapanatili ang kapayapaan at istabilidad ng rehiyon. Upang maisakatuparan ito, pumirma sa isang kasunduan na pinamagatang Declaration of the Code of Conduct ang Tsina at ang mga bansang kasapi ng ASEAN noong Nobyembre 2002. Ang kasunduang ito ay upang mapagtibay rin ang relasyon ng Tsina sa mga kasaping bansa ng ASEAN. Noong Marso 2005, ang mga kompanya ng langis sa Tsina, Pilipinas, at Vietnam ay pumirma ng kasunduan ng pagkakaunawaan na manguna sa mga marine seismic activity sa mga isla ng Spratly.