3. Nag- uusap sa telepono ang magkaklase.
Inaantok ka na ba, Ben?
Hindi pa naman. Hinihintay ko nga
ang tawag mo.
Bukas nga pala ay
pupunta ako riyan.
Magpapaturo lang ako
sa iyo ng pagluluto.
Tumawag ka muna bago ka pumunta.
Lalabas kasi kami ng nanay ko.
Sige, magkita sana
tayo bukas.
May sakit ka yata?
Hindi, inaantok lang ako. Bye.
Bye.
4. Sa ating mga pahayag o pagsasabi ng ating nadarama o naiisip,
may mga ginagamit tayong katagang nagbibigay ng iba’t- ibang
kahulugan sa ating mga pahayag.
Pansinin ang kahulugan ng mga payahag na may mga salitang
sinalungguhitan sa usapan.
Inaantok ka na ba? Hindi pa naman.
Bukas nga pala. Tumawag ka muna.
Lalabas kasi kami. Magpapaturo lang ako.
Magkita sana tayo. May sakit ka yata?
Inaantok lang ako. Hihintayin ko nga ang tawag mo.
5. Pansinin natin ang pangungusap sa ibaba.
Aalis siya.
Ngayon, dagdagan natin ang pangungusap na nasa itaas ng mga pang-
abay na ingklitik.
Aalis pala siya. Aalis na siya.
Aalis na nga siya. Aalis yata siya.
Aalis kasi siya. Aalis sana siya.
May nabago ba sa kahulugan ng pagungusap? Ngayon, pare- parehas
ba ang pakahulugan ng bawat pangungusap?
6. TANDAAN:
Ang mga ingklitik ay maiikling katagang
walang kahulugan sa kanilang sarili subalit
nakapagpapabago ng kahulugan ng
pangungusap.
Mga ingklitik
Ba Pa Na Nga Man Daw
Raw Yata Pala Kaya Kasi Muna
Lang Din/rin Naman Lamang Tuloy
7. Gawain #1: Ibigay ang angkop na ingklitik na bubuo sa
bawat pangungusap.
1. Ikaw _________ ang dumating?
2. Umalis na ____ siya at may gagawin pa ako.
3. Darating ____ mamaya ang bisita.
4. Nagmamadali ___ siya’t nalimutan niyang kumain?
5. Dumating naman ___ siya?
6. Umalis ____ siya dahil nainip sa paghihintay sa iyo.
7. Kumain ___ sila bago umalis.
8. Hindi ka ___ tumawag bago pumarito.
9. Naglalaba ___ siya hanggang ngayon.
10. Pupunta ____ raw siya ngayon.
8. Gawain #2: Sabihin ang kahulugang ipinahahayag ng
bawat ingklitik sa pangungusap.
1. Hindi man lamang siya tumawag upang
magpaalam.
2. Umalis na kaya siya?
3.Babalik daw naman siya.
4. Bumalik sana siya agad.
5.Hinihintay mo pala siya.
9. Gawain #3: Magbigay ng mga pahayag na ginagamit ang
sumusunod na mga ingklitik. Sundan ang halimbawa.
1. Nahuli kasi ako.
2. pala
3. nga
4. sana
5. muna
6. naman
7. lang
8. pa
9. tuloy
10. raw
10. Gawain #4: Pahabain ang bawat pangungusap sa
pamamagitan ng ingklitik.
1. Dumating ang tatay.
2. Nasa pulong ang mga tao.
3. Kumain ang mga bisita.
4. Narito ang ate mo.
5. Masaya si Lina.
6. Umaawit kami.
7. Nag- aaral ang bata.
8. Sasama ka?
9. Bumili siya ng sapatos.
10. Hindi siya nagpaalam.
11. Gawain #5: Buuin ang tula. Ilagay ang wastong ingklitik
na nawawala sa bawat saknong ng tula.
Sa isang punongkahoy, di- malayo sa sapa
May isang munting ibong dumapo sa sanga;
Galing sa paglalakbay at tila pagod ____
Kaya nagduya’t nagpahinga ____.
Nagkataon ___ may daraang batang
Maghahatid ng baon sa amang magsasaka;
Takot datapwat sa paglakad na nag- iisa
Kaya nasabing bata’y may tirador ______
12. Bata palibhasa’y sa itaas ang tingin
Namamahingang ibo’y nakita man din;
Kinuha ang tirador sinipat ng tingin
At patatamaan ____ ibong nahihimbing.
Mayroon ___ langgam na di- nalalayo
Nagmamasid _____ sa batang nakatayo;
Nang mapagtanto nitong pakay ay di- mabuti
Bata’y nilapitan at kinagat nang matindi
Sa masidhing sakit bata’y napasigaw
Sa pagkakabigla ibo’y napabalikwas;
At lumipad ______ palayo, paitaas
Sa tirador ng bata siya’y nakaiwas.
Notas del editor
Tungkol saan ang usapan ng magkamag- aral? Ano- ano ang napansin mo sa kanilang usapan?
Ano- ano ang mga kahulugang ipinahahahyag ng mga katagang ginamit?